Chapter 49


Wala namang ipinusta si Eina kay Ylanna, pero kung nakipagpustahan siya sa babae panalo na ito. Hindi na niya mahagilap si Saulo nang hanapin niya ito pagkatapos ng shoot. Namataan niya sa di kalayuan si Nat na kinakausap ni Caio. Lakas loob na lumapit siya sa dalawa para magtanong.

"Excuse me, nakita n'yo ba si Sir?"

Si Nat ang sumagot. "Si Saulo ba?"

"Oo, may naghahanap kasi sa kanya," pagdadahilan pa ni Eina kahit ang totoo ay siya lang naman ang naghahanap sa lalaki.

"Nakita ko siya kanina pero kausap pa niya nun si Geneva. Siguro umalis kasi narinig ko si Geneva na nagyayayang mag-banana boat mamaya."

"B-Banana boat?"

"Yes! Di mo ba sila nakita kanina? She's flirting with your boss. Di naman sa nakikinig ako sa usapan nila, narinig ko lang na tinanong niya kung saan naka-book si Saulo, kung may kasama ba kasi hindi daw siya comfortable sa room sa hotel. At sabi pa niya gusto raw niyang sumakay ng kabayo mamaya sa rancho. Meron daw kasing mga alagang stallion ang abuelo niya sa Bataan noon kaya may alam siya."

"Hindi ka pa nakikinig n'yan?" Tumawa si Caio.

Pinigilan niyang mapaismid. Horseback riding ba kamo? Ang sabihin ng bruha, gusto lang nitong masakyan si Saulo. Excuses!

"Ang akin lang, bakit may rancho sa Temptation Island?"

"Hindi mo ba alam? Galing rin sa angkan ng ranchers ang pamilya ng Monasterio. Same with the Salvatore clan. Matagal na silang business partners simula pa sa mga abuelo nina Don Levi. Dagdag mo pang napangasawa ng babaeng anak niya si Senator Thiago. Kaya din Rancho Salvatore ang pangalan nung isang area dito. Spanish-style 'yung mga villa doon at saka puwede kang mag-horseback riding. Kung marunong ka?"

"Nakalimutan mo na bang nag-shoot tayo before para sa isang liquor brand na pinapatakbo ko pa 'yung kabayo na naka-bikini lang ako?"

"That's like two years ago, Nat."

"So what? I still know how to ride a horse. Samahan mo ako mamaya."

"Okay," parang hindi na nakatanggi si Caio sa demanding na tono ni Nat. Nakalimutan yata ng dalawa na naroon pa siya nakatayo sa harap ng mga ito.

Malawak ang ngisi ni Ylanna nang makasalubong niya ito. "See? Nawala na nga 'yung dalawa! Baka nasa kakahuyan na mga 'yun," pagbibiro nito.

Pilit na sinabayan niya ang tawa nito, at saka nagpaalam dito.

"Saan ka na pupunta? Hinahanap ka ni Gigi. Sumabay ka na sa amin mag-lunch."

Umiling si Eina. "Sabihin mo na lang na busog pa ako. Napadami 'yung breakfast ko kanina. Tutulog lang ako."

"Are you okay? Namumutla ka bigla," nag-aalalang tanong ng babae.

Nasapo niya ang pisngi. "It's just a headache. Inuman ko agad mamaya ng gamot."

"Ay, nako. Kulang ka lang sa kisspirin!"

Di na niya kailangan 'yun. Sobra-sobra pa nga siya sa kisspirin! Sa biogesex pa lang, posible na siyang ma-overdose.

Bumalik si Eina sa cabin ni Saulo. Wala roon ang lalaki. Di niya alam kung okay ba siya na wala ito doon o mas lalo pa siyang mapapaisip kung nasaan ito ngayon? Ni hindi man lang ito nagsabi sa kanya kung saan ito pupunta. Not that he needs to do that, pero sino ba siya?

Umalingawngaw sa utak niya ang tanong na iyon. Wait, sino nga ba siya sa buhay nito? Sa huling pagkakaalala niya, isang hamak na sekretarya lang siya na sinuwerte na makuha ang atensyon nito. Bukod sa personal na namamagitan sa kanila, na hindi naman nito nilagyan ng kahit anong label, tulad lang din siya ng ibang babae na dumaan sa palad nito.

Ang kaibahan lang ay siya 'yung latest. Hindi pa pinagsasawaan.

