Chapter 71


 Nagawa ni Eina na pagtakpan ang emosyon niya hanggang sa matapos ang gabi. Hindi nahalata ni Saulo na may bumagabag sa kanya. Nakarating sila sa hotel nila na hindi nito napapansin ang epekto sa kanya ng pag-uusap nila ng dating nobyo. Mabuti na lang ay hindi nagsuspeta si Saulo. She was able to control the heavy emotions inside her chest.

 Nagpanggap siya na hindi napukaw ni Adonis ang mga iniwan niyang alaala sa nakaraan. Nang makatulog na si Saulo sa kanyang tabi, bumangon siya sa tabi nito at umupo malapit sa bintana ng silid nila.

 Di niya mapigilan ang tahimik na pag-iyak. Hanggang ngayon masakit pa rin sa dibdib kapag inaalala niya. May parte niya ang tila paulit-ulit na binibiyak, dinudurog. Akala niya sapat na ang pagdaan ng mga taon para makalimutan niya ang pinakamasaklap na sinapit niya noon.

 It was such a cruel memory.

 Halos husgahan na ang pagkatao niya noon dahil sa mga kumalat na larawan at maikling video. Samu't saring mga pangungutya at pambabastos ang hinarap niya. Ramdam niya noon ang mga nanghuhusgang tingin sa kanya. Mula sa mga acquintance, kaibigan at mga taong nakakakilala sa kanya. Kahit yata mula sa mga hindi niya kakilala.

 Tuwing may makakasalubong siya sa labas, pakiramdam niya nakita rin ng mga taong iyon ang itsura niya sa madilim na kwarto, nakahiga sa puting kutsyon at walang saplot.

 Bagaman hindi masyadong kita ang kanyang mukha, rinig na rinig naman ang kanyang boses. Iniuungol niya ang pangalan ng lalaking katalik habang sumasabay ang katawan niya sa ginagawa nito sa pagitan ng mga hita niya.

 Nakakapanghina. Sa kaklase niya unang nalaman ang tungkol roon. Concerned na inilapit nito sa kanya iyon. Kumalat na pala iyon sa mga grupo ng lalaki sa kanilang campus. At nang mga sumunod na araw, siya na ang naging paksa ng mga usapan.

 Malaking kahihiyan ang dinanas niya. Dahil sikat si Adonis at maraming interesado sa relasyon nilang dalawa, mabilis na kumalat ang video. It was a short clip. Hindi pa ganoon kataas ang resolution pero sapat na para pagpyestahan ng mga tao.

 It was the scandal of the year. Wala siyang magawa kundi ang magtago. Hindi niya kayang harapin ang mga mapanghusgang titig at nanunuksong ngiti.

 Samantalang nabalitaan niya na patuloy pa rin ang pagpapakita ni Adonis sa publiko. Mas dumami pa ang nagkaroon ng interes dito. Tumaas pa lalo ang popularity. It was very unfair. She was humiliated because of him! Kung walang video, walang mangyayaring ganoon.

Parehas silang naroon. Bakit siya lang ang nakakaranas ng ganoon?

Dahil ba hindi naman talaga ito kita kaya walang patunay na ito nga ang nandoon? O dahil ba lalaki ito kaya okay lang na magkaroon ito ng sex video? Parang wala itong pakialam. Buhat ng komprontahin niya ito tungkol sa video, hindi pa sila ulit nag-usap.

Nagalit ba ito sa kanya dahil sa pagbibintang niya na sinadya nitong ikalat ang video? Wala raw itong alam.

 Dapat ba siyang maniwala na isang araw bigla na lang nawala ang cellphone nito at nang makita ulit, sunod naman na kumalat ang mga pinaggagawa nila?

Nagwala siya sa harap ni Adonis. Pinagkakalmot niya ito sa mukha at pinagsisigawan. She was very mad. Pagkatapos ng nangyari sa kanila, maaabutan niya ito sa condo nito na may tinatagong babae sa banyo?

Malayo sa pagiging perpekto ng relasyon nila. Hindi rin siya perpekto dahil isang beses ay nagkaroon siya ng pagkakamali sa binata. Pero sinubukan naman niyang itama. Bakit kailangan pa nilang umabot sa ganoon?

