Chapter 25
Paikot-ikot si Eina sa loob ng pantry. Napapagod na siguro si Saulo ngayon. Kanina pang tumatakbo sa isip niya ang lalaki. Walang hinto. Buong araw na yata nitong ookupahin ang utak niya niya. Konti pa ay maniningil na siya ng renta!
"Whatever. I can just say no again." Umiling siya, kapagkuwan ay humigop ng kape. May pagnginig pa ang daliri niya ng damputin ang cup.
"So, nakapag-decide ka na ba?" tanong ni Gigi sa kanya. Sumunod din ito sa kanya sa pantry.
Umiling si Eina. "I'm not doing it."
"Okay." She saw the teasing smile on her face.
"I'm serious about that. Wala sa plano kong maging modelo. Di ko alam ang nasa isip ni Saulo. Hindi ba pwedeng i-push pa rin si Farah? Or kung talagang gusto ng replacement, hindi ba pwedeng 'yong kapatid na lang niya ang pumalit sa kanya? I saw her commercials before."
"You mean Zari? She's not available at the moment." Lumapit ito sa tabi niya, at tumingin sa cup niya.
Nakaramdam naman agad si Eina. "You want coffee?"
"Please? Gusto ko 'yong timpla ng kape mo. Pwede kang magtayo ng sarili mong coffee shop."
"Thanks. Nag-barista training talaga ako noon. I think three years ago? Ginawa ko lang 'yun para kay Saulo. But maybe in the future, magtayo nga ako ng coffee shop."
"Why, ayaw mo na ba kay Saulo? I heard he's really maselan."
"Sobra. At kailan lang narealize ko na may mas ilalala pa pala ang topak ng lalaking 'yon."
"Oh, look at you. You're badmouthing him now," manghang napahagikhik si Gigi.
"Pasensya ka na. Alam ko kaibigan ka niya."
"Don't worry, I zip my lips."
Iniabot niya dito ang bagong timpla na kape. "Ilang taon ka na ulit nagtatrabaho kay Saulo?"
"Four years. Baguhan pa lang ako noong tanggapin ako sa kompanya. Wala pa akong masyadong experience. Lagi pa akong napapagalitan n'yan dahil sa mga kapalpakan ko noon, pero natutunan ko din tapatan 'yong mga expectation ni Saulo kaya ayun ako ang nagtagal."
Napasinghap si Gigi. "Really? Tinanggap ka ni Saulo kahit wala ka pa masyadong experience noon?"
Kaswal siyang tumango. "Kaya kahit papaano may utang na loob ako sa kanya bilang amo. Ilang interviews pinagdaanan ko, walang nakapasa. Dito lang pala ako magkakaroon ng trabaho."
"That's really odd."
"Dahil ba nagtagal ako? Nakaya ko naman mag-adjust sa busy schedules at kahit sobrang tight ng deadlines na ibinibigay."
"Binanggit mo kasi na wala ka pang experience nung unang salta mo sa office ni Saulo. I'm just really surprised na pinasa ka niya. Please don't get me wrong. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mataas ang standards niyan sa mga empleyado niya. Dito pa nga lang sa project namin, pinapasakit na niya ang ulo ko. Sobrang istrikto! Nakakainis."
She ignored the comment. Swinerte lang talaga siya noon. Kailangan niya ng trabaho at nabigyan siya ni Saulo. Ngayon may ibinibigay ulit ito sa kanyang opportunity, todo ang pagtanggi niya.
"Wag ka na masyadong mag-alala, Eina. Katatapos lang naming mag-usap ni Saulo."
"Narinig ko nga 'yong pinag-uusapan n'yo."
Gigi took a long deep breath; she looked stressed.
"Nakakainis nga. Gusto ko na lang humilata sa sahig para naman maawa sa akin si Saulo. Kahit magmukha pa yata akong pulubi, ang hirap pa din kumbinsihin!"
Nanginig ang balikat niya at di napigilan ang tawa.
"Kung hindi lang dahil naaawa ako kay Farah, hindi ko 'to gagawin. I really feel so sorry for her. Pinaghirapan niya makuha 'tong project. There's a lot of choices before. Maraming baguhang models d'yan, mas bata, mataas ang fanbase sa social media. Mahirap makipagsabayan. Ayaw ko naman masayang 'yung efforts niya to get this opportunity just because of that mistake."
Wala pa rin final verdict kung mapapalitan si Farah o matutuloy ang project. Nirereview din ng team nila kung anong reaction sa social media. She was also an internet celebrity. Natural na magkakaroon ng debate sa iba't ibang platform. Kung mapapalitan ito, panibagong screening naman, tapos mag-shoot ulit. Pero kung papalarin ito, magpapatuloy ang proyekto na ito pa rin ang mukha.
"May ilang brands na ang tumawag sa akin ngayong araw.. May mga concern, mayroon din gusto na siyang alisin."
