Chapter 55
Mabuti na lang ay may kumatok na ibang tao sa kwarto kung saan sila nagtatalo kanina ni Saulo. Kung hindi ay wala pang balak ang bastardo na pakawalan siya. Bumalik siya sa tumpok nina Gigi. Nagtanong agad ang mga ito kung saan siya nanggaling at kung bakit siya biglang nawala. Hindi niya masabi ang totoong dahilan.
Kung kanina ay masaya ang dalaga, ngayon ay tila miserableng nakalugmok siya sa isang sulok sa dilim. Muling lumapit sa kanya si Dax pagkalipas ng ilang minuto pagkabalik niya, ngunit tumanggi na siyang makipag-usap rito at nagpaalam na pupunta sa rest room. Nakakahiya siya. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang tumanggi na kausapin ito dahil lang sa aware siyang nakamasid sa kanya si Saulo.
Napansin niya na nasa malapit na ito. He was casually talking to Farah and Lucian. Tinanguan pa siya nito nang makita siyang papunta sa rest room. Ang tinamaan ng lintek! Wala siyang ibang nararamdaman dito ngayon kundi pagkairita. She was mad at him. Sa lahat ng mga narinig niya dito kanina, hindi niya makakalimutan kahit isang salita.
So, what if she is a camgirl?
Kung may problema pala ito sa kanya, hindi niya nakikita ang point na ituloy pa nila ang mga nangyayari sa kanila. Hindi siya makapaniwalang ginamit ni Saulo ang kanyang sikreto laban sa kanya. Ito lamang ang nakakaalam ng lihim niyang trabaho, wala ng iba pa. At mas lalong hindi siya makapaniwala na inakala nitong gusto niyang maging girlfriend nito.
Napakalaking insulto sa kanya, lalo na't hindi naman ito boyfriend material! Iyon ngang wala pa silang relasyon, sumasakit na ang ulo niya. Ano pa kaya kung meron na?
Nagpalamig lang siya ng ulo sa loob ng banyo. Inayos ang kanyang sarili. Namumutla ang kanyang mukha. Hindi siya umiyak pero parang namumula pa rin ang mata niya. Goddamn him. That would be the last time na makakatanggap siya ng ganoong pang-iinsulto mula sa binata. Makabalik lang siya sa apartment niya, magpapasa agad siya ng resignation letter.
Tama na ang isang beses. Hindi niya kailangang ipagpatuloy ang kagagahan niya. Hangga't maaga pa, dapat na niyang tuldukan at pigilan ang damdamin na papasibol pa lang sa dibdib niya. Mabuting putulin na niya iyon para hindi na lumalim pa.
She wanted to laugh at herself. Wala ba talagang katapusan ang karma niya pagdating sa lalaki? Hindi ba talaga siya magiging masaya? Alam niyang marami siyang nagawang maling desisyon non, may mga nasaktan siya sa proseso, pero alam niyang may karapatan din siyang sumaya.
Nasapo niya ang sentido, sumasakit na ang ulo niya. Pagod na rin siyang mag-isip. Ang gusto na lang niya ay mahiga at makapagpahinga. Pero hindi siya tatabi kay Saulo mamaya. Hindi puwedeng sa cabin siya tumuloy. Baka masampal lang niya ito habang tulog.
"Bakit ang tagal mo?"
She let out a loud curse. "Bakit ka ba nakaabang lagi sa pag-CR ko?"
"Just in case na kailangan mo ng tulong."
"Wow. Bilib naman ako sa pagiging matulungin mo. Tumaas bigla ang respeto ko sa 'yo. Pwede gawan mo pa ako ng isang pabor? Huwag ka nang magpakita."
Nakairap na nilagpasan niya si Saulo.
"You know you should still respect me. I'm still your employer. Hindi ko tinatanggap ang mga pabalang na sagot mo sa akin while I'm being a nice person."
Nice person? Huwag siyang mabiro-biro nito, kanina pa niyang pinipigil ang suka niya.
