Chapter 7
Inilayo ni Eina ang telepono sa kanyang tenga. "Anong oras na ba, Eina, ha? Nandyan ka pa din sa trabaho mo?"
Tinanggal niya ang salamin, at natatawa na lang sa pagtalak ng kanyang nanay habang kausap siya. Nasa kalagitnaan siya ng pagtitipa sa keyboard nang bigla na lang itong mapatawag. Nag-alala pa siya at baka emergency ang dahilan ng pagtawag nito. Nangungumusta lang pala ito sa kanya.
"May kailangan lang ako tapusin ngayon 'Nay. Pauwi na din ako pagkatapos nito."
Napasulyap siya sa oras sa monitor niya. Alas otso pasado na. Mukhang kailangan na niyang magmadali.
"Masyado ka naman masipag anak! Hindi ba 'yan maipagpapabukas? Umuwi ka na. Di ka pa ba nagugutom?"
"Di pa naman," sagot niya kahit ang totoo ay kanina pa siyang nagugutom. Malapit na din naman niyang matapos ang ginagawa. Kailangan lang niyang habulin na mai-submit 'yon ngayong gabi bago siya umalis.
"Mag-take out na lang ako bago umuwi."
"Kung kasama lang kita sa bahay naipagluto na kita ng hapunan. Dapat di ka masyadong nagpapagabi sa trabaho mo. Hindi porke bata ka pa, aabusuhin mo ang katawan mo. Wag kang tutulad sa akin."
"Eh, anong gagawin ko? Maghanap na lang ng sugar daddy?" biro niya. Narinig niya ang paghagikhik nito.
"Kung makakahanap ka, baka magpasalamat pa ako! Eh kaso manliligaw wala nga?"
Napangisi si Eina. "Hindi kayo sure."
"Meron na ba?" Tumawa lang siya at pumalatak lang ito. "Oh sige na nga! Baka nakakaabala na ako. Mag-text ka na lang sa 'kin kapag nakauwi ka na sa bahay. Kumain ka ha."
"Opo, Nay. Love you."
Binalikan niya agad ang ginagawa pagkaputol ng tawag. Kung pag-oovertime lang din ang pag-uusapan, sanay na si Eina na abutan ng gabi sa opisina. Naroon pa din naman si Saulo na abalang-abala sa desk nito.
Minsan kahit weekends ay nagtatrabaho sila.
Sa loob ng apat na taon, nakasanayan na niya ang mga tungkulin niya bilang sekretarya ni Saulo. Hindi madali ang trabaho niya, pero di rin niya masasabing ayaw niya ang ginagawa. Gusto din niya na nagmumukha siyang abala at maraming ginagawa.
Kahapon nga ay nakatanggap siya ng letter mula sa mga naging kaibigan niya noong college. Magkakaroon pala sila ng reunion at napag-usapan ng mga itong magkita-kita.
Ofcourse, she declined the invitation. Idinahilan niya ang trabaho at kawalan ng oras. Di rin naman siya nagsisinungaling sa part na 'yun dahil busy talaga siya. Ang kaibahan lang kung gugustuhin niya, makakasali din siya sa reunion.
Pero ayaw niyang balikan ang mga pangit na alaala at ang posibilidad na mapag-usapan pa ang ibinaon na sa limot.
Missed you baby girl.
Parang napawi agad ang pagod niya. Kararating lang niya sa bahay at iyon agad ang makikita niyang message sa kanya.
I missed your dollars, too.
She grinned at her response. Hindi pa ulit nasusundan ang stream niya nang ilang araw. Pero araw-araw ang pagpapalitan nila ng messages ng lalaking 'to. Wala sa plano niya ang araw-arawin ang pakikipag-chat dito. Kusa na lang talagang gumagalaw ang kamay niya para replayan ito.
I'll spoil you if u send daddy a selfie now.
He was very responsive. Biro lang naman ang sinasabi niya pero parang gusto agad nitong ibigay. Naalala tuloy niya ang biro sa kanyang Nanay tungkol sa sugar daddy. Sigurado kung malaman lang nito ang ginagawa niya, nahabol na siya nito ng tambo.
