Chapter 70


Ang kapal ng mukha!

Gustong balikan ni Eina dating nobyo at sampalin ito ng stiletto heels niya. Nakapagtimpi lang siya. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa pag-ahon ng samu't saring emosyon.

She felt anger, disgust and shame. Pati na ang sakit na dinamdam niya sa kanyang dibdib noong mga nakalipas na taon. Sinarili niya ang lahat ng iyon. Kahit ang Nanay niya ay walang ideya sa pinagdaanan niya kahit na isang taon siyang tumigil sa pag-aaral. Hindi siya umuuwi noon.

Oo, totoong umalis siya sa apartment kung saan siya tumira habang nag-aaral. Pagkatapos Lumipat siya sa ibang bahay na mas mura ang upa at para mapag-isa. It's for her own peace. Inakala niya kasi na mga totoong tao at kaibigan ang mga nakasama niya roon. Wala siyang ideya na pugad iyon ng mga ahas na naghintay lang ng pagkakataon na matuklaw siya sa likod.

Oh God, that was a long time ago. Ayaw na niyang alalahanin pa. Iniisip pa lang niya ay parang gusto na niyang sumuka.

"Ba't ang tagal mo?" bulong ni Saulo pagkabalik niya sa tabi nito. May pagtataka sa tinig nito.

"Lumabas lang ako saglit para magpahangin."

"Bakit mukha kang namumutla? Everything alright?"

"Y-Yeah. All good." Tumingin sa kanya si Saulo na parang hindi ito kumbinsido sa pinagsasabi niya. "Saka medyo masakit ang puson ko. Alam mo na," dagdag niya para mapaniwala ito.

"Kailangan mo ba uminom ng gamot?"

"No, wag na. Sa bahay na lang mamaya."

"You sure?"

"Kaya ko pa naman tiisin. I'm okay. Promise."

Kung pwede nga lang gamitin niya na excuse iyon para makauwi na kaso lang ayaw naman niya magmukhang tumatakas. Wala siyang dapat ipag-alala sa presensya ni Adonis. He was just a thing in the past.

"How about you, Eira? What do you do?"

Isa pa itong si Hideo. Hindi niya alam kung dapat siyang ma-flatter sa malalagkit na sulyap at ngiti nito. Hindi naman siguro nito naiisip na harutin ang date ng kuya nito, hano?

"I'm a professional model," sagot niya pagkatapos ay sumulyap pa kay Saulo. Biglang may pa-interview? Hindi siya nakapagpractice ng sasabihin.

"Oh, you're part of Belleza's campaign! That's why I felt like I've seen you before."

Actually, hindi pa niya nasisilip ang mga pictures sa official page ng Belleza. Maliban sa set ng photos na nai-post ni Caio sa Instagram page nito kung saan kasama siya. Wala sa mga katrabaho niya ang nakakapansin pa nun. And thank God, hindi iyon pinag-uusapan sa office dahil na kay Farah pa rin ang spotlight ng buong ad.

"Nice shoot. I'm glad you're part of that campaign. Pagmomodelo lang ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"'Pag walang booking, inaasikaso ko 'yung online business ko."

"What business?"

"Clothing store." Nagtatanggal siya ng damit para makabenta. Grabe ang daming tanong ha!

Mabuti na lang naisipan ni Saulo na ibaling ang paksa sa sports. Hindi ipinahalata ng dalaga ang pagkainip at kawalan ng gana. Nag-uusap pa rin ang magkapatid kasama ang isang pinsan ng mga ito nang mahagip ng paningin niya si Adonis. He was flirting with a sexy socialite. Pamilyadong lalaki na lahat lahat kung kani-kanino pa nakikipagharutan. Hindi na siya nagtaka kung bakit nag-eskandalo 'yong babaeng nakita niyang kasama nito sa Temptation Island.

Aksidenteng napasulyap ulit siya kay Adonis. Sa pagkakataong iyon ay nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Now what? Iniiwas niya ang kanyang mata at dumikit kay Saulo para hindi ito magtangka na lapitan siya. Mayamaya ay napansin niya ang pagbubulungan ng magkapatid pagkaalis ng lalaking kausap ng mga ito.

