Midnight Mistress
"Natapos mo na ba 'yong report? I need to have it before six pm, Eina."
"Tatapusin ko din mamaya, Sir." Masiglang sagot ni Eina. Hindi man lang siya nilingon ng boss niya at tuloy-tuloy ang hakbang paalis. Sa braso nito ay nakakapit ang isang linta—este babae nito.
Ang tinik lang talaga. Ano lang bang oras ngayon? Di makapaniwalang napanganga na lang siya at napasulyap sa orasan.
Wala pang alas tres paalis na agad ito bitbit ang babaeng pumasok sa opisina nito isang oras lang ang nakalipas. Hindi naman siya chismosa para usisain ang mga pinaggagawa ng mga ito. Pero di rin siya ignorante sa mga kaganapan. Ayaw na lang niya isipin at baka ma-imagine pa niya. Tama na 'yong mga naririnig niya sa loob ng opisina. Kahit panay sipsip na sa kanya ang mga empleyado marites para makasagap ng mga nangyayari sa buhay ni Saulo, dedma lang. Tikom lang naman ang bibig niya.
She was there to do her job. Siya nga lang marahil ang tumagal na sekretarya nito. Apat na taon na siyang nagtatrabaho para kay Saulo.
Ang mga sekretarya nito bago siya, isang taon o kalahati lang ang itinatagal. Di naman niya masisi ang mga ito. Kung di lang mataas ang ambisyon ni Eina, baka nagtatakbo na din siya paalis ng building nito noong unang linggo pa lamang.
He was like some kind of monster to her. Terrifying and ruthless. Ang mga titig nito sa kanya tuwing tinatanong siya nito ay sapat na para mangatog ang mga binti niya.
Isang buwan niyang tiniis ang mga sermon nito noon. Nagtagal pa nga iyon nang ilang buwan bago niya nakabisado kung papaano niya matatapatan ang expectations nito sa kanya. At 23, she was still a newbie. Aminado si Eina na marami pa siyang dapat aralin at itama. Tinatanggap niya ng maluwag sa dibdib ang mga panenermon ng lalaki. Pilit niyang pinatatag ang loob kahit masakit.
Kung hindi niya mapagtitiisan ang lalaki, mapapatunayan lang niya na hindi siya para sa industriyang 'yon. Kaya inilaban niya. Ang sinasabi na lang niya sa sarili, malalagpasan din niya ang lahat ng 'yon. Sinisigurado na lang niya na hindi na mauulit pa ang maliliit na pagkakamaling iyon. At ayun, di niya namalayan ang panahon.
Four years later, she's still the executive secretary of the CEO of SVD Holdings, Saulo Andres Villeda.
"Ang swerte mo talaga, Eina." bukambibig lagi ng mga kasabayan niya.
Swerte, siya? Gusto niyang malaglag sa kinauupuan niya tuwing naririnig niya 'yon mula sa empleyadong inggit sa kanya. Oh, please, hindi pa nararanasan ng mga ito na malagay sa pwesto niya. Di malalaman ng mga hitad kung gaano kahirap ang maging sekretarya ng lalaking laman ng makasalanang pantasya ng mga ito! There's no pleasure in working almost 16 hours a day!
Kita mo nga ang walanghiya, aalis na lang ng maaga, hindi pa magpaalam ng maayos. Ano na naman ang sasabihin niya kapag may tumawag at naghanap dito?
Mapipilitan na naman siyang mag-sinungaling. At kung may merlat na muling sumugod doon? Good luck sa buhok niya. Nasubunutan na siya once ng isa sa mga naging babae nito. Buti na lang pina-banned na nito sa pagpasok sa building.
Minsan masakit din sa anit maging sekretarya pag babaero ang amo.
Isa nga sa pinakamahirap na task niya ang magpakalma ng mga babaeng pinaglaruan lang nito. Mas kakayanin niya ang sunod-sunod na reports. Kahit magdamag pang ipatrabaho sa kanya, kayang-kaya niya 'yun.
Pero ang humarap ng babaeng sawi? Awat!
"Tsk," dinampot niya ang tablet at binalikan ang ginagawa. Bago pa mag-alas cingco, nagliligpit na siya para umuwi. She felt so drained. Ganoon lagi ang drama niya. Pagod at haggard na umuuwi sa apartment niya na siya lang ang nakatira. Sinasalubong lang siya ng dilim at gutom pagkaka-uwi niya.
Manang na manang nga ang lifestyle ni Eina. Not to mention her fashion style. Naka-eyeglasses, may bangs.. Ang top at skirts, super outdated. Parang hindi siya nagtatrabaho sa industriya ng mga damit. No one would really notice her as a woman. Siya 'yung tipong malalagpasan ng tingin sa daan. If not because of her height, baka di siya mapansin.
Kung sakaling ipakilala siya sa isang lalaki, baka wala pang five minutes nakalimutan na siya nito. That is why she is not into dating. Mag-aaksaya pa ba siya ng panahon para doon?
