Chapter Eight
"MISS PRIMA!"
Mabilis pa sa alas-kwatrong napa-balungkot ng kumot si Prima nang marinig ang boses ni Kite.
Dalawang araw na nang mangyari ang mainit na pagtatagpo nila at hanggang ngayon ay awkward pa rin sa kaniya ang sitwasiyon. Nahihiya siya sa pinaggagagawa niya.
Sa totoo lang, gusto na niyang umalis at 'wag ng bumalik pa, kaya lang ay hindi pa niya nakukuha ang pakay niya.
Kung minsan ay napapisip si Prima, bakit hindi na lang kaya niya tanungin sa lalaki kung natatandaan ba siya nito pero naalala niya, maraming babae raw ang gustong kumausap sa Boss Sir niya, mabuti na lang at hindi niya kaagad na tinanong iyon dahil kung sakali, mapagkakamalan siyang isa sa mga ro'n.
Maya-maya pa'y sa kalagitnaan ng pagmumuni niya ay isang katok ang nang-interrupt. Batid niyang ang laalki na naman 'yon.
Pangatlong araw niya palang sa trabaho, gusto na niya agad na mag-quit. Sobrang kahihiyan talaga nag nangyayari sa kaniya ngayon!
"Prima, kumain ka na, maliligo na ako," paalam pa sa kaniya ni Kite bago umalis ng pintuan.
Nang maramdaman ni Prima na wala na ang lalaki, unti-unti siyang umalis sa kama at tinungo ang pintuan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at napasinghap nang matagpuan doon si Kite.
Lukot ang g'wapong mukha nitong nakatingin sa kaniya. Samantalang natampal na lamang ni Prima ang noo sa katangahan.
"Iniiwasan mo ba ako, Miss Prima?"
Peke siyang ngumiti rito. "Bakit naman kita iiwasan? Bala ka ba?"
Kite chuckled and shook his head. "Miss Prima, noong sinabi kong gusto kong maging healthy ang friendship natin, hindi ibig-sabihin no'n ay iiwasan natin ang isa't-isa."
"Alam ko, wala naman akong sinabi na hindi. At saka hindi naman kita iniiwasan, e. Inaantok lang talaga ako."
"Ito kape," napaamang siya nang makita ang hawak na kape ni Kite na mainit pa. "Pampawala 'yan ng antok, at sa pagpasok, malamang hindi ka aantukin. Halika na," susog pa nito.
Napangiti naman si Prima sa inasal ng kaharap. Ine-encourage siya nito sa bagay na dapat ay nakakatamad. Heto naman siya at nahahalina.
Pinanliitan niya muna ito ng mata bago nagsalita. "Workaholic ka, 'no?" Pansin pa niya.
Kite just shrugged that made her laugh. Oh, thank God, medyo nawawala na ang awkward atmosphere sa pagitan nila. Salamat na lang sa pa-kape ng Boss Sir niya.
"TABLE 23!"
Tumalina naman si Prima upang ibigay ang order. Napalaki ang mata niya nang makita kung sino ang taong naghihintay ng order.
"Benison..." tangi niya na lamang naiusal, nakangiti naman siyang hinarap ng lalaki. Alanganin ang ngiti nito, but she'll take that.
Luminga muna siya sa paligid bago umupo sa upuang kaharap nito. Nakadungok ang kaniyang ulo para hindi siya mapansin ng mga ka-trabaho- lalo na si Bang-Bang. Pagagalitan na naman siya malamang ng babae kapag nakita na naman siyang nakikipag-chikahan sa costumer.
"Ano'ng ginagawa mo rito? The last time we met, tumakbo ka paalis." Bungad niya sa lalaki pagka-upo.
Nervous naman itong natawa. "Sorry pala no'n, nabigla lang ako," sabi nito sa mahinang tinig.
"Oh, so, ano'ng ginagawa mo rito?"
"Can I talk to you after your shift?"
"And why is that?"
"C'mon, Prima, 10 years na noong last time tayong mag-hang out. 10 years na rin yata akong nanliligaw sa 'yo," biro nito.
Pilit na ngumiti si Prima. "Tell me when to laugh, ha?"
