Chapter Fifteen


“HOLY SHIT it worked!”

Hindi maiwasan ni Prima na matawa habang binabasa ang mensahe Benison.

Isang linggo lang ang nakakaraan nang bigyan niya ng advice ang kaibigan dahil problemado ito sa lovelife. Pero ngayon mukhang grabe ang saya dahil naging maayos din. 

Siya kaya? Kailan kaya siya magiging maayos? 

Mahinang natawa si Prima. Sa gulo ba naman ng buhay niya ay mag-iisip pa siyang may pag-asa pa para sa kanya? Pero kung sa tutuusin, may pag-asa pa naman. Nasa tabi pa niya si Kite. 

“Sino 'yan? Si Mr—I mean, si Benison?” Speaking of the devil.

Hinarap niya ang lalaki na dala-dala ng kawali. Tina-transfer na nito sa malokong ang nilutong Beef Teriyaki. 

Tango lang ang binigay niyang sagot. Tumayo siya upang kumuha ng mga pinggan at kutsara. 

“You know, you don't have to hide your relationship from me. As long as hindi nakakaabala sa work, then I'll support you.”

Kunwa'y nagniningning ang mga mata ni Prima na tiningnan si Kite. “Talaga, Kite?”

“Y-Yeah…” tila may tinik sa lalamunan na sagot nito. 

Pinaikutan niya ito ng mata. “Wala kaming relasyon ni Benison, okay? Isang linggo na nating pinag-uusapan, pinagpipilitan mo pa rin, kulang na lang halikan kita para ipakita sa ‘yo, eh.” 

Mukhang nagulat ito sa kanyang sinabi kaya’y napaurong ang ulo palayo sa kanya. “Naniwala naman ako sa ‘yo… inaasar lang naman kita…” 

Naniningkit ang mga mata ni Prima habang hindi mabura ang ngising nakapaskil sa labi. “Or maybe, gusto mong halikan kita kaya inaasar mo pa rin ako?” she said teasingly and started walking towards him. 

Hindi naman agad nakagalaw si Kite sa kinatatayuan. Tila ba inaantipasyon din ang kaniyang paglapit. Pinadulas pa niya ang daliri mula sa leeg nito patungong dibdib. She drew circles over his clean and lean chest that was covered by his clothes.

Bahagyang nakaawang ang mga labi ng lalaki na tinititigan siya. Samantalang si Prima naman ay mas inilapit ang mukha sa tainga nito. Gamit ang isang kamay, ipinaikot niya ‘yon sa batok ni Kite at marahang bumulong dito. 

“Kakain na…” 

Napatayo ng tuwid si Kite nang patakan niya ng halik ang gilid ng labi nito bago umalis sa tabi at umupo na sa hapag-kainan. Hanggang sa pag-upo ay hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Kite na ikinatawa naman ni Prima. 

“Kite,” tawag niya. “Kumain na.” Agad namang tumikhim si Kite at sinunod ang kanyang inutos. 

Sa gitna ng pagkain ay nagawa ni Kite na tumigil upang magbigay ng anunsyo. “Mamaya samahan mo ako, may kikitain tayong taong gustong mag-invest para sa resto.” 

“What? Bakit ako? Si Bang-Bang na lang.” Hindi siya pwede ngayon, kailangan niyang umuwi sa Kalibo upang kitain si Peña at Patricia. Nangako pa naman siyang ililibre niya ng Jollibee ang bata. Paano na ito ngayon? 

“May kailangan siyang asikasuhin kaya hindi siya makakasama.” 

“But that is her work, ano pang mas mahalaga niyang aasikasuhin kung hindi ang trabaho?” 

Kite shrugged. “Well, herself.” 

Natigilan si Prima. “I’m sorry, what?” 

Kite sighed. “She quit her job. Ang sabi niya sa akin, she’s been chasing something na inaakala niyang magpapaka-buo raw sa kanya when in fact, ang makakapagpa-buo lang daw sa kanya ay ang tanggapin na lang ang sarili niya. Which is good for her. She’s done enough for me.” 

“Oh, sayang naman, magaling pa naman sa trabaho si Bang-Bang…” 

“Well, I mean it’s okay, I understand her reason.” 

She tapped Kite’s hand. “But still it’s a big loss for you. Nakakapag-taka nga na nag-quit siya, mukhang crush ka pa naman no’n.” 