Handa si Eina kung sakaling magsawa na ang lalaki sa kanya. Di lang niya maintindihan kung bakit tila may sariwang sugat na nasusundot nung makita niyang kasama ni Saulo si Geneva. Kung funny lang siya, iisipin niya ng nagseselos siya sa atensyon na ibinigay ng lalaki sa modelong kausap nito. Wala sa nature niya ang pagiging seloso. Even when she was with her college boyfriend before. Kung sino-sinong nababalitaan niyang kumakausap at lumalapit kay Adonis. Ni minsan hindi siya naging threatened na maagaw sa kanya ang dating nobyo. Para sa kanya kawalan ni Adonis kung lokohin siya nito. Hindi niya kailangan maging insecure sa ibang babae para bantayan maya't maya kung anong ginagawa ng lalaki. Tiwala at kampante siyang hindi gagawin sa kanya ni Adonis ang mga kawalanghiyan na ginawa ng kaibigan nito sa karelasyon.

In some ways, may pagkakaparehas si Adonis kay Saulo. Parehong gwapo, matalino, mayaman, at hindi nauubusan ng babaeng naghahabol. She could still remember the amount of hate she got in the campus for dating him. Sobrang sikat ni Adonis sa kababaihan nun. Inasahan na niyang magiging sentro siya ng inggit. Pasalamat pa rin siya na walang nagtangkang manabunot sa kanya kapag naglalakad siya sa hallway.

Wala rin naman ideya si Eina na magiging girlfriend siya nito. Honestly, kahit good catch pa ito, hindi ito ang ideal boyfriend niya. The guy was a walking disaster. Sobrang daming sign para iwasan niyang ma-involve sa lalaki. Nabalitaan pa nga niya na tinag-team nito 'yung dalawang mag-bestfriend na cheerleader before sa locker. Tapos umabot din sa kanya ang balita na lagi itong nankikipag-away at suntukan sa bar. Kapani-paniwala naman dahil lagi itong may pasa at band-aid sa mukha.

Nagkakilala sila ni Adonis nang maging kaklase niya ito sa isang subject, and then naging partner pa niya ito sa ilang activities. Pagkatapos nun napansin na niya napapadalas na pagtabi ng lalaki sa kanya sa mga klase na magkasama sila. Lagi siya nitong tinatawag kahit wala naman itong sasabihin na importante dahilan para maging tampulan sila ng panunukso sa mga kaklase nila.

Agad niyang klinaro sa binata na di siya interesado dito.

Nanligaw ito sa kanya kahit sinabi na niyang wala itong mapapala. Sinubukan niyang magpanggap na may boyfriend para tigilan siya ng kumag. Tumigil ito bilang respeto pero nung mabisto siyang nagpapanggap na may boyfriend, bumalik ulit ito sa pangungulit sa kanya.

"Bakit kailangan mo pa magpanggap na may syota ka na? Gusto mo ba magka-boyfriend? Nandito naman ako. Tara, totohanin natin ang pangarap mo."

At dahil nabuwisit na siya sa panliligaw nito, sinagot na lang niya ito.

Mahigit dalawang oras na nakatulog si Eina. Bumangon na siya nang makitang alas kwatro na ng hapon. Napakabilis nga naman ng pag-ikot ng oras lalo na kapag wala ka talaga sa opisina. Napansin niya ang gamit ni Saulo na nakapatong sa sofa. Sunod niyang napansin ang nakapatong sa table na paper meal box. Dalawang magkapatong ng take-out ang naroon at may kasamang note.

Dinampot ng dalaga ang note.

Eat your lunch.

Napairap siya sa ere. Nag-abala pa talagang mag-note, pakasimple lang din naman pala ng isusulat. Syempre, kakainin niya pa rin 'yon kahit hindi nito sabihin! Nakaramdam siya ng gutom pagkakita sa dinala nitong lunch. Nawalan siya ng gana kaya nawala sa isip nyang kumain kanina. Gutom na gutom na nilantakan tuloy niya ang pagkain.

Natapos na siya sa pagkain nang bigla niyang maisip. Bakit parang suhol yata ang pagdadala nito sa kanya ng food? May nagawa ba itong hindi niya magugustuhan kaya inuunahan na nito ng suhol?

Think about that! Nasa kalagitnaan siya ng pagsususpetsa kay Saulo nang bigla itong pumasok sa cabin.

"Gising na pala ang prinsesa ko," nakangiting bungad nito.

Nagkasamid-samid si Eina sa tinuran ng binata. Natarantang inabot niya ang bote ng tubig. Natatawang lumapit ito sa kanya.

"How's your sleep?" tanong nito, tapos hinintay siyang matapos na uminom bago kunin ang hawak niyang bote. Hindi yata siya masasanay na bigla itong nakikisalo sa ininuman na niya.

"Bakit ganyan ang tingin mo? Di naman ako maarte."

"Whatever."

"Whatever?" ulit ni Saulo, pagkatapos ay nagsalubong ang kilay. "Oh, I see. Someone is not in a good mood. Hindi ba masarap ang tulog mo, baby?"

Prinsesa. Baby. Ano pa kayang itatawag nito sa kanya bago niya madiskubre kung anong kasalanan nito?

Umismid siya.

