Chapter 26

 Ang importante hindi siya nakatikim ng another OT. 'Yun nga lang galit ito sa kanya. Sa sobrang badtrip, hindi pinayagan ang pagpapaalam niya para sa two-days leave.

Dapat yata nilambing na lang niya ito para nauto niya. Baka payagan pa siya nito kahit tatlong araw siya sa Baguio. Iyon nga lang marami itong kondisyon. Hindi nito palalagpasin ang pagkakataon na budulin siya.

Kinabukasan nakabusangot ang mukha nito nang makita niya. Walang pagsulyap man lang na dumaan ito sa harap niya.

Nagkibit balikat si Eina. Hindi niya babawiin ang sagot niya. Kapag tinanong ulit siya nito, marami pa din ang sagot niya. That's the truth. Kung malaking issue 'yon kay Saulo, then it's time to let her go.

Ilang araw na din siyang absent sa Playmate. Ang huling beses lang na nag-live stream siya ay noong naroon si Saulo sa kanyang kwarto.

A naughty thought popped into her mind.

Que horror, Eina! Don't do it!

Bakit ba siya mag-iingat? It's just a thought. At ano bang label meron sila ni Saulo para isipin niya kung ano ang iisipin nito? May ideya ang lalaki kung ano ang pinapasok niya. He had no right to tell her what to do.

Dinampot niya ang kanyang cellphone at nagpost ng story sa kanyang socials. Walang kasiguraduhan kung makikita ni Saulo ang announcement niya. Hihintayin niya kung may magiging reaksyon ito.

"Wow, is this for me?" maningning ang mata ni Gigi nang magkita sila nito sa lobby ng condo.

"Nope, this is for Ms. Serrano. Ipapaabot ko lang sana sa 'yo para ibigay sa kanya. Baka hindi pa siya ready tumanggap ng bisita."

"Omg, Eina. Bakit nag-abala ka pang pumunta dito? Pina-deliver mo na lang sana. Ang layo nito sa opisina nyo!"

Hindi ito nagkakamali doon.

But she was unfortunate to have a devil as her boss. She wanted to cursed him. Tanghaling tapat uutusan siya nitong ibili ng bulaklak si Farah at personal na dalhin sa condo ng modelo! Kung hindi ba naman pagiging sugo ng demonyo! Pwede naman talaga itawag na lang niya. Hindi na niya kailangan pang sadyain pumunta sa flower shop. Saan ba pwede magpabarang? Uunahin na niya si Saulo.

"It's okay. Gusto talaga ni Saulo na personal ihatid itong mga bulaklak. Mahilig sa stargazers si Farah, no?"

"Yes, it's her favorite. Kailangan ba talagang personal dalhin? Eh, bakit ikaw lang?"

"Di yata ako mukhang busy sa mata niya," may talim sa likod ng kanyang ngiti.

Nataunan pang hindi niya dala ang kanyang kotse. Ang hassle ng pagbyahe niya. Pwede naman sanang utusan nito si Tom na samahan siya. May hinanakit lang yata talaga. Gumaganti!

"Paakyat din ako sa taas. May binili akong foods para kay Farah. Samahan mo na ako."

"Kung magiging okay lang sa kanya na may ibang tao."

"Ano ka ba! She's okay with that. Tara na."

Dala ang bouquet, sumunod siya kay Gigi hanggang sa makarating sila sa tapat ng unit ni Farah. May narinig silang nag-uusap sa loob. Napakunot-noo ang kasamang napalingon sa kanya.

"May bisita yata?" aniya.

"Wala naman siyang sinabi na may magiging bisita siya ngayon."

Dinikit ni Gigi ang tenga sa pinto.

"Huy, ano 'yan?" sita niya, siya ang nahiya para sa babae. Mamaya biglang bumukas ang pinto at magsungaba pa ito.

"Nakikichismis, ano pa ba?"

"Kumatok ka na lang."

"Then where is the fun in that? Nakikichismis nga tayo. Oh My, parang may umuungol?"

Namilog ang mata niya. "Meron? Exit na ako, ha."

Dumistansya siya kay Gigi. Kung magkahulihan man, di siya damay.

"Sssh," lalo itong napakunot-noo, "May lalaki sa loob?"

"Hala, Gi, exit na tayo. Let's give them privacy."

"Takot na takot naman 'to? Di tayo sasali, wag ka mabother."

