Chapter 6
Nagmistulang kamatis na yata sa pamumula ang mukha ni Eina. Nasapo niya ang noo at palihim na sinilip ulit ang message ni Dzaddy.
It was just a simple good morning with a picture of his impressive pecs. Oh, dang. Captain America is that you?
Kaninang umaga pa iyon, pero hindi mawala sa isip niya ang imahe ng maskuladong dibdib nito. Why would he send her a pic of his chest? As if naman kahinaan niya 'yon!
Kung nakakapagsalita lang siguro ang nasa pagitan ng mga hita niya, nasigawan na siyang ipokrita.
Pagiging ipokrita na ba ang pagtanggi sa pagnanasa? Nope.
Tiningnan niya ang phone kung walang text message si Saulo. Nasa meeting ito ngayon at pinag-uusapan ang bagong campaign ad na gagawin para sa new collections ng Belleza. Tutal patapos na din naman ang presentation na ginagawa niya kanina, naisipan muna niyang bitawan iyon at magkape sa baba.
Malapit lang ang Café de Maita, iyon ang bagong bukas na coffee shop na ilang lakad lang ang layo sa building nila.
Napuntahan na niya iyon noong nakaraan dahil kay Saulo. Binilhan niya ito ng butter croissant at nasurpresa pa siya ng magustuhan nito 'yon. Nagpabili pa ulit ito ng sumunod na araw. Minsan kapag alam niyang mainit ang ulo ng lalaki, sa halip na sa pantry siya kumuha ng snacks nito bumababa pa siya sa labas para lang bumili ng pagkain nito.
Maganda ang pwesto ni Eina sa café. Paborito talaga niyang upuan 'yong nasa sulok lang para malaya siyang magmasid at mag-obserba sa mga taong nandoon din sa loob. Pansin niya punuan ang mga tao ngayon doon. Hindi rin naman siya magtatagal dahil baka biglang dumating si Saulo at hindi siya nito maabutan sa table niya.
Sinamantala niya ang free time para buksan ulit ang IG niya. Nitong mga nakaraang araw napansin niyang nagiging habit na niya ang paggamit ng social media. Hindi na siya masyadong allergic sa pagbabasa ng dm's at pag-i-scroll sa feed niya.
She took a sip of her coffee while she was busy on her phone. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ng lalaki sa notif niya.
Busy?
Ibinaba niya ang kape at mabilis na nagreply. No. Just drinking my coffee. You?
Not so much. I was totally thinking about you since di ka naman nagreply kanina.
Nag-angat siya ng tingin nang may umupo malapit sa pwesto niya. Binalik ulit niya ang tingin sa screen at inentertain ang kausap. Hindi niya dapat ginagawa 'yon. Pero heto siya, hindi rin niya matiis ang sarili.
Nakalimutan ko lang. Dami kong ginagawa.
Matagal ito baka nagreply, at napataas pa ang kilay niya nang tumugon na ito.
Madami ka bang kausap?
Gumuhit ang pagkaaliw sa labi ni Eina. Nagseselos na ba 'to?
Sabi ko madaming ginagawa, hindi kausap. Ikaw lang ang kausap ko.
There's something mysterious about him. Gusto man niya itong hindi pansinin, namamalayan na lang niyang nakapagreply na siya ulit.
Ako lang daddy mo?
Pwinersa niyang huwag mapangiti ng todo. Utang na loob! Matagal na siyang hindi teenager. Anong karapatan niyang makipaglandian ng ganon?
Yes po. Irereply sana niya pero agad din niyang binura. Susmaryosep, ano ba dapat ang sabihin niya?
Okay po daddy. Napanguso siya at muling nagbura. Parang gusto niyang isalang ang sarili sa malamig na tubig. Hindi na lang siya nagreply. Lumabas na siya bitbit ang kape niya.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling chat nito. At dahil hindi siya mapakali, kinuha niya ang phone sa bulsa at kinuhanan ng picture ang dalang kape. Then she shared it in her story.
Napakunot-noo siya nang maabutan niya sa hallway ang eksena kung saan umiiyak si Leigh habang inaalo ni Kristine.
Napahinto siya sa harap ng dalawa. "Bakit 'yan umiiyak?"
"Napagalitan ni Sir Saulo," si Kristine ang sumagot. "Mali-mali kasi 'yong data na binigay. Hindi naman 'yon ang hinahanap ni Sir. Ayun, award."
"Nasa office na?" gulat na tanong niya.
Tumango ang dalawa. "Kanina pa. Nasaan ka ba nanggaling? Wala ka sa mesa mo kanina."
"Lumabas kasi ako para kumain saglit. Akala ko naman matagal pa 'yung meeting."
