Chapter 62
Mas naunang nagising si Eina kinabukasan. Halos wala pa siyang naitutulog nang magdesisyon na lang siyang bumangon.
Nagtimpla siya ng kape pagkatapos ay umupo malapit sa pool, hinihintay ang pagtirik ng araw. Habang ninanamnam niya ang malamig na simoy ng umaga, bumalik sa isip niya ang mga narinig kay Saulo.
She couldn't believe everything that he said to her. Daig pa niyang nakatanggap ng unexpected love letter. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga binitawan ng binata. Mababaliw yata siya. It makes no sense!
Sa lahat ng lalaking pwedeng magtapat sa kanya ng ganun, si Saulo pa? Hindi niya hinuhusgahan o minamaliit ang binata, nalilito lang talaga siya. If it's not about sex, eh, ano? Hindi naman nito direktang sinabi na in-love ito sa kanya. Pero malinaw sa kanya kung ano ang ibig nitong iparating.
And that's exactly the reason why she couldn't get a sleep. His words kept playing on her head. Daig pang sirang plaka. Papaniwalaan ba niyang sincere ito? Na hindi lamang iyon dala ng libog? Pwedeng nasabi lang nito iyon dahil nasasarapan sa kanya.
Oh, please! Sa totoo lang tayo.
Eh kung maniniwala naman siya, saan naman kaya siya dalhin ng kagagahan niya?
"Good morning." Gising na si Saulo pagkabalik niya sa kwarto. Alas-sais na rin. Nagulat pa siya na gising na agad ito. Ine-expect ng dalaga na pagkatapos ng halos tatlong rounds kagabi ay tanghali na itong magigising.
Three fucking rounds.
Himala na walang masakit sa katawan niya. Nangalay lang siguro dahil sa patayong pwesto nila sa loob ng banyo.
Nakatalikod siya rito habang nakaharap sa malaking salamin, pinapanood ang paggalaw nito mula sa kanyang likuran. Pagkatapos ay dinala na siya nito sa bedroom. And then he fucked her in standing wheel-borrow position. Fucking great. Himala talaga na hindi pa siya nakatulog sa pagod sa mga pinaggagawa nito.
"Morning. How's your sleep?" kaswal na tanong ni Eina, itinago ang sarkasmo na gusto niyang gamitin dito.
"I slept really well. Thanks to you."
Nakahiga pa rin ito sa kama. Nakataas ang kamay sa likuran ng ulo nito at pinapanood siyang mag-impake ng kanyang mga gamit.
"Mamaya mo na gawin 'yan. Maaga pa."
"Exactly. Umaga na. Aalis na tayo mamaya kaya nililigpit ko na ang mga gamit ko."
"Before lunch pa 'yung sakay natin. We still have more time to stay in bed."
At anong pino-propose nitong gawin muna nila? Ay, hindi. No! Tama na! Baka umuwi na siyang nakasakay sa wheelchair!
"Ayoko. Magluto ka na lang ng breakfast sa baba."
Humalakhak ang binata. "Inuutusan mo na akong magluto ngayon?"
"At bakit hindi? Natapos ko na nga iligpit ang mga gamit mo. It's your turn. Bumangon ka na d'yan. Magluto ka. Simulan mo nang magbati ng itlog." Nakatalikod siya sa lalaki kaya hindi niya nakita nang bumaba ito sa kama at biglang yumakap sa kanya.
"Huy! Ano ba!"
"Anong sabi mo? Magbati na ako ng itlog? Di ka pa ba nagsawa kagabi?" nakangising bulong nito saka pinugpog siya ng halik sa leeg. Kakaibang emosyon ang naramdaman niya. Parang matutunaw ang mga buto niya sa katawan.
"I'm not even talking about that! Magluluto ka lang ng scramble eggs! Ayoko na n'yang itlog mo!"
"Na-uh, you're not fooling anyone, baby. Simulan ko na bang batihin para sa 'yo?"