"Opo, Shir. Pasensya na ho. Lashing ho ako, eh. Di ko alam 'yung respeto."
Hinigit siya nito sa braso. "Eina."
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang binata. Kalmado ang anyo nito, mukhang hindi magbibitaw ng masasakit na salita. Napakagaling talaga magtago ng ekspresyon. Paano nito nagagawa iyon? Kanina lang ay nakita niya kung paano ito magalit at magbitaw ng mga salitang hindi niya akalain na sasabihin nito.
Hindi siya makamove-on.
"You're right. Deserve mo pa din irespeto because you're my boss. But I'm telling you now, Saulo, wala akong sinabi na hindi totoo kanina. Hihintayin ko lang na makabalik tayo at tatapusin ko na rin ang ugnayan na meron tayo."
Pumintig ang laman sa panga nito. Bahagyang naningkit ang mata. Alam niya kung ano ang ipinahihiwatig ng titig na iyon. Itinaas niya ang noo.
"We can talk about that tomorrow."
"Bakit kailangan pang ipagpabukas? Pag-usapan na natin ngayon."
"Bakit, maipapasa mo na ba ngayon ang resignation letter mo? Kung kaya mong gumawa ng letter ngayon, di kita pipigilan." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang ngising sumilay sa labi nito.
At saan siya gagawa ng letter aber? Sa buhangin?
Sasagot pa sana siya ulit nang may magsalita sa likuran niya. "Yo, Saulo dude! We're going back at the Palace now. You coming with us?" Sina Lucifer iyon, lasing na nakaakbay dito ang isa sa mga triplets. Nakasunod si Atticus sa dalawa.
"Hindi na, may iba pa akong plano ngayon. I'm staying at my cabin tonight."
"I see. Have fun." Napatigil si Lucifer nang mapasulyap sa kanya. "Wait, who's this beautiful lady with you?"
Napatingin siya kay Saulo. Eksaktong nagsalubong ang mata nila. Medyo naging awkward ang atmosphere. Hinintay niya ang sunod na sasabihin nito. Paano kaya siya nito ipapakilala?
"I don't know her name. I forgot. What's your name again, miss?"
Para siyang pinukpok ng kaldero sa bumbunan. Matalim na sumulyap siya sa binata. Pinapangako niya, kapag hindi na siya nito empleyado, magkakalat siya ng kung ano anong paninirang puri tungkol rito sa social media!
"Seriously?" She heard Lucian's voice at her back. "This is your secretary, Saulo!"
"Secretary?" ulit ni Lucifer. Para siyang matutunaw sa kahihiyan lalo na't ramdam niya ang atensyon ng mga lalaking pinsan nito sa kanya.
"Oh, yes! I remember now. Forgive me, Miss Montenegro. Di kita nakilala agad." Gusto niyang hilamusin ang ngisi sa labi ni Saulo, o kung pwede burahin na niya ang buong mukha nito.
"Di mo kilala ang empleyado mo, Villeda?" sabat ni Atticus.
"I'm just playing with you guys. Ofcourse, i know my secretary. Right, Eina?" anito, at bumaling sa kanya. Masidhing pagpipigil ang kinailangan niya para hindi ito pagtaasan ng kilay.
"Akala ko nga totoo rin 'yun, Sir. Tutal nagiging malilimutin ka na talaga."
"Sign of aging na agad?"
"Shut up, Lucian." Saulo snapped at him.
"Sige nga, dude. Age reveal."
"Oh, come on. Bakit hindi mo kay Atticus sabihin 'yan?"
Atticus gasped. "Do you have a problem with my age, Villeda?"
Nagkibit-balikat si Saulo.
Biglang tumabi sa kanya si Lucian. "Hanggang kailan ka pa rito?" tanong nito.
"Aalis na kami bukas." Si Saulo ang sumagot. Parang meron talaga siyang gustong sampalin habang tulog. Hindi naman 'to ang tinatanong!