Napailing ang kausap at hindi niya napigilan iboses ang opinion. "Iyon talaga ang realidad sa ating mga babae. Unti-unti man nagbabago ang mundo. Kapag nasangkot tayo sa isang eskandalo, tayo pa rin ang halos sumasalo ng kahihiyan at hindi natin maiiwasan maging sentro ng usapan. Samantalang nakakalimutan nila agad ang partisipasyon ng lalaki sa scandal."
"Actually, may isang episode sa podcast ni Doctor Bombshell na ganyan 'yong topic. Nakikinig ka rin ba sa kanya? Siya 'yong trending ngayon sa pagbibigay ng sex advice."
"I'm not a fan of podcast. But I do like watching The Kalat Serye with Doktora Jules."
Eksaheradang napatakip ito sa bibig. "Oh My God! You're also watching that? Aliw 'yan si Doktora!"
"Di ba? She's very entertaining to watch!"
"Omg, di pa rin ako makaget over dun sa last episode niya kasi sobrang funny, 'yong nagyaya 'yong girl sa boyfriend niya ng threesome, tapos ready na daw siya, nakatuwad na and waiting for entrance na lang, paglingon niya 'yong boyfriend na niya pala 'yong tinitira nung guy!"
Ang lakas ng tawa nila sa pantry.
"Meron pa! 'Yong ni-rim siya nung hook-up niya tapos napasobra daw siya sa pag-moan, naututan niya sa mukha!"
Napahawak si Eina sa puson niya, tawang tawa sa pagkukwento ni Gigi. "Know what? Ipanood mo kay Saulo 'yan para hindi laging mainitan ang ulo!"
"Naku, wala na 'yong pag-asa. Tumatandang binata na kasi," biro niya.
May narinig silang tumikhim. Lumipad ang tingin niya sa mukha ng lalaking nakikinig pala sa sinabi niya.
"Para ka naman kabute! Kanina ka pa ba d'yan?" Gigi asked, maski ito nagulat.
Tila umihip ang malamig na hangin sa ere. Natameme siya pagkakita sa binata.
"May kinausap lang ako sa telepono. Ako na pala ang nabunot n'yo pag-usapan." Hindi nito inaalis ang matamang titig sa kanya.
"Init naman ng ulo nito! Eina and I were just talking about some funny things."
Tumaas ang kilay ni Saulo at pumintig ang laman sa panga nito. "Funny ba ako sa 'yo, Miss Montenegro?"
"Nagbibiruan lang kami, Sir. Hindi ka naman kasali sa usapan."
"Hindi ako kasali, pero ako 'yong pinag-uusapan?"
"Ay may nag-call," biglang sabi ni Gigi. "Exit na muna ako. Sagutin ko lang 'to."
"Huh?" Bat biglang nang-iwan? Napalunok si Eina, saka pilit na ngumiti kay Saulo. Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya.
"So, what are you saying again?"
Umurong siya para magkaroon sila ng distansya.
"Where are you going?" Hinagip nito ang braso niya at nagdikit ang katawan nila. Parang mapapaso siya sa pagkakadaiti ng mga balat nila.
"S-Sir—"
"Tumatandang binata pala, ha?"
Muntikan na siyang mapalundag, at lihim niyang minura ang sarili.
"Saan ka pupunta? Nakikipag-usap pa ako sa 'yo. Dito ka muna."
Kabadong tumawa siya. Yumuko ito para hulihin ang titig niya. "Wala ka bang sasabihin?"
"Stop it, Sir."
"Why would I stop? Wala pa akong ginagawa. Di ka ba komportable?" mapanukso ang boses nito, inilapit pa ang bibig sa kanyang tenga. Nagtaasan yata ang balahibo niya sa katawa sa ginawa nito.
With shaking breaths, Eina forced herself to look at him.
"Wala pa? So, meron kang plano?"
Nanginig ang tuhod niya nang gumuhit ang kapilyuhan sa labi nito. She scolded herself. Tngina, ang gwapo ng animal na 'to. May pagkakataon pa ba siyang mapakalma ang sarili kung ganito ito kalapit sa kanya? The scent of his warm fragrant breath teased her cheeks. Bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib, at mas lumuwang ang ngisi ng makita ang pagkakabuhol ng hininga niya.
She was not supposed to feel things towards him. Alam niyang lumalakas ang loob nito kapag nakikita siya nitong naaapektuhan sa ganoong sitwasyon.
"As much as I want to watch you strip your clothes, I don't think this is the perfect place for that."
"And that's really inappropriate, Sir. We're still in our workplace."
"What do you suggest then? Ipagpatuloy natin sa office ko?"
She unconsciously bit the bottom of her lip. "I-I don't know honestly, but please not in your office too."
"Let's try somewhere private."
"Your car?"
"No, not in my car again."
"Bakit, mabilis ka ba labasan pag nasa car?"
Pinaningkitan siya ni Saulo. "Easy there. I'm not a one-minute guy."
"Hindi sa akin galing 'yon."
