Chapter 34


 Kagagaling lang ni Eina sa board meeting nang maabutan niya ang mga kasama sa opisina na panay ang kwentuhan at tawanan sa table ni Leigh. Naunang umalis si Saulo sa building kasama ang kapatid nito. Napapansin ng dalaga na napapadalas ang pagbisita doon ni Hideo.

May naririnig siyang bulong-bulungan na balak ipakasal si Hideo sa isang heredera na anak ng pamilyang matagal nang kasosyo ng mga Villeda. It was just rumors, wala naman siyang naririnig na kumpirmasyon kay Saulo kahit lagi niya itong kasama sa opisina.

Hindi naman sila ganon kalapit ni Saulo para mag-share ito ng mga ganoong bagay. Hindi rin naman niya hinihiling na umabot sa ganoon. Mas konti ang nalalaman niya, mas magiging komportable siyang magtrabaho dito.

At saka bakit naman niya kailangan pang alamin? As if naman magsalita si Saulo. 'Di nga sila masyadong nag-uusap after sex. Nang huling ginawa nila iyon sa office di talaga siya masyadong nakapagsalita. Hinintay muna ni Eina na makapag-toothbrush siya bago ito kausapin.

"Pagkatapos natin mag-sine, mag-bar tayo!" sabi ni Leigh, nakatalikod sa kanya ang babae kaya hindi siya agad nito nakita.

"Eh, paano tayo papasok kinabukasan? Baka lahat tayo masesante ng wala sa oras!" sabi ni Kristine.

"Pwede naman 'yun! At saka mag-KTV tayo habang umiinom ng soju. Gusto ko magwalwal please. Huhu."

Napailing si Eina. Mapapawalwal talaga ito sabay iyak kapag masermunan ulit ni Saulo.

"Huy nandyan si Eina!" narinig niyang sabi ni Hans na manager at bumalik sa table nito. "Basta wala ako dyan sa usapan ha? Masipag ako dito."

"Oo nga basta ako natutulog ng maaga. Tubig lang iniinom ko. Ano ba 'yong soju na pinagsasabi mo, Leigh?" sabi pa ng isang team member.

"Uy madam!" napakalawak ng ngisi ni Kristine na lumapit sa kanya. Tumaas ang kilay ni Eina nang makikipag-beso pa sa kanya. Natameme si Leigh sabay upo sa table nito. Biglang busy-busyhan ang drama.

"Wala si Saulo kaya huwag kayo mataranta."

"Oo nga naman huwag kayo mataranta. Hindi nagsusumbong 'to si Eina kay Sir. Bakit kaya hindi ka sumama sa amin mamaya, madam?"

"Pass. Ayaw ko din mawalan ng trabaho."

"Ikaw? Mawawalan ng trabaho? Mukhang ayaw ka nga'ng pakawalan ni Sir kahit lagyan mo ng asin ang kape niya."

"What do you mean?"

Napatakip si Kristine sa kamay nito na parang nabisto sa isang crime scene.

"Ikaw ba ang naglagay ng asin sa lalagyan ng sugar sa pantry?" pang-aakusa ni Eina at pinukol ito ng nagsususpetsang tingin.

"Grabe, ako agad?"

"Eh, sino ba?"

Lumipad ang tingin ni Kristine kay Leigh. Nag-iwas ng mukha ang babae. Lalo lang naghinala si Eina.

"Basta hindi ako. Bakit naman ako magdadala pa ng asin dito sa office? Baka bawang pa kasi mukhang may aswang dito sa opisina."

Walang tumawa.

Bumuntong-hininga si Eina. "Okay kung walang magsasabi ng totoo. Sasabihin ko na lang kay Saulo na ikaw ang naglagay ng asin, Kristine."

"Si Leigh!" agad na turo ni Kristine sa kaibigan nito wala pang dalawang segundo.

Napabaling ang babae at agad na namutla. "Huh?"

Napapadyak si Kristine. "Huy umamin ka, ante! Di ba, ikaw naglagay nun?"

Hinintay niya na sumagot si Leigh. Wala sa mukha nito na gagawa iyon ng ganoon, o baka hindi lang siya naghinala. Akala lang talaga niya ay lutang lang siya kaya nalagyan niya ng asin ang kape ni Saulo nong nakaraan. Iyon bang wala syang masyadong tulog, tapos ay tambak pa ang kanyang gawain.

"Sorry." paghingi nito ng pasensya. "Prank lang naman kasi talaga dapat namin 'yon ni Hans."

