Chapter 75


"Ang hina mo naman pala, madam. Isa pa! Tumagay ka pa!"

Jusko, balak ba siyang lasingin nito? Namumula ang mukhang umiling si Eina. "Ikaw na lang," lantaran niyang tanggi. Dama niya ang pagkalat ng init sa kanyang lalamunan.

"Working girls tayo kaya dapat malakas tayo sa alak! Look mo ko, oh." Ipinakita pa sa kanya ni Kristine ang mabilis na paglagok nito sa maliit na baso. Pagkatapos nag-wacky face pa ito sa kanya.

Hindi niya kaya.

Suminghot si Eina, banayad na minasahe ang kanyang noo.

Di niya alam kung paano siya napunta sa lugar na 'yun. Nanood lang naman siya ng sine. Dapat yata nagtago na agad siya noong makita ang grupo nina Kristine. Hindi sana siya nahila ng mga ito na sumama na mag-KTV bar.

Payapang natutulog na sana si Eina ngayon sa kanyang kama. O kung hindi man siya antukin agad, baka nakikinig siya ng podcast ni Doktora Jules tungkol sa pagkakaroon ng healthy sex life.

Speaking of sex, nakakamiss rin talaga si Saulo. Dalawang gabi pa lang naman pero para sa kanya, parang isang linggo na. Kaya masisisi ba niya ang sarili kung palandi ng palandi ang content ng messages niya kay Saulo?

Alam niya na nasa Temptation Island ito. Wala pa rin siyang ideya kung paano nito nagagamit ang cellphone para makapagreply sa kanya. At meron din itong access sa internet! She went live last night. Around 10pm pa 'yun at sobrang nagulat siya na nanonood sa kanya ang binata. Mas lalong hindi siya makapaniwala na nakipagkumpetensya pa si Saulo sa isang top sender. Gumastos pa talaga ito sa kanya. She was really flattered. Nasa isla na nga ito kung saan alam niyang maraming sumusubok na kunin ang atensyon nito pero inabangan pa rin nito ang livestream niya.

Muntikan na nga siyang magpagupit ng buhok.

Patuloy pa rin ang pagsasaya ng mga kasama. Hindi na siya napilit uminom. Ayaw niyang umuwi na pagewang-gewang siya sa daan. Mag-isa pa man din siya.

Parang walang bukas kung uminom si Kristine. Alam ba kaya nito? Nakita niya ang nanliligaw dito na may kasama kahapon.

Nagsalin si Eina ng tubig sa baso para uminom. Nasamid ang dalaga sa eksena ng kasama niya. Jusko, may nagtu-twerk pa nga! Todo video pa si Kristine sa ginagawa ni Leigh.

Kanina pa-chill chill lang din si Hans na nagkukwento tungkol sa super complicated daw nitong karelasyon. Ngayon hindi na mabitawan ang mic at panay kanta ng mga opm hit ni Nina. Tuloy 'yung ibang kasama nila naging emotional na, may humagulhol pa habang tinatawag ang pangalan ng ex.

Pinagsisihan niyang lumabas pa siya ng bahay para manood ng sine. Ang matindi dito kung kelan Linggo ng gabi ay saka maiisipan ng mga hitad na magwalwal? Nakalimutan yata na may pasok pa bukas.

Nag-ring ang cellphone niya.

"Hello." Napindot agad niya ang accept button na hindi nag-iisip kung gaano kaingay ang kinaroroonan niya. Na-excite siyang marinig ang boses ni Saulo.

"Where are you?"

"Nasa labas. Nandito kami sa KTV bar sa Makati."

"What? I can't hear you. Sino ba ang mga 'yan?"

Napangiwi ang dalaga. Wala talaga itong maririnig. Magkasabay pang bumibirit si Hans at Kristine ng Through the Fire. Sumenyas si Eina kay Hans na tumigil muna. Lumarawan pa ang pagkalito sa mukha nito pagkatapos ay binanggit niya ang pangalan ni Saulo. Agad nitong nilayo ang mic kay Kristine.

"Hey. Napatawag ka?"

"Ba't nasa labas ka pa rin?"