"Bakit masungit? Di mo ba nagustuhan 'yung food? Or iba ang gusto mong tikman?" pagbibiro ni Saulo.

Pero wala siyang panahon sa mga kapilyuhan nito.

"Saan ka ba nanggaling?" tanong niya. "Saka sinong kasama mo? Don't tell me you're with.." Napatigil si Eina pagkatapos niyang mapagtanto ang pangunguwestyon sa tono niya. Kinapitan siya ng hiya. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sarili? Wala naman siyang karapatan para magtanong ng ganoon. Asawa ba siya? Ni hindi nga siya papasang girlfriend nito!

"Bakit mo tinatanong?"

"Ah, wala." Then she faked a chuckle. "Bigla ka kasing nawala kanina, tapos hinahanap ka pa ni Gigi."

"Hinanap ako ni Gigi?"

"Y-Yeah." Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Syempre imbento lang naman niya ang sinabi. Hindi nga niya nakikita si Gigi after breakfast.

"Kailan niya ako hinanap?"

"K-Kanina lang. Bandang twelve? I'm not really sure. Mga past one na sila nagtatawag para mag-lunch, eh. Hindi naman niya nasabi kung anong reason bakit ka niya hinahanap. I don't care actually. Alam ko naman na busy ka. Umalis na din ako para magpahinga muna."

"Is that so?"

Di nakaligtas sa pandinig ni Eina ang pagka-aliw sa boses ni Saulo. Nagtaka man, hindi na niya inalam pa kung para saan 'yon. She couldn't look at him in the eye. Alam niyang convincing siya sa pagsisinungaling niya, walang duda doon.

"Wag mo na akong tanungin, please. Ang sakit nga ng ulo ko. Magaling pa hindi na lang ako pumunta dito. Mas gusto ko pa rin talaga ang nagtatrabaho at nakababad sa office works."

Galing mo d'yan! Sige, gamitin lang natin ang best employee card!

"May dala ka bang gamot d'yan?"

"Not sure."

"Tsk, tsk, wala pa naman gamot sa mga sinungaling."

Parang naisubsob sa kanal si Eina. Namilog ang kanyang mata. Nakaramdam ng pagkainsulto. Sinasabi ba nitong sinungaling siya?

"Are you saying I'm a liar?"

"Hindi ba?"

"Wow, this is new. Inaakusahan mo pa akong sinungaling. Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Kung aakusahan mo na lang ako ng ganyan, bakit hindi mo pa ako sibakin?"

"'Yan ba ang rason kung bakit ka nagsusungit? Gusto mong sibakin kita?"

"Kasi sabi mo nagsisinungaling ako. Then go ahead, sibakin mo na ako."

Tumalikod sa kanya si Saulo. Nanlaki ang mata niya sa iginawi nito. So, ganon na pala 'yun. Ito na ba 'yong inaasahan niyang pagtatapos ng kung ano man na namamagitan sa kanila ngayon?

Mukhang kailangan na rin pala niya maghanap ng trabaho. Sa imbes na makaramdam ng sakit, mas nauna siyang nakadama ng pagkamuhi.

"What? Be a man and just do it, Saulo. Doon din naman ang punta natin. So gawin mo na. Sibakin mo ako!" tumaas ang kanyang boses, kasabay niyon ay nakita niya ang panginginig ng balikat ni Saulo.

Sandali, tumatawa ba ang walanghiya?

Pinihit niya ito paharap at kita niya ang pamumula ng mukha nito, ang pagtitimpi na hindi bumunghalit ng tawa.

"Anong itinatawa mo, ha? Funny ka?"

Tila hindi nakatiis, nayanig siya sa lakas ng tawa nito. Napatulala na lamang si Eina. Gusto man niyang mag-walk out na, hinintay niya itong matapos.

"That shit is so funny."

Katatawanan lang ba siya para dito?

"Nice to know that, kung hindi mo ako sisibakin agad, magreresign na lang ako."

Parang matatawa ulit si Saulo. "Bakit mo ba sinasabi 'yun?"

"Bakit ka ba natatawa d'yan? Katatawanan lang ba para sa 'yo 'yung bagay na 'yon? Palibhasa mayaman ka! Di mo naiintindihan. Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag sinibak mo—"

At muli siyang tinawanan ng demonyo.

Gusto na talaga niyang sakalin ang bwisit. Kiber na kahit sino pa ito sa buhay niya.

"Ewan ko sa 'yo!" padabog na tinalikuran niya dito, at sinimulang mag-impake ng gamit. Nagkamali siyang magbakasyon roon. Pero ang mas malaking pagkakamali, kung bakit naisipan niyang magandang ideya na magkaroon sila nito ng pisikal na relasyon. He was such an asshole!

"What are you doing? Aalis ka? You can't be serious."

