Chapter 3
Anim na araw nang hindi nakakapag-stream si Eina. Lagi naman siyang busy. Hirap siyang makahanap ng libreng oras niya lalo na ngayon na madaming ipinagawa si Saulo. Kahit madaling-araw nagigising na lamang siya kapag napapanaginipan niya ito. Hanggang sa panaginip hinahabol siya ng deadlines niya. Tila ba walang time slot ang wet dreams sa buhay niya. Saklap!
Kaya ngayon nakadapa siya sa sofa niya at kinakalikot ang kanyang smartphone. May nakapila pa siyang gagawin, pero hindi naman niya ikakasibak sa trabaho ang konting scroll sa social media. Nasa bahay na siya. Di siya nakikita ni Saulo.
Gustuhin man niyang mag-live ngayon, hindi talaga pwede. Sinilip niya ang inbox niya. Sandamakmak na messages ulit ang bumungad sa kanya.
I missed you, mistress! Paramdam ka na ulit!
Umayos siya ng upo habang nagbabasa.
Hey, do u mind sharing your IG account? I've missed seeing your tits, i dreamed it every night.
Tinakpan ni Eina ang kamay, pinipigil ang sarili.
Please go live again. I'm so sad I wanna see you squirt again.
Tumutulo na ang luha ni Eina. Sasakit yata ang kanyang tiyan sa kakatawa. Oh, perverts!
Minsan hindi siya makapaniwala kapag nagbabasa siya sa inbox niya. Sa messaging lang ng Playmate nang mga ito siya nakokontak. Iniiwasan niya ang social media. Wala siyang free time para makipag-engage pa sa viewers niya. At di tulad ng ibang streamers sa Playmate, hindi siya madalas makita sa photo-sharing sites. No selfies. No thirst traps. Nagrereklamo na nga minsan ang viewers niya, tinatanong kung nasaang parte siya ng mundo. Sino ba naman kasing walang social media sa panahon ngayon?
Personally, meron siyang mga social media account kung saan nagiging updated siya sa life events ng acquaintances niya at college friends. Bibihira nga lang siya magbukas at magpost, but atleast, nakakapag-update naman siya ng pictures niya paminsan-minsan. But social media is still not her thing.
Tama nga si Kristine. Matandang dalaga yata talaga siya.
Hmm, actually very wrong 'to. Di lang nito alam na ang matandang dalaga na sinasabi nito ay marami nang nadala sa langit. Di literal. She grinned at the thought.
What if magkaroon ng social life si Midnight Mistress? Gawin naman niyang interesante ang buhay nito. Hindi naman kailangan totoo lahat ng ipost niya sa socials nito. Para lang sa kaligayahan ng mga tagasubaybay nito.
Oh, this is exciting.
"Are you chatting someone right now?" nakakunot-noo si Saulo na lumingon sa kanya. Nakasakay sila sa kotse nito papunta sa isang event nito nang gabing 'yon.
"Wala, Sir." Mabilis na sagot ni Eina. Nakalimutan niyang i-sign out ang alter account niya sa dalawang app na siyang nagbibigay ngayon sa kanya ng sunod-sunod na notifications. Ilang araw pa lang na buhay ang socials niya bilang Midnight Mistress, pero inulan na agad siya ng maraming tagasubaybay. Hindi siya nagkamali ng desisyon. Magiging hit siya sa kahit anong platform gamit ang identity na 'yon. Blockbuster ang ate niyo!
Masarap pala sa pakiramdam na makatanggap siya ng sandamakmak na comments sa isang post lang niya. Parang nakahanap ang dalaga ng bagong source ng validation. First time lang 'yon kaya valid naman siguro kung mag-feeling siya. "May nanliligaw na ba sa 'yo?" tanong bigla ni Saulo. Taas ang isang sulok ng labi ni Saulo habang pinagmamasdan siya doon na abala sa phone niya. "Di ko nakikitang may sumusundo sa 'yo sa opisina," dugtong pa nito.
Natawa na lang si Eina. "Mukha na po ba akong ligawin ngayon, Sir?"
"Honestly, no."
"E di wala, Sir."
Ang tahimik ng kotse pagkatapos. Napatingin siya kay Tom na nagda-drive para sa kanila. Pangiti-ngiti lang ang lalaki.
"Umaasa ka pa ba na maliligawan ka?" muling tanong ni Saulo.