Nangunot ang noo ni Kite. “Huh?” 

“Kinwento niya kasi sa akin ‘yong about sa unang pagkikita nito, kinikilig pa nga siya noon.” 

“Really? Ano’ng kwento niya sa ‘yo?” 

At buong pagkain nila ay ikinuwento niya kay Kite ang kinwento sa kanya ni Bang-Bang noong mahuli sila nito na may ginagawang kababalaghan sa loob ng opisina ni Kite. 

Matapos ang kanyang kwento ay natawa naman si Kite. Halos magdikit ang mga kilay ni Prima nang marinig ang pagtawa ni Kite sa kanyang kwento. Kinikilig din ba ito?

“Bakit ka tumatawa?” 

“Hindi ako ‘yong lalaking ikinuwento niya sa ‘yo.” 

“What do you mean?” 

“‘Yong kwento niya ng una naming pagkikita, hindi ako ‘yon. Una kaming nagkakilala ni Bang-Bang nang ipakilala ng lalaki roon sa kwento ni Bang-Bang si Bang-Bang sa akin.” 

Napanganga si Prima sa sinabi ni Kite sa kanya. Ibig-sabihin ay nagsinungaling si Bang-Bang? Pero bakit naman? Hanggang sa maalala niya ang dahilan kung bakit ito nag-kwento sa kanya. 

“That biatch!” usal niya. 

Kite chortle. “Bakit?” 

“Kinuwento niya sa akin ‘yon para inggitin ako! Naku!” 

Tumawa lang si Kite ngunit tumigil nang magsalitang muli, “Anyway, are you in? Para kitain ang investor?” 

Napakamot ng batok si Prima. Gusto niya sanang sumama pero hindi naman pwede. Nakakainis naman, bakit ba kasi siya nangako sa batang ‘yon? Ayaw rin naman sa kanya ni Peña so why would she even bother making her happy? 

Bumuntong-hininga si Prima. “Hindi ba pwede si Tiffany or si Raevin? Mga investors din naman sila at malapit ka nilang kaibigan, mas maganda kung makikipag-usap sila sa investor na ‘yon, right?” 

Tinitigan lang siya ni Kite. “So, hindi ka pwede mamaya?” 

“Sorry, hindi, eh,” nakangiwing sagot ni Prima. 

“It’s okay. Kikitain ko na lang siya mag-isa. Anyway, bakit ka pala kumuha ng day off? Do you have a date with… you know who.” 

Prima let out an exasperated sigh. “And we’re back at it again.” 

“I’m just kidding!” natatawang saad ni Kite.

ANG SIKIP.

Kung hindi lang talaga nangako si Prima sa batang iyon ay hindi siya makikipag-buwis buhay sa kasipikan ng jeep na kasalukuyan niyang sinasakyan para lang makauwi pabalik ng Kalibo. 

“Isa pa, isa pa!” 

Prima glared at the barker. “Sigurado ka, kuya? ‘Di na kami magkasya rito, oh!” reklamo pa niya. 

Umiling ang lalaki. “Kasya pa ‘yan, usog lang kayo, ‘yong isa sa gitna! Pakikandong na lang ang mga bata.” 

Mas lalong nalukot ang mukha ni Prima nang marinig ang sinabi ng lalaking ‘yon. Napamata tuloy siya sa mag-inang napipisa sa kanyang harapan. Nakakandong ang batang lalaki sa ina nitong batid niyang kasing-edad niya lang. Nasa gitna ng dalawang malalaking lalaki ang mag-ina kaya’t mas lalong hindi makagalaw ang ina. 

Dumako naman ang paningin niya sa pinakadulong upuan ng jeep. Naroon naman ang isang ama na dala-dala ang dalawang anak. Parehong nakakandong at halata niyang nabibigatan na ang lalaki. 

Isa namang estudyante ang halos maging octopus na sa dinami-dami ng dinadala dahil nga sa wala ng espasyo pa upang paglagyan ng kanyang mga gamit. Napapikit na lang si Prima. She should mind her business, kaya lang hindi niya ‘yon magawa kaya naman sa pagdilat ng kanyang mga mata ay isang malakas na kalabog ang kanyang pinakawalan. 

