Chapter 56
Kung akala ni Saulo mapapawi ng halik nito ang inis niya dito, pwes tama ito!
Parang gusto niyang sabunutan ang sarili pagkatapos ng realisasyon na naging marupok siya. Hindi niya kinukwestyon 'yung magpatawad siya ng madalian eh, ang kanya lang, bakit nagpalaplap agad?!
Palibhasa kasi alam na alam ng bwiset kung paano siya kunin! Naku, mali! Hindi pwede 'yan!
Hindi na mababago ang desisyon ng dalaga. Kahit gaano pa ito kasarap humalik! Sa pagreresign din naman ang patutunguhan niya. Mabuti na 'yong siya na ang magkusang umalis kesa sa ito pa mismo ang magpaalis sa kanya. May dignidad pa rin naman siyang natitira.
Gusto lang niyang makabalik na para makapag-plano na siya ng mga sunod niyang gagawin pagkatapos mag-resign. Sigurado siyang hindi basta basta papayag si Saulo na umalis siya sa pagiging sekretarya nito. Bibigyan siya nito ng special treatment. Nai-imagine na niya ang mga bagay na iaalok nitong kapalit. Kotse, alahas, free travel sa Europe. Kilala na niya ang galawan nito. Pipigilan siya nito ngunit buo na ang desisyon niya na huwag magpapigil.
Ilang taon na siyang nagtatrabaho sa lalaki. Sapat na ang mga taon na iyon para makahanap siya ng ibang job opportunities. Sapat na rin 'yung savings niya sa bangko para maging tambay muna. Pwedeng mag-stay muna ulit siya sa Baguio tutal iyon naman talaga ang gusto niyang gawin kapag nagkaroon siya ng mahabang bakasyon. Matutuwa pa ang nanay niya.
"Anong hindi tuloy?" maang na tanong ni Eina. Kaharap niya si Gigi at kahit malinaw ang sinabi nito, tila mabagal na nag-proseso iyon sa kanyang utak. "Hindi na kayo aalis?"
"OA, ha! Ano 'yun, dito na kami titira?"
"Akala ko ba ngayon na tayo aalis?"
"Oo nga, pero kasi nakasabay namin kanina si Lucian at nag-insist siyang mag-stay muna kami sa villa niya. And it's free for us!"
"At sino ba naman kami para tumanggi sa grasya?" singit ni Nat at hindi itinago ang ngisi. Kanina lang nagrereklamo ang babae sa hang-over nito. Mukhang nakapag-recharge na 'to at naghahanap na ulit ng walwal.
"Okay. Sasabay na lang ako sa mga staff. Si Ylanna ba?"
Napangiwi si Gigi. "Ayun nga ang problema."
"What?"
"Nakaalis na sina Ylanna, kasabay niya si Caio."
Napatulala ang dalaga. "So ibig sabihin, naiwanan ako?"
"Well, that's not a problem. Nandyan pa naman si Saulo. Kung gusto mo na makauwi ngayon, just tell him. Baka ihatid ka pa nun kahit nakabangka lang kayo." May halong panunukso ang tinig ni Gigi.
"Oh no, thank you."
Napakunot-noo si Gigi. "Okay ka lang ba, Eina? Namumutla ka."
"Just a headache."
"Uminom ka ng gamot. O kaya magpahinga ka muna. What if sumama ka sa amin para makapapahinga ka? Mag-c-check in na kami sa villa ni Lucian. Isang gabi lang 'to. Sulitin mo na."
Tumingin siya sa kanyang relo. Goddamn it! Eleven-thirty na. Anong oras na rin pala! Di na siya dapat nagulat na may plano pang mag-extend sina Gigi. Naroon sila sa lobby ng hotel at pinakikinggan niya si Nat na nagkukwento kay Farah tungkol kay Geneva. Umalis na din pala ito. Galit pa raw ito at nagbabalak pang kasuhan ang babaeng umatake dito kagabi.
"Di naman natin masisisi 'yung girlfriend kung maging selosa masyado. Kung ganun ang itsura ng boyfriend, ay girl, distansya ka talaga!" pabirong hirit ni Natasha.
"Grabe," tumatawa at napailing na lamang si Farah na hindi pa rin makapaniwala. Ito ang unang lumapit kay Geneva para alalayan makatayo. "But I don't think that's his girlfriend. Kagabi ko pa lang nakita 'yung babaeng kasama ni Donnie."
Napabaling siya kay Farah. "D-Donnie?"
"Yeah, I know the guy personally. He's a family friend. Matagal din 'yong tumira sa Spain at nung first quarter ng taon na 'to bumalik. Nakita ko pa 'yon sa binyag ng anak ng kapatid niya."
Napatango si Eina. Kaya pala tinawag nito sa childhood nickname si Adonis. Kakaunti lang ang kilala niyang tumatawag sa lalaki sa palayaw nito. Napakaliit nga lang talaga ng mundo.
Tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito. Gusto na talaga niyang makaalis. Pero di niya mainda ang pagsakit ng ulo niya.
