Chapter 42
"Handa na bang madiligan ang lahat?" biglang sigaw ni Ylanna habang padaong na ang sinasakyan nilang yate sa Temptation Island.
Nagtiliin ang mga kasama niya na karamihan ay modelo at staff ni Gigi. Pinayagan siya ni Saulo na magbakasyon. Nakahinga siya ng maluwag dahil makakapahinga siya sa trabaho, at pati na rin ang kanyang pempem.
Hindi maipaliwanag ni Eina kung ano ba talaga sila ng lalaki. Feeling kasi niya ang relasyon na meron sila ngayon ay parang lumagpas na sa dapat ay relasyon lang nila. Tama na sigurong isipin niya na pisikal na relasyon lang ang meron silang dalawa. Wala siyang panahon na mag-overthink pa sa mga ganoong bagay. At kung meron man, napapawi agad iyon ng mga maiinit na halik ni Saulo kapag nasosolo siya nito.
Ang apartment niya ang nagsilbing love nest nila. Pagkatapos ng trabaho, pumupunta ito sa kanya sa gabi. Minsan ay wala pang pasabi. Nakapasok na pala ito sa bahay niya. Dinaig pa ang manloloob. Buti na lang nag-eenjoy din siya kapag nilolooban siya nito.
"This is gonna be fun!"
Sumulyap siya kay Geneva na nagsimulang mag-apply ulit ng sunscreen. Last minute na sumama ang babae. Naalala niya na ito ang dahilan kung bakit bigla siyang nagkaroon ng modelling gig nung hindi ito sumipot sa unang photoshoot.
Pasimple niyang binilang kung ilan silang nandoon. May labing-isa sila na magkakasama. Nauna na 'yong iba kanina pa.
Si Gigi ay nauna na din sa kanila kaya ang katabi niya ay si Ylanna na kanina pang dumadaldal sa kanya. Nato-tolerate naman ni Eina ang ingay ng babae dahil sobrang aliw pakinggan ang mga kinukwento nito sa kanya. Sa lahat ng mga kasama niya doon, si Farah ang pinakatahimik at hindi masyadong kumikibo. Ito lang ang walang katabi sa sinasakyan nila. Iniisip pa marahil ng babae ang eskandalong nangyari dito. Kalmado na naman ang mga usapan tungkol sa nangyari sa social media. Iba na ulit ang pinag-uusapan ng mga tao. Usually, ganon naman talaga sa showbiz. Mabilis manawa ang mga tao sa chismis kaya pag napag-usapan na, maghahanap naman ng bagong personality na pagpepyestahan.
Pagtapak nila sa Temptation Island, isinuko nila ang mga gadgets na bawal. May mga rules na sinusunod kapag nasa isla ka, at pagdating sa lugar na 'yon, unang bagay na pinapahalagahaan ay ang privacy ng bawat members at guests na nagbabakasyon. Nakita niyang bumulong si Geneva sa nakakatandang staff na kasama nila.
"Puwede ko kayang i-keep 'yong isang phone ko? Binigay ko na naman 'yong isa, eh."
"Gaga, bawal 'yan! Bigay mo lahat!"
"Hindi naman ako magvivideo—"
"Bawal 'yan! Baka may itinatago ka pa d'yan sa pepe mo, ha, isuko mo yan, Geneva! Damay damay tayo pag nahuli ka." Napakamot na lang sa ulo si Geneva.
"Nasa hotel raw sina Miss Gigi ngayon. Didiretso muna tayo doon para maayos natin ang gamit sa room. Pumili na din kayo ng makakasama sa room."
"Eina! Sa room ka namin, ha?" Agad na kumapit sa kanya si Ylanna. "Pero kung ayaw mo, nandyan naman sina Geneva," bulong pa nito, humahagikhik.
Umiling siya, "I'm not sure if that's a good idea."
Kanina pa lang sa yate ay naririnig na ni Eina ang babae na nagkukwento tungkol sa naging past fling nito na member ng Temptation Island. Mahihirapan siya na makasama ito sa hotel room. Nagpaplano na nga ito na magkaroon ng booking mamaya.
