Chapter Eighteen
Napamulat si Prima sa nararamdamang tila may humahaplos ng kanyang buhok. Sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi nang makitang si Kite iyon.
Nagulat naman ito sa kanyang paggising pero agad ding ngumiti nang makita ang kanyang naging reaksyon. Pinatakan siya nito ng halik sa noo.
“Good morning,” bati pa nito.
Hindi siya nakuntento sa halik nito at nagnakaw pa ng halik mula sa labi ni Kite.
“Good morning din.” Iniangat niya ang katawan at humiga patagilid kay Kite. Gamit ang kamay, pinatong niya ang mukha roon. “About kahapon, I understand kung ayaw mo nang mangyari 'yon ulit. I get it. We're both emotional, masiyado lang nag-bottled up sa atin 'yong emotions.”
Matagal bago nakasagot sa kanya ang lalaki. “T-Totoo ba?” kapagkuwang tanong nito.
“Ang alin?”
“‘Yong sinabi mo kahapon. That you l-like me too…”
“Oo naman, duh, nag-sex na tayo't lahat itatanong mo pa sa akin 'yan?” binuntutan niya pa 'yon ng mahinang pagtawa.
Nakaka-amuse ang pagiging mahiyain ni Kite after their sex. Tila ba virgin itong kakasuko lang ng sarili. 'Di mo aakalaing ito ang umiiandayog sa kanya kahapon lang.
Lumapad ang ngiti nito sa kaniyang sagot. “Uhm, gumising ka na diyan, nag-luto na ako ng breakfast. Heavy breakfast ang niluto ko para sa nawalang energy k-kahapon.”
Tumayo na silang dalawa at tinungo ang hapag-kainan.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng inihanda ni Kite. Totoo nga ang sinasabi nitong heavy breakfast. Merong french toast, eggs, bacon, at hindi rin mawawala ang kanin pati na rin ang pancake. Nagtimpla rin ito ng Tang Orange Juice flavor at meron pang naka-reserve na mango yogurt.
Feeling tuloy ni Prima ay umuwi siya ng probinsya sa kanyang lola.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Prima, I like you. A lot. At gusto ko ring maulit nang maulit kung ano mang nangyari kahapon.”
Ngumisi si Prima sa narinig. “Oh, ano point mo?”
“Gusto kong maging boyfriend mo.”
Nabilaukan pa siya pagkarinig sa sinabi nito. Inabutan naman siya agad ng lalaki ng tubig at marahang hinimas ang kanyang likod.
“Sorry, nabigla ka,” paghingi pa nito ng paumanhin. “Pero seryoso ako, Prima. I want to put a label on us.”
Lumunok si Prima bago nagkibit-balikat. “Okay,” mahinang sagot niya na tila ba kaswal na lang sa kaniya ang ganoon. Pero sa totoo lang, napakalakas na ng kabog ng dibsib ni Prima.
Ito ang unang beses na magkakaroon siya ng nobyo at hindi alam ni Prima kung papaano ba siya aakto! Noong highschool pa lamang kasi si Prima, hindi talaga niya ugaling maghanap nga lalaking mamahalin. Nag-focus siya sa studies niya kahit pa na ligawin si Prima.
Hindi siya nagka-nobyo hanggang sa mangyari ang mangyari. Kaya mas lalo tuloy siyang hindi nakahanap ng jowa dahil sa ngayon naman ay naka-focus siya sa pagtataguyod ng buhay ng kanyang anak.
Mukhang tama nga ang hinuha ni Prima, may something tungkol sa Kite na 'yan at agad siyang napapayag nitong makipag-kasintahan. Nganga tuloy siya ngayon. Clueless na clueless kung paano aakto sa jowa. Kung bakit ba naman kasi agad siya nitong napapayag?
“Napaka-sweet ng girlfriend ko,” sarkastiko nitong sabi bago mahinang natawa. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki.
Aba, malay ba ni Prima na kailangang maging cutesy-cutesy silang dalawa kapag mag-jowa na! With that thought, binitawan ni Prima ang kinakaing French Toast at umupo sa kandungan ni Kite.