Hmm, no. I'm so tired today. Wala na ko energy.
Sarap tawanan ng mga dahilan niya. Kahit lasing yata eh makakapag-selfie pa. Siya pang pagod lang?
We can still talk on the phone. I just want to hear your voice again.
God, he's so clingy! Di naman siya nakikipag-usap sa phone. Sa stream nga matinding pagpapa-practice pa ang ginagawa niya sa boses para lang hindi niya maging kaboses ang sarili. Iniiba niya pa ang accent at ang paraan ng pakikipag-usap para lang makasigurado. May mga pagkakataon na nadudulas siya, pero di naman siya pumapalya.
Nang sumunod na araw, puno ng tensyon ang katawan ni Eina habang pinapanood niya ang pangyayari sa meeting nang umaga hanggang sa opisina ni Mr. Morales. He was a member of the board of directors. Nasa early forties pa lang ang lalaki at senior na nito, but the man was very incompentent.
At matagal na itong pinag-iinitan ni Saulo. Well knowing him, mainitin naman talaga ang ulo.
"What a mess," bulong ni Saulo nang maupo na ito sa swivel chair nito sa loob ng private office. Nakasunod lang ang dalaga sa binata. Nababasa pa rin niya ang iniwang tensyon sa katawan nito at ebidensya na angg pag-igting ng panga nito. Ah, poor Saulo. She couldn't blame him. Hindi naman nito basta na lang alisin si Mr. Morales lalo na't wala itong hawak na ebidensya laban sa nakakatandang executive.
Kahit siya ay gustong sumakit ang ulo.
"Sir, what do you want? Coffee or tea?" alok niya sa lalaki.
"Wag ka na mag-abala. I just need to take a rest." Napansin niya ang pagmasahe nito sa sintido. He looked very stressed.
"Or do you want me to massage your head, Sir?"
Nagmulat ito ng mata at tumutok sa kanya ang mainit na titig nito. Pakiramdam niya ay may sinag ng araw na tumutok sa kanyang mukha.
"Go ahead."
Tumayo ang lalaki at lumipat sa sofa. Pumwesto ito pasandal at hinayaan siyang pumwesto sa gilid na bahagi para alalayin ito. Kaswal lang niyang sinimulan ang pagmasahe sa magkabilang bahagi ng ulo ng binata. Sanay na siyang gawin iyon bilang iyon ang ginagawa niya kapag nakikita itong sobrang stressed.
Isa lang 'yon sa mga natutunan niyang gawin simula nang maging sekretarya siya nito. Para bang naging personal massage therapist na din siya nito. Pinag-aralan pa niya pati ang pagmamasahe sa balikat nito, braso.
Well, hindi naman niya nai-apply dito ang full body massage at wala siyang balak! Hindi niya kaya na imasahe itong na walang saplot. Hindi nga niya ito matingnan ng diretso kapag naaabutan niya itong hubad baro sa penthouse nito.
"Okay ka lang ba, Sir?" banayad na tanong ni Eina pagkatapos niyang hilutin ang sentido nito. Nakapikit ang mata nito. Hindi na kaya nakatulog na ito? Inilapit niya ang daliri sa ilong nito.
"Anong ginagawa mo?"
Agad niyang binawi ang kamay sa gulat. "Sir, chine-check ko lang naman ang paghinga mo. Malay ko ba kung nakatulog ka na."
"Hindi ba ko humihinga pag tulog?" supladong balik nito sa kanya.
"Humihinga po."
Di na lang siya nakipagtalo. Mainit pa yata ang ulo. Baka siya pa ang mapagbalingan kapag di pa siya umalis sa tabi nito.
"Okay ka na ba? Balik na ako sa table ko," paalam niya.
"Tapos ka na ba? Iyon na 'yon?"
Napangiwi si Eina. Nagmagandang loob na nga siya. Bakit parang nagagalit pa ito?
"Kulang pa. Hilutin mo pa ako." Hinila nito ang braso niya at pinabalik siya sa dating pwesto.