"Nakita ako nina Kristine. Niyaya nila ako na mag-KTV," sagot niya. Inilapit niya ang cellphone sa bibig para mas malinaw ang rehistro ng boses niya sa kabilang linya.

"Okay, at nandyan ka pa rin hanggang ngayon? Hindi ka pa uuwi?"

"Hindi pa? Papaalam pa ako—"

"Anong oras ka pa uuwi n'yan?"

Tumingin siya sa kanyang oras. "Magpapaalam na ako pagka-end nitong call."

"Gusto mo bang ipasunod kita kay Tom?"

"Huh? Huwag na. Nakakahiya. Aabalahin ko pa 'yung tao. Kaya ko naman ang sarili ko. 'Yung mga kasama ko lang ang lasing. Hindi ako." nakangiting sagot ng dalaga.

"Pero uminom ka ba?"

Napakunot-noo si Eina. Hindi na talaga nakaligtas sa pandinig niya ang iritasyon sa tinig nito. Mainit ba ang ulo nito?

"O-Oo. Uminom yata ako."

"Yata? Hindi ka pa sigurado? Alright. I'm gonna call my driver. Send me your location."

"Stop! Huwag ka nga. Di ko kailangan ng driver mo. Eto na, uuwi na." Humarap siya kay Hans. Ito lang ang makakausap niya ng matino sa ngayon. Nagpaalam siya ng maayos at pagkatapos ay umalis na sa bar. Hindi pa rin pinuputol ni Saulo ang call.

Ay, wow. Mukhang madami itong time. "Kailan ka uuwi?" natanong niya habang naghihintay ng taxi.

"Kapag nakauwi ka na."

Ang suplado naman.

"Mas mabilis ako makakauwi kesa sa 'yo. Nasa Makati lang ako. Ikaw ang nasa malayong isla. Dapat ikaw ang sinasabihan kong umuwi na—" huli na para mapigilan ang pasmadong bibig.

"Just say it, Eina. Miss mo na 'ko?"

Hindi siya nakaimik. Mukhang nakahalata ito.

Narinig niyang tumawa ito. "Miss mo si Daddy?"

Sigurado si Eina pati keps niya nag-blush.

"Bakit naman kita mamimiss? Magkikita rin tayo bukas 'no."

Nagbigay ng masarap na hagod sa kanyang pagkababae ang tunog ng malakas nitong tawa.

"I don't know. Baka magtagal pa ako dito ng isang araw."

"B-Bakit?"

"O baka isang linggo pa. Depende."

"Depende sa? Huy, Mister! Paalala ko lang po sa 'yo, di ka pwedeng magtagal d'yan. May mga naiwan ka pong trabaho. At may meeting pa sa Tuesday."

"Tingnan ko."

"Ano raw? Wala kang choice. Kailangan mo rin bumalik ASAP."

"Kung may nakakamiss sa akin, baka umuwi agad ako ngayon. Meron ba?"

Nilalaro siya ng bwisit. Gusto ba talaga siya nitong gisahin. Dahil ba sa hindi niya ito nireply-an ang text nito kahapon? Dapat ba sagutin din niya ito "I miss you, too" kahit isang araw pa lang niya itong hindi nakikita? Ayaw niyang magpahalata.

"Sasakay na ako ng taxi. Text na lang kita mamaya."

"Uh-huh. Ayun lang?"

Gusto talaga nitong sabihin niya eh, 'no? Wala itong balak na tigilan siya.

Napabuntong-hininga si Eina. "I missed you. Balik ka na dito."

"Got it, baby. Text me when you got home, okay?"

Halos hindi makatulog si Eina nang gabing iyon. She could still hear Saulo's sweet voice inside her head. Hindi na siya nito tinawagan after, pero nagmessage ulit sa kanya pagkarating niya sa bahay. Pabaling-pabaling siya sa kama. Gusto niyang hilahin ang oras para makita na ulit niya ito. Dinaig pa niya ang teenager na unang nakaramdam ng pag-ibig. Malala na siya!

Maaga pa ring bumangon si Eina nang sumunod na umaga sa kabila ng kawalan ng sapat tulog. Naabutan pa niya sa labas si Derek na mukhang katatapos lang ng work-out. Binati pa niya ito bago umalis.