Nahabag siya habang nakatingin sa basang pisngi ng empleyado. Gets niya kung bakit ganoon na lang ang iyak nito. Kahit siya hindi niya gustong makitang magalit si Saulo. Tagos hanggang kaluluwa kapag manermon ito. Parang hindi na niya gugustuhin pumasok sa sunod na araw.
Hinawakan niya sa balikat si Leigh at inalo na din ito. "Kumalma ka muna at magpalamig. Mainit lang siguro ang ulo nun. Ako na ang bahalang kumausap."
"Sabi ko nga wag na lang niyang damdamin masyado. Ganon lang si Sir talaga." Sabi ni Kristine at bumaling sa kape niya. "Painom nga n'yang hawak mo, Madam. May laman pa ba?"
Tumango siya at inabot sa babae. "Akin na lang 'to, ha? Na-stress na din ako."
Nagpaalam na siya sa dalawa para bumalik na sa kanyang desk. Sinilip niya si Saulo sa opisina nito. Nakita niyang abala ito habang nakatingin sa monitor. Kinalimutan agad niya ang balak na kausapin ito tungkol kay Leigh. Baka siya pa ang mapagbalingan.
Binalikan na niya ang trabaho. Mayamaya ay napakunot-noo siya nang mapansin ang sunod-sunod na pagtunog ng phone niya.
It was him.
Are you with someone right now?
Anong ibig nitong sabihin? Mabagal na nag-proseso sa kanya ang tanong nito. Tinitipa pa lang niya ang tanong ay may panibago na itong message.
Can we meet right now? Dyan din ako bumibili ng kape.
Napasinghap si Eina at muntikan pa niyang mabitawan ang phone niya. Noon lang niya napagtanto na kita ang logo ng café sa story niya. Tila tumakas sa katawan niya ang kanyang kaluluwa.
Agad niyang inaksyunan ang ibinahagi niya sa IG story at binura ang litrato. What was she thinking? Paano na lang kung may nakakita sa kanya at nakatuklas kung sino siya? Nawala sa isip niya na baka ma-trace ang identity niya nang pinost niya iyon.
Hey, you still there?
She quickly responded. No, sorry. I'm with someone. Napadaan lang ako doon para may iabot sa friend ko.
Hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano.
Napasandal siya sa upuan at nakahinga ng maluwag. Napadilat siya sa realisasyong pumasok sa utak.
Ibig sabihin ba malapit lang sa kanya ang kausap niya?
Lumabas si Saulo mula sa loob ng opisina nito. Napaangat ang tingin niya sa lalaki. Madilim ang mukha nito at hindi na 'yon bagong view kay Eina. Magkasalubong ang kilay na napatingin din ito sa kanya.
"Where have you been?"
Tumayo si Eina at magalang na ngumiti. "Nandyan ka na pala, Sir. May kinuha lang ako sa baba kanina. Medyo natagalan. May kailangan ba kayong ipagawa?"
He gave her a quick nod. "You're coming with me."
Nag-freeze ang ngiti ng dalaga. "Bakit, Sir? May importante ba tayong pupuntahan ngayon?"
"Kailan ba hindi naging importante ang mga lakad ko?" supladong sagot ni Saulo.
Humingi agad siya ng pasensya.
"Stop asking questions. Fix yourself. May makakasama tayo sa lunch."
Ang init naman ng ulo nito. Nagtatanong lang, parang mananakal na agad.
"Okay, Sir. Just give me a minute." Sabi niya, saka nagmamadaling naghanda.
Nauna na itong bumaba sa parking lot. Mabibilis ang hakbang niyang nakasunod dito. Pinigil ng dalagang sumimangot at baka mahuli siya ng supladong amo.
As usual lagi siyang nasa tabi ng lalaki kapag umaalis itong kasama siya. Ngumiti siya kay Tom nang lumingon ito sa kanila. Tinanong nito kung saan ang punta nila. Si Saulo ang sumagot at umandar na ang sasakyan.
Sino kayang tatagpuin nito? Sa restaurant na lagi niyang bino-book para sa mga date nito ang destinasyon nila.
Tuwing may date si Saulo, siya lahat ang umaasikaso mula sa pagpapadala ng flowers, paghahanap ng magandang hotel at pagpapareserve sa mamahaling resto. Hindi lang 'yon siya din ang pumipili ng regalong ibibigay nito sa magiging date nito. May tiwala sa kanya si Saulo pagdating sa mga bagay na 'yon kahit ubod siya ng manang manamit.
Pumasok sila sa Korean resto. Dinala sila ng waiter sa table na naka-reserved para sa kanila. Nagulat siya nang makita ang isang magandang babae na nag-aabang sa kanila.
"Saulo!" Sinalubong nito ng yakap ang lalaki.
"Hello, beautiful." Yumakap ang lalaki at hinalikan ito sa pisngi. "How are you?"
