Chapter 24


 Binabangungot ba si Eina? Siya, magiging modelo sa Belleza? Hala, gising!

"Eina!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Gigi. Sinamantala niya ang pagkakataon na may humarang dito na babaeng staff. Nagmamadaling tumalikod siya. Nasisiraan na ba ng ulo si Saulo? Baliw na yata 'to para gawin siyang modelo ng isa sa main brands ng kompanya nito! Hindi naman pwedeng ito lang ang magdesisyon nun!

Habang mabilis siyang naglalakad, tinatawagan na ng dalaga si Saulo. Naka-dalawang ring pa bago sumagot ang lintek!

"Hello, Miss Montenegro?"

"Talaga ba, Saulo?" asik niya sa kabilang linya. "Kailan pa naging parte ng job position ko ang maging replacement sa mga modelo nating nagkakaroon ng scandal?"

"Sinabi na ba sa 'yo ni Gigi?"

"Oo, salamat na lang sa panggugulat!"

"You're welcome."

Kumulo ang dugo ng dalaga sa pagiging kalmado nito. Alam na alam ni Saulo kunin ang kanyang gigil, ha! Tuloy nagdidilim ang paningin niya.

"Are you serious, Sir? Hindi ako napayag! Hindi nyo muna ako tinanong kung may balak akong maging celebrity?"

"Gusto mo ba—"

"Hindi!"

"See? That's why I didn't ask."

"Magre-resign na lang ako!" Nagulat pa sa kanya ang nakasalubong niya sa lakas ng kanyang boses. Umuusok na ang ilong niya sa gigil, konti na lang para na siyang toro at si Saulo ang red flag na susuwagin niya.

Binilisan niya ang hakbang.

"Ayaw mo bang magkaroon ng iba pang income bukod sa ginagawa mo ngayon? It's a good offer."

"That's not the point! Sana man lang pinag-usapan muna natin. Ikaw lang ang nagdedecide ng gusto mo, at ineexpect mo bang papayag ako? I'm your assistant, not your fucking doll! Hindi mo ako kailangang bihisan sa paraan na gusto mo!"

"Okay then, let's talk about it now."

"No, I don't want to! Magreresign na lang ako." Parang may kapalit agad na bad karma ang sinabi niya. All of a sudden, nakakita siya ng mga bituin. Pero bago pa man siya tuluyang mabuwal, may humagip sa braso niya at maagap siyang sinalo.

Nahilo siya sa impact ng pagkakabangga niya sa lalaking sumalo sa kanya. Hindi naman siya tuluyang natumba. Ano, lampa? Ngunit dahil sa taas din ng kanyang emosyon at isama pa ang pagmamadali niyang maglakad, di niya agad napansin ang lalaking kalalabas lang ng elevator.

"Miss, are you okay?" ang kasama ng lalaking nakabunggo sa kanya ang naunang nagtanong.

"Yes, I'm okay," aniya at saka kumalas sa lalaki. Umatras siya sabay nag-angat ng tingin sa sumalo sa kanya.

Walang emosyon ang mukha ng lalaki habang nakamasid sa kanya. Pamilyar ang lalaking ito! Napakunot-noo si Eina, inadjust pa niya ang salamin niya. Oh, yes! How could she forget those dark brown eyes?

"Eina!" Napalingon ang dalaga kay Gigi. Palapit na ito sa kanya. Shit!

Bago pa man niya magawang makatakbo ulit, may pwersang pumigil sa kanyang makaalis. Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa lalaki, "Anong ginagawa mo?"

"She's calling you. Bakit ka natakbo?"

"P-Paano ka nakakasigurong ako ang tinatawag? Bitawan mo nga ako."

His lips curled into a taunting smile. "Why are you in a hurry then?"

"Excuse me, Mister. I don't need to explain myself!" asik niya sa lalaki.

"Atticus?" gulat na sabi ni Gigi nang makalapit sa kanila.

"Gigi."