Di niya alam na darating ang araw na aaminin niya, pero oo, pikunin din siya. Napipikon siya sa tawa nito. Napipikon siya sa idea na may nararamdaman siyang iba sa lalaki bukod sa physical attraction.

"Aalis ka nga?" tanong ulit ni Saulo, kalmado na ang boses nito ngayon. Sa wakas. Kapag marinig ulit niya ang tawa nito—

Naku, nanggigil na talaga siya. Paglingon ni Eina, pilyong nakangisi si Saulo habang nakakrus ang braso sa dibdib. Pinigil niyang ma-disctract sa maskuladong braso. Iyon ang dahilan kung bakit siya nasa sitwasyong 'yon. Siya at ang kakatihan niya!

"Paano ho ako aalis, aber? Lalangoy ako pabalik ng Metro Manila?"

"Let's be honest here. Bakit ka nagsisinungaling sa akin?"

"Kailan ako nagsinungaling?"

"Ayan, ginawa mo ulit." He heaved a sigh. "Sinamahan ko si Gigi kay Lucian bago mag-lunch kanina."

Umawang ang labi ni Eina.

"Pumunta kami sa Palace kasi nandoon si Lucian. She wanted to talk to him. Di ko na itinanong, I'm not interested to know."

"Eh bakit hindi mo ako isinama?" may sumbat sa tono ng dalaga bagay na hindi niya inaasahang lalabas sa kanyang bibig.

"Because you're busy talking to your friend? What's her name again?"

"Ylanna?"

"Yeah, ayaw kitang abalahin dahil wala naman akong balak na magtagal. Dinalhan kita ng lunch dahil inisip ko na baka hindi ka pa kumakain. Nagmadali akong bumalik, pero natutulog ka pa."

Frustrated na tinitigan siya ni Saulo. "What is the problem here, Eina?"

"I'm sorry. Wag mo akong isipin. Masakit lang talaga ang ulo ko. Maliligo muna ako para humupa."

Akmang tatalikuran niya ang binata, ngunit agad nitong hinawakan ang kanyang braso at ipinihit siya paharap.

"Not so fast." Mariing hinawakan nito ang kanyang braso para hindi siya makapalag. Bumaba ang bibig nito sa kanyang tenga. Nakiliti siya sa pagbuga ng hininga nito.

"Gusto ko lang malaman ngayon, what's with the excuse? Bakit sabi mo hinahanap ako ni Gigi? Eh kasama ko 'yung taong sabi mong naghahanap sa akin?"

"I-It's true. Baka nakita ka na niya agad—"

Sinapo ni Saulo ang baba niya. Hinuli ang kanyang mga mata.

"I'm still being nice to you, baby. Isa pang kasinungalingan, sisibakin talaga kita tulad ng kanina mo pang hinihingi sa akin."

Namula ang mukha niya. Iyon pala ang dahilan kaya tumatawa ang bwisit. Iba pala ang dating ng term na 'yon sa lalaki.

"Hinanap ka talaga ni Gigi. Kahit itanong mo pa sa kanya."

Kahit ipa-lie detector test siya ni Saulo, hindi siya aamin! Ayaw niyang malaman pa ng binata kung ano talagang dahilan ng paghahanap niya dito.

"Okay, I believe you."

"T-thanks." Di siya maging komportable sa kung paano ito tumitig sa kanya ngayon. Parang binabasa nito ang tumatakbo sa utak niya. Hindi nito magugustuhan kung ano ang tumatakbo sa utak niya kanina pa, at kung gaano kalulutong ang mga murang nakadikit sa pangalan nito. Biglang nakonsensya si Eina sa ginawa niya.

Ang unfair sa parte ni Saulo na nagmadaling makabalik sa kanya at nag-alala na hindi pa siya kumakain ng lunch.

"May gusto ka pa bang sabihin?" marahang tanong ni Eina, nanunuyo na ang lalamunan niya sa kaba.

Gusto niyang makabawi sa binata kahit sa anong paraan na magugustuhan nito.

Bumuntong-hininga si Saulo. "Wala na."

"Wala na?" mahinang ulit niya, saka dahan-dahang kinapa ang matigas na kalamnan ng binata, pababa sa pagitan ng hita. Nang-aakit na inihagod niya ang mga daliri sa tapat niyon, "Wala ka bang balak gawin?"

"Eina," may babala sa tinig nito.

Kinuha niya ang kamay nito at pagkatapos ay dinala sa tapat ng pagkababae niya.

Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Nabigla si Eina sa agresibong pagtulak sa kanya ng binata sa pader pagkatapos ay pinihit siya patalikod dito. Tinipon nito ang buhok sa kamay, at sunod niyang naramdaman ang mainit na paghagod ng dila nito sa kanyang batok.


--


Happy Valentines Day guys! Magmahal lang hangga't kaya ng puso at peak2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top