Chapter 23


 Nakailang mumog na si Eina. Hindi pa rin mawala ang lasa ng iniwang katas nito sa kanyang panlasa. She could still taste his warm load in her tongue, it's slightly salty and bitter at first.

It's not that bad. Natural lang naman ang lasa nito ayon sa mga nababasa niya, hindi naman 'yon ang batayan ng lahat.

Atleast, madami. Sign na ba 'yon para pineapple juice na lang ibigay niyang drinks nito?

Boba, ano tingin mo sa amo mo? Baka? Hindi mo gagatasan 'yan!

Patulog na talaga siya. Hindi lang siya antukin dahil naiisip niya ang reaksyon ni Saulo sa sinabi niya. Nainsulto ba niya ito? Tinulungan lang siya nitong maiakyat ang groceries, pero hindi na ito nagtagal para sabayan siya kumain. Siya lang tuloy ang kumain. May naiwan pa sa mesa na para dapat sa lalaki.

You know it's not that disappointing.

Normal lang naman sa lalaking tulad nito na mabilis labasan. Maiintindihan ng dalaga kung aaminin nitong nawalan ito ng control. Di naman ikakabawas ng pagkalalaki nito ang nangyari. Nangyayari iyon palagi sa ibang lalaki, hindi ito exempted kahit may ipagyayabang ito sa laki.

Hirap siyang dalawin ng antok. Nakaka-guilty lang na nasabi pa niya 'yon. Dinadala tuloy niya ang bigat sa dibdib niya, lalo na at naaalala niya ang pag-iwas nito sa kanya kanina.

Bigyan kaya niya ito ng link ng mga advice ni Doktora Jules? Marami itong tinatalakay sa talk show nito about sex. She was the most undisputed sex therapist host in the industry. Tuwing Friday and Saturday night ang release nito ng new episodes.

Mag-send kaya siya ng anonymous letter sa Doktora?

Doktora, ano pong maipapayo niyo sa mga lalaking mabilis labasan?

Hmm. Sigurado si Eina noon lang nangyari 'yon. Hindi si Saulo ang tipo na mukhang pang-tatlong minute lang ang tinatagal. Doon siya hindi nakakasigurado.

Puro virtual sex lang ang naging interaction niya noon sa lalaki as Midnight Mistress. Isa pa 'yon sa ipinagtataka niya. Wala sa hinagap ng dalaga na makakaabot si Saulo sa Playmate.

Seriously, ano pang gagawin nito doon? Nagsimula lang ba 'yon nung may pinapa-review ito sa kanya sa website? Inakala niyang naghahanap ito ng models or panibagong business ang iniisip nito.

Bumuntong-hininga si Eina. Muli siyang bumangon at nagbukas ng kanyang laptop sa table.

Doktora, ganito kasi 'yon. Akala ko lang sasangit na 'yong panga ko. Akala ko lang pala.

Humagikhik si Eina sa sarili.

Hindi na mawala sa isip niya si Saulo. Like the more that she tried to forget about his face, the more the she wants to think about him. Ang gulo ng isip niya at kanina pa siyang nakikipagdebate sa sarili kung sesendan ba niya ito ng text to say good night?

Huy, bat ka gumaganyan?!

Sinapo niya ang batok at mariing pumikit. She was just thinking too much. Baka nga tulog na 'yon ngayon!

Pero biglang tumunog ang kanyang cellphone. Speaking of the devil!

Tumatawag ang lalaki sa kanya. Gising pa rin pala ito.

"Hello?" binabaan niya ang boses. Panggap pa!

"Eina."

"Anong oras na.. napatawag ka pa, Sir?"

"Nagising ba kita?"

Mahinang umungol siya sa kabilang linya. Kailangan magpanggap na nagising siya sa pagtawag nito.

"Wait, naabala ba kita sa ginagawa mo? Tapusin mom una 'yan. I'll end this now."

Napamulagat ang dalaga. Ano bang tingin nitong ginagawa niya?

"E-Excuse me, Sir? Wala akong ginagawa. Nagising ako sa tawag n'yo?"

"Then why the hell are you moaning?"

Natampal niya ang noo. Iyon ba ang dating sa lalaki? Umuungol siya?

"Ugh, napabigla akong bangon eh, sumasakit ang ulo ko. Ugghh."

"Stop that," his voice was throaty.

"May sasabihin ka ba?"

Ilang sandali itong natahimik.

"Sir, nandyan ka pa?"

"Look, it's about what happened earlier. Di ko sinasadyang mangyari 'yon. That's so irresponsible of me. I apologize for that. I'll do better next time."

