Chapter 47


"Babalikan ko lang sina Ylanna para magpaalam."

 "Take your time."

Nahihiya pa si Eina nang iabot niya sa binata ang kanyang luggage. Dapat yata ay tumanggi siya na mag-stay sa cabin nito. Pero wala rin naman siyang dapat na ikahiya pa. Halos doon na nga ito sa kanyang apartment tumitira kapag nagpapalipas ito doon ng magdamag.

Pinanood niyang sumakay ng golf cart si Saulo dala ang mga gamit niya. Bumalik din siya sa kung saan niya iniwanan sina Ylanna na nagkakasiyahan. Nagulat siya nang makasalubong pa niya si Farah at Nat. Inaalalayan nito ang huli.

"Seriously, Nat! Umayos ka. Nakakahiya sa makakakita sa atin!"

"Anong nangyari?" pag-uusisa ni Eina.

"Thank God you're here, Eina! Tulungan mo naman ako. Hindi ko alam paano bubuhatin ang mga ito. Ang aga-aga nagwalwal!"

Humihingi na sa kanya ng saklolo si Farah. Itinuro pa nito si Ylanna na nakahiga na sa buhangin.

"Hala ka, sis, lashing 'yan?" napapailing na dinaluhan niya ang babae. Tinulungan niya itong tumayo. Nakita niya ang mga bote ng alak.

"Iuwi mo na 'yan, girl. Ako na bahala sa mga kalat nila." Sabi ni Gigi na nililigpit ang mga naiwan. Namumula rin ang mukha ng babae

"Eina Magenta!" maliwanag ang ngiti ni Ylanna nang makita siya. Tumatawa pa ito habang inaalalayan niya. "Ano ba 'yan! Bakit paliko-liko ka, Eina, lashing ka ba?"

"Ikaw ang lasing 'te."
"Ako, lashing? Hinde! Konti pa nga naiinom namin!"

"Itong lagay na 'to, konti? Hindi nakakaganda umuwi ng walwal, girl." Pinagtitinginan sila ng mga nadadaanan niya. Bandang alas sais y media lang kasi, tapos lasing na agad ang kasama niya. Ang lakas pa ng boses nito kahit pilit niyang hinihinaan ang tinig niya pag kinakausap ito. Ngali-ngaling iwanan niya si Ylanna kung di lang ito lasing.

"Bakit di nakakaganda? Di mo ba alam, beauty is in the eye of the beer holder? Agik!"

"Ngayon ko lang narinig 'yan."

Bumungisngis ang babae at tinapik siya sa pisngi.

"Isa pa what is beauty if the beer is empty?"

Nagusot ang ekspresyon ng mukha ni Eina. Mapayat pa kung tutuusin si Ylanna kaya hindi niya inaasahan na mahihirapan siya sa pag-alalay rito.

"Nakita mo ba si Geneva?" tanong ni Eina pagkatapos niyang maihatid sa kwarto si Ylanna. Pumunta si Farah sa kwarto para iabot ang pouch na naiwan ng kasama.

"No. Kanina ko pa siyang hindi nakikita. Maybe she's having fun out there."

"Aalis kasi ako. Baka dumating si Geneva. Sigurado naman na di magigising 'tong si Ylanna. Puwede ko bang iwanan sa 'yo ang susi ng room? Magkatabi naman 'yung room natin."

"Okay." Iniabot niya dito ang susi. Pero di napigilan ng babae na mag-usisa. "But where are you going?"

"Huh? P-Papahangin lang sa labas?"

Tila hindi kumbinsido na tinikom ang labi, saka tumango. "I see. I thought you're going to see your boss again."

"W-What? Sinong boss?" maang-maangan ang drama ni Eina. Kung hindi niya aaminin, baka isipin lang ni Farah na namamalik-mata ito.

"Saulo Villeda? May iba ka pa bang boss? I saw him earlier. Sumunod siya sa 'yo nung nagpaalam ka na pupuntang rest room, tapos di ka na bumalik."

Kumalat ang pamumula sa kanyang tenga. Hindi niya alam na may nakakita pala sa lalaki.

"I guess he's here for the photoshoot tomorrow. Narinig ko na may cameo si Saulo sa ad, or may shoot na kasali siya. I'm not sure."

Wala siyang ideya na interesado si Saulo na maging parte ng shoot. Pero kung totoo, di lang naman iyon ang unang beses na na-include ito sa campaign ad. Nakikita na niya ang binata kahit noon pa sa TV commercials at magazine covers. Limelight talaga ang humahabol rito.