"Mabuti naman makakasundo na rin ulit ng pamilya natin ang mga Ferrer. Mukhang ito na yata ang senyales na matutuloy ang proyekto ni Papa sa kanila."

"Let's not talk about that here, Hideo. That is still confidential and we're not really sure if they are interested."

"Believe me, man. Sisiw lang na mapapayag ang mga Ferrer. Hindi na sila ganun kataas para tumanggi pa sa 'tin. Lumulubog na 'yung mga pinaka-iingatan nilang negosyo. Kung hindi pa sila magiging praktikal ngayon, baka matuluyan na lahat ng kompanya nila. I know they're desperate now and they need us to stay afloat."

Hindi nagbigay ng opinyon si Saulo sa sinabi ng kapatid. Nagpanggap siya na walang narinig. Malinaw ang pandinig niya. Pinag-uusapan ng mga ito ang pamilya ni Adonis. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit umattend ito sa kaarawan ng abuelo ni Saulo.

Mayamaya ay muli niyang nakita si Adonis. Nasa dance floor na ito at kasayaw ang kausap nito kanina. Unti-unting dumilim ang paligid. Napalitan ng magkahalong asul at kulay lila ang liwanag na bumabaha sa malaking bulwagan.

Mula sa likuran niya, naramdaman ni Eina ang pagbaba ng mukha ni Saulo sa kanyang leeg. Nagpatak ito ng mainit na halik roon at marahang naglakbay papunta sa tenga niya. Tumindig ang balahibo niya sa batok nang marinig ang boses nito. "Want to dance?"

"S-Sure." As if kaya niya na tanggihan ang opportunity na makasayaw ito.

Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya sa gitna. Inaatake muli siya ng nerbyos nang maramdaman ang atensyon na nakatutok sa kanila ng binata. Literal na nararamdaman ni Saulo ang panginginig ng kamay niya. Hinila siya nito payakap at bumulong, "Relax."

Napaarko si Eina sa paghagod ng palad nito sa likuran niya. Inilapit rin niya ang kamay sa braso nito. Marahang pumisil bago iangat papunta sa balikat nito. Nahuli niya ang pagngisi nito. Kasunod niyon ay bumaba ang kamay ng lalaki para kumapa sa kanyang pang-upo.

"Saulo," mahinang saway ng dalaga.

Nagmaang-maangan pa ito at saka pumisil.

"Be nice."

"Or what?" Hinapit nito ang katawan niya para mas lalong magdikit ang harapan nila. Pinanlakihan niya ito ng mata. Jusko, nakakalimutan ba nito na posibleng nasa kanilang dalawa ang mata ng relatives nito? Or worse pinapanood sila ng abuelo nito.

"Wag kang showy. Baka isipin nila ako ang flavor of the month mo."

"No one is thinking about that."

"Kahit na wala, may cameras pa rin. Sige ka. Kakaganyan mo mamaya isipin ng madla hindi ka na available sa market."

"So what? I don't see any problem with that."

Hindi niya alam kung bakit nagdala ng matamis na ngiti sa labi niya ang sinabi nito.

"So okay lang ba sa 'yo kung i-assume nila na taken ka?"

Ngumiti lang ito sa kanya.

Itinikom na lang niya ang bibig. Mamaya akalain ni Saulo gusto niyang isipin ng iba na siya ang nakabihag dito. Wala pa siya sa ganung level ng pagka-delulu.

Pero hindi niya itatanggi na nagugustuhan niya ang atensyon na natatanggap. Sa tagal niyang naging single, hindi niya akalain na marerecognized pa ulit niya ang pakiramdam na iyon. It felt good.

And so unexpected.

Sa bisig pa talaga ng boss niya muli siyang makakaramdam ng ganoon. Parang bumabalik siya sa teenage years niya kung saan nag-iinit ang pisngi niya sa bawat sandali na kayakap niya ito. Ang corny, pero hindi na siya mag-iinarte.

Inignora niya ang pares ng matang nakatutok sa kanya. Pagkatapos nilang magsayaw, bumalik sila sa pakikipag-socialize. Nakatulong ang ilang baso ng alak para mapawi ang anxiety niya. Hindi siya humiwalay sa tabi ni Saulo. Napaparami din ang pag-inom niya na hindi niya nakontrol. Kung hindi pa siya sinaway ng binata, hindi pa siya titigil.