"Bakit kasali ako d'yan?" reklamo ng manager.

"Eh kasi nga pang-post natin sa social media 'yon. 'Di ba binabayaran ka na ngayon sa mga content na ginagawa mo kapag maraming views? Pandagdag income din sana."

"Pasensyahan mo lang, Eina. Alam mo naman iba ang humor ng mga tao dito. Hindi ka makaka-relate."

"Okay, apology accepted. Basta huwag mo na ulit gagawin 'yon or else—" Hindi niya itinuloy ang sinasabi ng tumunog ang kanyang telepono. Mabilis siyang tumalikod bago sinagot ang tawag ni Saulo.

"Where are you?"

"I'm still here at the office, Sir. Do you need anything?" tanong niya sa kabilang linya.

"Need you here."

Naramdaman niya ang paglundag ng kanyang puso sa sinabi ng binata.

"A-Ano po?" parang tangang ulit niya pa. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib kasabay ng paggapang ng nakakalitong emosyon.

"I said I need you to do some work here." sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo ng dalaga ang telepono sa tenga. Parang may mga bula na biglang pumutok sa paligid niya.

"Alright," sagot niya. Buti na lang ay hindi nakikita ni Saulo ang mukha niya kundi makikita nito pamumula niya.

"Bumaba ka na d'yan."

"Ah, okay, Sir. Saan nyo ako susunduin?"

"Pagsusunduin mo pa ako? Mag-taxi ka papunta dito. I'll text you the address." Pagalit na sagot ng binata. Napapahiyang napatitig siya sa kawalan. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Kailan pa siya naging ilusyunada?

Bago pa uminit ang ulo ni Saulo kakahintay sa kanya, nag-book na siya ng taxi sa address na binigay nito. Dahil sa traffic nagtagal pa siya ng more than thirty minutes bago nakarating sa venue.

Oh, gawd.

"Finally, you're here!"

Namataan agad siya ni Gigi. Nakipag-beso ito sa kanya pagkalapit. Humahalimuyak ang mamahaling pambabaeng pabango ng babae. As usual napakaganda nito. Nakikita niya ang atensyon ng mga lalaki na naroon sa lobby na nakatutok sa babae. Couldn't blame them. This woman is really stunning.

Biglang na-conscious si Eina na mapadikit sa babae. Mukha talaga siyang matandang dalaga sa tabi nito. "I don't understand. What's happening here?"

"Hindi ka ba sinabihan ni Saulo kung anong gagawin natin? We're going to the salon! Ipapa-make over kita."

"Ano?!" Hindi naitago ng dalaga ang kanyang pagkagulat. Natawa naman si Gigi sa reaksyon niya. Pinisil nito ang braso niya.

"I'm just kidding! Pupunta tayo sa photoshoot for the campaign ad of Belleza. Napag-usapan namin ni Saulo na pupunta siya sa mismong shoot but he's meeting someone today."

"I think he's with Hideo."

"Oh, the hotter brother," komento nito sabay hagikhik.

Hotter? Nangati ang dila ni Eina na makipag-argumento sa babae. Tingin niya mas nakakalamang si Saulo sa looks department kumpara sa kapatid nito. At hindi pagiging biased 'yon dahil lang sa boss niya ang pinag-uusapan. Magiging honest na lang din siya, masasabi niyang lumalamang si Saulo ng dalawang paligo.

"Magkasama silang umalis kanina. Walang sinabi si Saulo."

"That's fine. Baka hindi na siya makaabot mamaya kaya siguro ikaw na lang ang ipinadala niyang representative niya for now. Tara na."

"Yeah, and I think Saulo is the hotter brother." Hindi matiis na sabi ni Eina. Parang gusto niyang kurutin ang sariling singit. Di rin talaga siya makapakali, 'no?

"W-What?" Napalingon sa kanya si Gigi, may amused na ngiti at namimilog ang mata sa kanya. "You think Saulo is hotter?"

"Uhm, no?"

"Well, 'di ako nagkakamali ng dinig, Eina. Sabi mo mas hot si Saulo kay Hideo. Bakit mo naman nasabi?"

Natahimik ang dalaga. Nangapa siya bigla sa pwede niyang irason.

"C'mon, just say it. Tayo-tayo lang naman. Di makakarating kay Saulo kahit anong sabihin mo."

Duda siya sa huling sinabi ni Gigi. Mas magtitiwala yata siyang sumugal sa casino kesa mag-share ng opinion n'ya sa kaibigan ng binata.