Tila gumuho pa ang mundo niya nang malaman niyang buntis siya. Dalawang beses siyang sumubok na mag-pregnancy test. Parehong positive.

 Aksidenteng nakita ng roommate niya ang resulta. Nangako ito sa kanya na walang pagsasabihan. Sinubukan niyang sundin ang advice ni Nikki. Gusto niyang kausapin si Adonis, ngunit naging mailap ang lalaki sa kanya. Hindi ito magpakita sa kanya. Nabalitaan niya na lagi itong may kasamang iba't ibang babae. Napagod rin siya bandang huli.

 Mabigat na nagdesisyon si Eina. Haharapin niya ang responsibilidad ng mag-isa. Lumipat siya ng ibang tirahan para makatipid siya.

 Hindi niya alam kung paano siya magsisimula ulit. Gusto na niyang ipagtapat sa Nanay niya ang nangyari pero wala siyang lakas ng loob. Alam niyang madidismaya at masasaktan niya ito.

Kaya sinarili niya ang lahat at sa huli, hindi rin niya kinaya ang bigat na dinadala. Mag-isa siyang nagluksa.

 And for months she was lonely and depressed. Naisip na niyang bumitaw at hayaan ang sariling mahulog sa dilim. Nagpalamon siya sa kalungkutan. Galit na galit siya sa sarili. Kinamuhian niya ang itsura niya tuwing nakikita ang repleksyon sa salamin.

Hindi niya alam kung paano niya iyon natakasan. Wala siyang alaala kung kelan siya gumising para magsimula ulit ng panibagong kabanata. Pasalamat na lang siya at nagawa niyang makabawi ulit.

Nakapagtapos pa rin siya ng pag-aaral sa ibang university. Sobrang saya niya.

She was very proud of herself.

Naramdaman ni Eina na gumalaw si Saulo mula sa kinahihigaan nito. Pinahid ng dalaga ang luha sa kanyang pisngi. Suminghot siya at sumilip sa kama. Mahimbing ang tulog ng lalaki. May pasok pa sila bukas kaya kailangan niyang pilitin ang sarili na magpahinga na.

Uminom lang siya ng tubig pagkatapos ay tumabi na ulit rito. Agad niyang naramdaman ang init ng katawan nito. Sa kung anong dahilan nakakuha siya ng kapayapaan sa pagkakayakap sa binata.

Hindi mawala ang sakit ng ulo ni Eina kinabukasan. Resulta iyon ng kawalan niya ng maayos na tulog kagabi. Uminom na siya ng gamot pero walang talab iyon sa kanya.

Dagdag pa sa sakit ng ulo niya ang kasiyahan na bumungad sa kanya sa opisina. Balitang-balita na nililigawan si Kristine ng gwapong empleyado sa kabilang department. Kilig na kilig naman! Sinadya pa nitong dumaan sa table niya para ipakita ang natanggap na flowers at chocolates. "Sana all nililigawan!" may pa-huni pang sabi ni Kristine.

Nag-angat siya ng tingin.

"Bigay sa 'yo? Hindi pa ngayon ang Undas."

Ang sakit sakit na nga ng ulo niya, iinggitin pa siya?

"Ay ang sakit naman madam. Hulaan ko palaman mo sa pandesal."

"Ano?"

"Peanut bitter." anito sabay walk out.

Pagkatapos ng isang oras, tumigil muna siya sa ginagawa para mag-inat. Sumulyap siya sa loob ng opisina ni Saulo. Abalang-abala ito sa ginagawa.

"Want something to drink?" alok niya. "Magpapa-deliver din ako ngayon. Baka may gusto kang ipasabay?"

"Sure. Ipili mo na lang ako ng gusto mo."

"Okay." Dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Dismayado. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin

  Actually, gets naman ni Eina na sobrang busy ngayon ng araw nito. Gusto lang niya magpapansin. Bumuga siya ng hangin sabay dampot sa telepono niya para mag-send ng order. Pagkarating ng meryenda, pumasok siya sa opisina ng binata at inilapag sa coffee table nito ang drinks at foods.