"Minsan lang naman."

"Di na masakit puson mo?"

"Hindi na, pero feel ko magkakaroon ako this week." Lumawak ang ngiti ni Eina. Isa lang ang ibig sabihin nun.

"Is that a good thing?"

"Ofcourse. Mas kabahan ka pag sinabi kong hindi pa ako dinadatnan."

"Okay. Bakit naman?"

"Anong bakit? Hello? Di mo ba alam kung ano ibig sabihin non?"

"I know. I'm not ignorant. Ang tanong ko lang bakit ako kakabahan?"

Siya ang natameme. Nag-loading ng mabagal sa utak niya ang sinabi nito. Ano raw kasi?

"Kasi magiging tatay ka?"

"And?"

Napanganga si Eina. "Kapag nabuntis ako, pananagutan mo 'ko. Kapag lang naman. Pero since hindi nga.. Sandali nga, seryoso ka ba? Di ka bothered?"

Tumawa ang lalaki. "Nag-iingat naman tayo."

"But still! Minsan hindi ume-effect 'yung pills. Tingin ko dapat nagka-kapote ka. Kung magiging honest ako, huh?"

Saulo frowned at her. "No."

"Why not? Mas safe 'yun kesa ipagpatuloy ko 'yung pills ko."

"Nagle-leak din ang condom, so no. Wala ka rin kasiguraduhan."

"Ayaw mo na lang yata mag-kapote eh?"

"Bakit pa ba natin pinag-uusapan 'to dito? It's weird."

"Just admit it. Ayaw mo na pagsuutin ng kapote si Heneral?"

"Heneral? What the fuck?"

"Oh, yes, Dzaddy. I have a name for you dick."

"Jesus, no." Napatulala sa kanya ang binata, saka umiling-iling. Siya lang ba o namumula na ang mukha nito?

"Heneral Andres, attention!"

Parang maibubuga ni Saulo ang iniinom nito. "Damn, you're drunk."

Tawa lang siya ng tawa. Mabuti na lang malayo na sila sa ibang bisita. Nagpaalam ito saglit sa kanya para pumunta sa rest room.

Nangangalay na ang mga binti niya kaya naghanap siya ng mauupuan. Wala pa yatang isang minuto na nakaupo siya, naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Adonis.

Geez.

"What are you doing?"

"So, Saulo Villeda is your boyfriend. Alam ba niya ang tungkol sa atin?"

Napatiim-bagang ang dalaga. Ang kapal ng mukha.

"He's not my boyfriend."

"Eh ano ka lang niya?"

Nag-init ang tenga niya. Hindi siya nakasagot.

"Oh, so you're just a fling." Walang pang-iinsulto sa tinig ni Adonis pero di niya mapigilan na maging defensive.

"I'm not a fling. Pero kung ano man ang meron kami, wala kang pakialam doon. Stay out of my business."

"Chill. Wala akong intensyon na manggulo."

"Eh ano ngayon itong ginagawa mo?"

"Kinakausap lang kita. Like an old friend."

Ngali-ngaling kumawala ang malutong na mura sa bibig niya. Old friend? Kailan pa?

"Look. Alam ko hindi maganda 'yung pinagtapusan ng relasyon natin, but you know, na-excite lang ako na makita ka ulit. Gusto lang kitang kumustahin ulit. I want to know what happened to you. Wala na sa akin kung anong nangyari sa atin noon. Ilang taon na rin naman iyon. Time to let go of the past."

Ano raw? Ito pa ang may lakas ng loob na magsabi ng ganoon sa kanya?

Umahon ang galit sa kanyang dibdib. Literal na bumalik ang panginginig ng kamay niya sa puntong parang gusto niyang ipadapo sa pisngi nito ang kanyang palad. Luminga siya sa paligid. Maraming makakakita kung gagawa siya ng eksena.

Kaya kahit abot hanggang kisame ang panggigigil ni Eina na sapukin ang dating nobyo, pinilit niyang kalmahin ang sarili.