Matatawa ba siya o hindi? Napanganga na lang si Eina. Gusto niyang tugunan 'yon ng tawa para hindi masyadong masakit. Pero masakit talaga 'yong pagkakatanong kaya naging prangka din siya.
"No, Sir. I'm not expecting anything right now. I'm not looking for a relationship. Desisyon ko talaga na maging single so I could focus my attention to my job. Mahalaga naman siguro ho 'yong pagiging incompetent ko no? Kesa pagiging single?"
Ano ba ang magagawa niya kung hindi siya naliligawan? Hindi naman siya nagmumukmok.
"Please don't take it as an insult. Curious lang ako kung may nagpapasaya ba sa buhay mo ngayon kasi parang ang lungkot mo masyado."
Lord, ang dalangin ko lang.. habaan mo pa ang pasensya ko.
"No worries. I'm not insulted, Sir."
"Yes, you are." Maikling tumawa si Saulo. "We're working together for four years. Hindi ka na iba sa akin, Eina. So please, you can be honest with me all the time. Call me out kung may mga mali ako. Mukha lang akong perpekto dahil gwapo ako at matalino at boss mo. I'm still a normal man! Hindi ako naiiba sa ibang lalaki d'yan. Mas gwapo lang."
Napapaling na lang siya sa may bintana. Kung magiging honest sya masyado, baka wala na siyang trabaho bukas. He is such a narcissist.
Natagpuan na lamang ni Eina ang sariling bored na nakatayo sa gitna ng club makaraan ang ilang oras. Pagkatapos ng dinner meeting, sunod na bumaba sila sa club ng hotel. Nandoon pa din ang business partners nito at ang ilang top executives ng kompanya. Hindi nawala sa eksena ang mga kilalang socialite at celebrity na bitbit ng mga kasama sa gabing 'yon.
Formal lang si Eina na nakatayo sa tabi ni Saulo kapag may kausap ito, o minsan ay nag-aadjust pa siya na pumwesto sa likod pag may babaeng lalambitin na lang sa braso nito. Mistula siyang muchacha sa tabi ng mga babae doon at walang problema doon. Sanay na siya.
Lumalalim na ang gabi wala pa yatang balak na umalis ni Saulo. Nagkaintindihan sila kanina nito na sabay na silang aalis pagkatapos ng meeting. Dumistansya na siya sa lalaki at iniwan itong nakikipag-usap sa business partners nito sa VIP lounge. Kapag napansin na niyang may babaeng dumidikit dito at hinahayaan lang nito, tina-take na niya iyon as sign na dumistansya.
Nagpaalam lang muna siya sa lalaki na may kakausapin sa telepono.
"Miss!" Nagulat pa siya nang may tumawag sa kanya sa likod. Nasa counter pa lang siya ng bar. Pagharap niya, palapit sa kanya ang isang magandang babae na naka-halter dress.
"Nakita mo ba 'yong boyfriend ko?" Naamoy niya agad ang alak sa bibig nito nang magsalita ito sa mukha niya. Madami na yata itong nainom.
"I'm sorry, di kita kilala."
"Excuse me? I'm a celebrity!"
Wala pa rin siyang reaksyon na tumugon lang, "And what about it?"
"Grabe ka. Nagpapakilala na nga. E di don't!"
Umupo ang babae sa counter at yumuko. Oh, no. Mukhang lasing na talaga ito. "Are you okay?" umupo din siya sa katabing silya.
"I'm not ow-kay!" sigaw nito. May kanya-kanyang usapan naman ang mga taong nandoon kaya hindi na siya nangamba kung may napatingin dito. "I'm so drunk!"
"May kasama ka ba?"
"Boyfriend ko nga. Kaya nga tinanong kita, di ba?" Tiningnan siya nito, nakaramdam siya ng ng pagkaasiwa. "Why are you dressed like that?"
"Bawal ba?" Alam niya kung gaano siya ka-pormal manamit. Para lang siyang nasa loob ng opisina. Naka-white blouse, mahabang skirt na lagpas tuhod at black shoes na walang heels.
"Girlie, you looked so manang. Sino sa tingin mong lalandi sa 'yo here?"
"Di valid ang opinion ng lasing," sabi na lang ni Eina.
"Believe me, kahit lasingin mo mga gwapong boys d'yan. Walang magkakamali. Aha!" Tumatawa pa ang bruha.
