Chapter 48
Nang sumunod na umaga namataan agad sila ni Gigi sa cafe kung saan sila nag-aalmusal ni Saulo. Ang lawak ng ngiti nito nang makita silang dalawa sa sulok.
"Ikaw, Saulo, ha! Kaya pala nagtatanong si Ylanna kung bakit wala na si Eina sa room nila. Nadanggit mo na pala!" sabi ni Gigi paglapit sa kanilang dalawa. May isa pang upuan sa tabi niya kaya inaya niya ang babae na sumabay sa kanila. Saktong dumating ang order nitong breakfast.
"Akala ko joke time lang si Lucian kagabi nung sinabi niyang sabay kayong dumating kahapon. Saw him last night at the palace. Kompleto ngayon 'yung magkakapatid. May basketball game sila mamayang hapon."
"Manonood ka?" kaswal na tanong ni Saulo. Dinampot ang baso ng kape at uminom.
"Di pwedeng di ako manood no. Bayad ako ni Hermes para mag-cheer. Alam mo ba kung anong pangalan ng team nila? Monasterio Daddies!"
Umangat ang kilay ni Saulo. "Isa pa lang naman ang may anak sa kanila. Let me take a guess, si Lucifer ang may pakulo n'yan."
"No, it's Xerxes!" Ang lakas ng tawa ni Gigi. "Alam mo ba 'yung brand ng clothing line niya? Call Me Daddy ang pangalan! Ginawang branding. Kasalanan talaga ng mga babae niya iyan. Daddy X ang tawag sa kanya, eh takot naman siya sa commitment!"
"Maybe he likes it as a nickname in the bedroom."
Napabaling sa kanya si Gigi. Nakita naman niyang umangat ang sulok ng labi ni Saulo. Di niya mapigilang magparinig.
"Usually may mga lalaking nagugustuhan 'yung term na 'yan kesa sa mga nakasanayang endearment. That's totally normal."
"Bakit may tinatawag ka bang Daddy ngayon, Eina?"
"I don't have a boyfriend!"
"Till now? I don't believe you! Wala pa 'bang tumatawag sa 'yo ng baby girl?" tukso ni Gigi, naglalaro sa labi nito ang malisyosang ngiti. Bigla siyang nalagay sa awkward na sitwasyon, lalo pa't nakikinig lang si Saulo. Paano ba kung sabihin niya kay Gigi na ang kaibigan nito mismo ang tumatawag sa kanya ng baby girl na hindi ito mawiwindang?
Pero siya yata ang nawindang nang si Saulo mismo ang sumagot. "Sinong tatawag ng baby girl d'yan, mukhang Tita?"
"Hala ka, Saulo! Grabe ka naman sa empleyado mo!"
Napanganga si Eina. Hindi siya makapaniwalang naging basher pa nga niya si Saulo, pagkatapos ng pagpapaligaya niya dito kagabi!
Itinago niya ang pangangalaiti sa matamis na ngiti. "Sir, joke time ka. Mas matanda ka pa nga sa 'kin!" ganti niya.
"Yeah right." pilyong ngumiti ito at uminom ng kape. Ngali-ngaling sungalngalin niya ang lalaki kung wala lang silang audience. The F? Mukhang tita daw?
Dineadma na lang niya ito.
Umaga ang schedule ng shoot ni Saulo. Pagkatapos ng breakfast, agad silang pumunta sa venue. Pagdating nila doon ay kakatapos lang ni Geneva. Lumapit ang staff kay Saulo para ayusin ito. Wala naman siyang ibang gagawin kaya nag-stay siya para manood. Hindi naman ganoon kahaba ang exposure ni Saulo sa video. Saglit nga lang ang magiging appearance nito. Mas naka-focus pa rin talaga sa female models ang campaign. Akala ni Eina makikita pa niya si Saulo sa more matured roles. Ni hindi man lang ito pinag-shirtless! Naka-suot ito ng polo na bukas ang ilang butones sa dibdib, tapos iyon na!
Buti nga di siya nakasigaw ng "Take it off!" kundi baka nasakal siya ng director.
