Chapter 8


 "Coffee, Sir?" nakangiting bungad ni Eina kay Saulo na napabaling ang tingin sa kanya pagpasok niya sa opisina nito. Umangat ang kilay nito at parang gusto agad niyang pagsisihan ang pagpapakita dito ilang minuto matapos niyang mabuhusan ito ng kape.

Lakas pa rin talaga ng loob niya na magpakita.

Lumapit siya dito at inilapag ang baso ng kape sa table nito.

"Nakalimutan mo na ba agad ang sinabi ko sa 'yo?"

Napangiwi si Eina. "Uhm, seryoso po ba 'yun, Sir?"

Tumutok sa kanya ang mga mata nitong may dalang talim kung tumingin. "Sorry na, Sir. Hindi ko naman sinasadya na mabuhusan ka ng kape. Bakit ka naman kasi nanggugulat?"

"So, it's my fault now?"

"Oy, hindi, Sir, ha. Walang ganon. Ang akin lang magugulatin ako. May binabasa kasi akong personal chat message nung bigla kayong sumulpot sa likod ko kaya ganon.."

"Personal chat message? Tsk, tsk."

Umangat ang sulok ng labi ni Saulo at napailing. Sa reaksyon nito alam niyang hindi siya nito papaniwalaan. Ibig sabihin ba nakita talaga nito? Sana binuhusan na lang din niya ang sarili ng mainit na kape.

"May nakita ba kayo, Sir? Baka yung ads.."

Bumuntong-hininga si Saulo at parang mauubusan ng pasensya sa kanya. "She's not a good liar. Tsk," pabulong nitong sabi na maliwanag pa rin siya pandinig niya.

 Nadagdagan lalo ang hiya na nararamdaman ni Eina. Mukhang dapat talaga hindi muna siya nagpakita dito. Hinintay na lang sana niyang makalimot ang lalaki bilang malilimutin naman ito.

"I'm really sorry, Sir. Hindi na mauulit 'yon, I swear."

Ayun lang at nagpaalam na si Eina sa lalaki.

Pakasuplado!

 Maya maya din nahimasmasan na si Eina sa pagkapahiya niya kaya nasa stage naman siya ngayon na hine-hate niya ang kanyang boss at jinujustify pa niya ang sarili.

 So, what kung makita siya nitong tumitingin sa sex toys habang nasa trabaho? Nagtitingin lang naman siya. Hindi naman siguro madumi ang isip nito para pag-isipan siya nito ng iba? Kahit isipin pa nitong nangongolekta siya ng ganun, hinding-hindi naman nito mapapatunayan ang iniisip.

Baka mas nakakagalit pa siguro 'yong nabuhusan niya ito ng kape.

Bakit, napaso ba kaya niya? Gusto niyang mapahalakhak.

Sana naman hindi. Well, sana talaga hindi. Dahil sa sunod baka hayaan na ni Saulo na gyerahin siya ng mga babae nito dahil sa nagawa niya! Pinaso lang niya ang kaligayahan ng mga ito.

Baka kaya nagalit kanina si Saulo? Gusto niyang humalakhak. Hindi niya maimagine. Alukin na ba niya ito ng aloe vera cream?

"Tinatawa mo?"

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at naabutan siya ni Saulo na tila mangingiyak na kakatawa. Napaayos agad si Eina ng upo.

Nahuli pa nga.

"Wala, S-Sir. May naalala lang ako."

Nanliit ang mata nito, hindi kumbinsidong tinitigan siya. "Ako ba 'yan?"

Mabilis siyang umiling.

"Eh bakit ka tumatawa mag-isa?"

"May naalala lang akong joke, Sir."

Halatang hindi ito natutuwa. Kinakabahang ngumiti siya sa lalaki kaya binago niya ang paksa, "May kailangan ba kayo, sir? Baka may gusto kayong iutos. Di naman ako masyadong busy. Chill lang!"

Tumaas ang sulok ng labi nito, pagkatapos ay ngumiti. Mapanganib ang kislap sa mata nito.

"Ah, so you're not busy."

Doon niya napagtanto na hindi niya dapat sinabi iyon. Napakasalbahe talaga ng lalaking 'yon.  Pagkatapos nun, ilang araw na tinambakan siya ni Saulo ng gawain.

Mga ilang beses siyang natulala sa monitor niya. Ano lang bang sinabi niya? Chill lang naman? Minsan na nga lang 'yun, nadagdagan pa talaga ang task niya. Hindi niya alam kung pinaparusahan siya nito.

 Walang awa! Kaya kapansin-pansin sa mga kasama niya sa opisina ang pagiging abala niya.

Hi. Di pa ako kumakain.

Wala sa loob na naitipa niya iyon at agad na naisend sa unang tao na nasa messages niya. She was about to unsent it, pero agad ding nakita ng lalaki 'yun.