Ngayon lang niya mas lalong na-appreciate ang mga natutunan niya kay Saulo. Unang-una na d'yan ay ang habaan ang pasensya. Napansin nito ang pananahimik niya kaya natigil ito sa paghalakhak.
"Okay ka na?" aniya. Nasa harap na din niya ang bartender at nag-request siya ng drink na light lang. Mahaba-haba pa ang gabi. Nag-text na siya kay Tom na maghintay muna. Magbo-book na din siya sa hotel ng room ni Saulo kung sakaling may balak itong umagahin doon.
Well, hindi naman siya yong tipong pipigilan ito na magsaya magdamag kahit may trabaho pa bukas. Sanay na siyang madamay sa puyat.
"I'm just kidding, you know." sabi ng babaeng katabi niya pagkaraan ng ilang minuto. "But not the manang part because that is soo true. Aminin mo."
"I'm not denying."
"See? But don't mind me. Just be yourself. Wala ka naman natatapakan by just being manang. Maliban na lang siguro kung makapal ang mukha mo at maging kabit ka pa sa lagay na 'yan."
Napakunot-noo si Eina. "Malabo 'yung connection, girl. Di ko makita."
Di ito nagsalita at napansin na lang itong nakatulala. Girl, she looks sad. Oh, please. Hindi siya marunong
Wala siya sa mood pakinggan ang drama ng katabi pero ramdam niya ang lungkot nito. Ang naintindihan lang niya ay iniwanan na ito ng boyfriend. And that's really a valid reason para maglasing. Bilang confidently manang with a heart, nilibre na lang niya ang babae ng alak. Tama lang 'yan. Idaan sa pagpapakalasing ang sakit na nadarama.
"Oh my," napaharap pa siya sa babae, interesadong mapakinggan ang gusto pa nitong sabihin. "I think I'm gonna.."
Nanlaki ang mata ni Eina sa sunod na nangyari.
Napatulala na lang siya nang masuka ang babae at siya ang malas na sumambot ng lahat ng hinanakit nito. OH. MY. GOD.
Inis na sumugod si Eina sa ladies rest room para hubarin niya ang blouse niya. Puti pa man din 'yon kaya kitang-kita ang pagbuhos ng suka sa suot niya. Nanuot sa ilong niya ang amoy nun at parang gusto na lang niyang himatayin. Disgusting!
Mabuti na lamang at may suot siyang sleeveless tank top bukod sa blouse niya. Hindi niya magawang magalit sa babae. Panay hingi ito ng tawad sa kanya. Tumakbo na ito palabas kahit wala naman siyang sinasabi. Nilinis niya ang sarili. Nilagay na niya sa paper bag na inabot ng bartender ang kanyang blouse.
She stared at the mirror. Sabi ng babaeng kausap kanina, kahit daw lasingin pa niya ang mga lalaki doon ay wala pa rin sa mga iyon ang magkakamali.
Ilang beses na siyang nasabihan na manang at wala naman siyang problema doon. It was her choice to dress up like that. Pero sa itsura nya ngayon, tila nabawasan ng kaunti ang pagka-manang niya dahil nawala ang blouse niyang maluwag sa kanya. Nakita ang magandang kurba ng katawan niya na lagi niyang naitatago sa maluluwag na damit. Sumulpot ang mga alaala mula sa pagdadalaga niya. Parang gusto niyang takpan ng makapal na tela ang bandang dibdib dahil kapansin-pansin ang pagiging bilugan nun.
Tahimik lang siya habang nakatitig sa repleksyon. Nabasag ang katahimikan niya nang may kumalabog sa loob ng cubicle. Nasundan iyon ng mahihinang ungol at hagikhik. Naitirik na lang niya ang mata at nag-martsa palabas ng rest room.
"I'm sorry guys, I'm just really tired right now.." panimula ni Eina pagka-open niya ng stream. Nagdagsaan agad ang viewers.
"I'm not in the mood for a show tonight. But I've already prepared something exciting for everyone here! For tonight's live, I want you to ask me anything!"
She's wearing bloody red lipstick and her mask to cover her upper and mid face. "Just comment down your question, and I'll answer them right away! And don't forget to send me some love!"