"Bigla kang nag-alsa balutan kahapon. Akala ko talaga kung ano na ang nangyari. Paggising ko kagabi, wala na ang mga gamit mo sa room natin." sabi ni Ylanna.
"Nagising ka pa kagabi?"
"Oo naman! Ten o clock nga nasa Pulse naman kami ni Nat para mag-party!" anito sabay halakhak.
"Uminom pa ulit kayo?" di makapaniwalang tanong ni Eina.
"No na! Grabe ka sa akin, girl! Nag-kape na lang kami after. Pero grabe, ang wild sa Pulse kagabi! Sayang lang kung kasama ka namin, mag-eenjoy ka rin. Wait, saan ka pala nagpunta?"
Maagap na humagilap si Eina ng isasagot. Hindi niya puwedeng sabihin dito na magkasama sila sa cabin ni Saulo. Baka magtaas ng kilay ang babae. Kahit pa sabihin na secretary siya ni Saulo, nakakasuspetsa pa rin kapag malaman ng iba na magkasama sila nito sa iisang kwarto magdamag.
"Nag-book ako ng ibang room."
Kumunot-noo si Ylanna. "Sa hotel? Bakit pa?"
Hindi siya nakasagot. Pagkaraan ng ilang segundo, napatango si Ylanna na parang na-gets siya. "Ah, okay. Na-awkward ka ba gumalaw dahil kay Geneva? Don't worry, feel kita d'yan."
Hindi pa niya na-kwento kay Ylanna ang tungkol sa modelo. Mula sa pang-uutos nito sa kanya, paggising habang natutulog siya para lang humiram ng sunscreen na pinabayaan nito pagkatapos. Wala rin siyang balak na ikwento pa. Minsan lang na mangyayari iyon at sigurado siya, hindi na niya gugustuhin pang makasama sa isang kwarto ang babae.
"Look at her. Mukhang totoo talaga 'yung chichi na puro CEO ang mga type niya."
"Who?"
Sinundan niya ng tingin ang ininguso nito. Namataan niya sa di kalayuan si Geneva. She was talking to Saulo. Mukhang kaswal lang naman iyon, ngunit napansin niya ang kakaibang ngiti sa labi ng modelo at ang mga pasimpleng paglapat ng kamay nito sa matipunong balikat ng lalaki. Sanay na si Eina na maraming babae ang gustong kumuha ng atensyon nito.
Kabisado na niya ang galaw nito kapag may babaeng kumakausap. Kapag gusto rin nito ang atensyon na nakukuha, makikita niya iyon sa paraan ng pakikipag-usap nito. Kadalasan wala naman pinalalagpas si Saulo.
But this time, nagulat si Eina na hindi niya masabi kung gusto rin ng binata ang atensyon na ibinibigay ng kausap na modelo. He was really friendly. Ngumingiti ito at tumatawa kapag may ibinubulong si Geneva. Di niya alam kung guni-guni lang niya. Nakita niyang kumindat ito sa kausap.
Oh, wow. What a player.
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Eina. Pinaalalahanan niya ang sarili sanay na siya sa nakikita niya.
May dapat pa ba siyang ikagulat kay Saulo? Since day one, babaero na talaga ang kumag!
At di siya magpapanggap na bulag.
Geneva is strikingly beautiful, like her beauty is really captivating. Idagdag pang sobrang confident nitong ipinapangalandakan ang magandang hubog ng katawan. Alam ng babae na hindi mahirap para dito ang hindi makakuha ng atensyon mula sa mga kalalakihan.
Kanina nga ay narinig pa niyang pinuri ito ng isang staff. Parang meron daw sariling ring-light si Geneva at sobrang flawless ng katawan.
"Mukhang bet pa ni Geneva ang boss mo, Eina, ha."
Binawi niya ang tingin sa dalawa. "I see."
Umismid si Ylana, "At alam mo 'yan si Geneva, di 'yan titigil hangga't di nakukuha ang gusto."
"Hayaan mo siya. Alam na rin naman ng lahat kung ano ang reputasyon ni Sir."