"What are doing here?" tanong nito, at pumagitna sa kanila ng lalaki. Kumalas ang hawak ni Atticus sa braso niya. She gave him a death stare.

"Eina, please. Wag ka munang umalis. Wag kang mag-alala, hindi naman ako tauhan ni Saulo. Kung ayaw mo, that's fine with me. Pero wag ka muna umalis, okay?"

She sighed and nod at her. Ano pa bang magagawa niya? Tama si Gigi, hindi siya nito mapipilit sa gusto ni Saulo. And for sure, questionable din para sa babae ang choice ng boss niya.

"Wag ka magagalit sa akin, ha?"

"Hindi naman ako galit. Gulat lang."

"Grabe ka naman magulat. Hiningal ako sa paghabol sa 'yo beh!" biro ni Gigi, at obvious nga 'yon sa paghawak nito sa dibdib.

Binabalewala niya ang titig sa kanya ni Atticus. Pinapanood sila nito. Iniiwas niya ang tingin dito.

Nameywang si Gigi. "At anong magagawa ko sa inyong magkapatid? Nakita mo ba ang kalat na ginawa ng kapatid mo, huy lalo na ikaw!" itinuro nito ang lalaking katabi ni Atticus. Ngayon lang niya napansin na kamukha din nito ang kasama. He must be the other brother.

"Makaduro ka! Kasalanan ko ba 'yun?"

"Alam ko hindi, pero dawit 'yong kapatid mo! Nakakaloka siya! Alam mo bang wala pa akong tulog? Kakahiga ko pa lang, sunod sunod na ang tawag na natanggap ko. Akala ko binabangungot na ako sa mga balita!"

Ngumisi ang gwapong lalaki, kumikislap ang kulay-abong mata. "Deserve."

"Heh! Where is he by the way? Hindi ba dapat siya ang nagliligpit ng kalat niya? Hindi kayo?"

Si Atticus ang sumagot. "We're not here to talk about that, i just need to discuss something with you."

Nagtaas ang kilay ng babae, saka nilingon siya. "Meron din kami ngayon pag-uusapan ni Eina. Hindi ba makakahintay 'yan?"

"Mas importante ba 'yan?" Dumapo sa kanya ang mata ni Atticus. Hindi niya alam kung bakit nanlalambot ang tuhod niya. Was it because of his intimidating aura?

O baka dahil crush mo.

Okay, di naman katanggi-tanggi ang bagay na 'yon. He was just too intense. Masyado siyang naiintriga.

"No, it's fine. Makakahintay naman ako hanggang mamaya," maagap niyang sagot at saka hinawakan sa balikat si Gigi. "Tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayo mag-usap. Magkita na lang tayo later, what do you think?"

Nalilitong nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanila, tila hindi nito malaman kung anong sasabihin. Poor Gigi, gusto sana niyang sabihin na matulog muna ito. Kung siya nga nawiwindang, ito pa kaya na magma-manage kay Farah at hindi alam ang gagawin na damage control.

"Sige?" nakakunot-noo ang loka, tapos biglang nahimasmasan, "Huy, san ka pupunta?"

"Call me later. May aasikasuhin din ako. Bye, Gi." Magalang siyang tumango sa dalawang lalaki na kasama nito bago umalis.

Wala si Saulo sa opisina nito pagbalik niya. How convenient! Kung kelan malakas ang loob niyang makipagtuos sa lalaki, saka naman ito wala.

"Nasaan ka?" kaswal na tanong niya sa lalaki nang sagutin nito ang phone call niya.

"I'd never thought you would get too clingy."

Ano daw? Siya pa ang clingy? Tinipon niya ang kanyang pasensya.

"Sir, nandito na ako sa office. Wala ka dito."

He let out a delicious chuckle, "Why, you already missed me?"

Nasaan ba 'yong pamalo niya?

"No, Sir. I'm just asking. Kararating ko lang ngayon and I have some very bad news for you."