"Anong hilot ba gusto mo?"
"Paano ba 'yung gawin mo na lang kung anong tingin mong dapat?"
Gusto niyang sumagot ng sarcastic dito. Kung pwede nga lang hilot na may kasamang barang na lang ang gawin niya.
"Baka mas kailangan mo ng professional na massage therapist, Sir. Ang init na ng ulo nyo, eh."
Umiling ang lalaki. "I don't have time for that now. Magpapahinga lang ako sandali, saka ko babalikan 'yung documents na binigay mo."
Tumango na lang si Eina, saka nagpatuloy. Minasahe niya ang likod ng leeg nito, pagkatapos ay dumapo sa maskuladong balikat nito. Naparinig niya ang mahinang daing ni Saulo.
"Sir, may alam akong bagong bukas na spa na maganda ang service. Kung gusto mo pwede kitang i-book doon sa free time mo."
Hindi ito sumagot. Muli niyang sinulyapan ang gwapong mukha nito. Nakatulog na nga yata ito, nagmukhang angel na kasi.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito.
Siguro kung iba ang gumagawa ng ginagawa niya ngayon, baka nanginginig na ang tuhod sa nerbyos. Noong unang salta niya doon, naririnig na agad niya ang mga balita ng pagiging terror nito. At napatunayan din niyang totoo nang magsimula na siya.
Siguro dahil na din sa pagiging istrikto at perpectionist ng lalaki. Bukod pa doon ang tindig nito na nakaka-intimidate. He was very tall and masculine. Kahit nga nakatulog na ito ngayon, parang nararamdaman pa rin niya ang awtoridad ni Saulo.
Hindi niya maiwasang paglandasin pa ang palad sa ibabaw ng dibdib nito. The upper part of his shirt was unbuttoned. Binawi niya agad ang kamay. Nasisilip niya mula sa kinauupuan ang mga balahibo sa maskuladong dibdib nito.
Napalunok si Eina at saka lang napagtanto na tuyo ang lalamunan niya. God, she needed a drink. Tumayo siya at nagpunta sa pantry kung saan naabutan na naman niya si Kristine na parang armalite ang bibig.
"Di na lang talaga ako magugulat kung meron ding kabit dito sa department natin," rinig agad niyang sabi ni Kristine.
Bahagyang natigilan ang dalawa pagpasok niya. Tumango lang siya at nagpatuloy ulit sa pagdaldal ang babae.
"Noong nasa BPO ako noon. Na-shock ako talaga. Kakapasok ko pa lang, nililigawan na agad ko ng may asawa."
"Oh? Naging kabit ka pala, Ate Tine?"
Napasulyap din siya kay Kristine. Nandilat agad ang mata nito kay Leigh.
"Boba! E di napagchismisan ako? Ako nga 'yung chismosa tapos ako pa yung chismis. Ambag ko lahat? Syempre, hindi!"
Tahimik na naglagay si Eina ng tubig sa baso at uminom. Ang init ng katawan niya, at hindi niya maintindihan kung bakit gayon na lang ang reaksyon niya.
Pinagnanasaan ba niya ang boss niya?
Parang gusto niyang sampalin ang sarili sa sariling tanong. Alam naman niyang malabong mangyari 'yon. Siya, mag-ilusyon ng something sa amo niya? Que horror.
"Ikaw ba Ms. Eina, naligawan ka na ng may-asawa?"
Muntikan na niyang maibagsak ang hawak na baso sa tanong ni Leigh. "Excuse me?"
Siniko ni Kristine ang babae. "Hoy! Ano bang tanong 'yan, Leigh? Hindi pa ba obvious?" bumaling pa sa kanya ito at ngumiti, "Pasensyahan mo na 'to. Pasmado ang bibig no?"
"Curious lang naman ako. Kasi ilang taon na si Ms. Eina dito parang wala akong nababalitaan—"
"Wala pa naman nanliligaw sa akin."
"Alam namin," sagot ni Kristine.
Napaangat ang kilay ni Eina.