Maaga niyang natapos ang mga trabaho ngayon. Pero inabot siya ng traffic pagkatapos dumaan sa department store. Sinamantala na rin niya iyon para makapag-grocery. Walang kalaman-laman ang ref niya. Madalas pa man din siyang puyat dahil sa deadlines niya. Dahil doon late na siyang nakauwi but luckily, nasa magandang mood siya para mag-live.
Isa-isang binasa ni Eina ang questions sa baba. Ang bilis ng comments, pero may isang nakakuha ng atensyon niya. Madali lang 'to. "Sex or chocolate? Wow, can I have both?" she answered with a naughty grin. "You know what they say, sex with chocolate is always the best."
Umulan ng coins at malawak siyang napangiti, "Wow! Thank you guys for the love, I missed you so much!"
Namiss yata talaga siya ng mga ito kaya super generous ng viewers niya ngayon.
"Okay, let's read another question.. Hmm. Question from serbia28, would you ever date a fan?" Napatakip siya sa bibig. "Oh, this is a tough question for me."
Mas bumilis ang pagdaloy ng comment section. Matagal na niyang napaghandaan ang sagot doon. Iyon ang kadalasang laman ng inbox niya kaya hindi siya nakakalimot.
Personally she won't allow herself to date a fan but..
"I would definitely date a fan. I don't discriminate, you know. I think it's exciting. If I like the guy, there's no reason for me to not date him. Attitude and personality matters to me. If he's definitely my type and we're a good match, why not?"
HotHeadedBull: Prove it.
Tumibok ang puso niya. Nandito na pala siya. "Hello HotHeadedBull! Welcome to the stream!" pagbati ni Eina na pinasigla ang boses. Masaya siyang nandoon ang lalaki. Parang ang tagal din nang huli niyang live. Hindi niya ito nakikita pagkatapos niyang ignorahin ang proposal nito.
HotHeadedBull: Have you had sex with a fan?
Pinigil ni Eina na mapailing. Parang may gusto na itong pigain sa kanya. Nagpanggap siyang hindi nabasa ang comment nito.
HotHeadedBull: Is it okay for you to have sex with your fan?
Parang naduling si Eina sa nabasa.
Is he for real? Kapapasok lang nito eh..
Ano pa nga ba aasahan niya. She chose to do that segment in her stream. Kanina pa nga may nag-ask pero na-iignore agad niya iyon. Hindi tulad sa viewer niyang ito na binati pa talaga niya. It's hard to ignore the question. Ang daming nag-follow up sa sagot niya.
"Question from HotHeadedBull, is it okay for you to have sex with you fan?" ngumiti siya at matagal na tumingin sa camera, "Like I told you earlier, I don't discriminate. I probably would have sex with him if he's hot. But in other case, if you want to fuck me, there should be a price.. huge price for that."
HotHeadedBull: How much?
"I'm a limited edition, daddy. I'm not sure you can afford me."
HotHeadedBull: Name your price.
Palaban naman pala, ha. Napangiti na lang si Eina. Alam niyang kaya nitong maglabas ng pera kahit gaano pa kalaki ang ipresyo niya sa sarili. But she is not interested. Kahit bigyan pa siya nito ng bahay at lupa o ng milyon, hindi niya kakagatin 'yon. Kung gusto pala niyang magpabayad, ginawa na niya 'yon noon pa.
Hindi na lang ni Eina pinansin ulit ang mga komento nito at mabilis na iniba ang daloy ng usapan. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa iba pang viewers at nagpaalam na din matapos ang isang oras.
Are you mad at me?
Ang mensaheng iyon agad ang nabasa niya kinabukasan. Nakapila pa siya sa counter at hinihintay ang kape niya nang mag-notif ang IG niya. Nakalimutan na naman pala niyang i-log out 'yon.
She blinked twice at her phone. Baka antok lang siya, pero pagkatapos niyang tingnan ang notifications nakumpirma din niya. HotHeadedBull is now following you!
Napaangat na lang ang kilay niya. Bakit naman siya magagalit dito? Inignora niya ang message. Lunch time na ulit nang balikan niya ang inbox niya at nagulat na lang siya na may follow up message pa ang lalaki!
Why are you ignoring me last night? Sagot.
Ngayon lang niya nakitang gumamit ito ng tagalog word. Mas ikinagulat iyon ni Eina kesa sa pagiging demanding nito.
Pinoy ka pala?!
Di siya nakatiis at nakapagreply siya nang wala sa oras. Lagot! Ngayon makikita na nito kapag mag-seen siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top