"Opinyon ko lang naman iyon, maybe because I'm biased. Sino ba sa kanilang dalawa ang nagpapasahod sa akin? Doon ako kampi."

"Iyon ba talaga?"

Kumalat ang init sa kanyang pisngi. "Oo. Kanino pa ba mapupunta ang loyalty ko kundi sa boss ko, 'di ba?"

"May point. You're a good employee, Eina. Alam mo kung ako si Saulo, di kita papakawalan. Bibihira 'yong mga empleyado ngayon na sobrang loyal sa kanilang boss."

Kung alam lang ng kausap niya, hindi lang loyalty niya ang nakuha ni Saulo sa kanya. Iilan lang ang tao sa pinagdadausan ng shoot. Namataan agad niya si Farah na suot ang lingerie na kasama sa mga bagong ilalabas ng Belleza. Sobrang tempting na makakuha agad ng bagong collection ng favorite brand niya. Naisip ni Eina kung posible kayang bigyan siya ni Saulo.

Napailing siya sa kanyang sarili. Saan ba nanggaling ang delulu moments niya lately? Hindi naman siya ganoon kaimportante kay Saulo para mag-expect ng mga bagay bagay mula dito.

Pinanood ni Eina si Farah habang nagpopose sa harap ng camera. First test pa lang iyon. Sa pagkakalaam niya ay sa isang exlusive island kukunan ang para sa campaign video.

Bigla niyang naalala ang Temptation Island. Possible na iyon ang piliin ng team na setting ng mismong ad na irerelease. That would be a great idea.

"That's it, Farah. Keep giving me that attitude! Yes, darling. Smize."

Gusto niyang palakpakan si Farah sa professionalism nito. Tila ba hindi ito naapektuhan ng nangyaring eskandalo dito. Hanggang ngayon ay meron pa rin ingay sa social media tungkol sa nag-leak na video nito. Hindi maiiwasan iyon lalo na't ang kasama nito ay isa sa pinakamainit na bachelor sa bansa.

"God, Gigi, look at her body. And the face! Jusko, nasaan ba ko noong nagsabog ang langit ng kagandahan?"

 Narinig niyang sabi ng babae na lumapit sa kanila ni Gigi.

"Well, you're probably having wild sex with a hot celebrity at the back of your car."

"Hey, that's mean. Do not remind me again!"

 Marahang tinapik ng babae si Gigi sa balikat. Dumako ang tingin nito sa kanya.

"You must be the new road manager."

"Gaga, sekretarya 'yan ni Saulo."

"Oh, I'm sorry!" paghingi nito ng pasensya sa kanya.

"That's okay. I'm Eina, by the way."

"Ylanna," tinanggap nito ang paglahad niya ng palad. "I thought you're the new road manager. Panay sabi kasi nitong si Gigi nong nakaraan na may hina-hire siya para sa talents niya. Akala ko ikaw na 'yon."

"No, I'm working for Saulo Villeda of SVD."

"You're so pretty."

"Asus, sabay ganyan." Napahalakhak si Gigi.

"Ikaw naman, napaka-nega! Di ako nambobola, huh. Matangkad siya at manipis. Anong vital statistic mo, Eina?"

"33-23-35."

Magkasabay na napasinghap ang dalawang babae.

"Are you for real?" gulat na sabi ng babae. "Papasa ka nang model! Ano nga kay Farah, Gi?"

"I think it's 34-23-34."

"Grabe, ang ninipis n'yo naman. Barbiehan ang laban," komento pa ni Ylanna.

Tumitig sa kanya si Gigi. Naasiwa siya sa paraan ng pagtutok ng mata nito sa kanya. Napahawak tuloy siya sa pisngi.

"'Di ka ba talaga interesado na magpa-glow up, Eina? Do not get me wrong. Wala namang problema sa 'yo. I just think you need better fashion style. Madali lang iyon if you let me help you."

"No, thanks. I'm not really interested in fashion and beauty enhancement. I'm fine with--"

"Don't be silly! I'm pretty sure you don't need beauty enhancements. Malinaw naman 'yong paningin ko ngayon. And i can see you're a fan of skin care products."

Well, hindi siya tatanggi. Skin care is life. Walang nakakaalam na obsessed siya kakanood ng mga skin care reviews sa Youtube.

"And I find her features very interesting. 'Yung mga ganyang face ang masarap laruin ng make-up." Sabi naman ni Ylanna at tinitigan siya. "Gusto mo ba ma-experience ang magic blush ko?"

"Magic blush?"

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawang babae sa kanyang harapan.



MM is already at Ch.73 on Patreon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top