Chapter 37


  "You did a great job today, Eina. I already saw your pictures. So good! Baka kapag nagkaroon ka ng billboard sa EDSA ikaw pa maging dahilan ng traffic doon?"

"Eh di ba lagi naman talagang traffic doon," sabi ni Eina.

Nagtawanan sa mesa. Naroon sila sa hotel nag-dinner kasama sina Gigi, Ylanna at Caio. Maagang nagpaalam si Farah. Nagpaiwan naman ang isa pang modelo na kasama sa shoot. Nakaupo ito ngayon sa tabi ni Saulo. And the woman was flirting with him.

"Naisipan mo na bang mag-change career?" tanong bigla ni Caio. Nakaupo ang lalaki sa kabilang side ng table. "You're still young. It's not too late to be a supermodel."

Nag-aalangan na umiling si Eina. Nasa harap lang niya si Saulo. Bawal sumagot ng mali!

"Wala akong plano."

"Why not? Tutal nasimulan mo na rin lang, bakit hindi mo pa ipagpatuloy? Saan ka ba ngayon nagwo-work?"

Nabigla si Eina sa tanong ng lalaki sabay tingin kay Saulo. Nakita niya din na napasulyap si Gigi sa binata.

Tumawa pa ito para hindi magkaroon ng tensyon. "Ano ka ba, Caio! She's already working with Saulo."

Namilog ang mata ng lalaki at saka lumipat ang tingin kay Saulo. "Oh, I don't know that."

Nag-apologize si Caio.

"That's fine."

Wala pa kasi si Caio nang dumating sila na magkasama ni Saulo.

"Holy shit, that's really nice. I'm not aware that you're working with SVD."

"She's working with me for four years now. Kung gusto niyo syang sulutin para gawing talent, kailangan n'yo munang dumaan sa akin." Seryosong sabi ni Saulo.

Napahawak si Gigi sa dibdib. "Bakit parang nananakot?"

"Especially you, Giselle."

"Grabe ha. Wala pa naman akong ino-offer kay Eina."

"I know you."

"Pero kung ako si Eina, magre-resign na ako ngayon bago pa lumabas pictures mo."

Napatanong siya. "Bakit?"

"Mamaya na ako mag-tell."

Naningkit ang mata ni Saulo. "Wala nang mamaya. Aalis din kami ni Eina pagkatapos nito."

"Magwowork pa rin kayo mamaya? Sobrang late na." sabat ni Natasha sa tabi nito.

"Yeah. That's normal for us."

"Iwanan mo na lang muna sa kanya. Since you're the boss, sumama ka na lang sa amin. Let's go for a drink!"

Aba, salbahe! Mas lalong hindi siya magpupuyat ngayon 'no. Uuwi na lang siya para matulog.

"That sounds nice."

Tatanggi ba naman si Saulo? Hinintay niya na sumagot ito habang iniinom ang kanyang cucumber juice.

"Cool, so you're going with us?"

"No."

Inubo si Eina sa naging sagot nito. Feeling pa niya pumapasok yata sa ilong niya ang iniinom. Napatingin siya sa reaksyon ni Natasha at lumipat sa nakangiting lalaki sa tabi nito.

Ang demonyo talaga ng isang 'to.

Nag-aalalang inabutan naman siya ni Ylanna ng tissue. "Ayos ka lang, girl?"

"Thanks."

"Interested ka ba sumama sa shoot next week?"

Napakunot-noo si Eina. "Shoot para saan?"

"May nakabukod pang shoot para sa Belleza. Different place naman. Gi, saan nga 'yon?"

"Sa Temptation." Anito kapagkuwan ay namimilog ang matang bumaling sa kanya. "Now I remember. Nakalimutan ko pang itanong. Sasama ka ba?"

"Hmm, hindi ko alam—" sumulyap siya kay Saulo. "Maybe?"

Bahagyang naningkit ang mata ni Saulo sa kanya. What now? Di pa nila napag-usapan kanina sa sasakyan ang unexpected na modelling gig niya. Wala siyang ideya kung anong opinyon ng binata doon. Ito pa rin ang boss niya at ang may-ari ng kompanyang may hawak sa Belleza kaya dapat lang na malaman niya kung okay lang ba kay Saulo ang pagtanggap niya sa mga offers ni Giselle.

"It's also part of the campaign ad. Iba pa 'yong kanina. Farah is also coming. Dahil ikaw naman na ang sumalo sa trabaho ni Geneva kanina, it would be nice kung sasama ka sa pangalawang shoot."

Na-excite na pumalakpak si Ylanna. "That's nice, Eina. Sumama ka na!"

Naramdaman niya ang pagsayad ng sapatos ni Saulo sa kanyang binti. Inignora niya iyon at ibinaling ang atensyon sa sinasabi ni Ylanna. Sumali na din si Gigi para ayain siya.

"Wala ba akong opinyon d'yan?" hindi nakatiis na sabi ni Saulo.