Gusto mong padalhan kita ng lunch?

Napangiti si Eina. Ang bilis naman mag-reply nito. Mukhang hindi ito busy.

Ikaw ba.. kumain na?

Yeah. Pero pwede pa din naman ako kumain ulit if you want to meet me.

Gusto talaga nitong makipagkilala sa kanya ng personal pero alam niyang hindi iyon posibleng mangyari. Kapag malaman na nito kung sino siya, iyon na din ang katapusan ng ugnayan nila. That would also spell the end of her career as Midnight Mistress.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan. Katatapos lang niya sa isang task at masyadong late na din, hindi pa siya nakakapag-lunch. Bumaba muna siya at nagpunta sa kalapit na fast-food. Halos katapat lang iyon ng Café De Maita. Minsan nakakasabay na din niya doon tuwing umaga ang kanyang boss.

Ano, sunduin kita or let's meet?

Napapailing siyang nagtipa ng reply. Wag na, nakapag-order na ako. Kakain na me.

C'mon, baby. Let me be your lunch.

Nangungulit na naman po siya. Pero himalang hindi naiinis si Eina sa kausap kahit ganoon ito.

Gusto niya itong kausap, lalo na sa gabi pag hindi agad siya dalawin ng antok. Hindi ito boring. Maybe because he consistently sent her naughty messages and was always hot for her. Wala siyang dapat ikabahala doon dahil mula umpisa alam naman niya kung ano ang intensyon nito. Kaya alam din niya kung hanggang saan lang ang limit ng pakikipag-usap niya sa lalaki.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang magring ang phone niya. Nag-pause ang paglunok niya sa kinakain nang makitang si Saulo ang tumatawag. Ano naman ang kailangan nito?

"Sir, kumakain pa—"

"Oh? Nandyan ka sa baba? Perfect. Bilhan mo na din ako ng kape."

Oh, she wanted to think of murder now. Parang gusto niyang lagyan ng hindi maganda ang inumin nito.


The next day bumisita sa opisina si Gigi Torres. Hindi ito mag-isa. She was with Farah Serrano. Pag-uusapan na nina Saulo ang contract signing ng modelo para sa Belleza at ang magiging schedule nito. Tulad ng mga nakikita niya sa billboards, kakaibang level ang ganda ni Farah. Matangkad ito at sobrang puti! 

 She was such a goddess.

Napatulala pa nga siya nang dumating ito. She was very elegant in her emerald sweetheart neckline dress.

Pagkahatid ng snacks at drinks sa loob ng opisina ni Saulo, lumabas din agad siya kung saan nakita niyang nagkumpulan ang grupo ni Kristine.

Frustrated na napabuga siya ng hangin.

"Wala ba kayong trabahong tatapusin?" aniya pagkalapit sa mga ito.

Malawak ang ngisi ni Kristine. "Mamaya pa 'yon. Magkwento ka naman! Si Miss Farah na ba ang the one?"

"The one?"

"Ang slow talaga nito. The one and only! Kung siya ang magiging new ambassador ng Belleza, naku ang laki ng chance na maging sila ni Sir Saulo!"

"Parang teleserye lang!" pigil ang tili ni Leigh, sabay hawak sa braso niya. "Pwede ba magpapicture kaya?"

"Try mo beh. Tapos bahala ka na maghanap ng sunod mong trabaho."

"Ang suplada naman, madam. Kulang ka ba sa tulog? Pahinga mo lang 'yan."

Hindi lang kulang. Pakiramdam niya naglalakad na zombie na siya. Anong oras na ba siya natulog? Alas kwatro? Kung nasa probinsya lang sya, baka mas nauna pa siyang tumilaok sa manok.

Gusto na lang niyang maging bampira. At kapag nangyari yon, si Saulo talaga ang una niyang kakagatin sa leeg! Hindi niya muna ito papatayin. Siguro maganda kung papatagalin muna niya itong buhay. Uunti-untiin niya ang pagsipsip dito. Mmm. Now she could imagined him being tied in her bed, shirtless and begging for her to release him.

So satisfying.

 Mukhang nagdilang anghel nga ang mga tsismosa. Di pa natatapos ang meeting, narinig agad niya si Saulo na iniimbita ang babae sa special occasion sa sunod na linggo. And aside from that, ininvite din nito ang dalaga sa paboritong steakhouse nito sa Mandaluyong.

Wow, that was fast. But maybe, that's a good thing. May pagbubuhusan na ito ng extra energy nito. Kailan ba 'yong huling date nito? Hindi na niya maalala sa tagal.

"Oh, they're such a perfect pair."

Napalingon siya kay Gigi, nakasunod ito sa kanya sa counter. Nandoon sila sa Café de Maita. Nag-oorder lang siya para sa kanilang apat.