Pero nakatitig pa rin sa kanya si Lucian, at hinintay siyang sumagot.
"Bukas na rin ako aalis, eh."
"Morning or afternoon?"
"Afternoon?" di siya sigurado sa sagot.
A small and sexy smile spread across his lips.
"Great. Pwede pa tayong mag-lunch kung free ka."
Oh, wow. She was not expecting that. Lantaran ba siya nitong niyayaya ng lunch date? At sa harap pa ni Saulo?!
"Sa umaga kami aalis."
Bumoses agad ang binata, pinutol ang moment niya para kiligin kahit konti sa pagbibigay ni Lucian ng atensyon sa kanya.
"Sayang. Akala ko naman magtatagal ka pa," may bahid ng panghihinayang sa tinig ng gwapong lalaki. Hindi niya itatanggi na flattered siya sa pagkakaroon nito ng interes sa kanya.
"Hinahanap ka na ni Gigi."
Napabaling siya sa amo niyang maligalig.
"She wanted to show you something. Puntahan mo na, baka hinihintay ka pa."
Right. She got his message. Lantaran talaga siyang itinataboy, eh 'no? Magalang siyang nag-excuse at naglakad palayo.
Hindi na niya alam kung anong gagawin kay Saulo. Di bale na. Atleast alam nito na magre-resign na din siya pagbalik niya. Wala itong magagawa para pigilan siya.
Hindi na siya nag-abala na bumalik sa puwesto nina Gigi. Naghanap na lang si Eina nang mauupuan kung saan makakapagsarili siya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang makarinig ng kumosyon malapit sa pool area. Napatayo siya para silipin kung anong nangyayari.
May sumigaw, "Anong ginagawa n'yo? Awatin n'yo 'yan!"
Di niya napigilang makiusi, lumapit na siya para makita ng malapitan. She was shocked when she recognized the other woman. Si Geneva, nakikipaghilahan ng buhok sa isang babae na kasing-tangkad lang nito.
May dalawang matangkad lalaki ang lumapit para paghiwalayin ang dalawa. Napaghiwalay naman ng ilang segundo pero muling naghigitan ng buhok. Ang ending parehas nahulog sa pool ang dalawang babae. Tila natauhan naman ng mabasa ng tubig.
Umuusok sa galit ang babaeng sumabunot kay Geneva.
"Paalisin n'yo 'yang malandi na 'yan!" malakas na hiyaw nito sa modelo.
Naawa naman siya sa estado ni Geneva. Lumapit sina Farah para tulungan ito. Akmang lalapit rin sana si Eina ngunit muntikan na siyang matumba sa pagsagi sa kanya ng lalaking nanggaling sa likuran niya. Humahangos itong lumapit sa isang babae. He must be the boyfriend. His built was somehow familiar to her. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito.
Dinaluhan niya si Geneva. Naabutan niya itong tinatanong ni Farah. "Are you okay?"
"Ikaw kaya sabunutan ng babaeng 'yon, tapos tanungin din kita kung okay ka lang?" pagtataray nito.
"Chill ka nga, Gen! Chinecheck lang namin kung okay ka lang. Look at your face. May kalmot ka sa mukha. OMG!"
Nanlaki ang mata ng modelo, parang gustong maiyak. "What? That fucking bitch! Kinakausap ko lang naman ang boyfriend niya tapos sinunggaban na agad ako!"
Pinakalma ng mga ito si Geneva at tinulungan itong makalayo roon. Naiwan siya para damputin ang naiwang gamit ng mga kaibigan.
"That's enough, Vee. Don't you have any shame? You're being awful right now."
Natigilan si Eina nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Lumingon siya sa lalaki. Nakatalikod ito sa kanya dahilan para hindi niya makita ang mukha nito. Pero kahit ang likuran nito ay pamilyar sa kanya.
Mayamaya pa ay tumayo ito at tinalikuran ang babaeng kausap. Dumaan ito sa gilid niya, sapat para mapagmasdan niya ng palihim ang mukha nito.