"I know, Geneva's kinda.. uhm, let's say diva? But she's nice sometimes, I guess?" sabi ni Ylanna, parang hindi pa ito sigurado sa sinabi.
Pinigilan ni Eina na mapangiti. Hindi naman sa kanya mahalaga kung ano ang attitude ng mga makakasama niya. Hindi naman siya ang makakatrabaho ng mga ito at hindi naman iyon makakaapekto sa kanyang pag-stay sa isla, at isa pa, saling pusa lang naman siya.
"Bakit parang ang konti lang ng dala mo?" tanong ni Ylanna sa kanya habang nakasakay sila sa golf cart papunta sa hotel.
"Marami din 'yan. Pinagsiksikan ko na lang."
"Nagdala ka ng maraming outfits?"
"Sakto lang." Marami na nga yata 'yong nabitbit niya kumpara noong nagbakasyon sila ni Saulo. Marami siyang nabitbit na beach dress this time at two-piece. Nagmamadali pa siyang mag-impake para hindi maabutan ng lalaki ang pamimili niya ng mga dadalhing damit. Baka makita nito ang pagka-excite niya habang pinipili 'yong mga sexy na damit. Hindi naman ito makakasama, and that's the exciting part. Walang Saulo sa eksena, walang problema! Hindi naman sa iniisip niya na problema sa kanya ang lalaki, pero parang jowa lang 'yan. Pag wala 'yong jowa, malayang-malaya ka kumilos.
Hindi pa sila nakakarating sa hotel, busog na agad ang mata nila sa mga lalaking naglalakad sa tabi ng daan. Nakatingin lang siya samantalang tili naman ng tili si Ylanna.
"Kita mo ang mga 'yan, Eina? 'Yan ang sasakyan natin mamaya."
"Huy! Ikaw lang!" natatawang tanggi niya.
"Wala naman magagalit, di ba?"
Lumabi lang si Eina.
"Samantalahin mo na lumandi ngayon. Minsan lang ito kaya sisiguraduhin kong maganda tayo mamaya."
"Akala ko ba nandito ka for work?"
"Girl, kahit pagod ako, kaya ko pang manlaban mamayang gabi 'no."
Pagkadating nila sa Allure, kinuha na lang nila ang kanilang room number at pumasok na sa kani-kanilang kwarto para ayusin muna ang mga gamit. May tatlong kama sa kwarto.
"Okay lang ba na dito ako, Eina? Or gusto mo dito?" Pinili ni Ylanna yung bed sa bungad at malapit sa bathroom. Pinili naman niya 'yong kama malapit sa bintana. Mula doon, natatanaw niya ang mga puno sa labas at ang dagat sa malayo. Ibinaba niya sa tabi ang kanyang maleta.
Biglang bumukas ang pinto at nagulat sila sa impit na tili. Nagmamadaling pumasok si Geneva. "Ooops, excuse me, dyan ako sa tabi ng window."
"Geneva, what are you doing here?"
Dinedma ng babae si Ylanna.
"Hindi kasi ako makatulog kapag malayo sa window. Okay lang ba sa 'yo dito ako?"
Napatingin si Eina kay Ylanna. Umiiling ang babae. Bumalik ang tingin niya kay Geneva. "Sige."
"Sure? Di naman masama loob mo?"
"No, you can have it."
Di na siya nito pinansin at nilagpasan lamang para tumingin sa labas. Di man lang naalalang magpasalamat.
"God, I love the view here!"
Nagkatinginan na lamang sila ni Ylanna. "What a bitch."
Pinalagpas lang ni Eina ang ginawa ni Geneva kanina. Si Ylanna naman ay gigil na gigil sa modelo. "Akala mo kung umasta may karapatan siya sa lahat. Siya 'yong dapat na masusunod, pineplease? Ay girl, ni hindi ka nga papasang starlet. Tse!"
"Mmm," matunong na humigop si Eina sa guyabano shake niya habang nagra-rant sa tabi niya si Ylanna. Niyaya siya nito na bumaba muna sa hotel para magpalamig. Kaya yata hindi lumamig yung AC sa hotel room nila. Ang init kasi ng ulo ni Ylanna.