Noon hindi siya pwedeng pumasok na hindi kumakatok kundi sermon ang aabutin niya. Wala, eh. Matapang na siya. Pahigop-higop na lang siya ng strawberry frappe niya habang nakaupo sa sofa nito. Pinapanood ito na abala sa binabasa nito sa tablet.

Ilang minuto pa lang na pinapanood niya si Saulo, parang nawawala na ang sakit sa kanyang ulo. Bilib din talaga siya sa kagwapuhan ng isang 'to. Tinalo ang paracetamol. Tingin pa lang ginagawa niya ha. Ano pa kung tikman ulit niya?

"Stop staring at me like that."

"I'm not staring," pag-deny niya.

Nakunot-noo itong sumulyap sa kanya. Hindi siya makaiwas ng tingin. Sobrang obvious ba niya?

"You are staring and it's making me horny. Stop that."

"I can take care of the problem. Maliit na bagay naman."

"Lumapit ka dito at saka mo sabihin na maliit."

Di mapigilan ni Eina ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. "Nagmemeryenda ako, Sir. Mamayang gabi pa dapat ang main dish, di ba?"

Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ng binata. Tumayo sa kinauupuan at nilapitan siya. Hindi ito nagbigay ng distansya sa pagitan nila. Sinalubong ng kanyang labi ang mainit na halik nito. Sapat ang ilang segundong magkalapat ang bibig nila para mawala ang bigat sa kanyang ulo.

His mouth tasted so sinfully delicious.

"Saan ka pupunta mamaya?" tanong ni Eina.

"Dinner with Mom."

"Sino?"

Tumigil si Saulo. "Sino pa ba?"

"I mean you have two—" Parang gusto niyang sampalin ang bibig niya sa pagiging pasmado. Nakalimutan niya ang lugar niya. Dapat nakikitango na lang siya! "I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.

"That's okay. I'm talking about my biological mother."

Tumungo na lang si Eina. Iniwasan magbigay ng opinyon.

"Relax. It's not that serious." He chuckled. Uminom ito pagkatapos ay muling nagsalita. "Hindi ako malapit sa kaniya pero kaswal naman kaming nakakapag-usap. She called me this morning to say hi. Inimbitahan niya ako na kumain sa labas mamaya."

"That's nice." Ngayon lang niya nalaman na meron pa rin pala itong connection sa ina nito.

"Kagagaling lang niya sa trip niya sa Italy. Isasama niya si Lonzo mamaya para makausap ako. She's not very happy with my brother's activities lately. Napapadalas na nakikita sa kung saan-saang club. Puro barkada at babae ang inaatupag. May mga explicit pictures na nakarating sa kanila. It's not good."

"May pinagmanahan naman pala."

He rolled his eyes at her. Napahagikhik si Eina.

"Kaya ka siguro ininvite sa dinner. Baka inaasahan niya na bigyan mo ng advice ang kapatid mo. Eh kasi nga puro babae 'yung mga kapatid niya na malapit, ikaw ang pinaka-perfect na role model."

"You don't have to remind me. I'm a good role model. Thank you very much."

"Ang problema lang may access din sa internet ang kapatid mo. Malamang makikita nun na mas malala ka pa sa kanya." Napairap siya sa hangin.

"Ganito na lang ang sasabihin ko. Ganto kasi 'yan kapatid—"

"Hay, wag ganyan. Para kang 'yung mga gym bro na biglang naging motivational speaker sa Facebook. Wag mo susubukan."

"Bakit naman?"

"Baka kung ano ang i-advice mo sa kapatid mo. Di pa maibigay ang pasalubong sa 'yo. Galing pa naman sila ng Italy."

"I don't care. Hindi ako tumatanggap ng pasalubong."

"Iba talaga kayong mayayaman," napailing si Eina. "Eh kung hindi ka, ako na lang ang tatanggap. Ibigay mo sa akin."

Ang sarap pakinggan ng tawa ni Saulo. Parang kumikiliti sa puson niya.

"Di ako nagbibiro. Tatanggap ako ng pasalubong kay Tita."

"Tita?" Tumaas ang kilay ni Saulo.

"I mean, sobrang formal naman ng Mrs. Salvatore. Joke lang 'yung Tita. Wag ka mailang d'yan."