Natameme si Eina. Seriously?

Wala naman itong dapat ikahingi ng pasensya sa nangyari. That's a normal thing for every man out there. Nakakagulat lang dahil iyon ang unang beses nila at nakakadismaya lang dahil natapos agad.

"Naiintindihan ko, Sir.. Wag ka mag-alala, nakalimutan ko na 'yon."

"No, I don't want you to just forget it."

"Huh?"

"Babawi ako, Eina. Kaya alalahanin mo lang ang nangyari. There will be next time. Babawi ako."

At bago pa siya makapag-react, pinagpatayan na siya nito ng tawag. Tulala lang niyang tiningnan ang screen ng telepono at saka umalpas ang tawa sa lalamunan niya.

Tinawagan ba siya nito ng dis-oras ng gabi para lang i-remind siya na magkakaroon ng rematch?

He's so damn funny. Di naman niya sinasadyang salingin ang ego nito!

Tuloy di siya makatulog kakatawa.

Nagbukas na lang siya ng isang episode mula sa talk show ni Doktora Jules para antukin siya. She was talking about surviving a sexual abuse in that episode. Agad siyang lumipat sa kabilang part ng show kung saan guest naman nito ang isang sexy comedian.

Bilib siya sa mga nagiging guest nito, she loved their confidence and courage whenever they talk about a lot of sex stuff. Walang paligoy-ligoy. Diretsahan lang magkwento about the experiences they had with their partners. Nakakadala tuloy ng good vibes.

It must be fun to have a healthy sex life. To have a partner that you can trust, or to have that perfect healthy mindset about what your body needs. Sobrang hirap na ma-achieve 'yon para sa ibang babae. Maraming pwedeng maging kapalit ang pagiging daring.

Pinasok niya ang mundo ng pagiging isang cam girl na alam niya kung ano ang magiging consequences ng gagawin niya.

Hindi nauubos ang slut-shamers sa mundo kaya inihanda na niya ang sarili doon. She knew that she would be slut-shamed by many. Marami na siyang napagdaanan na insulto noon. Mas masakit pa dahil kasabay na natapakan at naabuso ang pagkababae niya.

Malalim siyang humugot ng hangin sa pagpitik ng mga alaala. Naramdaman niya ang pagkulo ng kanyang dugo kasabay ng pag-ahon ng iba't ibang emosyon. Ilang taon na niya iyong pilit nilimot, hindi na niya halos mapangalanan kung anong nararamdaman niya tuwing sumasagi sa kanyang isip ang nangyari.

Nalulungkot ba siya o nagagalit?

Nababalisa ba siya o nahihiya?

She was depressed for a long time. Nahulog siya sa malalim na balon ng kalungkutan. Binalot siya ng sobrang pagkapahiya sa sarili. Because of that she hid herself from everyone. Itinago niya kung sino talaga siya dahil inisip niyang sa paraan na 'yon, makakapagsimula siya ulit.

And then she discovered the website that allows her to show her true self again. Doon niya ulit natunton ang sarili.

"We have a problem." Bungad sa kanya ni Saulo.

Nangangalumata pa siya na pumasok. Buwisit, ano bang oras siyang nakatulog? Naka-tatlong episode pa yata siya ng pinapanood niya bago siya makatulog. 'Yon lang ang natatandaan niya pagkagising kanina!

"What is it, Sir?" tanong niya habang nakahalumbaba sa harap ng monitor.

"What's the matter with you this morning? Hindi ka ba natulog?"

Umiling siya, saka nagtipa ulit sa keyboard niya. Blangko ang utak niya pero sinusubukan niyang gawin ang tasks niya.

"What's the problem, Sir? Isusunod ko na pagkatapos ko dito."

"No, bitawan mo muna 'yang ginagawa mo. Kailangan mo makipag-usap kay Ms. Torres."

What? Ipupush ba nito nitong ipa-demolish ang manang attire niya?

"Wag mo nang ipush 'yon, Sir. I'm okay with myself." Tumunog ang cellphone niya, may notif na pumasok sa kanyang inbox. It's from Kristine.

Ano ba naman 'yon? Kalapit lang niya, may pag-text pa! Bumulaga sa kanya ang capslock na text nito.

TOTOO BANG MATETERMINATE ANG CONTRACT NI FARAH?

Lumipad ang tingin niya kay Saulo na naka-abang sa kanya. "What's happening, Sir?"

"Wala ka bang social media? It's all over the news. Kailangan natin makipag-usap sa agency ni Ms. Serrano."