May pagtatakha mang nakapaskil sa mukha nito, halat namang nageenjoy ito sa ikinilos niya. Humugot ng malalim na hininga si Prima saka sinapo ang pisngi ni Kite. Pinakatitigan niya ang lalaki. May sinusupil itong ngiti sa labi habang nakikititig din sa kanya.
Maya-maya pa ay inilapat ni Prima ang labi rito at pinupog ng halik ang lalaki. Kahit leeg nito ay hindi niya pinatawad at pinupog din iyon ng halik.
Nakikiliting natawa si Kite. “Darling, ‘wag diyan.”
“Dahil may kiliti ka diyan?” tatawa-tawang biro pa niya. “Oh, sweet na ba 'yan?” kapagkuwa'y pabirong mataray ang boses na singhal niya sa lalaki habang nakataas ang isang kilay.
Ngumisi lang si Kite nang matigil siya at ito naman ang nangulit sa kaniya. Gamit ang dalawang kamay, pinisil nito ang kaniyang bewang at ang mga parts niyon kung saan malakas ang kilit niya.
Naglulumikot na ngayon si Prima sa ibabaw ng hita nito. Pagkalakas-lakas na rin ng tawa niya sa sobrang pagkakiliti.
“Kite, stop!” Itinaas pa ni Prima ang palad dito upang ipakita na hindi na siya natutuwa, pero hindi naman talaga siya sa hindi natutuwa, dahil tatawa-tawa pa rin siya hanggang ngayon. Nawawalan na nga ng hininga si Prima pero hindi pa rin sya tumitigil sa kakatawa! Tumgil naman si Kite sa ginagawa na may malapad na ngiti sa labi at hindi mapawi-pawi ang pagtawa
“Boyfriend mo na ako,” mahinang usal pa nito.
Hinihingal na ngumiti siya rito. “Girlfriend mo na rin ako.”
“Now, let's go, mal-late tayo sa resto.” Hinila siya nito patayo na ikinanguso niya.
“Workaholic ka talaga,” kantiyaw pa ni Prima.
Hinalikan siya nitong muli. This time, sa point part naman ng ilon g niya. “For us, Darling, that's for us.”
MAGULO ngayon sa restaurant. Isang buong baranggay yata ang pumasok sa resto nila ngayong tanghali. Na-occupy pa ng mga ito ang dalawang 8-sitter table. Pagkalakas-lakas pa ng mga boses ng mga ito. Wala yatang pakialam kung nakakaabala na ng iba pang costumer. Malas nga lang ni Prima, siya ang nautusang mag-serve sa mga ito.
Gustuhin man niyang suwayin, napagsabihan sita ni Tiffany na mas sasagana ang resturant kung maingay kaya hinayaan na lamang niya. Samantalang si Kite naman ay naroon sa loob ng kusina at pinagluluto ang mga sangkatutak na in-order ng mga costumers.
“Miss,” tawag ng isa sa mga costumers. Agad na ipinakita ni Prima ang plastikadang ngiti at pinuntahan ang nangangailangan ng serbisyo.
“How may I help you, po?” bungad niya.
“Dagdag lang namin sa order namin ang crispy pata, may death wish kasi itong kasama namin!” biro pa ng costumer sa kaibigan. Sinamaan naman ito ng tingin ng kasama at mahinang pinalo sa braso.
“Okay, Ma'am and Sir, 'yon lang po?” Tumango lang ang lalaki saka na niya nilisan ang lugar. “Ang ingay sa labas, jusko,” mahinang reklamo niya pagkapasok ng kusina.
Nagtawanan naman ang mga chefs at waiters na naroon din.
“Masanay ka na,” sabi pa ni Irma, isa sa mga magagaling nilang chefs. Ito ang pinaka-matanda sa lahat ng staffs ng resto. “Mas may iiingay pa iyan sa mga susunod na linggo. Normal lang 'yan, sa tagal ko ba namang nagtrabaho sa mga restaurants, hindi pa ako nakakaranas na hindi nagkaroon ng maiingay na costumers.”
“Pero alam mo, 'Nang Irma, ang sabi sa nabasa ko, masuwerte nga raw ang ganiyan. Mas lalakas daw ang kita ng shop mo kung mangyari 'yan!” sabad naman ni Doeren na hindi niya namalayang nakapasok na sa resto.