Ramdam ni Prima ang inis nang i-open nito ang kaniyang nakaraan. Sa lahat ng usapan, 'yon ang bagay na ayaw niyang pag-usapan. Bukod sa hindi naman niya 'yon masiyadong matandaan ay lahat ng parte ng kaniyang nakaraan ay nakakasakit para sa kaniya.
Sa sobrang lungkot ay nakakagalit.
Tumikhim naman si Benison na tila ba napahiya sa sinagot niya rito. Binasa nito ang lalamunan gamit ang pag-inom ng tubig.
"Nga pala, kumusta naman si Patricia?" Pagbabago ni Benison ng usapan.
"Humihinga pa naman, Ben." Alam ni Prima na napansin ni Benison ang kaniyang pagiging sakrastiko kaya...
"Are you all right? Parang ayaw mo kasi sa mga topic na sinasabi ko."
"Stop being insensitive, Ben. Alam mo kung bakit ayaw ko."
Muli siyang napababa ng tingin nang maramdaman niyang napalakas ang kaniyang boses dahil naagaw niya ang atensiyon ng mga tao sa table na malapit sa kanila.
"I'm sorry, Prima."
"Okay, just- just tell me why sre you here?"
"Fine, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," nasa boses ni Ben ang determinasyon. "For 10 years na apart tayo, palaging ikaw pa rin sng iniisip ko. Hindi ka mawala sa isip ko, kaya nga noong nakita kita sa mall, n-nagulat ako... Hindi ako makapaniwalang nakita kita ng harapan ulit." Humugot ng malalim na hininga si Benison bago nagsalitang muli. "I still like you, Prima, I still do. Handa akong ligawan ka ulit, mapasakin ka lang ulit."
Damn.
Walang ibang masabi si Prima kun'di 'yon lang. Hindi niya alam kung ano'ng isasagot sa lalaki. Hindi siya maka-cope up sa sitwasyon na pinaparoon niya ngayon. Goodness! Bakit ang bilis ng mga bagay?
Dati na naghihintay siya ng sign kung magmo-move on na lamang ba siya sa kung sino ang ama ni Peña at maghanap ng iba o, hanapin ang lalaking tumulong sa kaniyang buoin ang anak ay wala siyang sign na natatanggap ngunit ngayon ay biniyayaan na siya, kaya nga lang... Bakit dalawa?
Pinahihirapan ba siya ni Fate? Bet yata siyang paglaruan nito.
Prima sighed shortly before speaking. "And what about the 'girls'?"
"What 'girls'?" Benison.
"The 'girls' are the girls you were dating and fucking throughout the years we are apart. Because, it seems like hindi lang ako ang nasa isip mo..."
"Prima, kahit sila ang kasama ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko. They are nothing."
"Nothing? Dapat ba kiligin ako riyan? You are invalidating those women para lang pakiligin ako o makuha ako, and that is insulting." Natahimik ang lalaki. "Calling someone nothing just to glorify another one is not romantic. It's a shit, Ben. Kung ganiyan ka, manliligaw sa akin, then, you're already rejected." Tumayo na siya at kinuha ang tray na pinaglagyan ng pagkain nito. "If you're done eating, please immediately leave, sir." Nakangiting aniya bago ito tinalikuran.
Tangina talaga! Kumukulo siya sa loob niya. Nag-iinit ang ulo niya sa sinabi ni Benison. Sa lahat ng pinaka-ayaw niya ang ibinababa ang kapwa babae niya para lang iangat ang isa.
Ayon kasi ang kadalasan niyang nababasa sa mga romance pocketbooks na binibili niya. Para lang ma-in love ang lalaki sa bidang babae ay dapat "iba" ito sa mga ibang babae. At naiinis siya ro'n. Hindi ba maaaring ma-in love na lang ang lalaki dahil 'yon ang sinasabi ng puso nito? Bakit kinakailangan pang ipagkumpars ang bidang babae sa mga ibang babae sa libro?
Aaminin niya, kinikilig siya noon sa mga gano'ng banat. Because it was showed as romantic but then as she matures, she realizes, it was dumb.
And in the first place, it should be worded as "curious" but not "love".