A cold chill crept up her spine at the sight of him.
Kinabukasan, si Geneva ang paksa habang nagkakape sila sa mesa. Tumuloy siya sa hotel room nina Ylanna at humiram ng mga damit dito pampalit. Nagtataka pa nga ito kung bakit hindi na lang siya pumunta sa room niya at kumuha ng damit. Nagdahilan na lang siya na nahihilo na para pumunta pa sa kanyang room. Buti na lang lasing ang kausap niya, wala nang maraming tanong pa na pinatuloy siya. Hindi alam ng mga ito na hindi naman talaga siya naka-check in sa hotel.
Nasa cabin pa rin ni Saulo ang kanyang mga gamit na plano niyang kunin pagkatapos niyang mag-breakfast.
Naalala niyang nilapitan siya ni Saulo bago siya sumama kina Farah sa hotel. Hindi siya pinigilan ng binata. She was flabbergasted. Parang ang daming nangyari kagabi.
Adonis.
Ang makita ulit ito ang pinakanakakagulat para sa kanya. Hindi niya inakalang makikita doon ang dating nobyo. Napahinto ito sa tapat niya at napatitig ng matagal sa kanya. Kung hindi lang dahil sa eskandalosang babae na kasama nito, baka nalapitan siya ng lalaki. She could see it in his face. Sigurado ang dalaga na nakilala siya ni Adonis.
May mga bagay na nagbago sa lalaki. Unang-una, mas lalong naging maskulado ang katawan nito at tila tumangkad pa ito ngayon. But he still got that bad boy look on him.
Siya ang unang nagbawi ng tingin sa binata. Maliit nga talaga ang mundo, naisip niya. Nakita na ulit niya ito noong nakaraan, but this time was different dahil nakilala na siya nito. Inihanda na niya ang sarili sa posibilidad na magkrus ulit ang landas nila.
Nanginginig pa rin siya. Bumabalik ang mga alaala na parang malakas na pagragasa ng ilog.
She can't forget him.
Ito ang rason kung bakit muntikan ng masira ang buhay niya. For years, dinala niya ang mapapait na alaala. Ang sakit na ininda niya sa kanyang dibdib. Ang mabibigat na bagahe ng kahapon na hanggang ngayon ay karga niya sa kanyang likuran. Aminado siyang kasalanan niya kung bakit nangyari iyon sa kanya.
She was young, stupid and fragile. Nagmahal lang naman siya at ibinigay ang lahat lahat. Nakita na niya ang mga senyales na sobrang toxic ng relasyon nila, pero ipinilit niya, isinugal niya ang sarili. Sa huli, umuwi pa rin siyang talunan, luhaan at walang dignidad na natira. Napahiya siya, hindi lang sa maraming tao, kundi pati na rin sa sarili niya.
Mula noon inilayo na niya ang sarili sa posibilidad na mangyari ulit iyon sa kanya. Binago niya ang kanyang sarili, binago ang pananamit, pag-aayos at lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya sa nakaraan. Itinago niya ang totoong siya sa dilim.
She blamed herself for everything.
Pagkatapos niyang mag-umagahan, pinuntahan ni Eina si Saulo sa cabin nito. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto. Tulad nga ng naisip niya, tulog pa rin ang bastardo. Scam talaga ang sinabi nitong aalis na sila sa umaga!
Nagsabi siya kay Gigi kanina na gusto niyang sumabay sa team ng mga ito pauwi. Pumayag naman ang babae.
Ipinatong niya ang kape na dala niya sa table. Pagkatapos ay sinimulang ayusin ang kanyang mga gamit. Naisip niya, lalamig ang kape na binili niya kung hihintayin pa niyang magising ang lalaki. Sumulyap siya kay Saulo.
Naka-boxers ang binata at nakadapa sa kama. Nangati ang palad niyang paluin ang pang-upo nito. Keep your hand to yourself, bitch!
