Chapter 69
Eina had never felt so nervous before in her life. Kinukwestyon tuloy ni Eina ang sarili kung tama pa bang desisyon ang pumayag siya na dalhin ni Saulo sa pagtitipon na 'yun. May oras pa sana siyang magbago ang isip kung naisip niya agad 'yon bago makiharap sa mga bisita habang nakadikit siya sa braso ng binata. Mukhang napansin iyon ni Saulo. Kaswal na inilapit nito ang labi sa may tenga niya para bumulong.
"You don't look comfortable."
"Don't mind me." pasimpleng binasa niya ang ibabang labi. Iginala niya ang paningin sa mga bisita. Nalulula siya tuwing napapasulyap sa mukha ng mga nandoon. It's the first time again that she felt like she doesn't belong there. Sa likod ng kanyang utak, parang may nag-uutos sa kanyang tumalikod na at tumakbo paalis doon. Hindi siya makahinga.
"Relax." Inabot ni Saulo ang kanyang kamay, banayad na minasahe. "Take a deep breath. Gusto mo bang maupo muna?"
Umiling ang dalaga. Huminga ng malalim saka pilit na ngumiti.
"I-I'm fine."
"Okay? Pwede naman tayong lumabas muna or we could stay for a few minutes at the garden."
That's a good idea. Pero alam niya kailangan niyang sabihin kay Saulo kung bakit bigla siyang nag-iinarte ngayon.
"Mamaya na siguro. Baka magtaka si Dad mo kapag bigla kang mawala."
"Then why are you nervous? No one's gonna eat you alive here." A soft chuckle escaped his lips. Ngumiti ito sa dumaan na kakilala pagkatapos ay bumati. Pagkaraan ng ilang minuto binalikan ulit siya.
"I don't know. Maybe because it's my first time?"
He frowned at him. "It's definitely not your first time, baby. Lagi kang present sa mga ganitong event. Ang kaibahan lang, ito lang ang unang beses na nakita kitang hindi chill."
"Well, there's a first time for everything."
Tumango na lamang si Saulo. Inabutan siya nito ng alak para tulungan siya na kalmahin ang sarili. Formal na nakaharap niya kanina ang mga magulang ni Saulo. Isa na yata ang stepmom nito sa pinakamagandang babae na nakita niya. So beautiful and elegant. Samantalang ang ama nito ay hindi pa rin kumukupas ang kakisigan.
Sergio Villeda managed to maintain a youthful appearance. Ang hirap paniwalaan na nasa fifties na ito. Papasa pa itong nakakatandang kapatid nina Saulo at Hideo. Nakasalubong rin nila kanina ang nakababatang kapatid ni Saulo.
And she had to admit that Hideo looked so fine in that black three-piece suit. Bumati pa ang lalaki sa kanya. Bagaman may magandang socialite na nakakapit sa braso nito, kapansin-pansin ang pagtagal ng titig nito sa kanya. Magkahalo roon ang paghanga at kuryosidad, tila iniisip pa nito kung bakit mukha siyang pamilyar.
Correct! Hindi siya nakilala nito kahit halos linggo-linggo naman siya nitong nakikita sa opisina.
Gusto niyang humalakhak. Her make-up artist was the best. Deserve ni Ylanna na makatanggap pa ng mataas na talent fee sa ginawa nito sa mukha niya para sa gabing iyon. Kahit siya mismo ay hindi nakilala ang sarili.
Now she looked like a A-List supermodel wearing a Serene Monet gown. It made her felt so good. And not to mention that Saulo even called her a bombshell earlier. Her heart fluttered on his comments.
Feel na feel naman niya ang pagiging date nito. Kahit na muntikan pa silang mag-away kaninang umaga. Ipokrita na siguro kung ipokrita pero hindi niya nagustuhan ang pagbibigay nito sa kanya ng isang set ng mamahaling jewelry. It made her feel like she was a kept woman. Jusko, hindi pa ba?
Hindi rin niya alam kung bakit iyon ang unang naging reaksyon niya dito. Dapat nga ay happy pa siya, maglulundag sa tuwa. Because he gave her a set of the Serpenti collection! Ilang babae sa Pilipinas ang nangangarap magkaroon ng Serpenti necklace na nakikita lang na suot ng mga A-listers? At hindi lang kwintas ang ibinigay sa kanya ni Saulo. He also gave her the Serpenti gold ring and the diamond earrings—oh God, it's hard not to admit that she loved it.
Ang problema lang ay umandar ang pagiging overthinker niya. Parang sobra na para sa kanya ang mga ibinibigay at ginagawa nito. Hindi niya mapigilang isipin na may dahilan ang lahat ng 'yun.
"But you're making me feel like a mistress."