Prima now believes that what boys in books feel for their leading lady is just a mere curiosity as they were "different" from other girls and new to handle for the boy. Kaya nga lang, ang nagpadagdag pa sa inis niya ay nagpapakasal ang mga ito sa huli at may "Happy Ever After".
Okay, all right, alam ni Prima na tunog bitter na siya at hindi niya alam kung ilang ampalaya na ang nakain niya pero para sa kaniya, nakakainsulto pa rin sa parte ng ibang babae 'yon na hindi pareho ng ugali sa mga leading lady.
"Prima, are you okay? You looked pissed," salubong sa kaniya ni Kite nang makaabot na siya sa kitchen.
Umiling siya at binaba ang tray. "Do I look like okay, Boss Sir?" Hindi na niya naiwasang bulyawan ito. Na-realize niya agad ang inasal. "Do not fire mo over that, Boss Sir, am I pissed? Yes."
"Okay, I understand. Pero alam mo kung ano'ng nakakapang-wala ng pagka-inis ko?"
"What?"
"Pag-cut ng mga ingredients. Come here, help me." Kinuha nito ang kamay niya at binigyan siya ng knife.
Prima groaned mentally. She can cut, yes, pero mgs hotdog at sausage lang ang hinihiwa niya! Hindi naman siya nagluluto ng lutong-bahay kahit pa noong naroon siya sa apartment niya dahil kadalasan lang siyang umuwi at dahil 'yon sa trabaho.
Good luck na lang talaga sa kaniya.
Inilagay ni Kite ang kamatis, carrots, at bell peoper sa strainer na katabi ng kaniyang chooping board; marahil ay kalilinis lang.
"Here's the ingredients. Cut them into lengthwise thin pieces. Babalikan kita mamaya, okay?"
Alanganin siyang tumango ngunit ginawa na rin naman ang pinaguutos nito. Besides, baka nga tama si Kite, mawawala rin siguro nito ang pagka-inis niya kay Benison at pati na rin sa mgs lalaking kagaya nito.
Ngunit sa kaniyang paga-akala, kaunting daitdit pa lamang ng kutsilyo sa kamatis ay lumipad na iyon palayo.
"ANO'NG ginagawa mo? Fruit Ninja?"
Binuntungan pa 'yon ng halakhak ni Kite nang makita kung gaano kagulo ang gawain niya. Sinamaan niya ito ng tingin at mahinang pinalo sa tiyan.
Ilang minuto na rin kasi siyang naghihiwa at wala pa rin siyang maayos na nahiwa kahit ni-isa; lahat ay lumilipad.
Malay ba niya kung buhay ang mga prutas at gulay na mga ito na sa tingin niya'y may lahi na rin yata ng manok!
"Hindi naman kasi ako marunong, ikaw kaya gumawa!" Pagrereklamo pa niya saka hinarap dito ang kutsilyo.
Pigil ang tawang ngumiti ito sa kaniya saka kinuha ang kutsilyo. Akma namang aalis siya sa pinaroroonan nang pigilan siya ng lakaki.
"Stay, Miss Prima. Tuturuan kita," bulong nito sa kaniyang tainga na nagpataas ng balahibo niya.
What in a damnation?
Ang hot pakinggan ni Kite. Amoy na amoy niya ang mentos mula sa bunganga nito at kakaiba rin ang init sa boses nito. Kasabay pa no'n ay napakalapit ng katawan nila sa isa't-isa.
Mantakin ba namang nasa likod niya ang lalaki na sa paraang 'yon ay damang-dama niya ang init ng katawan nito samantalang ang mga kamay nito ay nakabalot sa kaniyang maliit na kamay.
"Miss Prima, makinig ka sa akin," kuha nito ng kaniyang atensiyon.
Sa totoo lang ay kanina pa naman nito nakuha ang kaniyang atensiyon. Hindi nga lang sa mga sinasabi nito.
"Hawakan mo sa isang kamay ang gulay at sa kabila naman ang kutsilyo, pagkatapos ay..."