Kung alam lang niya si Kristine na lang sana inutusan niya ngayon. Pwedeng ipa-tropa kay Gigi ang mosang niyang katrabaho.

"What are you two doing?"

Nasapo niya ang dibdib sa boses na biglang sumulpot sa likuran nila. Napalundag pa yata ang puso niya sa gulat!

"Oh, hello there!"

Wala man lang kagulat-gulat si Gigi. Hanep, sanay na ba 'tong nahuhuli? Tumitig siya sa mga babaeng dumating. She instantly recognized the two new visitors.

"Anong ginagawa mo d'yan, Giselle?"

"Zari, my dear, you're here!"

Masiglang yumakap si Gigi sa magandang dalaga. She was tall and slender with brown curly hair. Zadriana Serrano was truly a walking barbie doll. Sa kabilang banda, hindi rin nagpapahuli ang dyosang kasama nito.

"Doctora, you're also here! Anong ihip ng hangin ang nagdala sa 'yo dito?"

"Masamang ihip ng hangin. Nasaan na ang malandi?" maanghang na bungad ng doktora.

"Ikaw naman Dok! Kararating lang, chill ka muna!"

"We're here to visit Farah. Is she okay now? Nag-aalala kasi kami. Kagagaling lang namin sa Bohol. Tinapos na nga namin ng maaga 'yung shoot para lang makauwi. Bakit nandito pa kayo sa labas?"

"Ahm," tumikhim si Gigi at lumingon sa kanya. Hindi rin nito alam paano sasagutin 'yon.

"Kararating lang din namin para ibigay 'to kay Ms. Serrano." Iniangat niya ang mga bulaklak na dala. "I'm Eina, by the way."

"Nice to meet you, Eina. Zadriana here, and this is my cousin, Ate Jules."

"Or you can call me Doktora Jules."

Inabot ng babae ang kamay ni Eina. Kinikilig siya! This is her first time meeting her favorite talk show host. Pwede kaya siya magpapicture? Medyo nanginginig pa ang kamay niya.

"Nandyan ba si Farah?" tanong ni Zari.

May tumunog na telepono. "Sagutin ko lang 'to," paalam ni Jules at lumayo ng konti sa kanila.

"She's inside. Pero may kausap pa yata siya sa loob."

"Kausap? Tumanggap pa rin ba siya ng bisita?"

"Kahapon pumunta dito 'yong isang pinsan niyo."

"Pero ngayon sino 'yong kasama niya sa loob?" nagtatakang tanong si Zari at lumapit sa pinto. Bumukas agad iyon sa pangalawang katok.

"Farah—"

Bumungad ang isang lalaking nakatapis ng tuwalya at kagagaling lang ng shower, basa ang matipunong katawan. May mga bakas pa ng kiss marks sa leeg. Parang bagong lagay lang.

Naeskandalong naistatwa silang tatlo.

"Who the hell are you?" dumagundong ang boses ni Doktora Jules.

"Hi. I'm.. Xerxes." pakilala nito, sabay lahad ng kamay sa kanila. Walang tumanggap nun.

Dismayadong apabuntong-hininga si Gigi sa tabi niya, at tumikwas ang kilay. "Talaga ba hijo?"

"What are you doing there?" iritado ang boses ni Farah at mula sa likod ng gwapong adan, dumungaw ito sa kanila.

Nawalan ng kulay ang mukha nito nang makita kung sinong mga bisita. "Ate Jules? Bakit kayo nandito?"

"Bakit may lalaki na naman dito? Malandi ka!" Sumugod ang nakakatandang babae. Nakahanda ang kamay nitong manghila ng buhok.

"Ate kumalma ka!" Pumigil si Zari pero warla mode ang doktora.

"Hey, Doc. Chill ka lang!" awat ng gwapong adonis.

"Isa ka pa, tumabi ka!" Nabuwal ang lalaki na nakaharang. Kasabay niyon ay natanggal ang tapis sa katawan. Napatili si Zari.

Naglaglagan ang mga prutas na hawak ni Gigi. "Bumili pa ako ng lakatan, meron naman pala dito."

Que horror.

Napabili si Eina ng katinko nang wala sa oras. Hindi niya alam kung saan sumakit ang ulo niya. Kung sa init ba sa labas o sa eskandalong nasaksihan niya. Dumaan pa siya sa fast-food para bumili ng spicy chicken burger.

Binalikan na ulit niya ang ginagawa habang kumakain. Lumabas si Saulo, at tulad ng ginawa nito sa kanya, she ignored him too. Ganti ganti lang!