"'E di good for you." sabi niya at nagawa pa niyang ngitian ito na aakalaing bukal sa loob niya. Pero kilala siya ni Adonis. Alam nitong peke lang ang pinakita niya. Bago pa ito makapagsalita ulit, tumayo na siya.

"Wait."

Inabot nito ang kanyang braso. "Fuck off."

"May gusto lang ako malaman. Alam kong galit ka, pero importante rin na malinawan ako kung wala ba akong tinakasan na responsibilidad sa 'yo noon."

Responsibilidad?

 Unti-unting nawala ang pagsasalubong ng kilay niya nang matukoy ang ibig nitong sabihin. Napalitan iyon ng pamumutla. Paano nito nalaman?

 Nang maghiwalay sila nito at nangyari ang malaking eskandalo sa buhay niya, hindi pa niya naipagtatapat ang bagay na iyon sa lalaki. Iniwanan siya nito na nasira ang dignidad niya. Ilang beses niyang tinangkang sabihin rito, pero nawalan siya ng lakas ng loob sa paulit ulit na pagtanggi nitong makausap siya. Hanggang sa napagdesisyunan niya na huwag na lang ipaalam rito ang sikreto niya.

 Pero paano..?

Marahas siyang suminghap. "Hindi ko alam kung anong responsibilidad ang tinutukoy mo. Ang alam ko lang nakuha mo ang gusto mo noon. Tapos na 'yun. Huwag na natin pag-usapan pa."

Mabilis na naglakad siya palayo. Muntikan pa niyang mabangga ang isang guest sa pagmamadali. Hindi siya makatakbo. May humagip sa kanyang braso. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang si Saulo iyon.

"What--?"

"Just listen." Simula ni Adonis. Hinigit siya nito sa isang sulok. "Ipinadala sa akin ni Nikki ang result ng pregnancy kit mo noon."

Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. That's her former roommate.

"It's just a picture. Hindi ko alam kung totoo iyon. Nag-aalala ako sa 'yo. Hinanap kita kung saan-saan para alamin kung totoo bang sa 'yo iyon o gumagawa lang ng kwento si Nikki. Maraming gabi akong hindi nakatulog kakaisip kung nabuntis ba kita.."

Napatigil si Adonis sa pagsasalita nang marinig ang mahihinang tawa niya. Napamaang ito sa kanyang mukha.

"Sigurado akong iba ang dahilan ng pag-iisip mo tungkol sa akin."

"Concerned ako sa 'yo noon."

"No." pagdidiin niya at matamang tinitigan ang mukha ni Adonis. "Concerned ka lang siguro kung ikaw ba talaga ang ama ng bata o ibang lalaki."

"Hindi iyon ang—"

"Kung totoong hinanap mo ako, matutuntun mo ako. Hindi ako nagpunta ng ibang bansa. Wala nga akong pera pangbayad ng renta sa bahay. No, Donnie. You're not worried about me. Mas nag-aalala ka sa reputasyon mo noon."

Hindi nakaimik ang lalaki. Tinitigan lang siya nito sa mukha na parang may hinahanap pa rin na sagot. Ubod ng pait na ngumiti siya.

"But to answer your question, wala kang tinakasan na responsibilidad sa akin."

Napalunok si Adonis. "Hindi totoong nabuntis ka noon?"

"Fake news."

Bumuntong-hininga ito, pagkatapos ay ngumiti. "Seryoso ako, Eina. Gusto lang kita kumustahin ulit. Sana kung ano man ang nangyari sa atin noon, mapatawad mo na ako." Bago umalis ang lalaki, inabot pa nito sa kanya ang calling card nito.

Naiwan siya sa isang sulok na hindi makontrol ang pagbaha ng kanyang emosyon. Nanginginig ang tuhod niya. Muntikan pa siyang matumba sa paglalakad.

 Nangingilid ang luha sa mata niya.

Sana nga ay fake news lang ang nakaraan niya.

Inayos ng dalaga ang sarili nang makita niyang papalapit sa kanya si Saulo saka itinago ang card sa kanyang bag.


---


MIDNIGHT MISTRESS is already completed on VIP & PATREON. LINK ON BIO.

Soon to be publish!

Details on FB: RaceDarwin Stories / Race Darwin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top