Mabilis niyang itinipa ang pangalan ng babae sa Google. Ang daming blogs and articles ang nakapila sa results. Pinindot niya 'yung mga pinaka-latest. Nanlaki ang mata ni Eina habang binabasa ang news tungkol dito.

She was involved in a scandal? This is not good. Ito ang magiging mukha ng Belleza sa susunod na buwan.

Nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa launching nito. Mahigpit ang brand pagdating sa mga pinipili nilang modelo. Mahalagang walang current issues or eskandalo na maaaring ikasira ng image nila, at sa kaso ni Farah kailangan na agad nilang mapag-usapan ang sunod na hakbang nila.

"Que horror. Kahapon pa 'to?"

Kalmado lang na tumango si Saulo. Mukhang may ideya na din ang lalaki. Bakit hindi nito nabanggit sa kanya?

"Lucian's the one who told me about it. Isa sa mga kapatid niya ang kasama ni Farah sa video."

Oh my god. Hindi niya magawang masulyapan kahit ang screen shot na kuha mula sa kumakalat na clip.

"Tinawagan ko na si Gigi. Makikipag-meet up ka sa kanya para pag-usapan ang sunod na mangyayari."

"B-Bakit ako? Sir, mas maganda yata kung kasama kayo. Ano naman ang kinalaman ko don? Hindi ako pwedeng magdesisyon dun, di ba?"

"Don't worry about that. Kagabi pa pinag-uusapan ng team natin ang mangyayari. They will handle the case. But you need to meet with Ms. Torres. Siya ang talent manager ni Farah, so we need to hear her side."

Akala naman ni Eina tungkol sa kanya kaya gusto nitong makipagkita siya kay Gigi. Nakahinga siya ng maluwag. Slight lang pala. Ibig sabihin nun marami siyang gagawin ngayong araw!

"Eina, napanood mo ba?"

Naghuhugas siya ng kamay sa rest room. Pumasok din si Kristine at parang na-timing-an pa siya nito.

"Ang bilis mo talaga sa chismis. Wala akong alam sa nangyari. Wala kang mapipiga sa akin."

"Ang sama naman nito!"

Tumabi ito sa kanya. Napatingin siya sa babae habang naglalagay ng lip tint. Napangiti ito nang makita siyang nakatitig.

"Gusto mo i-try? May last stock pa ako. Mura lang, ibigay ko sa 'yo two gives!"

"No thanks."

"Alam mo gusto ko na nga maghanap ng manufacturer na legit para gumawa ng mismong brand ko ng lip tint. Ang dami na bumibili sa akin sa online. Pangarap ko rin maging CEO sa social media. Hindi naman kasi ako yayaman sa pagiging empleyado ko lang. Jusko, inaamag na ang kipipay ko sa lugar na 'to. Kailan ba ako yayaman? Tingin mo?"

"Hindi ko alam kung alin sa nabanggit mo ang mas concern mo. 'Yung inaamag o pagyaman mo."

"Yung pagyaman. Tapos bibili ako ng lalaki!"

Iniwanan na niya ito. Good thing she didn't mention about hot topic again. Kahit alam naman niyang nagkalat ang mga chismosa sa kompanya nila. Malamang iyon na din ang pag-uusapan sa lunch break.

"I felt so bad for her," bumuntong-hininga si Gigi. Sa opisina nito siya pumunta. Ayaw naman niyang makaabala dito kung makikipagkita pa siya sa coffee shop; siya na ang mismong dumayo.

Hindi na niya tinatanong kung anong nangyari. Obviously, may video kaya may kumalat. Sa panahon ng digital media, mahirap talaga na gumawa ng private videos. Kahit na para sa sarili lang o para sa magjowa, posibleng may ibang maka-access doon at mag-leak.

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko para sa kanya. Kagabi pa siya umiiyak. Nandoon pa rin siya sa condo kasama 'yong kapatid niya. Napilitan nga lang akong umalis sa tabi para ayusin ang gulong 'to."

"Na-trace n'yo na ba kung saan nanggaling at sinong nagpost?"

"Well, sa kanilang dalawa nanggaling 'yong video. But we don't have any idea sino ang nagpost. 'Yon ang sinusubukan namin ipa-trace ngayon."

"Hindi kaya galing sa side ng lalaki? What if there's a motive?"

Nagulat si Gigi. "Sinasabi mo bang iyong guy ang nagpakalat? Oh, no. Sigurado akong hindi. Prominenteng pamilya ang kinabibilangan niya, magpapa-viral siya ng scandal? Lagot siya sa mga kapatid niya no!"