"Madam, wag ka ma-offend. That's the truth naman, di ba? Alam naman ng bawat nandito sa kompanya kung gaano ka kaabala sa trabaho. Halos wala ka na ngang oras na makipag-hang out sa buong team dahil kay Sir."
Napatango si Eina.
Hindi naman nagsisinungaling si Kristine.
Ilang beses siyang naimbita ng team na sumama sa mga ito kapag nag-ba-bar, minsan hindi siya makasama. Lagi niyang idinadahilan na tambak siya ng gagawin.
"Minsan nga napag-uusapan na namin kung paano ka pa magkaka-love life n'yan kung halos lahat ng oras mo napupunta na sa trabaho. Baka maging matandang dalaga ka n'yan. Sigurado ako di ka papakawalan ni Sir Saulo. Sa lahat ng nagdaan na secretary, ikaw lang ang pinaka-nagtagal kasi ikaw 'yong naging favorite."
Siya?
Favorite ni Saulo?
Hindi niya alam kailan pa naging tsismis 'yon.
Pilit na nginitian lang ni Eina si Kristine at nagpaalam na sa dalawa.
Mayamaya ay bumalik ulit siya sa pantry para magtimple ng kape. Mabuti na lang wala na siyang nadatnan doon. Nagtimpla siya ng kape sa baso at habang umiinom, nagbo-browse siya sa phone niya.
Eksakto naman ang paglabas ng notif mula sa online store kung saan niya binibili ang mga laruan niya. Na-shipped na 'yung product! Nakangiting sinilip ulit niya ang mga reviews. May mga pictures pa. Di niya mapigilang mamangha dahil sobrang realistic tingnan ng mga 'yon. May pag-zoom pa siya sa last picture.
"What the fuck is that?"
Napalundag si Eina sa boses na nanggaling sa likuran niya. Sobrang lapit nun naramdaman niya ang marahas na hininga nito sa leeg niya. At sa sobrang pagkabigla niya, nakalimutan niyang may hawak siya sa isang kamay at natapon iyon nang mapaharap siya sa pinanggalingan ng boses.
"Sir!" Her eyes widened in shock. Sa lahat ng taong makakasaksi sa kinakalikot niya sa telepono, ang boss pa talaga niya!
Ramdam ni Eina ang pagtakas ng kulay sa mukha niya nang makita niya kung anong ginawa niya dito.
"Fuck," napamura ang lalaki at bakas ang galit sa mukha. Maagap na gumalaw si Eina bago pa niya marinig ang mga babala nito. Kinuha niya ang panyo at idinampi iyon sa bahaging natapunan.
Malakas na napasinghap si Saulo. "A-And what the hell are you doing?" galit na bulalas nito.
Lumuhod siya sa harap ng lalaki at inalis ang kamay nito."Sir, ako na ang bahala!" natatarantang sabi niya habang pinupunasan ang nabasang bahagi ng trousers nito.
"Calm down, Eina!"
Tila walang narinig, hinipan pa niya iyon sa ideyang matuyo agad.
Mainit ang mukha sa pagkapahiya at takot. Pero mas mapula ang mukha nito ngayon na siyang ikinakatakot niya.
"Goddamn it, Eina." Napapamurang sabi ni Saulo at marahas na hinawakan ang mga kamay niya. "Di mo ba titigilan?"
Nangangatal na ang bibig niya sa nerbyos.
"I'm just helping, Sir. Hindi ko naman sinasadyang—"
Natigilan ang dalaga nang mapagtanto ang pwesto niya at kung saan siya nakaharap. Nananampal ang bukol sa harap nito.
Napaatras ang leeg niya. "Oh my God."
At kung may natitira pang dignidad at kahihiyan sa katawan niya, malamang tumakas na din 'yon.
Napatayo si Eina, nanginginig ang mga tuhod. "S-Sir."
Tiim-bagang na humarap sa kanya si Saulo, madilim ang mukha. "Miss Montenegro, pwede kang umuwi muna ngayon. Magpahinga ka."
"B-Bakit, Sir?"
"Because I don't want to see your face today," mariing sabi nito at saka siya tinalikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top