"Saulo!" Namula yata pati pisngi ng pwet niya sa pang-aasar nito. Pinihit siya paharap ng binata. Ibubuka pa lang niya ang bibig para magprotesta nang sabik nitong angkinin ang labi niya. Itinulak niya ito pagkatapos. Napatitig si Saulo sa kanya. "You really not in the mood for that?"
"Too early."
"So? May oras ba dapat kung kelan kita gustong halikan?" banayad na tanong ng binata. Pinagdikit nito ang noo nila. "Napipilitan ka lang ba?"
"N-No?"
"Then what's the matter? Hindi pa ba ako malinaw sa mga sinabi ko sa 'yo kagabi? Do I need to repeat myself and show you that I'm serious?" Dinikit nito ang ilong sa kanyang pisngi at suminghap. Tila hindi pa nakuntento, ibinaba nito ang mukha sa kanyang leeg at binaon ang ilong sa balat niya.
Mahinang napamura si Eina. Konting galaw lang ng binata ay parang isinasalang na ang katawan niya sa nagliliyab na apoy. "S-Stop."
"I can't. I want you so bad."
Nanginig ang mga laman niya sa ngiti ng lalaki. Her heart fluttered violently with that look on his handsome face. Tila matutunaw ang mga buto sa katawan niya. Hindi siya masasanay sa paraan ng pagtitig ni Saulo sa kanya. He looked at her like he was madly in love. He was so eager and passionate when it comes to her.
And it is actually scary. Yes, meron siyang nararamdaman na iba sa binata, pero alam niyang hindi pa iyon kasing hinog para gumawa siya ng hakbang na magpatuloy ang relasyon nila. Kung sasabihin nitong hindi na pwedeng maulit ang mga naganap sa kanila, madali niyang matatanggap iyon. Kaya pa niyang itigil ang kahibangan niya.
But for Saulo? She felt like being owned by him. Wala siyang ideya kung gaano ito kaseryoso sa kanya. Babago pa lang na nagpoproseso sa kanya ang lahat. Hindi sanay si Eina sa ipinapakita nito. Alam niyang normal na merong mga lalaki na masyadong intense at clingy. Hindi lang niya akalain na may ganung tendency rin si Saulo. Parang ayaw siya nitong pakawalan.
At ayaw rin niyang magpaawat. Nang halikan ulit siya nito at buhatin pabalik sa kama, nagpaubaya lang si Eina. Ganda, di ba? Akala mo talaga napipilitan kung makapagsabi na nagpapaubaya lang siya. Halos mabasag nga yata ang mga salamin sa bahay sa lakas ng mga ungol niya.
And after that wild morning sex, hindi na niya inutusan si Saulo na magbati ng itlog. Sobra-sobra na ang protein na nalunok niya. Okay na siguro kung mag-skip siya ng breakfast.
Nang umaga din na iyon, nakita ulit ni Eina ang grupo nina Gigi. Hindi niya inaasahan na makakasalubong pa ang mga ito sa tapat ng café. Halata sa mukha nito ang pagtataka na makitang nasa isla pa rin siya.
"Hala siya, nandito ka pa pala? Bakit di ka sumama sa amin? Wait, saan ka nag-stay kagabi?" sunod sunod na tanong ni Natasha.
Nahihiyang ngumiti si Eina. "D'yan lang sa tabi-tabi."
"Ay, wow. Camper 'yan?"
"Paalis na ako ngayon."
"May kasama ka pa ba?" tanong ni Farah.
Ininguso niya si Saulo na kausap ni Lucian. "Oooh," lumawak ang ngiti ng mga gaga. Nabasa agad ni Eina kung anong tumakbo sa malisosyang kukote ng mga 'to! Di na lang siya umimik at nagpatay malisya. Kunyari walang naiintindihan sa mga reaksyon ng kaharap.
