Chapter 74
Dalawang araw na mawawala si Saulo pagkatapos nitong tanggapin ang imbitasyon ni Atticus. Hindi siya makapaniwala na ang kausap nito kanina sa telepono ay ang lalaking 'yun.
At mas lalong hindi rin siya makapaniwala na nag-eespiya na siya ngayon sa mga tumatawag kay Saulo.
Nagpanggap pa si Eina na nagluluto sa kusina nito. Mabuti na lang ay hindi siya nito nahuli. Hindi niya alam kung bakit ito tinawagan ni Atticus, pero dahil nabanggit ni Saulo ang Temptation Island sa dulong bahagi ng usapan, nagkaroon na agad siya ng ideya.
"So, kelan ang alis mo?" tanong niya rito habang naglalagay ng pagkain sa mesa. Nagluto siya ng chicken caldereta. Doon na siya sa condo nito dumiretso pagkatapos dumaan sa grocery store. Hinintay pa niya itong dumating dahil may kailangan itong idaan sa bahay ng ama nito.
Feeling asawa naman ang eksena niya. May paglinis pa siya ng condo nito bago magluto. Nakalimutan yata niya na may housekeeper naman ito na dumadalaw linggo-linggo.
"Ang sarap nito, ah."
"Salamat."
"Kanina pa ako nagutom pagkaamoy ko ng niluluto mo. Napagod ako kanina sa byahe."
Palihim siyang umismid. "Paano ka napagod? May driver ka naman."
"Mag-isa na ako pauwi. Inabutan pa ako ng traffic."
Kaya ba ito nagtagal bago makauwi? O baka naman nakipagkita ito sa babaeng kausap nito sa telepono? Narinig niya ang lalaki na may kausap. Nandoon pa siya mismo sa loob ng opisina. Todo ngiti pa ang tinamaan ng lintek.
Dahil alam naman niya ang lugar niya, hindi siya aaktong selosang nobya. Magiging practical na lang ang dalaga. Ini-enjoy na lang niya ang perks na kasama sa pagiging fuck buddy nito. Meron silang trip sa Europe bago matapos ang taon. Matagal na sa bucket list niya ang makapaglibot doon pero ang gustong-gusto talaga niya ay makalibot sa Spain. Taga-doon ang tatay niya. Sa Madrid raw ito lumaki bago lumipat sa Australia.
Dapat nga yata ay sumali siya noon sa reality TV show para mahanap ang tatay niya. Pero wala, nakasanayan rin naman niya na wala ito habang lumalaki siya.
Mukhang walang plano si Saulo na banggitin sa kanya ang tungkol sa short trip nito papuntang Temptation Island sa weekend kaya hindi na rin niya inungkat. Iniliko na lang niya ang paksa sa ibang bagay. Masaya at kuntento na siya na kasama niya itong kumain sa gabi.
Hindi naman lahat ng babae na dumaan sa kama nito ay nagtatagal tulad ng itinagal niya. Akalain mo 'yun? Naipagluluto pa niya ito. Nakakasabay sa breakfast. Nararanasan niyang matulog at gumising sa kama nito na hindi nito nakakalimutan ang pangalan niya kinabukasan.
Sapat na sa kanya ang mga nangyayari. Sasabihin naman nito sa kanya ng maayos kung sakaling tapos na ang kasunduan nila. May kontrata sila at may matatanggap siyang malaking halaga kung sakaling putulin na nito ang relasyon nila. Hindi siya nang-budol. Ito mismo ang naglagay ng kondisyon sa kontrata nila.
Tinulungan siya ni Saulo na magligpit ng kinainan nila pagkatapos. Niloloko pa ni Eina ang binata na baka isang araw magising na lang ito na dad bod na katawan. Aba, naka-ilang cup ba naman ng rice!
Tumunog lang ang telepono nito kaya naputol ang pagbibiruan nila. Natapos na niya ang paghuhugas ng plato, hindi pa rin tapos si Saulo sa kausap nito. Naabutan niya ito sa kwarto. Mukhang katatapos lang ng tawag base sa seryosong ekspresyon ng mukha nito.