Napasinghap siya nang makita niya kung sino ang pumasok sa lobby ng hotel. Goddamn it. Agad siyang yumuko para maitago ang kanyang mukha. Dumampi sa ilong niya ang amoy ng panlalaking pabango na gamit ng lalaki. Hindi ito nagbago ang pabango. Hanggang ngayon iyon pa rin ang amoy nito.
Lihim siyang napamura, sabay naglakad palayo.
Pagkalabas niya ng hotel, saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Sapo ng dalaga ang kanyang dibdib, halos naririnig niya ang pagtambol sa dibdib niya. Hinihingal na huminto siya at kinalma ang sarili. Akala niya ay naglalakad pa siya, saka niya napagtanto na tumakbo na siya palabas.
What's wrong with her? Dinaig pa niyang suspect na tumatakas sa crime scene. Wala naman siyang ginawang krimen noon sa lalaki para umakto siya ng sobra. But she couldn't help it. Bangungot sa kanya na mag-krus ang landas nila ni Adonis.
Malinaw pa sa kanyang memorya ang lahat ng nangyari. Isinakripisyo niya ang pag-aaral para lang maiwasan ang lalaki. Isang taon siyang nahinto noon. Hindi alam kung papaano at saan magsisimula ulit pagkatapos masangkot sa eskandalo. Hindi iyon naging madali sa kanya. Kahit nakapag-move on na siya, nahirapan pa rin siyang humarap sa ibang tao noon.
Naaalala niya si Adonis, naaalala rin niya ang lahat-lahat.
"Eina!"
Blangko ang isip niya habang nakayuko siyang naglalakad. Muli niyang narinig ang pagtawag sa kanya. It was louder this time. Lumingon ang dalaga. Naglalakad palapit sa kanya si Saulo, bakas sa mukha nito ang pagkataranta at nerbyos. Hinawakan siya nito sa balikat nang makalapit.
"What's wrong with you? Nakita kitang tumakbo palabas ng hotel at tumawid na hindi man lang lumilingon. Hindi mo ba nakitang muntikan ka ng mabangga ng golf cart?"
Napatitig siya kay Saulo, pagkatapos ay napailing.
"May problema ba?" banayad na tanong ng binata.
Marami kasama ka na.
"I-I'm good. Naisipan ko lang mag-jogging dito sa labas."
"Mag-jogging? Parang sumali ka ng marathon sa bilis ng tinakbo mo."
Maliit siyang ngumiti, pero di niya napigilang matawa ng konti. Lalo na't nakita niyang pinawisan ang noo nito. Napalingon siya sa pinanggalingan niya at saka lang niya narealize kung gaano nga kalayo ang naabot niya.
"Hinabol mo ba ako?"
"Yes," sabi nito at bumuga ng hininga. "Saan ka ba talaga pupunta?" tanong pa nito, napakamot sa kanang dibdib nito. He was wearing a tropical button-up shirt and chino shorts. Nakalantad ang maskulado at pawisang dibdib nito sa kanya, sumisilip ang utong na may bakas pa ng panggigigil niya rito nung huling beses na may nangyari sa kanila.
Hindi naman siya marupok. Tinanggap lang niya 'yung apology nito sa part niya bilang professionalism. Maghiwalay man sila ng landas, atleast, nakakuha siya rito ng apology. Bagay na hindi niya inaasahan mula kay Saulo. Aaminin niya na may parte niya na gustong kalimutan agad ang lahat ng sinabi nito noong nakaraang gabi. Pwede nitong sabihin na lasing lang ito at nadala lang ng emosyon, pero alam niyang hindi nito sasabihin iyon ng wala iyong pinanggagalingan. Ipapakita niya rito na mali ito ng iniisip sa kanya. Hindi niya ito hahabulin. At mas lalong hindi niya ito bibigyan ng pangalawang pagkakataon para tratuhin ulit siya ng ganon.
"I already told you. Nagj-jogging lang ako," aniya, pasimpleng umiwas sa lalaki. Pumihit siya pabalik sa hotel. Nakalimutan niya ang maletang dala. Siguro naman ay wala na roon si Adonis.
"Akala ko ba aalis na kayo?"
"Naiwanan ako."
"How unlucky."
Ngali-ngaling kurutin niya ito sa tagiliran. "Salamat, ha? Lalangoy na lang siguro ako pabalik sa Manila. Tutal matagal ko na rin naman pangarap maging sirena na lang."
"Interesting," anito sabay napangisi sa kanya. Naiirita pa rin siya kay Saulo, pero di niya maitatanggi na gusto niyang pagmasdan ang kapilyuhan sa ngiti nito. Nakikita niya ang kabilang side ng personality ng lalaki na hindi niya masyadong nakikita noon.
"Ayun talaga ang plano pagkatapos ko magpasa ng resignation letter sa 'yo. I'll be a mermaid streamer. Actually, pwede ko siyang gawing content sa mga stream ko. Kailangan ko rin naman ng rebranding."
Napakunot-noo si Saulo sabay sulyap sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.
"Okay? Mahihirapan ka n'yan. Saan mo ipapasok 'yung—"
"Oh, my, ang bastos lang."