"Paano ba 'yan, mukhang kailangan mo pang magtrabaho kahit nasa bakasyon ka." Sabi ni Farah, at walang halong malisya ang sinabi nito.

Nagpaalam na si Eina sa babae bago pa mawalan ng pasensya si Saulo kakahintay sa kanya. Nagpa-reserve na ito sa Gyros at sigurado siyang naghihintay na ang lalaki doon.

She was wearing a casual white beach dress. Sleeveless 'yon at lagpas tuhod ang haba. Wala siyang kaayos-ayos sa mukha. Kung anong itsura niya tuwing napasok siya sa trabaho, iyon na iyon ang ayos niya minus the eyeglasses.

Pagdating niya sa Gyros, namataan agad niya si Saulo na naka-upo. Umangat ang noo nito at tinitigan siya habang palapit sa pwesto nito. Napansin niya na nagpalit ng damit ang binata. Kanina ay naka-T shirt lang ito. Humahakab sa maskuladong pangangatawan nito ang puting polo shirt na suot, mas lalo pang naging kapansin-pansin ang laki ng braso nito.

Pinigil ni Eina ang sariling titigan ito. Baka akusahan pa siya nito na iba ang gustong tikman.

Lumapat sa kanyang ilong ang panlalaking pabango nito pagkaupo sa harap nito. God, he smells so sexy.

Titikman talaga.

"You good?" tanong nito.

"Yeah." Pasimpleng hinawi ng dalaga ang buhok. Dapat yata nag-ayos man lang siya sa mukha. Magdi-dinner siya kasama si Saulo, tapos mukha siyang magni-ninang sa tabi nito?!

"So, Farah told me something interesting about you."

Naisipan niyang buksan ang paksa tungkol sa narinig sa modelo.

"Kasama ka raw bukas sa shoot ng campaign for Belleza. Is that true?"

Tumango ang lalaki. "They want to include me in the campaign."

"That's nice." Kapagkuwan ay napakunot-noo, "Bakit biglaan? Matagal na ba 'yan sa plano or late decision? Is that why you're here?"

"Yeah, it's a late decision. Matagal na nila sa akin sinusuggest 'yan and you already know that. Nandoon ka nung pinag-uusapan 'yan last year."

"Pero tumanggi ka dahil ayaw mo—" napahinto siya, maagap na tinakpan ang bibig.

Umangat ang kilay ni Saulo. "There's no reason. Marami lang trabaho."

Yeah right.

Di na niya ipapaalala ang rason kung bakit tumanggi ang binata. Palihim kasi itong nakikipagkita doon sa Fil-Am celebrity na kinuhang endorser para sa Belleza last year. The theme was too sexy and passionate. Ayaw nito ng intriga mula sa press lalo na't kagagaling pa nito sa isang intriga na ginawa ng isang starlet na naka-one night stand nito sa party ni Hideo.

Parte ng trabaho ni Eina ang i-handle ang mga nagiging flings at hook-ups ni Saulo. Walang kahit isa na pinangakuan ang binata ng relasyon, pero kapag sumusugod ang mga iyon sa opisina, dinaig pang asawa!

May isang beses na muntikan pa siyang mawalan ng trabaho. Iyon ay nung makapagpadala siya ng funeral flowers sa bagong fling ni Saulo. Subsob siya sa trabaho magdamag. Madaming tinapos na report. Puyat na ang beauty niya! Pagkatapos kailangan din niyang asikasuhin ang mga babae nito?

Lumiko ang paksa ng usapan nila ni Saulo sa darating na malaking okasyon sa sunod na buwan. Kaarawan iyon ng abuelo nito. Maraming beses na siyang uma-attend sa mga event ng pamilya ni Saulo.

She was there to assist for him. Kilala nga siya ng magulang ni Saulo bilang matagal na empleyado nito. Ang huling beses na nakita niya ang mga ito ay noong anniversary ng mag-asawa. Nagkaroon ng malaking handaan sa mansion. She was also invited.

Marami pa silang pinag-usapan bago dumating ang pagkain nila. "Ang dami naman nito," manghang puna ng dalaga.

"So what? Kaya kong kainin lahat 'yan. Pati ikaw."

Hindi siya prepared sa banat nito. "Kakatikim mo lang kanina. Di ka ba nagsasawa?"

"Hindi. Kulang pa 'yong kanina sa akin kasi nagmamadali ka."

"Grabe ka. Gusto kong matulog ng maaga mamaya."

"Hindi puwede. Di tayo matutulog. I'll make sure of that."

She chuckled at his remark.

"Dapat ba akong matakot?"