Hindi nagtanong si Eina kung sino ang kausap nito. Ayaw niyang maalarma si Saulo sa pagiging matanong niya. Kung ito ang magbubukas ng paksa, mas mabuti.
"Ikaw na mamili ng papanoorin natin. Mag-shower lang ako," sabi niya rito.
He looked bothered. Pilit itong ngumiti. "Sure."
Palaisipan sa kanya kung sino ang tumawag rito para magbago ang mood nito. Sigurado si Eina na ayaw lang nito ipahalata sa kanya na may bumabagabag sa isip nito. Basta na lang ito namili ng palabas. Hindi naman ito fan ng rom-com movies.
"This is so unoriginal. Poor girl meets rich boy? What's new?" Saka pa lang nagreklamo si Saulo kung kelan patapos na ang palabas. Napa-side eye siya sa lalaki. Parang gusto niya itong kurutin. Kilig na kilig siya sa pinapanood samantalang nakasimangot ito sa pagpo-propose ng lalaki sa loob ng eroplano.
"Ang sweet kaya! Palibhasa lalaki ka, kaya hindi mo na-appreciate 'yung mga ganito."
"Corny talaga. Bakit ka magpo-propose sa loob ng eroplano kung pwede naman sa airport? Wala ka pang ibang maaabalang tao. Paano kung 'yung naghihintay sa likod n'yo ay matagal ng sumuko na magkaroon ng love life? Eh di sumama pa lalo ang loob."
"Hindi mo naman masasabi. Malay mo mainspire siya maghanap ng pag-ibig at mag-download ng dating app?"
"Now that's a stupid move. Walang nagseseryoso sa mga app na 'yan. They're only looking for sex."
"Ang nega mo naman. Meron kaya. Na-try kong gumamit n'yan isang beses."
Marahas na napalingon sa kanya si Saulo.
"Makatingin ka naman. That's not a crime! Na-curious lang ako!"
"Bakit defensive ka? Nakipagkita ka ba sa kausap mo?" May maliit na ngiti sa labi ng binata.
She rolled her eyes at him. "Wala akong intensyon na makipag-meet nung dinownload ko 'yun. I'm just looking for someone na fun kausap at may kapareho ko ng interest."
"How about sex on chat?"
Sinamaan na niya ito ng tingin. "Alam mo wag mo ko igaya sa 'yo. I'm not horny all the time!"
Humalakhak ito at ipinatong ang braso sa balikat niya. "Hinuhusgahan mo na naman ako. I'm just a hot-blooded man. Kasalanan ko ba kung nagre-react agad si Heneral Andres."
"Ang cringey pag galing sa 'yo."
"Seriously. On a scale of 1 to 10, how would you rate me?"
"As my boss or as a man?"
"As your man."
Kumunot ang noo ni Eina, saglit na nag-isip. "I'd like to give you a, uhm, a nine?"
"You sure?"
"Yes. A solid nine."
"Why nine?"
"Because no one is perfect. Lahat tayo kailangan pa rin mag-improve. Kung bibigyan kita ng ten, e di ang laki ng ng ulo mo."
"Hindi pa ba?"
"Matinong usapan kasi 'to, eh. Ayan na naman." Aniya at marahang tinapik ang pisngi nito. Ang laki ng ngisi nito sa sagot niya. Tuloy gusto niya itong panggigilan.
"Ako ba hindi mo tatanungin?"
"I don't care about your opinion. I know I'm a solid eight," confident na sagot ng dalaga.
Lumamlam ang mata ni Saulo at tinitigan siya ng malapitan. "You're too humble, but no. You're a solid ten. You heard it right. Everything about you is perfect. You're flawless and you have such an ethereal beauty with amazing personality that could drive a man crazy for you. And you're so patient with me. Wala pa akong ibang nakilala na papantay sa 'yo."