Pakingshit. Nakakahiya! Buti di sumobra sa dulas ang dila niya. Baka natawag pa niyang Mama. Ay, nakakahiya talaga. Peste. Ramdam niya ang kanyang pamumula. Literal na gumapang mula sa tuktok hanggang sa talampakan niya.

Di tayo magiging ilusyunada ate!

"Bibilhan na lang kita ng gusto mo."

"Binibiro lang kita. Di ka naman maawat sa sugar daddy era mo. Pero di naman ako natanggi sa grasya." Nanlaki ang mata niya ng makita ang hawak ni Saulo.

"Huy, akin 'yan!"

Huli na ang paalala niya. Nilalantakan na nito ang butter croissant niya. Hindi pa niya nauubos ang frappe kaya hindi pa niya iyon magalaw. Mas gutom pa pala ito sa kanya!

Kinagabihan nakatanggap ang dalaga ng tawag mula kay Gigi. Eksaktong kasasalang lang niya ng mga damit niya sa washing machine. Kung kelan gabi saka niya naisipan na maglinis. Panay alis siya tuwing weekends kaya halos hindi na niya nagagawa ang gawaing bahay niya.

Sobrang excited na ibinalita sa kanya ni Gigi ang isa-isang pagre-release ni Belleza ng pictures. "Nakita mo na ba? They already released the campaign ad."

"You mean the pictures? Hindi ko pa nasisilip."

"Hindi 'yan! They just released the behind the scenes for the campaign and the surprising part, they included you in the final edit. Ang haba ng screen time mo sa dami mong exposure!"

"Oh." Napahinto si Eina sa ginagawa. Akala niya 'yung pictures lang ang irerelease. Kapapasok lang last week ng bayad sa kanya. Infairness, malaki rin ang talent fee na binigay sa kanya. Hindi niya inaasahan na babayaran talaga siya doon.

Pumunta siya sa kwarto niya at umupo sa kanyang table. Pagkabukas niya ng laptop, nagpunta agad siya sa nasabing video.

Napasinghap ang dalaga. Hindi nagsisinungaling sa kanya si Gigi. Umabot na nga ng million views ang video. Naghalo ang gulat at pagkamangha ng makita niya ang sarili. Sa unang pagkakataon tila umabot hanggang kisame ang tingin niya sa sarili. Tumaas ng ilang milya ang self-esteem niya sa mga nakitang komento.

"You wouldn't believe it. Ang daming nagtatanong sa akin ng pangalan mo. Oh my Gosh. 'Yung mga brands na kausap ko tinatanong sa akin kung sa aking agency ka raw ba galing. Interested sila sa 'yo. This is good!"

"T-Talaga?"

"Yes! Kung alam mo lang kanina pa akong nakababad sa telepono ko. Hindi ako makapagbigay ng info sa kanila na hindi dumadaan sa 'yo. That's why I called you. Just let me know kung hindi ka komportable sa atensyon. Nasabi mo na rin naman sa akin before that you're not interested. Gets ko naman kung ano man reason meron ka pero alam mo sobra akong nanghihinayang kung di mo bibigyan ng chance."

Napaupo si Eina. Saglit na napaisip. "Ano sa tingin mo ang gawin ko?"

Tumawa sa kabilang linya ang babae. "Hija, paalala ko lang sa 'yo. May-ari ako ng agency. Wala ng isip-isip, kukunin talaga agad kita. Bukas na bukas may photoshoot ka na agad. Kaya wag ka sa 'kin magtanong. Ikaw ang magdesisyon, tapos saka ko na lang gagatungan kung super interested ka na."

Humalakhak ulit ito."Call me if you want it. Bukas ang linya ko anytime."

Napaisip tuloy si Eina kung pwede niya tawagan ito kahit alas tres ng umaga.

"Okay. I'll think about it."

Nagpasalamat siya sa babae bago magpaalam. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Napabasa siya sa mga sinasabi sa comment section. Nag-scroll din siya sa ibang site. Naagaw ang kanyang atensyon nang may dumating na bagong message sa kanya.

Unknown number? Napakunot-noo si Eina.

Saw you in that vid. Damn babe, i've missed you.




---MIDNIGHT MISTRESS IS NOW COMPLETED ON VIP AND PATREON. LINK ON BIO.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top