Nakaramdam siya ng kahihiyan nang mapansing lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Napalunok siya, ramdam niya ang pamumula ng mukha pero dahil isa siyang bad bitch, hindi niya ‘yon pinahalata. Tumikhim si Prima. 

“Ano sa tingin mo kami? Mga masasarap na sardinas na pinagsiksikan sa isang lata ng Mega Sardines?” 

Natigilan ang barker sa kanyang sinabi. Napakamot ito sa batok na basa na ng pawis dahil sa pagbababad sa init. “Nagtatrabaho lang naman po ako, Ma’am.” 

Pinagkrus niya ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib. “At sumasakay lang naman ako. Hindi mo ba nakikitang hindi na kami kasya rito? Bakit pinagpipilitan mo pa ring ipagkasya kami?” 

Inangatan niya ng kilay ang mga pasahero sa kanyang paligid. Nakuha naman ng mga ito ang kanyang pinapahiwatig. 

“Ay, oo nga.” 

“True, naku, sira na ang beauty ko!” 

“I agree.” 

Matapos marinig ang pag-alsa ng mga kapwa pasahero ay bumalik ang tingin niya sa barker. Nalukot ang mukha nito sa inis at pinuntahan ang sa tingin niya’y driver ng jeep. Umiling ang lalaki bago pinabalik ang barker. 

Napalunok ang barker nang makita ang matalim niyang mga tingin. 

“A-Ah, isa na lang, oh!” Napabuntong-hininga si Prima sa inis, kasabay pa no’n ay ang pag-iling ng kanyang ulo. 

Kahit ano talagang gawin nilang pagrereklamo, walang gagawin ang mga ito hanggang sa gustuhin ng mga ito. 

Ilang saglit pa ang kanilang hinintay bago umarangkada ang jeep. Pero sa napakamalas nga ba naman ni Prima. Pinoy na pinoy ang kanyang nakatabi. Grabe kung magpakain!

Pinisik niya ang iilang buhok na tumatabing sa kanyang mukha’t bibig. Samantalang ang babae namang may-ari no’n ay tahimik na nakamasid sa labas ng jeep at may nakapaslak pang earphone sa tainga nito. 

Huminga ng malalim si Prima at pinigilang paganahin ang bunganga bago ang utak. Siya na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman kay Ate girl, umikot si Prima sa kanyang kaliwa ngunit sa sobra niyang malas, isang hindi kaaya-ayang amoy ang sumalubong sa kanya.

Pinigilan niyang mag-make face. Ayaw niyang maging bad trip kung kikitain man niya ang batang ‘yon mamaya. Minsan lang naman silang mag-bonding kahit na napilitan lang siya, ayaw naman niyang sirain ‘yon. Kaya ginagawa ni Prima ang lahat ng kanyang makakaya para lang hindi siya mag-beast mode bago kitain ang anak. 

Mabuti na lang, narating na ng jeep ang bababaan niya. Agad na nakahinga nang maluwag si Prima pagkababa na pagkababa ng sasakyan.

Inayos niya ang buhok na nilipad at ini-stretch ang damit bago naglakad na papasok ng City Mall. 

Hinanap agad ng mga mata ni Prima si Patricia sa food court. Nasabi kasi ni Patricia na roon daw sila tatambay na dalawa.

“Prima, kanina ka pa namin hinihintay,” anang Patricia mula sa likuran. 

Hindi na siya sumagot at umupo na lamang sa nakalaan na table nila. Sa kanyang pag-upo ay natanaw siya ni Peña, agad itong napasimangot. 

Sumimangot na rin si Prima dahil sa nakitang reaksyon ng anak pagkakita sa kanya. Pinaikutan niya pa ito ng mata bago muling hinarap si Patricia. 

“Umupo ka na, kailangan ko na ring pumila para makapag-order,” kinuha ni Prima ang wallet mula sa bag bago tumayo. “Peña, ano ba’ng gusto mo at nang matapos na ito?” 

Hindi sumagot si Peña kaya napilitang magsalita si Patricia. “Spaghetti with fries ang gusto niya, ‘yon palagi ang request niya sa akin.