Pagkadating ay nahiga siya sa kama. Di niya namalayang napaidlip na pala. Anong oras na nang magising siya. May pagkain pa sa fridge kaya iniinit na lang niya iyon, kapagkuwan ay kumain habang nakikinig sa paboritong podcast niya.
Sasabihin ng ilang makakakilala sa kanya na sobrang boring ng buhay niya. Sa isip ng mga ito, umiikot lang ang buhay niya sa pagiging sekretarya. Kadalasang komento na sa kanya iyon ng mga taong name-meet niya. Plain and boring talaga ang naiiiwan niyang impression sa mga iyon. Kaya minsan gusto niyang alugin ang mga babae ni Saulo na pagbibintangan siyang dahilan kung bakit gino-ghost ang mga 'to. Kung makasugod pa minsan, akala mo kabet siya.
Iniligpit niya ang mesa pagkatapos kumain. Itinigil na din muna niya ang pinakikinggan sa smartphone at pumasok sa CR. Habang nasa shower, iniisip niya kung kailan ba dadating ang parcel na inorder niya sa online shop. Napapatagal yata lately yung seller sa pagpapa-ship? Kalurks, naiinip na siya gamitin ang binili.
Napangiti siya habang bumabagsak sa katawan niya ang maaligamgam na tubig. Kung meron man siyang masasagot sa mga taong nagsasabing boring ang buhay niya, well..
You really can't judge a book by its cover.
Pinatuyo niya ang buhok at hinubad ang tuwalya sa kanyang katawan. Pinagmasdan niya ang sarili habang nasa harapan ng salamin. Walang saplot. Tanging ang nakabukas lang na bedside lamp ang pinanggagalingan ng ilaw sa kwarto niya.
There's a fine line tattoo on her left hip. It's just a sun wave, a small reminder of her past. Wala pang ibang nakakakita nun maliban sa naglagay sa kanya nun. Natigilan siya. She's not one hundred percent sure kung wala pa ba. Siguro sa mga personal na nakakakilala sa kanya, maaaring tama na wala pa nga.
Pero sa tagong bahagi ng buhay niya, doon lang hindi siya sigurado. Binuksan niya ang kanyang closet. Inilabas ang isang kulay rosas na lingerie.
"Perfect," she muttered. Halos kalahating oras niyang inayos ang sarili. Pagbukas pa lamang niya sa messaging app, pumasok agad ang sunod-sunod na messages.
"Are you still up?"
Her lips curved into a smile. Oh, dear. Mukhang maraming naka-miss na sa kanya. Pinatay niya ang bedside lamp niya at binuhay ang LED lights na naka-install sa kwarto niya. Ilang saglit pa ay kompleto na ang kanyang set-up.
Inihanda na niya ang ngiti sa harap ng camera. Kita niya ang mahaba at alon-alon niyang buhok. She's glowing in her make-up and she just look like a different person. But there's something missing. Yeah, it's her mask. The black lace cat eye mask.
Ready.
Magsisimula na sana siya nang basagin ng ring ng telepono niya ang katahimikan sa kwarto. Oh, not again! Isa lang naman ang mang-aahas na tumawag sa kanya ng ganoong oras. Humigit muna siya ng hangin bago sagutin ang tawag.
"Hello, Sir. Good evening."
"Thank you for sending me that report. Nakauwi ka na ba?"
Ofcourse! Anong akala nito sa office siya natutulog?
"Oo naman, Sir." Napakunot-noo ang dalaga. It's not the first time na nagpasalamat ito sa kanya pag meron itong ipinapa-rush, pero hindi talaga nito gawain iyon. And it's weird. May kailangan ba ito?
"Anyway, kaninang naglinis ka sa office ko. May nakita ka bang card holder sa couch?"
Uhm. The card holder.
"Wala akong napansin, Sir. I'll check it tomorrow."
"Alright. Itago mo na lang kapag nakita mo. Kumain ka na ba?"
She almost rolled her eyes. "Yes, Sir. Kumain na po ako."
"Good. See you tomorrow at the office. Night."
Buntong-hiningang lumapit si Eina sa drawer para tingnan ang inilagay niya kanina doon. Pinasadahan niya ng tingin ang mga letrang nakalagay sa card.
Temptation Island.
Na-curious lang siyang damputin iyon kanina nang makita niya. Hindi siya ignorante para hindi malaman kung saan 'yon. Ibinalik niya ulit sa drawer 'yun. Dinampot ni Eina ang cat eye mask niya at isinuot.
Time for the show.
Tulad sa trabaho niya sa umaga, may sinusunod din siyang oras sa ginagawa niya sa gabi. Hindi niya pinaghihintay ang mga masugid na tagasubaybay niya. The goal is to keep them happy and satisfied.
Mayamaya pa ay ngumiti na siya sa cam ng laptop niya, "Hello, boys. Did you miss me?"
Agad na nagdagsaan ang virtual gifts nang tanggalin na niya ang roba.
Midnight_Mistress is NOW LIVE!
Race Darwin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top