Napaawang ang labi ni Eina sa pagkagulat. April Fool's Day ba ngayon? Hindi niya inaasahan na iyon ang maririnig dito. Nanginig ang labi niya sa pagkapa ng isasagot. Parang aalpas mula sa kanyang dibdib ang puso niya sa lakas ng pagtibok niyon.
"Ano na? Manonood pa ba tayo?" bulong ni Saulo nang hindi pa rin siya maimik.
Umiling ang dalaga sabay hila sa batok nito.
Nagdidiwang si Eina nang dumating ang earning report niya. Malaki ang naging kita niya ngayong buwan sa Playmate. Bumalik ang karamihan sa mga dati niyang subscribers kasabay ng pagtaas ulit ng ranking niya. Nakatulong ang consistent livestream niya na kasama ang binata.
Bilang pasasalamat, nagpost siya ng selfie. Natatakpan pa rin ang mukha niya ng itim na lace blindfold. It's like a mask that is being used for BDSM. Matagal na niyang nabili iyon at ilang beses lang niyang nagamit. She wore a red lipstick and a choker on her neck with a Taurus pendant that is made of gold and emerald stone.
"Finally! 50K subscribers! Thanks for all the love and support. Love you all."
May dahilan si Eina para maging masaya. Nalulungkot lang siya ngayon dahil umalis si Saulo. Dalawang araw niya itong hindi makikita. Alam niyang kahit mag-send siya ng message, hindi rin nito iyon mababasa. Maaga itong umalis. Baka nasa isla na ito.
Bahala na. Nagmessage pa rin siya.
Ingat ka.
She smiled. Mababasa pa rin naman nito iyon pag nahawakan ulit nito ang telepono. Gayun na lang ang gulat ni Eina nang biglang magreply si Saulo.
Ikaw rin. Wag ka muna magpapaligaw d'yan habang wala ako.
Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan. Di mapigilan ni Eina ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Parang kumikiliti sa tagiliran niya.
Nagtype siya ng mabilis. Pupunta ako ng mall mamaya.
Segundo lang yata ang itinagal at may reply na ulit si Saulo.
Saulo: Shopping? May bibilhin ka para sa kin?
Eina: Kapal. Wala akong pera.
Natawa siya nang mag-send ito ng sad emoji.
Eina: Hindi bagay sa 'yo. Bakit ka nagte-text pala? Di ba bawal d'yan ang phone?
Saulo: Yup.
Eina: Eh bakit nakakapagtext ka?
Saulo: Gumawa ako ng paraan na mahawakan ko muna.
Eina: Ahh, may importante ka bang tinawagan? Baka nakakaabala ako, ha. Kinumusta lang kita. Aalis din naman ako.
Hindi na ulit ito nag-reply.
Binitawan na lang muna ni Eina ang cellphone para mapigilan ang sarili na mag-abang sa text nito. Baka matawagan pa niya ito kapag di siya nakapagtimpi.
Magiging abala din naman siya mamaya. Makakalimutan din niyang isipin ang binata, lalo na pumasok na ang kanyang sweldo. Nakapagpa-schedule na nga siya ng masahe. Pupuntahan na lang niya mamaya ang spa. Bandang hapon pa naman 'yun.
Inabala niya ang sarili sa paglilinis, pagpapalit ng bedsheet at kurtina at paglalaba para lang hindi maisip si Saulo.
Iyon yata ang pinakamahirap gawin. Mas lalo lang niya itong naiisip. Napakabagal ng oras.
Natapos rin si Eina sa ginagawa. Bigla naman tumawag ang kanyang ina. Di pa rin yata umuuwi ang kinakasama nito. Mukhang humaba ang away ng mga ito dahil lang sa pagtatampo ng ina niya.
Hindi rin niya alam sa dalawa. Kaya nga siya single hanggang ngayon. Para wala siyang problema!
"Kailan mo ba balak bumisita dito sa Baguio? Panay ka naman ganyan. Di ka naman umuuwi." May bakas ng tampo sa boses nito.
"Super busy lang ako. Bibisitahin kita d'yan kapag pinayagan ako na mag-leave. Gusto ko kapag nag-stay ako d'yan mga three months."