Nakita niya agad si Kristine na humihikab pa. Halata ang puyat sa mukha nito. Nagsabay sila sa elevator.

"Punyeta, madam. Naputulan ka ba ng tubig? Pabango na yata pinanligo mo!"

Nakatakip ang ilong nito na sumulyap sa kanya pagkatapos ay napa-aching. She chuckled. Di niya siguro namalayan nag-over spray siya kanina.

"Sorry."

"Okay lang. Meron ka bang gamot para sa sakit ng ulo? Dios mio, parang binabarena ang ulo ko."

Pinasunod niya ito sa kanya para ibigay ang gamot dito. Nadaanan nila si Hans na kinumusta siya. Hindi nakaligtas sa mata nito ang outfit niya. She wore pink blouse and black skirt with a slit.

"Nape-pressure na ako sa pag-level up ng beauty mo, Eina. Pa-Zombie na kami dito tapos ikaw buma-Barbie."

"Truth." segunda ni Kristine. "Akala mo yata di namin napapansin. Anong nangyari?"

Alam ni Eina na pinag-uusapan ng workmates niya ang biglang pagbabago niya. Naparinig pa niya ang mga ito last week habang lunch break. Hinayaan lang niya na pag-usapan siya ng mga ito. Inaasahan na rin naman niya iyon nang magdesisyon siyang baguhin ang sarili. Sabi nga ni Angelica Panganiban, "kam bak tu da yang and byutipul you!"

May dalawang oras nang naghintay si Eina. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang orasan. Hindi pa dumadating si Saulo. Mayamaya pa ay naamoy na niya ang pabango nito.

Tila tumigil ang mundo ni Eina pagkarinig ng boses ni Saulo sa likuran niya. Kinalma niya ang sarili. Mabilisang sinipat niya ang sarili sa maliit na salamin bago tumayo para harapin ang binata.

Then her smile faded.

Hindi niya inaasahan ang sumalubong sa kanyang paningin. May kakaibang ngiti sa labi ng binata habang bumubulong sa tenga ng babaeng nakalingkis sa braso nito.

The woman was undeniably gorgeous. Kasingtangkad lang din niya ito. Balingkinitan ang katawan at mahahaba ang naka-exposed na hita nito. Hindi niya naitago ang pagsipat sa makinis na balat nito. Altang-alta ang galaw nito.

Marahang tumungo si Eina. Sumunod ang kanyang mata sa pagpasok ng mga ito sa loob ng silid. Kumalat ang tensyon sa kanyang katawan. May hapdi sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Tila naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya. What did just happen?

Mayamaya dumating si Tom para ipakiusap sa kanya na ipasok sa loob ang isang dalawang supot na galing sa isang Italian resto. Iyon din ang kinain nila ni Saulo noong isang umaga.

Makulimlim ba ang langit o talagang nagdidilim ang paningin niya? Oh, God. This couldn't be real. Pero ano bang karapatan niyang kwestyunin kung sino ang kasama nitong kumain?

Pwinersa ni Eina ang sariling kumalma bago itulak ang pinto.

"Sir, ito na 'yung breakfast n'yo," tuloy tuloy ang pagpasok niya sa opisina.

Naabutan niya ang dalawa sa sofa. Magkalayo naman ang mga ito at mukhang may pinag-uusapan na nakakatuwa. Nag-angat ng mukha si Saulo. He smiled at her.

She avoided his gaze. Baka mabasa nito ang emosyon sa kanyang mukha.

"Oh, seriously? Aalis na ako. Bakit nag-abala ka pa?" mahinhing sabi ng babae kay Saulo. Napakatamis ng ngiti nito.

"Come on, Tee. Mag-breakfast ka muna dito."

"Fine! Parang nagutom naman ako sa amoy. Ang aga kasi natin umalis sa island. But I don't drink coffee, ha? Gusto ko ng orange juice."

Napalulon si Eina sa impormasyon. What? Magkasama ang dalawang 'to sa Temptation Island?

"Eina."

