Chapter 57


 Hindi na tumutol si Eina nang dalhin siya ng binata sa sinasabi nitong talon. Pinagpawisan siya bago nila natunton ang lugar. Meron silang mga nakasabay na members sa papunta rin doon kaya hindi humihiwalay sa kanya ang binata.

Iniiwasan niyang isipin ang sinabi sa kanya ni Gigi. Nakahalata na ba ito sa kanilang dalawa? O sadyang malakas lang ang radar nito. Hindi rin nagsasalita si Saulo, pero kapag nagtatama ang mata nila ay hindi mawala-wala ang kapilyuhan sa ngiti nito.

She tried to ignore his playful mood. Nagkunwari siyang walang nangyari kanina pero sa loob-loob niya, apektado pa rin siya sa sinabi nito. Napakapresko! Hinding-hindi siya mafa-fall rito 'no! Maikling panahon na rin naman ang pagsasamahan nilang dalawa at tutuldukan na niya ang kahibangan nito.

Namangha si Eina pagkarating sa talon. Kulang ang mga salitang nasa dictionary niya para i-larawan ang tanawin. She loved the vibrant blue color of the water. Nakadagdag pa ganda ang matatayog na puno sa paligid. It was truly breathtaking! Ngali-ngaling sabihan niya si Saulo na kunan siya ng picture kung hindi lang niya naalalang bawal ang gadgets roon.

"Wanna swim?" bulong sa kanya ni Saulo, nakahubad na ito at swimming trunks na lang ang naiwan.

Tutal naroon na lang din naman siya, hindi na niya aaksayahin ang oportunidad na sulitin ang oras niya sa Temptation Island. Iyon na rin naman ang huling beses na makakatapak siya roon.

Halos di namalayan ni Eina ang paggalaw ng oras. Pagkatapos nilang maligo sa talon, dumiretso sila sa tutuluyan nilang villa para kumain. Nauna nang maipadala ni Saulo ang mga gamit nila roon. He rented a luxurious two-storey villa with Thai-style architecture located not far away from the waterfalls. There's a lounge area with wooden hammock, bed table and a plunge pool at the backyard. The villa is surrounded by plants and manicured greenery that creates a beautiful and relaxing atmosphere.

Binalot siya ng pagkamangha habang iginala ang paningin. Hindi natapos ang pagka-amaze niya, may naghihintay pala sa kanilang private chef para ipagluto sila at mayroon pang personal butler!

Napaka-sosyal!

Mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit bago bumaba para kumain. Napansin niya na one-bedroom lang ang villa, pero malawak iyon. Pwede pa silang magpatintero mamaya ni Saulo. Tama lang para sa kanila ang kinuha nitong bahay pero hindi maitatangging hindi biro ang presyo non.

Open space ang living room kung saan meron 40-inch TV at white couch na agad niyang hinigaan. Sobrang comfy at napaka-relaxing. She enjoyed the natural flow of the breeze from the windows and the entrance. Nasa mataas na lugar nakapuwesto ang villa. Makikitang nababalot lang ang kabuuan ng living room sa sliding glass windows and doors kung saan natural ang liwanag na pumapasok loob, tapos mayroon pa silang view sa labas. Feeling ng dalaga nakatira siya sa gitna ng kagubatan. Kung magpapatayo siya ng bahay, siguro ganoon ang style na gugustuhin niya. Literal na may mga puno siyang nakikita.

Kumain sila pagkatapos ni Saulo magpalit. The thai-food was delicious! Di niya alam kung kelan siya huling nabusog ng ganoon o dahil lang siguro sa magkahalong pagod at gutom niya. But it was satisftying! Umusok lang ang ilong niya sa anghang ng mga kinain niya. Si Saulo ay pulang-pula ang mukha at pinagpawisan.

After that super late lunch, nagpahangin si Eina malapit sa may pool. Kumuha siya ng magazine at nagbasa habang nakahiga siya sa malaking rattan daybed na kasya ang tatlong tao. Naririnig niya ang pag-huni ng mga ibon at ang malamig na hampas ng hangin sa kanyang balat.

This feels like heaven. Di mapawi ang ngiti sa kanyang labi.

Ganito ba feeling ng may sugar daddy?