"Uhm," tinawanan lang siya nito. May narinig siyang lalaking kausap nito. Sinong kasama nito? Sumulyap siya sa schedule ni Saulo. Wala itong meeting ngayon. Sa opisina lang ito dapat.

"Who's with you?" hindi niya natiis na maitanong.

"Kailangan ko na bang ipagpaalam sa 'yo kung sinong makakasama ko?"

"That's not what I mean—"

"May I remind you that you're still Miss Montenegro, not Mrs. Villeda?"

Nalaglag ang panga niya.

Narinig niyang tumawa ang lalaking kasama nito. Bwisit, sino ba 'yon?

Kinalmahan ni Eina ang sarili.

"Hindi ko rin ho intensyon maging Mrs. Villeda," sagot niya. "Tinatanong ko lang ho kung nasaan ka kasi may gusto akong sabihin. Okay lang naman na hindi mo sagutin."

"I'm with Lucian right now. Dito kami kumakain sa Korean resto na kinainan natin. Sumunod ka na dito kung di mo matiis na di ako makita."

"No, I'm good."

"Punta ka na," usal pa nito sabay patay ng tawag niya.

Gusto niyang itapon ang cellphone niya sa pader. Saksakan ng pagka-arogante! Ano naman ang tingin nito sa kanya? Sa isang salita lang, pupunta nga?

"Sigurado kang hindi ka gutom?" manghang tanong ni Saulo habang isineserve sa harap niya ang kanyang order. Inignora niya ang binata na nasa tabi niya.

Hindi siya sumunod sa kinakaroroonan nito dahil sa lalaki. She was there to have lunch. Wala pa siyang kain at sasakit ang ulo niya kapag walang laman ang tiyan niya!

Naabutan nga niya si Saulo at Lucian na kumakain doon. Sa ibang mesa siya pumwesto. Nakakahiya naman kung makikisali siya. Nakita naman agad siya ni Saulo, at tinawag siya. Todo panggap siyang hindi ito napapansin. Ang ending lumapit pa sa kanya ang lalaki at pwersahan ang pagpapalipat sa kanya sa tabi nito!

"Sir Lucian, kain na po."

"Sige lang, Eina. Enjoy your food. Tapos na ako.. Ikaw ba, Saulo? Parang may gusto ka pa kainin."

Kung madumi ang utak niya, iisipin niyang may ibang kahulugan 'yon. Hindi niya mapag-aralan ang personality ni Lucian. Sometimes she would think he's the mischievous and playful type. Sa ibang araw mukha naman itong seryoso, intimidating at mukhang hindi makausap. Hindi na niya tinatangka na basahin pa kung anong klase ito ng tao. Parang may maskara itong sinusuot kapag may ibang tao na kaharap at ang hirap lang hulaan kung alin ito sa mga iyon.

Ito ang pinakamalapit kay Saulo sa mga Monasterio. Siguro naman ay hindi lang nagkakalayo ang ugali ng dalawa.

"Sir, kain." Inalok niya din si Saulo na nakatingin sa mga nakahain sa harap niya.

"Subuan mo nga ako ng isa nun," ininguso nito ang spam fries.

Napataas ang kilay ni Eina. May sasabihin sana siya. Naalala lang niya na kasama nila si Lucian. Dumampot siya ng isang piraso at isinubo kay Saulo.

"That's so sweet." Hindi nakaligtas sa mata ng pinsan nito ang eksena nila. Awkward siyang napangiti. Nakakahiya 'yon.

"Sir Lucian, tikim ka. Baka gusto nyo?" alok niya sa lalaki.

"Masarap ba? Sige, bigyan mo din ako."

"Nope." Hinarang ni Saulo ang braso sa mukha ng pinsan.

"What—"

"Let me get one for you, brother. Say ahhh."

"Tngina nito." Hindi na nakapalag si Lucian.

Maang lang siyang napatingin kay Saulo. Tinampal pa nito sa pisngi ang lalaki.

"Okay ba?"