"Susmaryosep ka, Eina! Baka mamaya buntis ka pang umuwi dito, ha!"
Naaliw ang dalaga sa tono ng pananalita ng ina niya.
"Ayaw mo 'yun, Nay? Kapag may apo ka na, di mo na problema si Greg," pagbibiro pa ng dalaga.
"Wala akong problema kahit mag-alaga pa ako ng limang anak mo. Pero aba, iharap mo muna sa akin 'yang boyfriend mo d'yan sa Maynila. Magpakita siya sa akin bago ka umuwing buntis dito."
"Nay! Galit ka naman agad. Kalma. Binibiro lang kita. Wala akong boyfriend. Wag kang mag-alala, nag-iingat ako."
"Eina, hindi biro 'to. Alalahanin mo 'yung nangyari sa 'yo noon. Suportado kita sa kahit anong gawin mo sa buhay mo. Basta ingatan mo ang sarili mo lagi."
Natahimik si Eina.
Ito ang nagbantay sa kanya sa ospital noong araw na nakunan siya. Nagising siya na nasa tabi niya ang Nanay niya. Namumugto ang mata na tinitigan siya. Hindi ito nagsalita pero kita niya ang halo-halong emosyon sa mata nito.
Sa lahat ng nangyari, ipinagpapasalamat niya na sobrang naging maunawain nito. Hindi siya nito pinilit na sabihin ang lahat. Mas inuna nitong masigurado na magiging ayos lang ulit ang kalagayan niya. Nakapagtapos ulit siya dahil sa suporta nito.
Ngunit may ilang beses na nagtangka ang ina niya na alamin kung sino ang ama ng ipinagbuntis niya noon. Palagi niyang iniiwasan ang paksang iyon.
"Promise talaga, 'Nay. Baka makauwi na ako d'yan. Subukan ko kaya next week, ano?"
Nakikita na agad ni Eina sa kanyang isip ang pagsimangot nito.
"Kung di ka makabisita dito, ako na lang ang pupunta dyan sa 'yo. Sagutin mo na lang ang hotel ko kung di ako pwede tumuloy sa apartment mo. Maiintindihan ko naman na kailangan nyo ng privacy ng kung sinong lalaking itinatago mo d'yan."
Bumanat pa rin talaga ito sa kanya. Di na lang siya tumanggi. Medyo totoo naman. Eto nga at katatapos lang niya labahan ang mga underwear ni Saulo na naiwan sa kwarto niya.
Pramis, hindi niya inamoy!
Nakangiti si Eina na lumabas sa Spa. Ang sarap ng pakiramdam niya pagkatapos ng session. Napagaling nung masahista niya. Natanggal nito lahat ng stress at pagod niya. Parang ang gaan tuloy ng kanyang katawan.
Di muna siya umuwi. Maiinip lang siya na mag-isa. Natagpuan niya ang sarili na papasok sa isang store. Nakamasid siya sa mga panlalaking accessories. May lalaking lumapit sa kanya para i-assist siya. Nagtagal siya sa pamimili. Bukod sa hindi niya alam kung ano ang bibilhin, nalulula rin siya sa halaga ng mga item sa harap niya!
Nagpaalam si Eina sa kausap. Nagsabi na babalik ulit. Pero ang totoo, pupunta siya sa ibang store para maghanap ng mas malapit sa budget niya. Matapos ang isang oras na paglilibot at pagmamasid sa mga mamahaling items, ang laking achievement na may bitbit siyang paperbag.
Malawak ang ngiti sa labi na naglakad siya papasok sa dinadayo niyang milktea shop. Mahaba ang pila sa loob. Napansin niya ang isang couple na nagtatalo pa malapit sa kanya. Di niya sana papansinin ang LQ ng mga ito kung di lang niya nakita ang side profile ng lalaki.
Sandali.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya sa loob ng kanyang sling bag. Sumulyap ulit siya sa pila sa harap bago sinilip ang text message.
Wish you were here. Miss na kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top