Hindi na nasundan ni Prima ang mga tinuturo sa kaniya ng lalaki dahil mas nangingibabaw ang pag-alingasaw ng bago nito. Bruskong-brusko ang amoy ng perfurm ng lalako, nakakaadik!
Comforting din ang init na hinahatid nito sa kaniyang katawan habang naglalapat ang kanilang mga katawan. Feeling niya ay makakatulog na siya sa mga bisig nito kapag nagpatuloy pa ang posisyon nila itong ngayon. Pero bago siya makatulog ay liligid-ligid muna siya na parang isang baboy sa putik.
Kalaiba talaga itong lalaking ito at pinaparamdam siya ng mga kung ano-anong bagay. Nakakairita naman kay Prima 'yon kasi gusto niya rin namang maramdaman 'yon.
"Gets mo?" Napatanga si Prima nang marinig si Kite.
"Huh?"
Mahina itong natawa. "Sabi na hindi ka nakikinig, eh. Uulitin ko," napaka-generous namang anito.
Nangunot ang noo ni Prima. "Ang bait mo masiyado..."
"What?"
"Ikaw, Boss Sir, ang bait mo masiyado. Buti na lang at walang nagt-take advantage niyan, 'no?"
Gaga, ikaw.
"Hindi naman ako mabait, Miss Prima. I want the universe to be good to me that's why I'm being nice. You see, that's the selfish reason behind my niceness."
Nagkibit-balikat siya. "Mabait ka pa rin, Boss Sir, at isa pa, ang humble mo. Ang mga mababait, hindi alam na mabait sila," sabi naman niya.
"Bahala ka, Miss Prima, basta hindi ako mabait."
Tahimik naman sila at muling tinuruan naman siya ni Kite. Nasa kalagitnaan sila ng "cutting session" nang pumasok si Bang-Bang sa kitchen na maluha-luha.
Naagaw nito ang mga atensiyon ng mga tao ro'n at sinundan ito ng tingin patungo sa opisina ni Kite.
Nagkatinginan sila saka hinabol ang babae.
Pagkapasok ay nakangunot ang noo ni Prima na nakatingin kay Bang-Bang na hindi tumitigil sa pag-iyak.
"Ano'ng nangyari?" Si Prima.
"I think tungkol nanaman sa boyfriend niya; mukhang nagloko na naman."
"May boyfriend siya?" This is news for her! Wala namang naikwento sa kaniya ang babae tungkol sa love life nito at inakala pa nga niya na may gusto ito kay Kite.
Humagulgol naman si Bamg-Bang sa usapang "boyfriend". Pansin ni Prima na masama talaga ang loob nito.
"Nag-cheat na naman siya!" Bang-Bang exclaimed.
Napa-facepalm naman si Kite. "Two years ko nang sinasabi sa 'yong hiwalayan mo, bakit kasi hindi ka nakikinig?" Malumanay ngunit may pagsusumbat na alo ni Kite kay Bang-Bang.
Samantalang si Prima ay 'di maiwasang mainggit sa ginagawang pag-alo ni Kite kay Bang-Bang. Parang gusto niya ring maglupasay para aluin din siya ng lalaki.
Marahas namang napailing si Prima. Naku, mukhang nagiging desperade na nga siya.
"Mahal ko, eh, ano'ng gagawin ko?"
"Pero Bang-Bang, this is the fiftieth time he cheated on you. When will you learn?"
"Hayaan mo 'yan, Boss Sir," pakikialam ni Prima.
"What?"
"You deserve what you tolerate, ika nga ni Ellen 'di ba?"
"True..."
Nakisabat naman si Bang-Bang. "Hoy, nagkakampihan kayo against sa akin! Ako na nga umiiyak na mukhang tanga rito, eh!"
"Ang tanga saka lang natututo kapag ilang ulit nang nauto," tanging nasabi na lamang ni Prima bago muling umiling.
Muli namang napaluha si Bang-Bang sa sinabi niya; natumpak yata ni Prima.
And looking at Bang-Bang, napaisip siya; she wouldn't do something like that. Fooling someone for her own interest? That's a fucked up thing to do. Hindi niya nakikitang gawin ang bagay na 'yan sa kahit na sino man. Lalong-lalo na si Kite.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top