Pamilyar agad sa kanya ang babae at rumehistro sa isip niya ang pangalan nito. It was none other than the beautiful Gigi Torres. Lagi niya itong nakikita sa mga fashion magazine at newspaper kahit noong nakabase pa ito sa Singapore. She was a successful businesswoman, artist and a famous socialite.
"I'm good. Grabe last minute, ha?" nakangiting bumaling ito nang mapansin siya, "Anyway, who's with you?"
"I'm with my secretary. I'd like you to meet Eina. Eina, this is Gigi Torres. I'm sure you already know her because she's very famous."
"You're flattering me! Hindi naman!"
Nakipagkamay si Eina sa babae. "It's a pleasure to meet you, Maam. I'm a fan of you make-up vlogs."
Medyo nanginig pa ang dalaga nang tanggapin nito ang kamay niya.
"Wow, really?" Lumuwang ang matamis na ngiti nito. "Well, thank you so much. Don't call me Maam. You can just call me Gigi or Ms Gigi. Kung saan ka komportable sa dalawa."
Biglang dumating ang waiter para mag-serve ng pagkain. "Ay perfect! Nandito na pala ang food! Tara, let's eat. Gutom na ako!"
"Wala ka bang hinihintay na kasama ngayon?" tanong ni Saulo. Nakaupo siya sa tabi nito at kaharap nila si Gigi.
"Yeah, it's just me. Kagagaling ko lang din sa boutique, nagtitingin ako ng dress na gagamitin ko sa event bukas ng gabi."
"What's the event?"
"Oh, it's just a party. You should come!"
Di nagsalita si Saulo at tumawa si Gigi. "Naku, baka nag-tipon dun bukas lahat ng ex-girlfriends mo."
Napangiti si Eina. Panay ang kwento nito kay Saulo habang kumakain sila.
Ngayon lang niya ito nakita nang malapitan. Pilit niyang itinago niya ang pag-starstruck. The woman looked like a barbie doll. Ibang level 'yong ganda ng skin nito, parang walang lugar sa mukha nito ang pores at kung anumang imperfection.
"I heard from your former manager masyado ka na daw busy ngayon."
"Correct! Kulang na nga ako sa pahinga nitong mga nakaraang araw. Ang daming stress sa agency. Puro meeting saka paghahandle ng projects. Di ko na yata keri."
"Kaya ba hindi mo pa tinatanggap ang alok namin?"
Humalakhak si Gigi at pinalo sa kamay ang lalaki. "Nasabi ko na sa 'yo, di ba? I can't accept it now. Ang dami ko pang projects na parating!"
"Why not? You should give it a try. Pag-isipan mo pa," pangungumbinse ni Saulo sa babae.
"Kukunin ko 'yang endorsement. Ibibigay ko sa talent ko. What do you think?" Uminom ng tubig si Giselle. Ngumiti lang si Saulo at umiling. Sa kanya naman bumaling ang babae.
"Tingin mo, Miss Secretary?"
Napatingin siya sa katabi saka ibinalik ang tingin sa nagtatanong. "I think you're the best choice for Belleza, Miss Gigi."
She groaned in disappointment.
"She's right, Gi. May panahon ka pa naman para mag-decide." Sabi ni Saulo.
"Alright, I'll think about it." she said then she looked at her with curiousity, "Halfie ka ba?"
Di niya inaasahan ang pagtanong nito. "Sorry, I'm very curious lang."
Tinanguan niya ito. "Yes. My father. He is Spanish-Australian."
"That's why. Kanina ko pa kasi napapansin 'yong mata mo. Can you remove your eyeglasses? Sandali lang please?"
Tumalima naman agad si Eina at tinanggal 'yon.
Umawang ang labi nito at may kakaibang kislap sa mata nang ngumiti ulit. "I like your hazel brown eyes, it's very sensual."
Naasiwa siya bigla sa titig nito. At hindi na lang ito ang nakatitig sa kanya. Dalawang pares ng mata ang tila pinag-aaralan ang anyo niya.
Mabilis niyang ibinalik ang kanyang salamin.
"I think you're really pretty," makahulugang sabi ni Gigi habang mataman ang tingin sa kanya. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya sa papuri nito. Hindi siya sanay sa mga ganoong compliment. Nagpasalamat siya ng iniba na nito ang paksa.
Pagkatapos ng lunch, bumalik na din sila ni Saulo sa opisina. Tahimik lang siya hanggang makaupo sa kanyang table. May kausap agad si Saulo sa telepono.
Habang siya ay pinag-iisipan pa rin kung bakit siya inabutan ni Gigi ng calling card nito.
"If you need a stylist and a bonggang make-over, give me a call."
Naiimagine ba siya nito as a model? That's funny. Nag-iilusyon din naman siya minsan, pero alam niya kung hanggang sana lang 'yon. Itinago niya ulit sa bag ang card. Baka kailanganin din nga niya iyon.
Muli niyang hinarap ang monitor niya ng may malalim buntong-hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top