Lumapat ang kamay ni Saulo sa likuran ng hita niya. Nawindang ang dalaga. Muntikan pa niyang masagi ang kape sa ibabaw ng mesa. Banayad na humagod ang palad nito sa balat niya at bumulong sa kanya.

"Pwede ka bang magtimpla ng orange juice? For her? Hindi lang siya umiinom ng coffee."

"S-Sure."

"Good girl. Bilisan mo." Pinisil pa nito ang hita niya dahilan para mapatitig sa lalaki. May pagkindat pa ang bastardo! Gulong-gulo ang utak niya na tumalikod. Nilandi ba talaga siya nito sa harap ng babae nito?

Hindi niya alam kung alin ang paniniwalaan. Kaduda-duda pa rin sa kanya na magkasama ang mga ito sa Temptation Island.

So, ano 'yung mga sinasabi nito sa kanya sa text? May paghiling pa ito na sana'y kasama siya nito. Meron naman pala itong nakareserba! Kumukulo ang dugo, dinala niya ang ipinatimpla nito at bumalik din agad sa kanyang pwesto.

She was furious as hell.

Makalipas ang ilang sandali, bumukas rin ang pinto. Magkasunod na lumabas ang dalawa. Tumatawa 'yung babae sa sinabi ni Saulo.

Pasimpleng nag-obserba si Eina. May kakaiba sa galaw sa binata. He was respectful towards her. Napansin rin niya na parang excited ito na ipakita ang workplace nito. Sobrang attentive din nito at mas madaldal pa ngayon.

Ngayon niya napagtagpi-tagpi. Ito 'yong narinig niyang sinundo nito sa hotel. Posible na mayroong namamagitan sa dalawa.

Nanikip ang dibdib niya sa realisasyon.

Dinampot niya ang cellphone. May bagong text si Saulo.

I'll be right back.

Nagpaalam pa talaga sa kanya. Kahit wag ka na bumalik!

Sinamantala ni Eina ang pagkakataon para umalis sa desk niya. Pupunta sana siya sa baba para bumili ng kape. Pero natigilan siya nang makita ang tumpok ng mga chismosa.

As usual, si Kristine ang house speaker. Syempre si Saulo ang paksa ng usapan. Naghahagikhikan ang mga empleyadong tsismosa.

Sa oras ng trabaho, buhay ng iba ang tinututukan!

"Pansin n'yo? Mas gumwapo kaya si Sir ngayon. Parang ang sarap sarap tuloy pagsilbihan. Kapag nag-resign si Miss Eina. Ako naman ang mag-apply na secretary!" dagdag ni Leigh.

Napailing na talaga si Eina.

Patalikod na siya nang marinig pa niyang humirit si Kristine. "Love is in the air talaga. Sunod sunod nagkaka-love life mga tao dito. Una ako at si Jovi, tapos si Sir—"

"Si Miss Eina na lang talaga ang maiiwang single," dugtong ng isang empleyado dahilan para lumakas ang hagikhikan.

Nagpanting ang tenga ng dalaga. Siya pa talaga, ha? Eh wala siya sa mood para palagpasin iyon?

"Totoo naman," singit ni Eina sa usapan.

Kita niya ang gulat sa mukha ng mga ito.

"Mas gugustuhin ko pa maging single kesa magpaloko at magpauto sa mga lalaki. Tulad ng nangyayari sa 'yo, Kristine."

Naguguluhang napaturo sa sarili si Kristine. "Bakit ako?"

"Oh, wait. Hindi ko ba namention sa 'yo kahapon? Nakita ko 'yung manliligaw mo—"

"Boyfriend na niya si Jovi."

Kinorek pa talaga siya ni Leigh. Napangisi si Eina. Mas pinalala lang nito.

"Sinagot mo na agad? Kung girlfriend ka na niya, eh, sino pala 'tong kasama niya last weekend?" aniya at ipinakita ang stolen shot sa phone niya. Napasinghap ang mga ito.

Picture iyon ng boyfriend nito na may kasamang iba. Di pa siya nakuntento ipinasa niya iyon kay Kristine. Nawalan ng kulay ang mukha nito.



--

Midnight Mistress is already completed on VIP and Patreon. LINK IN BIO.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top