Tinawanan lang siya ng lalaki. Iniisip siguro nito na nagpapakipot lang siya. Pero totoo ang nararamdaman niya. Hindi niya habol ang mga material na bagay na kayang ibigay ni Saulo. Alam niya na barya lang sa binata ang presyo ng mga regalong binigay sa kanya.
"You're mine." That's what he said after. Naging sapat ang dalawang salita na 'yun para tigilan niya ang pag-iisip masyado. For real. May mga ginagawa ito sa kanya na minsan nadadala na siya ng sobra. At nagtitimpi na lang siya para hindi ito tanungin, "Ano na ba tayo?"
Mayamaya ay lumapit ulit sa kanila si Hideo. Hindi ito nag-iisa. Sa likuran nito ay ang mga kaibigan nito. Nanlamig ang kanyang katawan nang mamukhaan ang isa sa mga lalaki.
What the hell is he doing here?
Hindi nagpahalata si Eina. Sa kabila ng panginginig ng tuhod niya at sunod sunod na paglunok, nagawa niyang kalmahin ang sarili. Hindi agad siya nakita ng lalaki. Ilang segundo pa ay naramdaman na niya ang pagtutok ng mata nito sa kanya.
Breath in. Breath out. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang labi.
Kinakausap ni Hideo ang kapatid nito sa tabi niya. Naroon din ang mga tatlong lalaki na kasama nito; nakikinig at nakikitawa sa usapan. Sa tatlong lalaki, isa lang ang kapansin-pansin ang pagtitig sa kanya; waring hinuhuli pa nito ang kanyang tingin. Fuck him.
"How about you guys? Saan kayo nagkakilala?" tanong ni Hideo na bumaling pa sa kanya bago magtanong kay Saulo. "She looks familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita."
"Yeah. She modelled for Belleza in the past."
"Oh, that's why." parang hindi makapaniwala ang lalaki, pagkatapos ay lumawak ang ngiti. Nakapagpakilala na ito sa kanya kanina pero nagulat pa rin siya nang ilahad nito ang palad. "I'm Hideo Villeda. What's your name?"
"Eira Obar." Iniba niya ang pangalan at ginamit ang apelyido ng kanyang Nanay. Walang silbi ang pagtatakip ni Saulo sa identity niya kung gagamitin rin pala niya ang kanyang pangalan. Hindi niya alam kung bakit ginawa iyon ng binata, pero magandang bagay 'yon para sa kanya.
"Lovely to meet you, Eira." Walang pagdududa na sabi ng binata.
Tinanggap niya ang pakikimagkamay nito. Nakatingin si Saulo kaya agad niyang binawi ang kamay. May maikling awkwardness na namagitan. Natabunan iyon nang magsalita ang dalawang kaibigan ni Hideo na siyang architech at pinsan ng mga Villeda.
Hindi siya makarelate sa pinag-uusapan.
"Hey, what's the problem?" hindi nakatiis na tanong ni Saulo. Tila naramdaman nito na mas lalong lumala ang pagiging awkward niya.
"I need to pee," pabulong na sagot ni Eina.
Napangiti ito. "E di pumunta ka muna sa rest room. Kailangan ba kitang samahan?"
"No thanks."
Dali-daling tumalikod si Eina. Di na siya nag-abala na magpaalam sa mga lalaking kausap nito. Gusto lang niya na mawala sa paningin ng lalaking hindi niya inaasahan na makikita roon.
What a small fucking world.
Sa halip na bumalik sa pwesto na iniwanan, napagdesisyunan niya na huwag na lang bumalik. Hahanapin rin naman siya ni Saulo kapag mapansin nito na wala pa siya. Gusto niyang kalmahin muna ang sarili. Ramdam pa rin niya ang pagkahalo ng kanyang emosyon at sa mga ganong sitwasyon, makakatulong kung mapapag-isa siya.
Lumabas si Eina sa venue at naglakad papunta sa garden. Napayakap sa sarili ang dalaga nang batiin siya ng malamig na hangin. Sa Tagaytay ginanap ang kaarawan ng matandang Villeda. It's a great place. First class. Maraming dumadayo sa lugar na 'yon, lalo na't tanaw sa araw ang Taal Lake.
Naabutan pa niya ang magandang view kanina habang nagkakape sila nina Ylanna. Nahiya pa siya kontakin ang babae na maging make-up artist niya. Mabuti na lang si Gigi mismo ang kumausap dito. Invited din si Gigi, but for some reason, nagpasabi ito kay Saulo na hindi makakadalo.
Naisip ni Eina na bumalik na lang sa hotel room nila ng binata sa imbes na magtagal pa roon. Sapat na siguro 'yung konting oras na dumalo siya. Hindi naman siya importante kaya walang makakapansin kung bigla siyang mawawala. Maliban na lang sa lalaking kasama niyang dumating.
Tiyak na magtatanong si Saulo sa kanya kung ano ang naging problema niya. Pwede siyang magdahilan na sumama ang pakiramdam niya.