"No. Don't be scared, Eina. It's not a threat."

Tumikwas ang kilay ng dalaga. "Is that true?"

Hindi niya narinig ang tugon nito. Ibinuhos niya saglit ang atensyon sa kinakain. She's having a sweet chili crab. May shrimp at salmon din na in-order si Saulo. Una niyang ginalaw ang crab kasi iyon ang paborito niya. Masyadong makalat nga lang kapag kinakain.

Pinilipit niya ang mga hita at ipinalagay sa isang tabi. She could still have that later.

Napansin ni Saulo na parang nahihirapan siya sa paghiwalay sa crab. "Do you want me to help you with that?"

"Kaya ko na." May suot siyang plastic gloves habang kinukuha ang parte na gusto niya. Dinala niya ang malinamnam na laman sa bibig. Nanuot sa kanyang panlasa ang tamis at anghang. Tila nakalimutan niya ang manners ng ilang sandali at dinilaan pa niya ang top shell para masaid ang sauce sa paligid.

Chili nga talaga.

Sumubo siya ng kanin, pagkatapos ay dinampot ang kabiyak at hinati para mahila ang laman gamit ang daliri niya.

"That's delicious."

"Ang sarap nga," nakangiting sabi niya saka sinipsip ang daliri na nababalutan ng plastic. Nahuli niyang pinapanood siya ni Saulo habang ninanamnam niya ang pagsipsip sa kanyang pagkain.

"You want some?"

"Mamaya mo sa 'kin gawin 'yan."

Napatikhim si Eina, muntikan na siyang mabulunan sa tinuran ng binata.

"Subukan mo." Iniabot niya dito ang laman na kinuha niya sa biyak na crab. Inilapit nito ang bibig sa inaalok niya at isinubo kasama ang kanyang daliri. Naramdaman niya ang pagsipsip kasabay ng paghagod ng dila nito.

Agad siyang nagbawi ng kamay.

"Masarap ba?" kaswal niyang tanong, sinusubukan kalmahin ang tukso sa ere.

"Mas masarap ka."

Pinanlabanan ni Eina ang emosyong namuo sa pagitan ng hita niya. Oh, not in front of the food!

Idinaan na lang niya sa tawa ang tensyon.

"Kumain ka nga muna, Sir."

"Not that again." reklamo nito, at matalim na sumulyap sa kanya. "May usapan na tayo kung kailan mo ako dapat tawagin n'yan."

"Yes, Daddy." pabulong na panunukso niya.

Lumawak ang ngisi nito, at napapikit pa. "Don't call me that in public. That's for bedroom play only."

"May ganon pala? How about baby? Love? Honey? Money—give me money?"

"Love."

She rolled her eyes, laughing at his joke. "That is for couples only. Reminder lang po: Wala pong tayo. Love mo mukha mo."

"Ouch?"

"Joke lang."

"Saka mo lang sinabi 'yung joke nung nasaktan na 'yung ego ko?"

"Sobrang fragile naman pala niyan."

"Sakit mo mambasted. Mamaya ka sa akin. Babawian kita."

"Ano gagawin mo?"

"Kakainin kita."

"Scary."

"Uminom ka ng kape mamaya, kailangan mo ng mga dalawang baso kasi di ka tutulog."

She tried to suppressed a smile. Kumuha siya ng buttered shrimp. "Deserve ko pala kumain ng marami kung magdamag na naman akong magbibigay ng serbisyo."

Kumikislap sa kapilyuhan ang mata ni Saulo. Di mabura ang ngising inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Yeah, be ready. I won't stop using your throat until you remember every vein of it, and I'm going to fuck your sweet pussy and then take your tight ass all night. Gonna make sure that my come is buried deep—"

"Enough."

Napatingin siya sa paligid nila. Ngayon lang niya narealize na kanina pa silang nagpapalitan ng malalanding linya. Nangamba siya na baka kanina pang may nag-eenjoy sa pakikinig sa kanilang dalawa.

Kita niya ang matagumpay na ngiti sa labi ng binata. "But don't worry, I'll make you feel good tonight."

She glared at him.

"Di ko alam kung kaya ko pa bang lunukin 'tong kinakain ko pagkatapos ng sinabi mo."

"What? Feeling excited?"

Tuluyan siyang nabulunan. Agad siya nitong inabutan ng tubig.

Bumalik sa normal ang usap nila habang tinatapos ang pagkain. Nabusog siya sa dami ng nakahain sa mesa. Hindi nga nagbibiro si Saulo na kaya nitong ubusin lahat. Inaya pa siya nitong uminom ng tequila. Hindi tumanggi si Eina at sinabayan ito.