"Ofcourse meron kang say, Saulo! If you want, sumama ka na sa amin. May membership ka so hindi na hassle para kay Eina."

"Talaga? You're a Temptation Island member?" sumingit ulit si Natasha. "That's very surprising."

Gigi chuckled. "That's not surprising, Nat. Mga pinsan kaya niya ang may-ari non."

"E di puwede ka pala magdala ng guest doon anytime? You know just give me a call. I'm always free."

Tila balewala lang sa babae ang pagtanggi ni Saulo dito kanina. Tinitikom na lang ni Eina ang kanyang labi para wala siyang mai-react.

"I'll think about it."

"Talaga?" Nagningning ang mata ng modelo sa tabi nito. Inignora ito ni Saulo.

"No, I'm talking about Eina. Pag-iisipan ko kung okay lang ba sa akin na gawin n'yo siyang parte ng campaign when she's still working with me."

Natahimik ang mga kasama niya sa mesa.

"O-Ofcourse. Iiwanan ko muna sa 'yo ang desisyon kung papayag ka." Kaswal na sagot ni Gigi, may ngiti pa rin sa labi.

"Are you sure you want to do that?" Nasa kotse na sila pauwi nang muli siyang tanungin ni Saulo. Nagprisinta itong ihatid siya kahit nagsabi na siyang magta-taxi na lang.

Gusto rin kasi niyang makapag-isip muna. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa pagtanggap sa mga inaalok nina Gigi. Nakalimutan niyang may mga dahilan siya noon kaya ayaw niyang magkaroon ng active social media. Kung hindi pa kanina sinabi ni Saulo na kailangan muna niyang dumaan dito bago siya magdesisyon, hindi niya mare-realize 'yon.

Masyadong na-overwhelmed si Eina na hindi niya narealize na kapag ipinagpatuloy niya iyon, maraming makakakilala sa kanya mula sa university na pinanggalingan niya. May makaka-recognize sa kanya, pagkatapos ay muling mauungkat ang eskandalong nangyari noon.

Marami nang nagbago mula ng mangyari ang lahat ng iyon. Ilang taon na din naman ang lumipas. Maaaring may nakalimot na. May nag-move on. Pero hindi siya nakalimot dahil hanggang ngayon dala niya ang trauma na nagmula sa eskandalong kinasangkutan niya. Hindi iyon tuluyang nag-hilom sa pagdaan ng panahon.

Napapanaginipan pa rin niya paminsan-minsan ang mga nangyari.

"Eina?"

"Wag mo nang isipin 'yon. I'm not going."

"What?"

"Huling beses na 'yong pagpayag ko sa nangyari ngayon. 'Di na mauulit."

Sa gilid ng kanyang mata, nakita ni Eina si Saulo na bumaling sa kanya. Bakas ang pagkalito sa boses nito nang magsalita.

"Why? I thought you wanted to do it."

Napakunot-noo naman siya. "Kailan ko sinabi?"

"It's obviously written in your face when Gigi is talking about the shoot in Temptation Island. Gusto mong sumama."

Ganoon ka-obvious?

"Excited lang ako na iniimbitahan ako. Not because I want to grab the opportunity to be the model."

"You want it, go for it. I'm not stopping you."

"No, I'm good. Okay na ako na ma-experience ko lang siya ng isang beses. Not really asking for more. Isa pa hindi naman ako professional."

"Hindi ka naman masasaktan kung susubukan mo."

"Akala ko ba tutol ka kanina? Bakit binubugaw mo na ako ngayon? May cut ka ba?"

"What? No!" Tumawa si Saulo, pagkatapos ay tumikhim. "I'm not against you being in a campaign ad of one of our brands. Di kita pipigilan. I will be the first one to support you but—"

"But I'm not qualified, right?"

Nagsalubong ang kilay ni Saulo. "Wala akong sinabing ganyan."

"Bakit tumututol ka kanina?"

"Dahil hindi ka nagpapaalam sa akin."

"Huh?"

"Ano ba kung sabihan mo muna ako kanina bago ka pumayag kay Giselle? You caught me off guard when I saw you this afternoon. I thought it's a different woman that looks like you. Di ko pa inisip na ikaw 'yong kinukuhanan ni Caio. Kung hindi ka pa tinawag ni Gigi, di ako maniniwala na ikaw iyon. So, what made you do it?"

"For money?"

"We both know that's a lame excuse. Ano nga?"

Napalabi ang dalaga. "Dahil sa pera nga. Alam mo naman na nagigipit din ako."

"Kung nagigipit ka, puwede ka naman lumapit sa akin. I can solve your financial problems."

"Thanks, that's very kind of you. Pwede na pala ako mag-resign kung ganon."

Binato siya nito ng matalim na sulyap.

"Don't think about it."

"No, let's think about it. You could be my sugar daddy."