Agad na sumama ang timpla ni Prima pagkakita sa masayang ngiting nakapaskil sa mukha ng babae. Tingnan lang niya kung ngingiti pa ang babae kung malalaman nitong girlfriend na siya ni Kite.
Ipinaikot nito ang tingin sa kabuoan ng kusina ng resto. Napatango-tango pa ito na tila ba may tsine-tsek na kung ano. Maya-maya pa ay sinalubong naman ito ni Kite ng yakap.
Tila naging bato ang kamao ni Prima nang matunghayan kung gaano kahigpit ang pagkakayakap ng babae sa kanyang nobyo. Naku, kung hindi lang talaga ito investor sa kanilang resto, wawagwagin na niya ang huhok ng babae at nang tumino ito! Pero siyempre, hindi niya gagawin 'yon, ayaw naman niyang ma-disappoint si Kite sa kanya.
They had just talked about it yesterday. The restaurant comes first before anything. Gano'n kahalaga ang resto para sa lalaki.
Siguro kung siya rin naman ay may bagay na pinanghahawakan, isang bagay na kinakapitan niya't nagpapakain sa kaniya, iyon din malamang ang gagawin niyang priority.
“Kite, ikaw na ikaw talaga itong resto; plain, vanilla, and boring!” pang-aasar ng babae kay Kite.
Pagak na tumawa si Kite bago iginiya si Doeren papasok ng opisina nito.
On the other hand, sinikap ni Prima na makipag-chismisan kay Manang Irma. Wala pa rin kasi si Bang-Bang hanggang ngayon, hindi niya alam kung babalik pa ba ito o hindi. Wala tuloy siyang kachikahan at kachismisan.
Tumabi siya kay Irma na abala sa paggisa ng sibuyas at bawang. Isinanggi niya ang braso sa balikat nito.
“Manang Irma, kilala mo pala si Doeren?” paninimula ni Prima.
“Ah, oo, bago pa magbukas ang resto, isa siya sa tumulong na mag-interview ng mga staffs dito. Nagulat nga ako na hindi pa pala siya kabilang sa owner ng resto na ito.”
Nanliliit ang mga matang napatango-tango si Prima. So, hindi lang pala basta acquaintance ito ni Kite. Mas malalim pa pala roon ang samahan ng dalawa. Bakit naman kasi hindi sinabi sa kanya ni Kite 'yon?
“Close ba silang dalawa, Manang Irma?”
“Oo naman, ang kulit-kulit nga ng batang iyan, kaya minsan nahahawaan na rin si Kite sa kakulitan.”
“Ah, gano'n ba? Sige, thanks, Manang Irma!” Lumabas na siya ng kusina para tunguhin ang opisina ni Kite ngunit natigil naman siya nang tawagin siya ng costumer na pinag-serve-an niya kanina.
Subtle niyang pinaikot ang mata, hindi pinapahalata ang pagkairita dahil sa pagiging wrong timing nito. Prima flipped her hair and walk towards their table. Nakapamewang siyang humarap sa mga ito at nagtanong.
“May kailangan pa po ba kayo?” Pilit niyang pinipigilang mag-tunog naiinis ang tono ng boses niya.
“Oo, miss, 'yong in-order namin na Crispy Pata wala pa rin. Kanina pa namin in-order 'yon.”
Muntik nang mapamura si Prima na nakalimutan niyang sabihin ang order ng mga ito sa chef nila noong pumasok siya ng kusina. Paano ba naman kasi, nagbida-bida si Doeren doon at rumampa pa talaga! Hayon, tuluyan na niyang nalimutan ang dapat na gagawin.
Naglumikot ang kanyang mga mata bago parang may bumbilyang unilaw malapit sa kanyang ulo nang makaisip siya ng dahilan.
“Maghintay lang "po" kayo, niluluto pa po kasi ang Crispy Pata. Hindi naman po kasi ito fast food kaya ganoon.” Malutong pa ang pagkakasabi niya ng "po" rito upang ma-emphasize ang pagiging magalang niya.