Ang mas malaking tanong sa kanyang utak ngayon ay kung bakit naroroon ang walanghiyang ex niya? Ni isang beses, hindi niya ito nakikita sa mga events ng pamilya ni Saulo.
Maybe it's just a coincidence. Feeling main character naman siguro siya kung iisipin niya na sinadya nito na magpakita roon. Sa pagkakaalala ni Eina ay may nobya na ito. May anak na nga.
Wala rin sigurong ideya si Adonis na makikita siya roon.
Pero Lord, bakit naman ngayon pa? Pinaglaruan na ba siya ng tadhana ngayon na nakikitang masaya na ulit siya?
Napaupo si Eina sa bench. Parang gusto niya biglang manigarilyo kahit hindi siya sanay. Sinubukan niyang ipikit ang mata para alisin ang pananakit ng ulo. Pero mas lalo lang iyon lumalala. Sa tuwing ipipikit niya ang mata, pumapasok sa isip niya ang mukha ni Adonis.
That bastard ruined her life.
Mayamaya ay nakarinig siya ng yabag sa likuran niya. Humaplos sa ilong niya ang matapang na amoy ng panlalaking pabango nito.
"Who's Eira Obar?"
Tila may pumulupot na sawa sa kanyang sikmura pagkarinig sa boses ng lalaki. Hindi siya nakakibo. Bumigat ang paghinga niya. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kinauupuan niya.
Pwinersa ni Eina ang sarili na gumalaw. Nanlalamig ang katawan na tumayo siya.
"So, that's it, huh? You're just going pretend that you don't know me? That I don't exist?"
Sa unang pagkakataon matapang na sinalubong ni Eina ang mga mata nito. Kapagkuwan ay malapad na ngumiti sa kaharap.
"Eh ano pa ba? Dapat ba kilala kita?"
"Eina."
Dumaan ang kilabot sa kanyang batok sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha ni Adonis. May nagbago rito na hindi niya matukoy kung ano. Nawala na 'yung ngiti sa mata nito. He got more matured and now he has a five oçlock shadow. His buzz cut also made him look huge and stronger.
"Napagkakamalan mo lang siguro akong kilala mo. I don't know you. You're wasting your time."
Hinagip ng kamay nito ang kanyang braso bago pa niya ito matalikuran.
"Hinanap kita."
Tila huminto ang paghinga ni Eina. May problema ba sa pandinig niya?
"Liar," asik niya. Di niya napigilan ang sarili.
"It's the truth. Noong bigla kang nawala at hindi ka na pumapasok, hinanap kita noon. Pinuntahan kita sa apartment niyo, sabi ng kasama mo umalis ka na doon. Sinubukan kong puntahan ka sa probinsya, hindi ka rin umuuwi doon."
Napasinghap siya nang hilahin siya nito palapit. Marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi. Parang napaso ang balat niya. Itinulak niya ang kamay nito at nag-echo ang tunog ng pagsampal niya sa pisngi nito. Pinakawalan siya nito.
"Huwag na huwag mo akong hawakan." Punong-puno ng galit na sambit niya sa lalaki.
Mababa ang boses niya ngunit puno iyon ng poot nang muli siyang magsalita.
"Wala kang karapatan na lumapit sa akin pagkatapos ng lahat. Hinanap mo ako? Para saan? May mababago ba sa nangyari? Di ko ba mararanasan ang mga naranasan ko noon?"
"Maiintindihan mo kung anong nangyari kung sakaling nahanap kita noon. Makakapag-usap tayo ng masinsinan. Baka napatawad kita agad."
Napasinghap si Eina, at ilang segundong umakto na nawalan ng sasabihin.
"Oh, look at this motherfvcker," saka siya pinakawalan ang mahinang tawa na naging halakhak sa dulo. "Ilang taon na ang lumipas, ikaw pa rin talaga ang biktima. Why am I not surprised?"
Parang sasabog ang kanyang dibdib. May naipong galit roon na gusto niyang pakawalan. Ngunit sa kabila ng lahat pwinersa niya ang sarili na huwag magsalita ng masama. Gusto niyang sumuka ng asido sa pagmumukha nito.
Pinigil ni Eina ang sarili. Hindi iyon ang tamang oras at tamang lugar para mag-ungkatan sila ng nakaraan.
"Nangyari na ang nangyari noon, Adonis. Kahit ano pang sabihin mo ngayon, walang mababago. Nakuha mo ang gusto mo noon. Kaya tigilan mo na ako." Kulang na lang ay duraan niya ito sa mukha bago tumalikod at maglakad palayo rito.
"I'll see you around, Eina."
-
Midnight Mistress is now completed on VIP! LINK ON BIO.
FB: RaceDarwin Stories / RaceDarwin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top