"Kumusta si Ms. Serrano?" tanong nito nang tumigil sa harap niya. Nilunok muna niya ang kinakain bago nagsalita.

"She's okay. Nag-thank you siya sa flowers, pero kailangan ko din umalis para bigyan sila ng privacy."

Hindi na niya dinetalye kay Saulo ang nangyari. Parang siya 'yung napagod. Nagpanggap na nga lang siya kanina na paso.

Dinampot nito ang katinko sa tabi ng keyboard niya. "Para saan 'to?"

"Akin 'yan," inagaw niya 'yon sa lalaki at mabilis na itinago. "Masakit ang ulo ko kaya kailangan ko 'yan. Ang init kaya sa labas."

"Nagagalit ka ba kasi inutusan kita?"

"Syempre hindi, Sir. Sobrang saya ko kaya. Gusto ko nga sana bumalik sa flower shop. Fresh na fresh pa 'yung mga lilies nila. Perfect para mamigay ng sympathy flowers. Baka maka-discount."

Pwede niyang palakpakan ang sarili. Grabe 'yung pagtitimpi niya na hindi taasan ang boses. Huling-huli ni Saulo ang inis niya.

"Go ahead."

"A-Ano?" hindi siya sigurado kung tama ang pandinig niya.

"Ang sabi ko, bumili ka. I'll pay for it. Tingnan ko kung kanino mo ibibigay."

Iniwanan siya nitong napatulala. Hinahamon ba siya ni Saulo na bigyan niya ito ng ganoong bulaklak? Nanggigil siya. Kaya niyang gawin 'yon kung talagang hinahamon siya nito. Pero di siya lalagpas sa limitasyon.

Hangga't nagtatrabaho siya sa lalaki ay kailangan niya pa rin ito igalang. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Mamaya ay nakita niyang lumapit sa kanya si Tom, driver ni Saulo. May take out itong dala galing sa bakeshop. May kape pang kasama.

"Ipasok mo na lang sa kanya. Nandyan siya."

Napakamot sa ulo ang lalaki, parang naguluhan sa sinabi niya. "Kanino ba talaga? Ipinautos ni Sir na ibigay ko daw sa 'yo."

"Ano daw?"

Kinuha pa nito ang cellphone at nagbasa ng text. "Oh, ayun nga ang bilin ni Sir. Pinabili para sa 'yo 'yan."

"Sure ka?"

"Ikaw na magkumpirma. Magkasama naman kayo maghapon," supladong sagot ni Tom.

Bakit naman siya pabibilhan ni Saulo ng Mary Grace? Bumabawi?

Napaismid ang dalaga at inirapan ang pinto nito.

Okay ka na? Gusto mag-sorry ni Farah sa ganap kanina. Bayaran ko na lang ang therapy mo. Xoxo

Natawa lang siya sa text message ni Gigi. Pauwi na siya nang mabasa 'yon.

Don't bother! I'm fine, hingi mo na lang ako VG kay Doctora!

"Sumabay ka na sa akin," biglang may nagsalita sa likod niya.

"Ano ba!" Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat. Mabuti maagap niyang nasambot ang cellphone bago pa 'yun bumagsak sa tiles. Nanlilisik ang matang nasampal niya ang lalaki sa balikat.

"Siraulo ka ba?"

"Excuse me?"

Doon niya napagtanto na si Saulo pala ang nanggulat sa kanya. Her face went pale. "I'm so sorry, Sir. Nagulat kasi ako. Masakit ba?"

Banayad na hinaplos niya ang balikat nito. "Hala, sorry talaga," nahihiyang humingi siya ng pasensya. Napatingin siya sa paligid. Parang gusto niyang lumubog sa kahihiyan. May mga empleyadong nakakita sa ginawa niya!

"It's okay. Wag ka na umiyak."

Tumango si Eina, pinunasan ang luhaang pisngi. Nandun sila sa loob ng kotse ni Saulo, nakatigil lang sa parking. Hindi mawala sa isip niya ang itsura ng mga nakasaksi sa ginawa niyang pagpalo sa balikat ni Saulo.

Naiimagine ni Eina ang lakas at gigil ng hampas niya. Ang sarap na lang maglaho na parang bula!

"Wala na akong mukhang maihaharap. Maganda siguro kung sesantehin nyo na lang ako." Aniya sa malungkot na boses.