Ngumiti si Eina at sinundan ang tingin nito. Magkatabi si Saulo at Farah at sa sobrang lapit ng dalawa, kahit sinong makakakita sa mga ito maiisip na may something.

"I think they should start dating," aniya.

Kapag may steady girlfriend na si Saulo, feeling niya magiging mas maalwan na ang trabaho niya. Pero ang problema lang ay kung may mangyaring aberya agad sa pagitan ng dalawa. Maapektuhan din ang campaign at image ni Belleza dahil si Farah na ang magiging ambassador nito.

Napailing siya. "Hindi pala. Ipagpaliban na lang muna nila 'yon."

"Why?"

"Atin-atin lang 'to, Miss Gigi, ha. Medyo babaero kasi si Sir. Hindi pala medyo, sobrang babaero. Hindi 'yan matatali sa isang babae ng ganun ganon lang. Baka wala pang one month, hiwalay agad. E di magiging issue pa, paano na?"

Natawa si Gigi. "Wag kang mag-alala. Hindi na naman 'yan sikreto. Kilala ko din 'tong si Sualo, so, I'll ask Farah to be extra careful with him."

"Baka mamaya si Miss Farah na 'yong sunod na sumugod sa opisina."

"Seriously? Sumusugod ba 'yong mga nagdaan na flings ni Saulo?"

"Sinabi mo pa, Miss Gigi. At ano ba naman ang magagawa ko kapag nandyan na? Stressful. Feeling ko tatanda akong dalaga sa kompanya ni Sir."

"Poor you," Gigi chuckled at her. "Ipagdasal mo na lang na hindi mangyari 'yan."

Napabuntong-hininga siya at kinuha ang order nila.

Nag-aayos na si Eina ng mga gamit niya. Nakangiti pa siya dahil maaga siyang makakauwi ngayon. Nabura nga lang din agad ang ngiting iyon nang tawagin siya ni Saulo.

Oh, God. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Mabibigat ang hakbang na pumasok siya sa opisina.

Nakatayo si Saulo malapit sa may window glass at nakatingin sa labas. May hawak itong wine glass. Bwisit. For the chill lang pala ang walanghiya. "Sir, ano 'yon?"

"Paalis ka na ba?"

"Yes, Sir. Bakit po? Meron ka pa bang ipapagawa?"

Medyo kinabahan siya sa tanong nito. Wag nitong sabihin na mayroon pa itong ipapahabol sa kanya. Parang gusto na niya itong kantahan ng May Bukas Pa. Bwisit na 'yan. Wala na bang bukas?

"Ah, okay. Wala naman na akong iuutos. Just want to tell you na pwede kang munang magtake ng two days na rest day."

"Why is that, Sir? Magbabakasyon ka ba?"

Tumango ito. Nanlaki ang mata ni Eina. Gusto niyang mapatalon sa tuwa.

Finally! Makakapagpahinga din siya ng dalawang araw! Pero di niya ipinahalata dito na nagdidiwang siya. Baka bawiin din nito pag makita siyang masaya kaya nagkunwari siyang malungkot.

"Oh.. Two days, Sir? Mamimiss ko kayo sa bakasyon niyo. Bakit kaya di mo na lang ako isama? Baka mamaya kailangan nyo ng personal assistant doon. Basta libreng bakasyon lang, Sir oh."

Syempre nagbibiro lang siya. Sa ilang araw na OT at puyat na dinanas niya sa kamay nito, isasakripisyo pa niya ang libreng rest day para lang maging PA nito? Kahibangan!

"Hmm. Okay."

Nalulon niya bigla ang laway niya. "Anong okay?"

"Since inihahain mo naman ang sarili mo na maging personal assistant ko while on my two-day vacation, why not? Okay, approve agad. You can come with me tomorrow."

WHAT?

"S-Sir, nagbibiro lang ako?"

"So, what do you mean? Ayaw mong sumama pagkatapos mong magprisinta?" biglang sumeryoso ang mukha ni Saulo. Kinabahan bigla siya sa pagshift ng mood nito, hindi dapat siya nakipagbiruan dito in the first place.

"Nakakahiya naman, Sir. S-sure ba kayo?"

"Yes, I'm sure."

Paano naman siya na hindi sure? Napalunok siya

"Bakit parang hindi ka naman masaya?"

"Hindi! Masaya ako! Sobrang saya na makakasama ako bukas. Thank you, Sir."

"You're welcome. By the way, pwede ka nang sumabay sa akin ngayon. Ipapahatid na kita sa bahay mo para makapaghanda ka kaagad ng mga gamit na dadalhin mo bukas. Kailangang maaga din tayong makaalis para maaga tayong makarating sa isla."

Napatulala siyang napasunod na lang sa lalaki. Hindi na siya makakatanggi pa. Rest day na naging bato pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top