"Sugar daddy? Me?" tumaas ang tinig ni Saulo, naiinsultong tumawa.

Nakangiting ipinatong niya ang palad sa hita ng binata. "Can you be my sugar daddy, Mr. Villeda?"

"Sugar daddy, huh?" he snorted and shook his head. "You're too old to be a sugar baby."

Parang gusto niyang sapakin si Saulo.

"Bakit, mas gusto mo ba ng mas bata?"

"Hindi 'yan ang sinasabi ko."

"Pero 'yan yung gusto mong sabihin."

"Not my intention."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Kumukulo bigla ang dugo ni Eina. Bakit hindi niya matanggap na kulang na lang sabihin nitong matanda siya?

"And why are we talking about this? Please don't take it seriously."

Tumikwas lang lalo ang kanyang kilay.

"O e di sige, sagutin mo nga ako. Anong age limit ng pagkakaroon ng sugar daddy?"

"I guess twenty-four?"

Twenty-four? Pinakiramdaman ni Eina ang kanyang mga daliri. Hiling niya sana hindi muna siya nag-trim ng kuko niya para masakit 'yon makakalmot.

"Ilang taon ka na nga ulit?" nakangising tanong ng binata.

"Nasa 'yo ang resume ko. Bakit hindi mo tingnan bukas?" pagtataray niya.

"I'm asking you nicely."

"Twenty-seven. Okay na po?"
"Hmm. So, I'm right. Too old.. "

Nalaglag ang panga ni Eina.

"I mean, to have a sugar daddy at twenty-seven? You're kidding."

Parang may pumitik sa noo niya. Gusto niyang hilamusin ang mukha ni Saulo at burahin ang nakakalokong ngisi sa labi nito. May sama ba ito ng loob sa kanya? Hinanakit? Hindi siya nagsalita hanggang sa makarating sila sa tapat ng kanyang inuupahan.

"Dito na lang ako," aniya at pinahinto ito. May sasakyang nakapark sa madalas na pinupwestuhan ng kotse nito.

"Wait, saan pwede mag-parking dito?" tanong nito sa kanya.

"Walang available. Umuwi ka na lang siguro."

"What?"

"Di na kita mae-entertain. Matutulog na din ako. See you tomorrow."

Binuksan na niya ang pinto ngunit naabot agad ni Saulo ang kanyang braso. "Are you mad?"

"No?"

"Please don't be mad. Nagbibiro lang ako kanina."

At ngayon lang nito sinasabi iyon because? "I know, but I'm tired, Saulo. Next time na lang."

Napakunot-noo ang lalaki. Pagkatapos ay amuse na napangiti.

"Galit ka nga."

Pilit na ngumiti si Eina. "Hindi ako galit, pagod lang po."

Napahawak sa noo si Saulo.

"Ganito talaga epekto ng aging sa aming palabas na ng kalendaryo ang bilang. Pagpasensyahan mo na. Alright?"

"Wait." Hindi nito binitawan ang kanyang braso. "Sorry na. Ano bang puwede kong gawin para makabawi ako?"

"Ba't ka nag-so-sorry? Wala ka naman sinabing hindi totoo, ah?"

"Baby, please." Hinaplos nito ang kamay niya.

Hinampas niya ang kamay nito. "Now don't call me baby because i'm already twenty-seven and that's old for you, remember?"

Wala 'tong karapatan na hawakan siya ngayon pagkatapos ng mga sinabi nito 'no! Baby, baby mo mukha mo!

"Nagagalit naman agad. Di na mabiro."

"Meron ngang kasabihan. Magbiro ka na sa bagong gising at lasing, wag lang sa matandang dalaga."

"Bakit ngayon ko lang narinig 'yan?"

"Atleast ngayon alam mo na!"

Hindi niya alam kung dahil ba sa tequila na inialok sa kanya ni Ylanna kung bakit ganoon kataas ang emosyon niya. Pero masama talaga ang loob ng dalaga. Gusto niyang mawala sa paningin niya si Saulo.

"Come on, baby. Babawi ako sa 'yo. Sabihin mo lang kung paano."

Umiling ang dalaga at binawi ang kamay. "Papasok na ako."

"Sandali lang."

"Saulo, ano ba?"

"Akala ko ba may plano tayo ngayon? Ano na?" Pinapungay nito ang mata at ngumuso. Nagpapa-cute pa sa kanya ang tinamaan ng lintek!

"Ayaw ko na. Kaya ko na ang sarili ko."

Inirapan lang niya ang binata at saka padabog na bumaba si Eina sa sasakyan. Hindi na niya hinintay si Saulo na ipagbukas pa siya at ihatid sa kanyang pinto. Bakit pa? She's too old for that!

Nagmamadaling pumasok siya sa kanyang apartment. Narinig pa niya ang pagtawag ni Saulo sa kanya. Too old to be a sugar baby pala, ha? Pwes maghanap ka ng mas bata!



MM is already at Ch.79!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top