"You're bruising my ego, baby girl. I can go all night if you give me the chance."
"Please don't call me baby girl."
"What's wrong with that? You can call me Daddy whenever we're alone in my office. I'd like to hear it from your lips while you're giving me a good head."
Tngina. Napasinghap ulit siya, at hindi niya mapigilan ang pagkalat ng init sa kabuuan niya.
Calm down!
He was only teasing her; that sinful amusement in his eyes was evident. Wala siyang balak na magpalandi sa lalaki sa pantry. Que horror! Maabutan pa sila doon ni Kristine. Mabilis pa 'yon sa alas kwatro na magbalita!
"This is not the right place to talk about that."
"Sure," dumistansya na ito at ipinasok ang kamay sa bulsa nito. "In one condition, mag-overtime ka mamaya."
"Ano?" kinindatan siya ni Saulo at iniwanan sa pantry.
Overtime ba kamo?! At tingin naman ni Saulo willing siya mag-overtime kung wala na siyang gagawin mamaya? Manigas ito na umasa. Maaga siyang lalabas!
Nagpaalam sa kanya si Gigi bago ito umalis. Ibinigay din niya ang kanyang number nang hingin nito.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Kristine nang makita siya nitong papasok ulit sa building. May dala pa siyang snacks na binili niya.
"Maaga pa, eh."
"Maaga pa o balak mo na naman mag-OT ka?"
More like titikim ng OTin.
"Sige na, alis ka na."
Ang daming daldal.
Nilagpasan na niya ito. Padabog pa siya na pumasok sa opisina ni Saulo.
"Nakabili ka ba?"
"Opo, Sir." Puno pa ng galang na sabi niya kahit mukhang ibabato na niya sa mukha nito ang naka-balot na snacks.
Kailan pa niya itong nakita na kumain ng junkfoods?
Papaalis na talaga sana siya kanina. Nakatunog yata si Saulo sa plano niyang mag-out agad kaya naghanap nang maiuutos sa kanya.
Tahoos, really? Sa lahat ng iuutos nitong ipabili sa kanya, 'yong alam pa niyang hindi naman nito nakasanayan kainin. Anong sunod nitong ipabili sa kanya? Boy bawang? Kung sa internet lang naman nito nakita, wala itong karapatan mag-crave no!
"Tikman nga natin."
Mapaklang tumawa siya nang umpisahan nitong kainin ang chichirya. Nakita niyang mukhang nag-aalangan pa nitong sinilip ang laman; pero nang makita siyang nagmamasid, inilagay agad nito sa palad at kinain.
"Wow. This is so good."
"First time mo po?"
"No! Childhood snacks ko 'to," napabalik ang tingin nito sa kanya. "Sandali, galit ka ba?"
"Uy, hindi, Sir. Babalik na ako sa ginagawa ko. Hinihintay lang kita, baka meron ka pang idagdag. Nakakahiya naman."
Ngumisi ito. "Gusto mo na bang mag-out?"
"Gusto kong mag-resign."
"You're not being practical. Ano naman ang gagawin mo kung makapag-resign ka? Tingin mo makakahanap ka kaagad ng trabaho?"
"Mahihirapan ako kung haharangan mo. Baka maghanap na lang ako ng sugar daddy." Huli na nang marealize ng dalaga ang binitawang salita.
Nakita niya ang pagningning ng mata ni Saulo. "So, that's the plan."
Nag-panic agad si Eina at todo explain. "Keme lang! Narinig ko lang 'yan na biruan sa labas. As if naman, ang tanda ko na para maging sugar baby! Dagdagan nyo pa nga ng marami 'yung gagawin ko. Kahit di na ako umuwi!"
"Don't go," pigil nito. Naniningkit ang mata nito at tila binabasa ang utak niya.
"Hmm. Ngayong naalala ko, iniisip ko tuloy kung ako lang ba ang tinatawag mong Daddy o marami kami."
"Syempre no!"
"What?"
"Alangan isa lang ang i-entertain ko. Madami kayo sa listahan. Lugi naman ako n'yan kung ikaw lang!" Nameywang pa si Eina. Anong akala sa kanya ni Saulo? Nilalangaw? Flop? Isa lang ang customer?
"Sinasabi mong hindi ka naging loyal sa akin?" madalim ang tingin nito. Nagdalawang-isip si Eina na sagutin ang tanong nito.
No, hindi niya kailangang maapektuhan.
"Bakit kailangan ko maging loyal? Di naman ako nakikipag-relasyon. Camgirl ako, I had to make money by being sweet and sexy to my viewers. Hindi nilalagyan ng label ang pakikipag-interact ko sa 'yo noon."
"Eh ngayon? Marami ka pa ding ine-entertain?"
Hindi niya alam ang isasagot niya. Nag-iwas siya ng tingin. Magsasabi ba siya ng totoo or deny? Pinili niya na magsinungaling.
"Marami pa din."
Marahas itong napahigit ng hangin. "Get out."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top