She snickered at herself. Pero agad din napamasimangot nang maalala niyang minsan nitong sinabi na she was too old to be a sugar baby! That bastard. Dapat lang na lubos-lubusin niya ang pera nito 'no. Tutal magreresign na rin naman siya, dapat lang na maani na niya ang lahat ng pagod at paghihirap niya sa apat na taong pagtatrabaho niya rito. Working for that man requires a lot of patience, dedication and commitment. Idagdag pa niya ang pawis at lakas na kinuha nito sa kanya ng mga nagdaang araw na natatagpuan niya ang sariling nasa ilalim ng hubo't hubad nitong katawan.

But in all honestly, nagdadalawang-isip siya ngayon kung itutuloy pa rin ba niya ang pagpapasa ng resignation letter sa sandaling makabalik sila. Isang bahagi ng utak niya ang nagdidiktang huwag na niyang ituloy. But why? Desidido na siya sa kanyang plano at tingin niya aware na rin si Saulo na tototohanin niya ang sinabi dito. May sapat na rason naman siya para mag-resign na, pero ngayon naguguluhan ulit siya. Nao-overwhelmed lang yata siya sa ipinapakita ng binata.

Hindi nakakamatay ang pagiging marupok, pero sigurado siyang marami nang nabaliw sa pag-ibig. At hinding-hindi siya papayag na mahulog ng tuluyan ang loob niya kay Saulo. Para na rin siyang kumuha ng batong pamukpok sa ulo niya.

Nasa gitna si Eina ng malalim na pag-iisip ng lumapit si Saulo at humiga sa tabi niya.

Nabasag ang kapayapaan ng mundo niya sa biglang pagdadaiti ng balat nila. Agad siyang naglagay ng distansya sa pagitan nila. "Dun ka sa duyan. Wag ka dito."

Ngumisi lang ito bilang tugon. Mapanganib talaga ang ngiti nito. Wala pa itong ginagawa, humuhuni na ang kuting.

"Seriously, Saulo. Nagbabasa ako. Doon ka sa duyan. Di tayo kasya." At sinong niloloko niya? Kahit ano pang pwesto ang gawin nila roon, may espasyo pa para sa isa o dalawang tao. Ang concern lang talaga niya ay naka-topless ang binata. Komportable pang nakataas ang mga kamay nito sa likod ng ulo.

"Di kasya? Pumatong ka sa kin kung nasisikipan ka."

"Very funny," nakaismid na komento niya. Alam niyang hindi niya dapat sulyapan ang katawan nito para hindi siya maakit. Pero kinukuha ng kili-kili nito ang atensyon niya. Kelan pa siya nagka-armpit fetish? Goddamn it. Hindi siya marupok. Oo. But in this era? Kung araw araw nitong itataas ang armpit nito sa kanya, baka meron na siyang senior citizen card ay hindi pa rin siya nakakapag-resign sa kompanya nito!

"I need a massage."

Umarko ang kilay niya. "Secretary lang ho ang job description ko. Hindi massage therapist."

"Come on, I need your talented hands on me."

Hindi lang hands ang talented 'no, pati mouth.

Makakatanggi ba naman si Eina sa request ng magaling niyang amo? Tumayo siya para kunin ang coconut oil na nakita niya sa bedroom. Mabilis siyang bumalik rito at nakita na niya itong nakadapa sa daybed, naghihintay sa kanya.

Naitirik na lang niya ang mata. God, he's such a spoiled bastard! Palibhasa sinanay rin niya ang lalaki na lahat kaya niyang gawin. Kapag masakit ang ulo nito, siya pa rin ang taga-masahe. Napadaing ito sa unang hagod ng palad niya.

"Damn. That's exactly what I need." Tila nagustuhan nito ang masahe niya. She was flattered. Di lang niya ipinahalata.

"Sana sinabi mo agad na kailangan mo ng masahe para nagpatawag ako ng thera."

"Ayaw ko ng iba. Mas gusto kong ikaw ang humawak sa akin."

"Don't say that again. Baka singilin kita dyan. Baka akala mo di kita ic-charge. Aabutan kita bukas ng bill."

"How much for the massage?"
Naisipan niyang makipaglaro. Pilyang ngumiti si Eina. "Just 1000 USD for you, Sir."

"Mahal," komento nito. "Bawal ba tumawad?"

Marahang tinapik niya ito sa balikat. Pagkatapos diniinan ang paghagod pababa.

"Wala ka sa palengke, Sir. Bawal tumawad dito."

"Okay, pero pwedeng magpatuwad ng thera?"

"Sige, tumawad ka na lang."

