Chapter 21


"Uuwi na ako d'yan."

Kausap niya sa telepono ang kanyang Nanay habang naghahanda ng almusal niya. Maaga din itong magising, nakasanayan na sa probinsya na madaling araw lang ay nagigising na. Parang 'yong mga abuela lang niya noon na alas kwatro pa lang ay gising na. Nakasanayan din niya iyon noon. Nabago lang nung maging sobra siyang abala sa trabaho. Sapilitan na ang bawat pagbangon sa umaga. Gusto pa niyang ibato ang telepono kapag tumunog na ang kanyang alarm.

Nagulat ito sa anunsyo niya. "Uuwi ka? Aba, akala ko ba masyado ka pang busy dyan sa trabaho mo kaya hindi ka makapag-leave? Nag-resign ka na ba?"

"Hindi naman. Gusto ko lang kayo makita ulit."

"Uwi ka kung pwede ka, eh. Pero kung hindi maaari, ayos lang naman. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Ikaw lang ang iniisip ko, nakakapagpahinga ka pa ba?"

"Kagagaling ko lang sa bakasyon, 'Nay. Isinama ako ng boss ko sa business trip niya."

"Mabait naman pala 'yang boss mo."

Napangiwi na lang si Eina. Maraming beses na niyang pinagsalitaan ng kung ano-ano si Saulo sa likod nito. Di na niya mabilang kung ilang beses niya itong naikwento sa kanyang Nanay.

"Mabait lang kapag nakapikit. Naku, di nyo pa nakitang magmaldito 'yon! Matibay lang talaga ako 'Nay, kaya ako ang nagtagal."

"Pagpasensyahan mo na, ganun talaga mga tumatandang binata."

Napahagalpak siya ng tawa.

"Kaya ikaw wag kang magpapaka tandang dalaga! Sinasabi ko sa 'yo, mahirap walang nagmamahal!"

"Mahal ko naman sarili ko, huh?"

"Naku po, kayo talagang mga millennial kung mag-isip kayo! Malungkot ang maging mag-isa sa buhay!"

"Di naman malungkot maging mag-isa, mukha lang malungkot minsan kasi ubos na pera."

"May mga bagay na hindi nabibili ng pera, Eina."

"Weh?" Kumagat siya sa sandwich. "Try ko nga bumili ng lalaki para hindi na kayo mangambang tumanda akong mag-isa."

"Que horror, Eina!" Mabubulunan siya sa kakatawa sa reaksyon nito. "Magbabayad ka? Aaksayahin mo 'yang dugong Australyano at Espanyol mo! 'Yan na lang ambag sa 'yong tatay mo!"

Baby pa siya nang umalis ang tatay niya at bumalik sa Australia. Hindi na nito binalikan ang nanay niya. Sa old pictures na lang niya ito nakita.

"Sabi pa Tiya mo kung kelan ka tumanda, saka ka daw naging manang."

"Eh di ba 'yon naman ang gusto nila. Sila 'tong panay saway sa akin noon na huwag magdamit ng maiksi," umasim ang mukha niya nang maalala ang mukha ng mga Tiya niya sa probinsya. Walang ibang ginawa kundi bantayan ang galaw niya.

"Naiinggit lang 'yon. Wala siyang anak na maganda."

"Grabe ka sa mga pamangkin mo!"

Humagalpak ito sa kabilang linya. Nakikita niya ang mga halaman sa background nito. Naka-video call sila kaya nakikita nila ang isa't isa.

"Totoo naman, aba! Hindi nakukuhang muse anak niya! Pang-money contest lang!"

Madalas na hindi nila kasundo ang mga tiyahin niya. Tuwing makukuha siyang muse at pumapayag agad ang Nanay niya nakakatanggap ito ng lait sa kapatid.

"Panay pinagmu-muse mo anak mo, saan ka kukuha ng pangbayad mo sa mananahi? Mangungutangan ka?" Ganon ang mga maririnig nito, pero ang Nanay niya bingi-bingihan lagi ang drama.