Bukas pa pala mag-uumpisa ang shoot. Magsisimula ng umaga. Pinagpapahinga muna ang mga modelo. Kaya naroon si Geneva sa kwarto nila kahit ang dapat na kasama ng babae ay sina nat at Farah.
"Nakausap mo na ba 'yong staff kanina kung bakit lumipat si Geneva doon sa atin?" tanong ni Eina.
"Hindi. May idea lang ako kung bakit. Naiinsecure 'yong kay Nat or Farah kaya ayaw sumama sa room. Gusto pa yata may sariling room, eh ang mamahalin na nga ng kinuhang room para sa kanila. Saan niya gusto? Sa may Moroccan villa? Isang milyon kada gabi? Sosyal niya! Dapat nga sa tent lang siya tutal lagi siyang late."
"Harsh." Pero di niya napigilang matawa. "Pero kung ganon lang ang reason niya, bakit sa room natin pumasok?"
"Siguro gusto ni ate girl ng utusan. Naku, Eina, humanda ka na."
"Bakit?"
"Sinasabi ko talaga sa 'yo, gagawin ka niyang muchacha mamaya."
Tinawag si Ylanna ng isang manager na kasama kanina kaya nagpauna na siyang bumalik sa hotel room. Naabutan niya na makalat ang side ng bed ni Geneva. Lumalagaslas ang tubig mula sa banyo. Malagkit nga naman ang init sa labas. Balak nga din ni Eina na maligo.
Humarap siya sa salamin. Nakakasagabal na masyado ang bangs niya sa kanyang salamin. Nakalimutan niyang ipa-trim iyon. Sabi ni Ylanna mas maganda raw kung tatanggalin na niya ang kanyang bangs. But the would be too risky. Ang dahilan lang kung bakit nakakapag-disguise siya sa kung anong impression ang meron sa kanya ang mga kakilala niya sa trabaho at labas ay dahil sa bangs niya na mala-Betty La Fea.
Si Betty ang first thought niya nang pumasok sa utak niya noon na kailangan niya ng disguise. Hindi lang laro para sa kanya ang naging pagbabago niya. Dumaan ang ilang taon na nakasanayan niya ang ganong itsura. Natutunan niya kung paano yakapin ang lahat ng naging pagbabago habang unti-unti siyang lumimot sa mga nangyari. Nung una pa nga ay sinubukan niyang kapalan ang pagkikilay. Malaki rin 'yong salamin na sinusuot niya. Ngayon habang nakatitig siya sa salamin, napansin niya na unti-unting naglalaho ang mga pagbabagong ginawa niya.
Wala na 'yong makakapal na kilay. Ang unang salamin na sinuot niya, nasira iyon nang minsan maupuan niya sa sofa. Napalitan iyon ng hindi masyadong malaki na salamin. Naka-tatlong palit pala siya kahit wala naman talagang grado iyon.
'Yung bangs na meron siya ngayon, pinaplantsa pa niya dati at nilalagyan ng langis. Kaya pag napasok siya nun sa umaga, bukambibig ni Kristine ang bangs niya na nadilaan ng baka. Nakakalimutan na niyang gawin iyon at napapansin niya ang pagnipis nun.
Narinig niya ang pagtigil ng paglagaslas ng tubig. Patapos na si Geneva kaya bumalik na siya sa kanyang kama para kumuha ng sunscreen at cheek tint.
"Saan ka nakabili n'yan?" Napalingon si Eina sa babae. May nakatapis na towel sa katawan nito at basang-basa pa. Itinuro nito ang cup ng Guyabano shake na binili niya. Hindi pa pala niya nauubos iyon.
"Sa baba lang."
"Oh, I want! Kanina pa akong nauuhaw."
Nagulat si Eina nang abutan siya nito ng pera.
"W-What?"
Matamis na ngumiti ang babae. "Ibili mo ako sa baba. Wala ka naman sigurong gagawin, 'no?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top