Tumaas ang kilay ni Prima sa narinig. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kaniyang dibdib— kirot na tila ba kinukurot ang kaniyang puso. Kung siguro lang ay nag-effort siya na mas mapalapit sa anak ay hindi na niya kinakailangan pang tanungin ang gusto nito. Kung siguro lang ay hindi niya ito hinayaang lumaki na wala sa tabi niya, kakausapin pa rin siya nito at hindi madidismaya pagkakita sa kaniyang napakagandang mukha. 

Pero mali kasi siya, eh. Mas inuna niyang isipin ang sarili bago ang kapakanan ng sariling anak. Tama nga ang hinuha ni Kite sa kanya, she’s selfish. 

Binasa niya muna ang labi bago tumango-tango. “Ikaw? Ano’ng gusto mo?” tanong niya na ang tinutukoy ay si Patricia. 

“Ah, spaghetti at burger lang,” maikli nitong tugon. 

Mabilisan lang ang kanyang pag-order dahil wala ng masiyadong tao sa loob ng food court ng City Mall. Pagkabalik niya dala-dala ang tray ng kanilang pagkain. Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan ang masasayang ngiting nakapaskil sa mga mukha nito. 

Hindi siya makapaniwalang sasabihin niya ito pero naiinggit siya. Naiinggit siya dahil hindi niya nagawang pangitiin ng ganyan kalapad ang sariling anak, naiinggit siya dahil hindi niya man lang magawang maka-bonding ang anak ng walang awayan, naiinggit siya dahil mas magaling pang maging ina si Patricia kaysa sa kanya. Naiinggit siya— 

Huminga ng malalim si Prima at hindi hinayaan ang mga nararamdaman na mauna bago sa kanya. May plastikadang ngiti siyang umupo sa harapan ng dalawa. At mula noon, sabay-sabay silang kumain. 

“WOW, ang ganda,” may manghang papuri ni Peña sa mga damit na naka-display sa store. Hinila ng bata ang laylayan ng damit ni Patricia. “Tingnan mo, Mommy, ang ganda!” 

Napaikot naman ng mata si Prima. “Sabihin mo na lang kung gusto mong kunin, ‘di mo na kailangang mag-turo,” mataray niyang sabi na dahilan upang magpalitan ang nagniningning na mga mata ng isang madilim na paningin.

Nakalabi itong tumalikod sa kanila at dumiretso patungo sa fitting room. Agad na napangunot ng noo si Prima samantalang tumakbo naman kasunod si Patricia. Dinala na rin ng sariling paa si Prima patungo sa fitting room. 

Pagkarating ay naririnig na niya ang malalakas na pagkatok ni Patricia sa pintuan ng isa sa fitting room. Ngunit tila walang tao sa loob ng fitting room dahil wala pa ring nagbubukas. 

“Please, Peña, kausapin mo si Mommy…” pakiusap pa ni Patricia. 

Humalukipkip lang si Prima at pinanood ang mga nangyayari sa kanyang harapan. If that was her, she wouldn’t beg. Alam naman niya na lalabas din ang bata dahil sa pagkayamot. 

Bumuga ng malalim na hininga si Patricia. “Hayaan mo na lang siya at—” 

“Pwede bang manahimik ka kahit saglit lang?” Napamaang si Prima sa narinig. Nag-aapoy sa galit ang mga matang nakatingin sa kanya si Patricia. “Napaka-masyado mo rin kasi, eh! Ang akala ko pa naman may magbabago sa ‘yo sa dalawang linggo mong pags-stay sa “tatay” ng anak mo, pero hindi, eh, walang nagbago! Immature at selfish ka pa rin, Prima!” 

“Ano… ano ba ‘yang sinasabi mo?” 

“Putang-ina! Hindi mo ba nakikita? Grow up, Prima, twenty-six ka na pero kung makaakto ka para ka pa ring sixteen years old! ‘Yang ka-immature-an mo ang dahilan kung bakit nasasaktan si Peña everytime na nakakasama ka. Kung ayaw mo siyang kitain, kung ayaw mo siyang alagaan, kung ayaw mo sa kanya, e ‘di ‘wag.” Patricia choked on her words. “A-Alam mo bang excited ‘yan na makita ka bago kami umalis ng bahay? Gusto niya pa ngang ipakita sa ‘yo ‘yong art na ginawa ng class nila last week para raw maging masaya ka naman o ngumiti kapag nakikita siya. She’s trying hard to impress you, Prima, pero ano’ng ginawa mo? Gusto mo agad na matapos itong pakikipagkita sa kanya. 