Teka nga, sino ba'ng niloko niya? Doon na lang niya kasi mailalabas ang inis sa pagkaka-wrong timing ng pagtawag nito sa kanya.
“Ah, sige lang, Miss,” sagot ng lalaki na mukhang natakot sa mataray niyang mukha. Hindi niya napansin na ganoong ekspresyon na pala ang pinapakita niya.
Bahagyang nakataas sa isang dulo ang kilay at labi, samantalang ang kaniyang posisyon ay nakapamewang habang nakabalandra ang kabilang binti niya. Mukha tuloy siyang nanghahamon ng tarayan dito.
Matapos ng usapan kasama ang costumers na 'yon, mabilisan naman niyang tinungo ang opisina ni Kite. Hindi niya agad fully na binuksan ang pintuan kaya nama nakarinig siya ng mga bagay na hindi niya dapat narinig.
“Girlfriend ko na siya, Doe,” wala sa tono ni Kite ang pagyayabang. Subalit para itong nagrarason.
“Ano ba 'yan, sayang naman!” hinampo pa ni Doeren na sa tingin niya'y nakanguso.
Aba't— haliparot! Sinabi na nga ni Kite na jowa nito si Prima ngunit hayon at nagpa-pacute pa rin dito. Doon na tuloy pumasok si Prima. Suot-suot niya ang unbothered bitch face habang naglalakad paloob.
Agad namang tumikhim si Kite pagkakita sa kaniya.
“So, are you in?” Tumaas ang kilay ni Prima sa paglilihis ni Doeren ng usapan.
At ito namang si Kite ay nakisakay at sumagot, “Pagiisipan ko, Doe.”
“Pagisipan mo ng mabuti, Kite," makahulugang sabi pa ni Doeren.
At ano naman kaya ang dapat pag-isipan ni Kite? Mahinang napasinghap si Prima sa naisip. Hindi kaya sinusubukang agawinnni Doeren si Kite mula sa kaniya? Hindi naman malayong mangyari iyon dahil kakaiba rin talaga tumingin si Doeren kay Kite at… oh no, hindi siya papayag!
Uupo na sana siya sa tabi ni Kite nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Si Bang-Bang ang tumatawag sa kanya. Nag-excuse siya sa dalawa upang tanggapin ang tawag. Lumabas muna siya ng resto gamit ang backdoor para masagot iyon.
“Update ko lang pala ikaw sa pinapagawa mo, merong scandal ang bands ni Kite sa araw na sinasabi mo. 'Yon ang pinaka-malaking scandal na nangyari sa banda niya dahil muntikan na silang ma-disband.”
“Tell me more,” utos ni Prima.
“Drug scandal siya, ang sabi rito, “On August 10, 2020, ang sikat na banda na SoLit ay namataang mayroong buy and sell business of drugs na umiikot sa SoLit bar. Isang drug raid ang nangyari at nahuling may nakahalong unidentified drugs sa inumin ng bar. Hinuli ang mga dalawa sa miyembro ng banda at staff ng bar. Ayon sa pulisya, itinatanggi ng dalawang miyembro na sina Irith at Yael na kasangkut sila sa kung ano mang business ang umiikot sa bar na pinanggalingan. Samantalang ang mga miyembro na sina Katipuno, Saul, at Monio ay pinaghahanap pa ng mga pulisya.” Ay, bakit hindi ako aware dito? Tapos nile-label ko ang sarili ko na baliw na baliw sa kanila? Diyos ko, nakakahiya!”
Wala namang namutawing salita mula sa bibig ni Prima. Tahimik lamang siyang naluluha sa realisayon. Tama nga ang hinuha niya, si Kite nga ang ama ni Peña! Pero tingin niya ay hindi pa rin siya nagtagumpay, naisip niya, may kinalaman nga ba si Kite tungkol sa business ng droga na tumatakbo sa bar na iyon? Nakainom nga ba siya ng drugs na iyon kaya hanggang ngayon ay hindi niya maalala ang nangyari noon?
Nasagot na ang una niyang tanong, ngunit hindi naman inakala ni Prima na ang pagkasagot ng isang tanong ay bagong tanong naman ang uusbong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top