"Oh, so ayun naman pala. Kaya nagmamadaling humiwalay kahapon para daw makauwi," sabi ni Nat at maningning na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Iba pala ang iniuwian," dagdag pa ni Gigi. Her cheeks turned red. Malinaw pa sa kanyang memorya ang panunukso nito kahapon bago magpaalam sa kanya. Naka-chamba lang ito kaya di siya nakatanggi. Pero kahit pilitin siya nitong umamin, wala itong ebidensya na makikita 'no! Sobrang discreet pa rin naman sila ni Saulo sa labas. "Eh okay ka na naman ba? Wala nang masakit sa 'yo?"
Meron pa rin. 'Yung kipay niyang inalmusal ni Saulo.
"Wala na. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon. Pero di rin ako nakauwi kahapon. You know I can't leave my boss here. May mga ipinakiusap siya sa akin na gawin muna habang nasa isla."
Di pa siya tapos magsalita, sabay sabay na nag-angatan ang kilay ng mga ito. "Trabaho lang 'yon. Masyadong malisyosa to si Gigi," she whispered, rolling her eyes.
"Wala pa akong sinasabi. Defensive yarn?" Napakamalisyosa ng ngiti ni Gigi. "Sana all ganyan kadedicated magtrabaho! Ipagpatuloy mo lang 'yan."
Tumango si Farah. "Masarap talaga magwork kapag hindi nakakasakal sa leeg ang amo mo."
She smiled awkwardly. Bago pa humaba ang usapan at kung saan 'yun mapunta, nagpaalam na si Eina. Makakaalis na sila ni Saulo.
"Are you ready?" bulong nito sa kanya pagkatalikod niya kina Gigi. Para siyang napaso sa paghawak nito sa beywang niya.
Sinaway niya ito para alisin ang kamay.
"What's the problem?"
Seriously itinatanong pa talaga nito? Nakaiwas nga siya sa mapaghinalang mata nina Gigi. Patuloy naman ang pagiging touchy nito sa kanya. May tumulong sa kanya para bitbitin ang kanyang mga gamit. Buti naman naisip ni Saulo na hindi siya pagbuhatin nito. Naalala pa niya 'yung unang beses silang nakarating sa Temptation Island. Ang buwisit, pinagbuhat siya ng bagahe hanggang sa makarating sila sa cabin! Meron naman pala naging pagbabago sa pakikitungo nito sa kanya. Minsan feeling niya buhay prinsesa na siya kung ituring nito. Wag lang talagang mabibilugan, sa wheelchair ang upo niya.
"May problema ba kung hawakan kita dito?"
"Ofcourse. Hindi mo ba naisip na baka may makakita sa atin?"
"We're in Temptation Island. Kahit ano pang gawin natin na may audience, walang may pakialam."
She glowered at him. "I doubt that. Kung may gawin tayo sa punong 'yun, tingin mo walang sisita sa atin?"
"For sure. Gusto mo bang subukan?"
"Forget it. Di ko pinapangarap."
"Wait, I think you want to try it with me."
Naeskandalong nanlaki ang mata niya. "Hilo ka ba?"
"It's a nice idea. Wala naman makakahuli sa atin kung hindi ka magiging maingay."
Hello? Nagbayad 'to ng pagkamahal-mahal na villa for one night, tapos dun lang sa punong 'yun sila mahuhuli? Nakakahiya!
"Sandali, punta muna ako ng CR. Naiihi ako," kaswal na paalam niya sa binata.
Hinawakan siya nito sa braso. "Samahan kita," pagbibiro nito.
"Tama ka na." sabay palo sa dibdib nito. Di niya rin mapigilan na palihim na matawa sa kapilyuhan ng binata.
Pagkalabas niya sa cubicle, naghugas siya ng kamay at inayos ang buhok sa tapat ng salamin. Bigla siyang napahinto. What the hell is this?