He chuckled deliciously. Pinagpatuloy lang niya ang pagmamasahe rito ng sampu pang minuto. Tinapik ulit niya ito para pumihit paharap, saka lang niya narealize na nakatulog ang lalaki.

Napangiti siya. Sigurado si Eina kapag umalis na siya, hahanap-hanapin ni Saulo ang mga ginagawa niya rito. Hinayaan niya itong matulog. Lumipat siya sa duyan para doon ipagpatuloy ang pagbabasa niya ng magazine.

Ilang beses siyang napapasulyap sa pwesto ng binata.

Sa bawat minutong dumadaan, mas lalong namumuo ang pagkalito sa isip niya. Parang may bigat na nakapatong sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya mahihirapan siya na umalis.

Hindi niya gagawin iyon para sa intensyon na magpahabol sa lalaki. Alam niyang iyon ang unang gagawin nito kapag nagpasa na siya ng letter.

Mabigat na isipin ang pag-alis. Siya 'yung nagbabalak umalis, pero siya 'yung nahihirapan. Kaya ba niyang putulin ang nasimulan nila?

Mariing napapikit si Eina.

Isa lang ang gusto niya ngayon; sulitin ang mga minuto at oras na kasama pa niya ang binata.

Dapat niyang alalahanin na hindi fairytale itong pinasok niya. Maraming flaws si Saulo, yes, aminado siya roon. Pero marami siyang dapat na ipagpasalamat sa lalaki. Nagkaroon siya ng magandang trabaho.

Maaga siyang naging financially stable. Minsan napapaisip ang dalaga kung ano ang nakita nito sa kanya noong ininterview siya nito.

She could still remember that day.

 Ito mismo ang nag-interview sa mga aplikante. Ang gaganda ng mga kasabay niya. Parang screening ng Binibining Pilipinas ang line-up. Mukhang naligaw lang siya. Gusto na nga sana niyang umuwi sa kalagitnaan ng interview. Tensyonado siya. Pakiramdam niya mahihimatay siya kapag nagtagal pa siya roon ng isa pang oras. Biscuit lang ang kinain niya. Panay inom pa siya ng tubig para hindi magutom. Wala siyang pera nun. Kakarampot lang ang budget na nakalaan lang sa pang-apply niya.

Sa mga aplikante siya talaga 'yung mukhang maliligwak. Unang-una, lagpas tuhod ang kanyang suot na bestida. It was a black dress with floral print. Umuulan ng malakas kaya hindi siya nakipagsapalaran na magsuot ng puti. Presentable na siya ng lagay na 'yun.

 She looked like a complete nerd with a hair like Velma in Scooby Doo.

When it was her turn, sinubukan niyang maging kalmado at hindi ipinahalata ang kaba. Sa utak niya, kahit hindi siya matanggap, ang mahalaga ay ginawa niya 'yung best niya.

Kailangan na talaga niya ng trabaho. Disenteng trabaho.

Tinipon niya ang kumpyansa niya sa sarili at sumagot sa mga tanong na hindi siya kinakabahan. She did her very best. Kung meron man siyang naging advantage sa mga nakasabayan niya, iyon ay hindi siya masyadong nagpakita ng interes sa magiging boss nila. Kapansin-pansin ang kagwapuhan at matipunong tindig ng lalaki. Pero di tulad ng ibang nag-apply. Hindi niya tiningnan si Saulo na parang unang araw pa lang sa opisina ay aamin na agad siya ng pag-ibig dito!

Gayun na lang ang gulat niya nang makatanggap siya ng tawag.

 She was hired.

Di siya makapaniwala.

 Sa katunayan, iniisip niya nun kung bakit siya ang nakuha. Pagdating pa lang sa pananamit niya at job experience, ligwak na dapat siya. She was a fresh-graduate. Hindi pa ganoon ka-impressive ang kanyang resume. Isang malaking factor ang paraan niya ng pananamit. Pinanindigan niya kung saan siya mas komportable. Unti-unti siyang nakabawi sa mga utang niya. Nakapagpundar. Nakapag-ipon. Palaisipan pa rin kay Eina kung bakit siya ang napili ni Saulo.

 Ang hinala niya, tinanggap siya nito dahil kailangan nito ng tulad niya na hindi pagseselosan ng mga babae nito o di kaya 'yung hindi magkakaroon ng feelings dito. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit dapat hindi siya mahulog sa binata...

Mapait na umiling siya sa sarili.



---

Midnight Mistress is already at Ch.118 on Patreon & VIP Group. Link on my bio.\ IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top