"Ay totoo! 'Yan nga ang gusto ko sanang itanong sa 'yo. Wala bang girlfriend si Saulo? Di ko alam kung totoo 'yung chichi, may secret girlfriend raw 'yan."
Lihim siyang natawa sa narinig. Secret girlfriend? Maraming secret, pero girlfriend, wala.. or wala siyang idea kung sino.
"Sobrang pretty daw ng girlfriend niyan. Nakita sila ng friend ko doon sa polo club ni Lucian Monasterio."
"Oh? Maybe she's just a date."
Matagal na sigurong nangyari iyon. Wala naman siyang alam na may ka-fling si Saulo na kasabay niya. Gusto niyang mangilabot. Di lubos maisip ni Eina na mula sa pagiging sekretarya ay magiging side chick din siya ng amo niya.
Naramdaman niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Napainom tuloy siya ng soft drinks. Muli siyang napasulyap sa pwesto nina Saulo. Naka-upo na ang mga ito at patuloy pa rin ang pag-uusap. Kapansin-pansin ang pagbibigay nito ng atensyon kay Geneva.
Inignora ni Eina ang gumuhit na hapdi sa kanyang sikmura.
"Di ko na tanda ang pangalan nung starlet na sumugod sa akin last month eh." tila wala sa sariling sambit ni Eina. Hindi siya sigurado kung napapansin ni Ylanna na hindi siya nakikinig sa ikinukwento nito.
"Nakita rin niyang kasama 'yung kapatid ni Saulo. Anong pangalan nun?"
"Hideo?"
Napatingin siya sa pwesto nina Geneva nang marinig niyang tumawa ang babae. Aba, may pagpalo pa sa balikat!
"Close kayo?"
"Close kanino?" biglang naguluhan si Ylanna sa tanong niya.
"I-I mean.. 'Yung kausap mo? Close ba kayo?" Tumikhim siya, saka tumungo para itago ang pag-iinit ng pisngi niya. Kahit siya mismo ay nawindang. Sana lang ay hindi mapansin ni Ylanna na masyadong lutang ang isip niya, at wala dito ang kanyang atensyon.
"Yeah, close naman kami. That's my best-friend in college! Mahilig siya gumawa ng showbiz articles, at saka content creator 'yon sa social media kaya masyadong maraming alam na chismis. Pero wag ka maingay sa boss mo, ha? Wag mo na isumbong na meron ding rumor na malapit na siyang ma-engaged."
"Engaged?" Iyon na yata ang nakakatawang rumor na narinig niya tungkol sa boss niya. "Ofcourse not. Baka tawanan lang niya. Pero di ko na rin ipaparating."
"Kaya nga tinanong kita. Mukhang clueless ka rin. At mukhang chismis lang din kasi look oh, he's entertaining someone here. Pustahan tayo sabay mawawala 'yang dalawa mamaya."
Napakurap si Eina. Alam niyang joke lang 'yon ng kausap, pero.. Pilit niyang itinaboy ang negatibong damdamin na sumisibol sa dibdib niya. Naguguluhan siya sa iniaakto niya. Tila may napupukaw na emosyon na hindi dapat. Walang sinabing hindi totoo si Ylanna pagdating sa pagiging clueless niya sa dating life ni Saulo.
Di niya alam kung maaaliw siya sa isiping iyon. Ang malala sa sitwasyon niya kahit maraming nagaganap sa pagitan nila, wala siyang ideya sa kung anong nangyayari sa buhay ni Saulo. Marami itong bagay na hindi niya alam. Mga bagay na hindi nito binubuksan sa kanya kahit na ilang beses pa siyang bumukaka sa isang araw.
Nakakalungkot ba 'yon? In a way, yes. But that's totally normal. Pumayag siya sa ganoong set-up. Iyon ang relasyon na meron sila. Walang attachment. Walang commitment.
In short, wala itong responsibilidad sa kanya.
--
kalalabas ko lang ng opera kaya di pa ako maging active now. pero once makabawi bawi ako, magiging available ulit ang Patreon at VIP group para sa new subscribers. thank u.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top