May mapupulang marka sa kanang leeg niya. Nanlalaki ang matang inilapit ng dalaga ang sarili sa salamin para mas masuri niya ang marka sa kanyang leeg. Sa sobrang distracted niya kaninang umaga habang naliligo, nakalimutan niyang tumingin sa salamin. Bukod sa leeg niya, meron ding visible mark sa collarbone niya at sa may kaliwang leeg niya.
Sobrang halata ng chikinini sa kanyang balat! Nangangati ang kamay niyang balikan si Saulo at kalbuhin ito! Hindi man lang ba nito nagawang pansinin iyon bago sila mag-check out? Marahil nakita na rin iyon ng mga nakausap niya kanina! Parang gusto niyang gumapang sa kahihiyan.
Pigil niya ang sariling sigawan si Saulo. Nagtimpi na lang siya at tahimik na dumistansya sa binata buong byahe nila. Nagtanong ito kung anong problema niya. She just ignored him. Pagkabalik nila sa Metro Manila, nagpauna na agad ang dalaga ngunit pinigilan siya nito.
"Ihahatid na kita."
"Salamat pero kaya ko na ang sarili ko."
"Are you mad?"
"Ano sa tingin mo, ha? Binigyan mo ako ng chinikini tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na kitang-kita pala."
"Hindi ba iyon ng purpose nun? Idisplay?"
Ay naku, nanggigigil naman talaga siya. Matalim na tinitigan ito ng dalaga. Kung nakamamatay lang ang kanyang titig, di na sana ito umabot ng buhay sa Manila.
"But you're not allowed to give me hickeys! For sure nakita 'to nina Gigi! Nakakahiya ako! Tingin mo ano na lang ang sasabihin nila sa akin?"
"Don't worry about Gigi. She's our good friend. She probably thought that you're very lucky to—"
"If you finished that sentence, baka sa presinto na talaga ako damputin!"
Pinakalma ni Saulo ang dalaga. Naiinis pa rin siya pero anong magagawa niya? As if mabubura ng inis niya ang mga nilagay nitong kiss marks. Dinala muna siya nito sa resto para kumain. Nagawa pa talaga siyang suhulan ng pagkain! Hindi tuloy siya makasimangot.
Pagkatapos nun ay inihatid na siya ng binata sa kanyang apartment. "Galit ka pa ba sa 'kin? Baka di ka makatulog n'yan. Mamiss mo agad ako."
"Nagso-sorry ka pa ba ng lagay na 'yan? Kumukulo lalo ang dugo ko, eh."
He smiled affectionately at her. "Wag ka na magalit. I'll do better next time."
"Do better? Ano, dadamihan mo pa sa sunod? Naku wala nang sunod!"
"Hindi kasi 'yun ang ibig kong sabihin. Di ko na uulitin, I swear."
"Good."
"But—"
Nagsalubong ang kilay niya. "Binabawi mo agad?"
"Syempre uulitin ko lang kung papayagan mo ako. Pero di ko gagawin kung ayaw mo."
Marahang tumango si Eina.
"So, I'll see you tomorrow?"
Matagal siya bago nakasagot. May naalala siyang pinagpaplanuhan niyang gawin. Sa halip na banggitin iyon sa lalaki, pinili niyang isantabi muna.
Tumango si Eina. "Papasok ako bukas, don't worry."
Lumawak ang ngiti ng binata. Pagkatapos ay hinila siya at kinamkam ang kanyang labi; marubdob, mainit at puno ng pangangailangan. Habol-habol niya ang kanyang hininga nang pakawalan siya nito.
Ito na ang dumistansya sa kanya. "I think you need to go inside. Hurry. Baka magawan pa kita ng masama."
Nahagip ng mata niya ang pamumukol sa trousers nito at saka nagmadaling makalabas.
—-
Midnight Mistress is already at Chapter 127 on Patreon and VIP. Link on my bio!
Follow: IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top