"Bakit iba ang lasa?" reklamo ng lalaki sa kanya. "Dapat yata ikaw 'yung mag-abot sa akin. Patabi nga ako sa 'yo."

Pinigilan ulit ito ni Saulo. "Diyan ka lang, bro. Akong bahala sa 'yo. Iisa ka pa, huh."

"Tngina, bakit parang galit ka."

Napailing na lang si Eina at tahimik na kumain. After lunch, sumabay na din sa kanila si Lucian pabalik sa SVD Building. Nagtinginan ang mga babae sa department nila nang makita kung sino ang kausap ni Saulo habang naglalakad sa hallway.

Hindi agad niya mahagip si Kristine pero sigurado na siya sa isang 'yon. Hindi mahuhuli sa balita.

"Anong napag-usapan nyo ni Lucian?" Hinintay niya muna na makaalis ang lalaki bago niya kinausap si Saulo.

"Dumaan lang siya para imbitahan ako bumalik sa isla. May party sa Monasterio Palace. Gusto niyang ipakita sa akin 'yong bagong artwork niya."

Nakita niya sa internet kailan lang 'yong isang US based billionaire na bumili ng mga painting ni Lucian Monasterio. Nalula siya sa halaga ng bawat isa.

"Hala, nakalimutan ko magpapicture!" saka lang niya naalala ngayon.

"Wag ka manghinayang. Hindi 'yon napayag na magpapicture basta. You're not even a fan of his paintings."

"Hindi ka sure d'yan! I know him as a painter first. Marami sa prof ko ang fan ng artworks niya. Bilib lang ako sa kanya. At the age of thirteen, milyonaryo na siya!"

"He was already a millionaire at the age of eleven," pagtatama ng binata.

"Tingin mo, Sir, magkano na net worth ni Lucian? Kung millionaire na siya nung bata pa lang, ano pa ngayon? He must a billionaire by now!" Nakakunot-noo lang si Saulo habang siya ay na-amaze bigla.

"'Yong polo club na pinupuntahan mo sa Makati, Sir. Sa kanya na din 'yon, di ba?"

"Bakit mo tinatanong? May balak ka bang asawahin si Lucian?"

Napaatras si Eina. "Asawa agad? Hindi puwedeng namomotivate lang ako magtrabaho at magpayaman? And speaking of that, may nakalimutan tayong i-discuss."

"Meron ba? Wala akong maalala." Tumayo si Saulo mula sa couch at umikot sa kanya. "Ipaalala mo sa akin kung meron man."

Hinawakan niya ito sa braso. "I don't want to be a model. Hindi ko tatanggapin ang alok mo na pumalit ako kay Farah. I know it's a good offer. Makakatulong sa akin, pero personally ayaw ko, Sir."

"Why?"

"I can't tell you why. Masyadong personal yun para ibahagi ko pa. I'm willing to help Gigi. Kung gusto mong makipag-coordinate ako sa kanya para pumili na naaayon sa gusto—"

"Paano ba 'yon, ikaw lang ang gusto ko."

Nahigit niya ang hininga. Napatulala siya sa binata.

"It's not your call, Eina. You're the only one I want."

"I can't give you what you want,"usal ng dalaga. "Mas mabuti pa kung mag-resign na lang ako kung hindi ko kayang ibigay ang gusto mo."

"You're not sure about that. Madali lang naman ang hinihingi ko sa 'yo."

Pumiglas agad siya sa hawak nito. "Walang madali doon. Ayaw kong makita ang sarili ko sa billboard o kung saan na wala akong kontrol."

"That's right. Hindi naman ganyan ang mangyayari."

Nagsalubong ng tuluyan ang kilay niya. Hindi siya sigurado kung nagkakaintindihan pa ba sila ni Saulo. "Ano pala ang gusto mong mangyari?"

"You're just going to model for me. Exclusively."

Umawang ang labi ni Eina. "A-Ano?"

"A big picture of you in my room is enough for me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top