"Tumigil ka na nga, Eina. That's not a big deal to me. Hindi kita tatanggalin."

"E di mag-resign na lang ako."

"I'm tired of this topic. Gagawin mo lang ba 'yon kasi nasaktan mo ako? Kung dahil lang dun, ayos lang sa akin. I'll let you hit me anytime."

"Pwede?"

Ngumisi ito, "Sa 'yo lang pwede."

"Ah, try nga." Napamura ito nang hampasin niya ito sa balikat.

"Tngina, bakit na naman? Akala ko ba sorry ka?"

Umirap siya. "Sabi ko pa-try, di ba?"

"Sandali nga. Umiiyak ka ba ngayon hindi dahil nahampas mo ako? Kundi dahil may ibang nakakita?"

"Mismo."

Marahas itong napabuga. "You don't need to be so blunt. Ang galing mong gumawa ng excuse nung nakaraan. Sana man lang ginagawa mo ngayon."

"Kailangan ko pa ba magpanggap? Nakita ng mga empleyado kung paano kita tinawag na siraulo?"

Naiiyak na naman siya. For sure she will be the topic of all the chismosas tomorrow. Parang ayaw niyang pumasok ng isang linggo!

"Please don't cry again."

"Anong gagawin ko? Ayaw tumigil." Gamit na nga niya ang panyo nito sa pagpahid ng luha niya.

"I have a solution to make it stop."

"Ano—" her eyes widened when his mouth landed on her lips. Hindi niya napaghandaan ang naging paglapit ng mukha nito. Naestatwa siya sa pa-angkin ng labi nito sa kanya.

Napakurap si Eina. Ilang sandaling prinoseso ng utak niya ang nangyayari. Inaabot ng dila nito ang kanya, at nakaramdam siya ng kakaibang kiliti. His hot kiss burned her mouth and she had the urge to return it, slowly and passionately. Napasinghap siya ng dinilaan pa nito ang gilid ng labi niya. Nagsumigaw ang pangangailangan niya bilang babae. Yes, yes, yes!

No! No! hadlang ng konsensya niya. Sa huli pinili niyang itulak si Saulo. Wala siyang magiging tamang explanation kapag lumalim ang halik nito. Parehas na malinaw ang isip nila. Alam niya kung anong ginagawa sa kanya.

"See? Hindi na tumutulo ang luha mo." sabi ni Saulo habang inaayos ang sarili. Pinigilan niya sulyapan ang gwapong mukha nito.

Nanghihina siya sa kaibuturan.

"So, tama ba 'yon? Umiiyak 'yung tao dito, tapos lalaplapin mo?" asik niya.

Hindi ito nagsalita. Nang sumulyap siya nakita niya lang ang maluwang na ngiti nito sa labi. Napairap si Eina.

"Nasaan na 'yong binigay ko sa 'yo kanina? Hindi ko naman nakitang kinain mo."

"Mineryenda kanina nina Kristine. Humati lang ako. Anong tingin mo sa akin? Kayang ubusin 'yon lahat? Mapagbigay naman ako."

"Di sana pinagbibigyan mo din ako," hirit pa nito.

"Hindi pa ba 'to aandar? Maglakad na lang kaya ako, baka mauna pa ako makauwi sa 'yo."

He chuckled. "Easy, nagmamadali ka naman maiuwi ako."

"Gusto mo naman."

Pinaandar na nito ang kotse.

"Nasaan na pala si Tom?" tanong niya.

"May iba akong iniutos. Ako muna duduty na driver mo."

"Sana alam mong hindi ako natutuwa sa mga banat mo."

"May banat akong hindi korni. Ayaw mo nga lang maranasan."

Ipinaling na lang niya sa labas ang kanyang tingin. Hindi siya tanga para hindi niya maramdaman ang mga pahaging nito. May gusto ito na hindi niya maibigay-bigay.

Iyon ang isang bagay na hindi niya ibinibigay kung kani-kanino lang. Nasa gitna siya ng daan ng may ideyang pumasok sa kanyang isip.

Oh no, don't say it.

"Do you want to have sex with me, Saulo?"

Nakita niyang umigting ang panga nito. "Bakit mo tinatanong pa? Kung sagutin kong oo, papayag ka ba?"

"Siguro," malalim siyang humugot ng hangin at inabot ang hita nito. Banayad itong hinaplos. She felt the tension in his body. "May kapalit nga lang ang gusto mo. Ibibigay mo ba?"

"What do you want then?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top