Patuloy pa rin ang kwentuhan nila na parang kaswal lang nilang ginagawa araw-araw. Di niya mapigilang pansinin ang napapadalas na paghaplos ng kamay nito sa kanya sa kanyang binti.

Mayamaya ay lumabas na sila. Inaya niya itong magpahangin sa labas. Napukaw ang curiosity niya nang banggitin ulit ni Saulo ang shoot bukas ng umaga.

"Bakit ka pala pumayag na magkaroon ng appearance sa ad? Akala ko ibang male model ang kinuha nila for that. Hindi ba interesado si Hideo?"

"No. Bakit naman magiging interesado si Hideo?"

"Wala naman. Naisip ko lang siya because he's good-looking and very lean. Alam mo bang pinagkaguluhan 'yung kapatid mo sa social media nung nag-pose siya sa cover ng isang sports magazine. Bakit ganyan ang tingin mo?"

"Who's better? Me or Hideo?"

"You?"

Namilog ang mata nito. "Bakit may question mark doon sa sagot mo? Di ka pa sigurado?"

"Nagulat ako, okay? And why are you suddenly asking me that? Alam mo naman kung nasaan ang loyalty ko."

"Tell me."

"Panalo ka na."

"Can't hear you."

Parang gusto niyang pisilin ang pisngi ni Saulo. "You're being childish. Stop it."

"Mahirap bang sagutin 'yon?"

"Madali lang, but you're ridiculous."

Tinalikuran niya ito. Naglakad siya ng mabilis. Hinabol siya nito at hinarangan.

"And why is that?"

Marahas na suminghap siya, pinilit pahabain ang kanyang pasensya. Pero di niya matiis si Saulo. Hindi niya alam kung bakit may naririnig siyang selos sa boses nito. Nabanggit lang naman niya si Hideo at wala siyang interes sa kapatid nito!

"Hindi mo naman kasi kailangan itanong pa kung sino ang ganito, ganyan. That's honestly stupid."

"S-Stupid?

"Yeah. Don't be absurd. Alam mo naman na ikaw rin ang pipiliin ko. I'll choose you in any day." Mabuti na lamang hindi nito gaano nakikita ang mukha niya sa liwanag kundi kapansin-pansin ang pamumula niya.

"You heard it right. You're better than Hideo in all aspects. And you're hotter, sexier. Probably the most delicious man in the country. Ano, okay na ba? Did I stroke your ego enough?"

"I'm not satisfied. Tell me more."

Pinuno ng frustration ang ulo niya. "Alam mo pogi mo sana kaso ganyan ka! Know what? Theo James just called, binabawi na niya ang mukha niya!"

Sa di malamang dahilan nagdala iyon ng ngiti sa labi ni Saulo.

"So, you think I looked like him? Di ba, wallpaper mo 'yun?"

Paano nito nalaman 'yon? Pinapakialaman ba nito ang laptop niya sa bahay? Ang phone niya?

Napaiwas siya ng mukha. "I don't know what you're talking about."

He let out a delicious chuckle. "Now I just realized you have a secret crush on me. Gaano na katagal?"

Matalim na tumingin si Eina sa lalaki.

"Alright! Kung ayaw mong umamin. Hindi kita pipilitin. That's fine with me. Hey! Where are you going?"

Nag-walk out na ang dalaga. Gusto na lang niyang bumalik sa hotel room basta malayo lang muna siya kay Saulo. Konti na lang gusto na niyang itong ipakulam.

"Come on, I'm just playing around!"

Hinabol siya ni Saulo. Walang imik na naglakad sila sa dalampasigan. Hindi niya alam kung bakit doon siya dinala ng mga paa.

"Galit ka ba?" tanong nito pagkaraan ng ilang minuto na tahimik silang naglalakad. Kumakalma ang isip at katawan niya sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin sa kanyang pisngi.

Umiling si Eina. "Hindi ako nagagalit kapag busog," pigil ang ngiting sabi niya.

"Pwes ako ang galit."

Napalingon siya kay Saulo. Naglalaro ang pilyong ngiti sa labi nito.

"Ano ba, kakakain lang natin!" saway niya at di mapigilan ang halakhak.

"See? Napatawa kita." sabay nakangising pinatakan siya ng halik sa labi, "That's a win for me."


--



Personal po ang dahilan kung bakit di ako makapagupdate nitong Dec-Jan. Pero ayun nga po, magsusulat na rin ako ng update/continuation sa Patreon starting this week.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top