Umikot siya papunta sa gilid ng kama, saka inabot ang balikat ng binata at niyugyog ito. "Gising na," aniya at pasimpleng tinapik ang gwapong mukha nito.
Nakakainis! Gusto niyang magdabog. Walang makakapantay sa kagwapuhan nito sa paningin niya. Nakakatulala man ang itsura ni Atticus o kahit si Lucian, aaminin niyang iba ang epekto sa kanya ni Saulo.
Kahit nakapikit, nag-wet talaga siya. Tinatamaan siya ng wala sa oras. Napakagwapo kahit anong anggulo. Tangina talaga! Magreresign na siya lahat-lahat. Hindi na nito mapapabago ang isip niya kahit na anong pang-aakit pa ang gamitin nito sa kanya. Iyon na rin siguro ang huling pagkakataon na makikita niya ito ng ganon kalapit.
Awtomatikong nailayo niya ang sarili nang gumalaw ito. "Eina?"
"Kararating ko lang. Tanghali na kaya gumising ka na."
Bumalik siya sa mga gamit niya, nagkunwaring may ipinapatas kahit na naayos na naman niya.
"What time is it?"
"Alas nueve na," sagot niya.
Sinapo ni Saulo ang ulo nito. Alam niyang marami itong nainom kagabi.
"I brought you some coffee. Inumin mo na bago pa lumamig," kaswal na sabi ni Eina at kinuha ang kape para ipatong sa side table nito.
Nakasunod sa kanya ang mata ng binata. "You're leaving?"
"Pauwi na rin sina Gigi kaya nagsabi na ako na sa kanila ako sasabay."
Bumangon si Saulo at bumaba sa kama.
"Paalis na din ako mamayang twelve. Sa akin ka na sumabay." Dinampot nito ang cup. Nakatingin ito sa kanya habang umiinom. Naalala niya ang naging pagtatalo nila kagabi at kung gaano kainit ang naging palitan nila ng mga salita.
Inaakala ba ni Saulo na babalik sila sa normal? Hindi nga niya alam kung anong ikikilos sa harap nito na hindi siya magmumukhang desperada sa atensyon nito. Masyadong maikli ang t-shit na hiniram pa niya kay Ylanna. Baka isipin naman nito ginising niya ito para lang akitin. Lakas naman ng loob niya.
"I'm sorry about last night," Saulo sighed.
Hindi siya kumibo. Di rin siya sigurado kung paano niya tatanggapin iyon. Ano, tatanggapin niya iyon tapos okay na? Fine. Wala naman silbi kung itataas niya ang kanyang pride. Mapuputol na rin naman ang ugnayan nila sa oras na makapag-resign na siya.
She needed to be reasonable at the moment. Wala na siyang inom kaya wala siyang dahilan na maging bastos dito.
Eina forced a smile. "Kalimutan mo na 'yun. I'm okay, pareho lang tayong lasing kaya kung ano na lang 'yung mga lumabas sa bibig natin. Yes, may mga nasabi ka, but I'm not going to hold that against you."
Tila hindi nito inaasahan ang naging tugon niya. He was speechless for a minute. Matagal siyang pinagmasdan nito. Parang gusto nitong basahin kung anong tumatakbo sa utak niya.
"So, you're not mad at me?"
"Yes," pinalawak niya ang pekeng ngiti. "I'm good. Actually, ang sarap nga ng tulog ko sa room nina Ylanna."
Tumango ito, nanliit ang mata. "Good to know that you're not mad. Hindi ka na magre-resign?"
Nabura ang kanyang ngiti.
"Kung wala kang problema sa akin, walang dahilan para mag-resign ka pa. Tama?"
"Saulo, that's not what I—"
Saulo raised a brow. "I'm gonna ask you again, galit ka ba?"
Napasinghap siya. Hindi niya alam kung saan patungo itong usap nila. Mali yata na hinintay pa niyang magising si Saulo. Dapat nag-alsa balutan na lang siya sabay exit para wala na siya sa sitwasyong 'yon.