“Sana kung… kung hindi mo rin pala gusto si Peña, sana hinayaan mo na lang ako na palakihin siya ng mag-isa. Kasi ako ‘yong nasasaktan para sa bata, eh, araw-araw niyang iniisip kung kailan ka ngingiti kapag kaharap siya, kailan mo raw siya lalambingin, kailan ka raw magiging proud sa kanya, ang bata-bata pa ni Peña pero nago-overthink na agad siya. It’s not normal, Prima, dapat ang childhood niya ay masaya, masagana, kasama ang inang nagmamahal sa kanya! Pero nasaan ka? Hinahanap ang “kasagutan” para sa sarili mo na nangyari ten years ago! Ten years ago na ‘yon!” 

Sa pakikinig sa mga sinabi ni Patricia, hindi na niya namalayan ang mga luhang namamalibis sa kanyang pisngi. Pinipiga na tila isang basang tela ang kanyang puso habang pinakikinggan ang hinagpis sa bawat salitang binibitawan ng kaibigan.

Pero kahit na nasasaktan pa rin siya at alam niyang tama ito, tao lamang si Prima, kaya nanatili ang pride niya. 

“‘Yon na nga, eh! Sampung taon na nangyari pero hindi ko pa rin magawang bitawan, f-feeling ko na-stuck ako sa katauhan ko noong sixteen ako kaya siguro ganito ako umakto. Pero hindi ko kasalanan ‘yon! ‘Yong mga bagay na nangyari sa akin noon, ito ‘yong nag-resulta ngayon, ‘wag mo akong sisisihin sa bagay na hindi ko naman kailanman hawak! Sa tingin mo ba hindi ako nag-try na mapalapit ulit sa anak ko? Sinubukan ko, Patricia, pero magaling ka lang talagang ina kaysa sa akin. Wala akong maternal instinct, Patricia, dahil hanggang ngayon sixteen pa rin ang isip ko, kasi hindi naman talaga dapat ‘to mangyari, eh. Kung si Peña dapat nag-eenjoy pa ng childhood niya, paano ako? Hindi ko nga man lang naranasan din ‘yon. Naisip mo ba ako? Naisip mo ba kung ano’ng pinagdadaanan ko? Naisip mo ba kung gaano kahirap itong gawin ko? Kung gaano kahirap na tanggaping hanggang dito na lang ang buhay ko? Na wala na akong mararating sa buhay maliban sa pagiging ina?

“Palibhasa kasi napakadaling sabihin para sa ‘yo na— ganito, gan’yan lang ang nangyayari dahil hindi mo naman buhay ang nasira! Wala kang obligasyon, Patricia, wala kang obligasyon na bumuhay at magpakain ng batang hindi mo naman ginusto!” 

Isang malapad na palad ang dumapo sa kanyang pisngi. Malakas ang pagkakadapo dahilan para manakit iyon at mamula. Gulat siyang napatingin kay Patricia na hindi pa rin tumitila sa pag-iyak, pero ang mga mata ay punong-puno ng emosyong kailan man hindi niya nakitang tumingin sa kanya. 

“‘Yong obligasyon na sinasabi mo, saan doon ang ginawa mo?” Mapakla itong natawa nang hindi siya makasagot. “Wala ‘di ba? Kasi ako ang gumawa, kaya ‘wag mo akong susumbatan sa obligasyon na ‘yan. And no, Prima, hind ang nangyari sa ‘yo noon ang dahilan kung bakit ka gan’yan, you’re just using the “that night card” para i-justify ang mga mali mong hindi mo kayang tanggapin na mali ka talaga at kasalanan mo ang lahat. Naghahanap ka lang ng bagay na maisisisi sa kasalanan mo.” 

Natahimik si Prima. Tama ito.

Kasalanan niya. Kung bakit naging ganoon ang resulta ng bagay na nangyari sa kanya. Kung bakit ganito siya. Kasalanan niya ang lahat ng ‘yon dahil siya ang may kontrol sa sarili niya ngunit hindi man lang niya nagawa. Dapat hindi siya nagpaka-reckless noon para hindi siya mahirapan ngayon pero wala, eh, tapos na. Ang kailangan na lang niyang gawin ay lunukin ang mapait na alak na pinili niyang inumin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top