"That's just my hunch. Naaawa lang ako kay Farah. She didn't deserve those nasty comments about her. Hindi naman niya ginustong may kumalat na ganoong video. Someone leaked it on purpose, sila dapat ang nakakatanggap ng masasamang salita."

"She was really devastated about it. Gusto muna niyang magtago sa publiko."

Alam niya 'yong pakiramdam na iyon. Kapag may tinatago ka tapos may ibang nakaalam ng sikreto mo. Kahit anong pag-iingat, tila itinakda pa rin na may makabisto sa itinatago mo.

Iyon ang naramdaman niya nang mabisto siya ni Saulo. Para siyang pinagsakluban ng langit.

Nabalisa siya, natakot. Hindi siya nakatulog kakaisip kung anong naglalaro sa utak ng lalaki. Panay isip niya sa kung anong balak nitong gawin sa nalalaman. Balak ba siya nitong ibuko? Ipagkalat ang ginagawa niya? Ipahiya siya sa lahat ng nakakakilala sa kanya? Naisip na niya 'yong mga pinakamalalang gawin ng binata.

But then she realized that he is just like any other man. He just wants a piece of her. Hindi nito itinago man lang ang pagnanasa sa kanya na mapabilang siya sa mga babae na dadalhin nito sa kama.

It was just unfortunate of him na nakuha agad niya ang kahinaan nito. She was a master of seduction and she knew how to play it better than him.

"Plano na rin namin na i-cancel ang contract with Belleza. Malaking pagsubok 'to for my agency kaya nakikipag-usap ako kay Saulo na kahit magbigay na lang ako ng replacement for Farah."

Dinampot niya ang baso ng juice sa harap niya at uminom. "Replacement? That's a good idea. Pero mahigpit si Saulo pagdating sa ganyan. Ms. Serrano is already the perfect choice."

"I know right? It would be difficult to replace her. Wala din akong ibang maisip, pero si Saulo nagbigay na ng opinion niya. Mas okay na 'yon kesa sa magkaroon pa kami ng mahabang usap."

"Akala ko naman hindi pa kayo nag-uusap. Ako pa 'yong pinapunta niya sa 'yo."

Tumawa ang babae. "He called me this morning. Gusto niyang simulan na din namin ang shoot as much as possible. Sa susunod na buwan na nga kasi ang launch ng new campaign, di ba? Tinawagan ko na 'yong team ko na mag-ready for another shoot. Baka gawin na namin sa weekend."

"Wow. Ang bilis naman!" nagulat siya sabay napakunot-noo. Ang bilis ng usap. Bakit kailangan pa niya pala makipagkita sa babae?

May excitement sa tinig ni Gigi. "At siya na rin ang pumili ng kapalit."

"Sino daw?" kaswal lang na tanong ng dalaga.

"Well, hindi pa siya masyadong familiar and she's not from my agency. The model's name is Eina Montenegro."

"That's great!" Nabura din ang ngiti sa labi niya. "Wait, that's my name!"

Bumungisngis si Gigi. "Yes, darling. That's you."

"I'm not a model!" Napatayo si Eina.

"Relax ka lang d'yan, Eina. Upo ka lang d'yan." Tumawa ito at hinawi ang buhok. "I know you're not a model. Imposible na gawin ka nila na bagong mukha ni Belleza with that look and style. You're too old-fashioned!"

"That's right." aniya at muling dinampot ang baso. Nanginginig pa ang daliri niyang uminom. Kinabahan agad ang dalaga.

Nababaliw na ba si Saulo? Ano ang iniisip nito para sabihin kay Gigi na siya ang ipapalit?

"Hmm, pero wala naman ako magagawa dahil may atraso nga ako kay Saulo dahil sa eskandalo na 'to.

So, anong ibig sabihin nito.?

"Kailangan ko rin sumunod sa instructions niya."

"W-What?"

Sumilay ang pilyang ngiti sa labi nito. "Don't worry, Eina. Wala ka naman gagawin! Uupo ka lang at kami ang bahala sa 'yo. Oh my G, I think we really need to go now. Naghihintay na sa atin ang glam team ko," sumilip ito sa wristwatch nito.

Dahan dahan siyang umiling, sinusubukan pa din iproseso ang mga sinabi nito.

"Hindi ba 'to trip trip lang?"

"Ay, walang camera dito, beh. Hindi ito prank."

Tumayo na ang babae.

"Baka ma-late pa tayo, Eina. Let's go."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top