Binitawan ng binata ang cup sa table. Humakbang palapit. Kumabog ang dibdib niya. Walang kasiguraduhan na makakaya niya kung uminit na naman ang usapan nila.
"Wala akong pakialam sa kung anong plano mo pagkatapos nito. Mag-resign ka o hindi, di kita pipigilan. But I want you to know that you have every right to be mad at me."
Umawang ang labi ng dalaga.
"I don't know what got into me last night. Maybe I was drunk or I'm not thinking clearly. Wala akong problema sa ginagawa mo, if you know what I mean. I used that against you and that's unfair to you."
"Saulo, okay lang. Huwag ka nang magpaliwanag."
Sinubukan niyang pigilan ang binata. Mas lalo siyang kinakabahan sa pagiging seryoso at sinsero ng mga salita nito. Pakiramdam niya ay may nakahandang bangin sa harap niya at isang hakbang lang niya, mahuhulog siya sa pagkahibang.
"Listen to me, okay? I screwed up a lot. Last night hindi ko nakontrol 'yong sarili ko, may mga nasabi akong di dapat and you don't deserve that. I'm ashamed of everything that I've said." anito, kapagkuwan ay inabot ang pisngi niya at marahang hinaplos. "Pwede mo akong murahin ng harapan ngayon, sabihin mo kung anong gusto mong sabihin para makaganti. Hindi mo kailangang kalimutan ang lahat. Maiintindihan ko ang nararamdaman mo pa rin hanggang ngayon. I'm really sorry."
For the first time in her life, nakita niya sa mukha ni Saulo ang emosyon na hindi niya inaakalang makikita niya. He looked sincere, pero pwedeng arte lang ng binata ang lahat.
Naguguluhang umatras si Eina. Hindi niya napaghandaan ang inakto ni Saulo. May punto ito, hindi niya kailangang kalimutan ang lahat. Sasampalin talaga niya ang sarili kapag naging marupok pa siya. Hindi porke humihingi ito ng tawad ay sapat na iyon ay para makalimot siya. Kailangan niyang matuto sa nakaraan, lalo na't narinig na niya iyon dati. Sa ibang tao nga lang.
Pero ayaw rin ni Eina na magmatigas. Hindi niya aagawin kay Saulo ang role nito.
"Thanks for saying that," pagtanggap niya sa apology nito. "Tulad ng sinabi ko, pwede natin kalimutan ang nangyari kagabi at mag-move on na lang. We're both adults anyway."
Malawak na ngumiti ang binata saka hinila siya para sa isang mahigpit na yakap. Hindi siya nakatanggi lalo na't napaka-wholesome ng dating niyon sa kanya.
"Thank you for being so kind to me." Saulo whispered.
Nagdala iyon ng ngiti sa kanyang labi. Niyakap niya ito pabalik. Pagkatapos ay nagtama ang mata nila.
Napakunot-noo ang dalaga.
Parang kidlat sa bilis na lumapat ang labi nito sa kanya.
Huh? Hinalikan siya ng lalaki, mariin at puno ng init na nilasap ang kanyang labi. Matagal na nag-proseso sa kanya ang ginagawa nito. Bigla niyang naitulak si Saulo.
"Anong ginagawa mo?"
Nanlalaki ang matang tinakpan niya ang bibig. Napaatras. Sandali! Bakit niya hinahayaan itong halikan ulit siya?
Parang naguluhan pa si Saulo sa naging reaction niya, pagkatapos ay napamura. "I'm sorry. Hindi pa pala ako nag-toothbrush. Wait here."
As if iyon ang problema?!
Tinalikuran siya ni Saulo at pumunta sa banyo. Napahilamos na lang sa mukha ang dalaga. Napakahirap naman pala tumanggap ng sorry dito. Nanghahalik agad!
Midnight Mistress is already at Ch.113 on Patreon & VIP Group. Link on my bio.\ IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top