"I'm not talking about the—" natigilan ito at di napigilan ang pagtawa, "Okay, fine. Sino ka na after your rebranding, Midnight Mermaid?"
Hindi talaga siya sineseryoso ng bwisit. Akala yata nito joke time lang ang mga pinagsasabi niya? Try me.
"Good suggestion. Bagay 'yan sa rebranding ko 'cause I have the voice of a mermaid."
"Wow. Mas mapapagastos yata ako sa rebranding mo."
Dineadma niya ang hirit nito at kumanta.
"I wanna be where the sugar daddies are," simula niya.
"Yeah?" Nanlaki ang mata nito.
Hinawi niya ang kanyang buhok at maarteng inilahad ang palad dito.
"I wanna see, wanna see them spending—"
"How much?"
Napatigil siya sa moment ng pagkanta at matalim ang mata na bumaling sa lalaki.
"Know what? Damn you."
"Anong ginawa ko?"
"Babalikan ko na 'yung maleta ko. Sasabay na ako sa 'yo ngayon. Paalis ka na, di ba?"
Napakamot sa noo si Saulo.
"Bukas pa 'yun."
Kita mo? Nabudol talaga siya. Hirap na talaga magtiwala. It was his fault actually. Kung alam lang niya na mas maaga na aalis sina Ylanna, sumabay na siya kanina pa. Kaso nagyaya ang binata na mag-breakfast at wala naman choice kundi samahan ito kesa sa magtagal pa sila sa cabin nito. Baka malaplap pa ulit siya ng wala sa oras 'no!
"What a liar. Sabi mo kani-kanina lang—"
"Nagbago 'yong schedule ko. Pwede pa naman tayong manatili ng isa pang gabi dito. I hope you don't mind, pero nagbook ako ng villa para sa atin malapit sa waterfalls."
"Waterfalls?" Narinig na niya na meron nga'ng tagong talon sa isla. Pero hindi niya alam kung saan 'yon.
Pangatlong araw na nga niya iyon sa isla pero hindi pa niya nalilibot ang kabuuan nito.
"I think you will love it. Isang beses lang ako nakapag-check in doon."
"Sinong kasama mo?"
"Friends."
Friends? Napatingin siya sa tagiliran para ignorahin ang lalaki.
"Wala pa akong ibang babae na dinala dito bukod sa 'yo."
"You don't have to explain."
"Come on, I can literally hear your thoughts with that look on your face."
Ganon ba siya ka-obvious?
"I'm not judging you."
"But you're jealous."
Muntikan na siyang madapa.
"Excuse me?"
"You're excuse."
Bwisit? Nangalaiti si Eina, pero hindi niya ipinahalata na nasa defensive mode siya. "Sandali lang, ha. Sa ating dalawa, ikaw yata ang nag-iilusyon. For your information, I'm not jealous. Baka akala mo lang 'yan, okay? Dumaan na sa harap ng table ko lahat ng naka-fling mo, lalo na 'yung mga nasa listahan mo ng fuck and forget. Kung magseselos ako, e di sana noon pa 'yun."
"Syempre noon di mo pa ako natitikman."
"Hala siya?" Napaatras si Eina, namula ang mukha. Hindi niya alam kung sa inis o hiya. Pero malamang sa inis kasi parang gusto niyang sampalin ang mapang-akit nitong labi. Ang lawak ng ngisi! Akala niya wala ng iyayabang ang bastardong 'to, aba meron pa pala!
"So, what now? Sama ka na ba sa akin?"
"Basta bukod tayo ng kwarto. Okay lang sa akin."
"Iyon ba talaga ang gusto mo?"
Hindi siya makapagsalita. Init na init ang pakiramdam ng dalaga at alam niyang hindi lang iyon dahil sa sikat ng araw.
"Ikaw ang bahala. Ano ba naman 'yung isang araw lang na makatabi ako sa kama, kahit di mo aminin, masarap naman akong katabi."
Di na alam ni Eina kung biro pa ba ang mga banat nito o seryoso na. Naloloka na siya!
"Saan ba 'yang talon na 'yan? Isama mo na lang ako, dali. Tatalon na lang ako!"
Mas lalong lumawak ang ngisi sa gwapong mukha nito. "Mag-ingat ka sa tatalunan mo. Baka sa akin ka mahulog."
Kinindatan pa siya ng hudyo!
Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Gigi sa di-kalayuan. Matalim na tiningnan niya si Saulo bago humarap sa babae. Dala-dala nito ang kanyang mga gamit.
"Akala ko naiwanan mo na ang maleta mo!"
"Sorry, may kinuha lang ako."
"That's okay. Paalis na kami. Mag-check in na raw kami sa villa. Sasama ka ba sa amin o.." dumako sa likuran niya ang tingin ni Gigi.
Patay-malisya siyang sumagot. "Ha? Pauwi na ako. Naghihintay lang ako ng sasakyan."
"Ah, d'yan ka ba sasakay?" Ininguso nito si Saulo. Umabot na yata hanggang sa pepe niya ang pamumula niya. Napahalakhak ito.
---
Midnight Mistress is already at Ch.117 on Patreon & VIP Group. Link on my bio.\ IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top