Sasabihin nito sa inuutangan "huli na naman 'to", kinabukasan din mag-iilusyon na naman ng sunod na sasalihan niya! Kaya napakadami niyang trophy sa bahay nito. Kaligayahan talaga nito ang makita siyang nasa stage at nakakakuha ng award sa beauty pageants. Natatalo lang siya pag money contest.

"Hindi ka ba nananawa dyan sa bangs mo? D'yos ko naman, 'nak, nakasalamin ka pa. Di naman malabo ang mata mo!"

"Maghapon ako nakatutok sa computer. Kailangan ko 'to."

"Alisin mo kapag di mo na kailangan. Tapos 'yong mga suot mo masyadong maluluwang. Hindi ka naman nagkakalaman, ah? Kailangan mo ba ng membership sa gym? Narinig ko sa mga kababaihan dito pwede ka mag-enroll sa ganyan."

"Wala na akong oras sa ganun. Puro diet na ako, okay na 'yun!"

"Eh di mag-ayos ka na lang! Sabi ng kapitbahay ko dito na dalagita, may kamukha ka daw na model pag wala kang bangs! Di ko matandaan. Basta Barbara!"

"Eh kala ko ba Denish Richards 'yong kamukha ko."

"Totoo naman! Naku mag-ayos ka na nga ng sarili mo. Ibalik mo si Denise Richards!"

That made her giggled. Her mother was really obsessed of her looks when she was young. May paborito itong Hollywood actress noon na laging sinasabi na dun daw siya pinaglihi. Hanggang nung high school, pinapepeg nito lagi sa mga parlorista ang hairstyle ni Denise Richards kapag isinasali siya sa beauty contest.

Sinasakayan na lang niya kahit ang layo. Wala naman siyang blue eyes! Pero kahulma daw kasi niya ng mukha, kuha din sa kilay at labi. Maybe because she got her features from her Australian father. Her mother mentioned he was part Spanish and French too. Nakuha daw niya lahat sa kanyang ama kaya matangkad siya at maputi.

Kailangan na niyang magpaalam dito kaya pinutol na din niya ang tawag. Pinag-iisipan ni Eina kung papasok siya ngayon o magpapaalam na masama ang pakiramdam.

Hindi niya pwedeng idahilan 'yong huli, lalo pa't alam ni Saulo kung saan siya nakatira. Baka puntahan lang siya nito para i-check ang kalagayan niya.

Sa nangyari kagabi, walang ideya ang dalaga kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila. Wala silang ibang pinag-usapan kagabi. Pagkatapos ng ginawa nila, kumain lang sila, pagkatapos ay umuwi na ito.

Mali, inuwi pala nito ang panty niya. Sa lahat ng bagay na iuuwi nito, panty pa talaga niya!

Pwede siyang magpanggap na parang walang nangyari sa kanila at okay lang sa kanya ang lahat. Pero hindi maiibsan nun ang bigat sa kanyang dibdib.

Wala siyang kasiguraduhan kung tama ba ang ginawa niya. Wala din siyang makapang pagsisisi. Nakuha niya ang gustong makuha. Nakita niya kung anong naging reaksyon nito. He wanted her. And as much as she wanted to ignore it, nagustuhan niya ang atensyon na ibinigay nito. Tumugon ang katawan niya sa init ng mga titig nito habang pinapanood siya. Kung alam lang nito pigil na pigil niya na labasan agad, ayaw niyang ipahiya ang sarili. Ilang minuto pa lang itong pinapanood siya, pero gusto na agad sumabog ng pagnanasa niya.

Ikakahiya talaga niya ang sarili kung nangyari.

But ofcourse, hindi iyon malalaman ni Saulo.

Na kahit noong pag-alis nito, inulit pa niya ang ginawa hanggang sa makuntento siya.

Nalilitong hinawi niya ang buhok.

God, she needs to stay away from him.

Pagdating sa office, hindi niya ipinahalata na awkward na makita itong may saplot. May problema pa yata sa paningin niya. Kahit naka-polo shirt ito at itim na slacks at sobrang karespe-respeto ang dating, nahuhubaran niya ito ng wala sa oras!

Kinalma niya ang sarili. Tumango lang si Saulo sa kanya nang madaanan siya nito. Walang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya.

Oh God, hindi kaya kakalimutan na lang ni Saulo ang lahat bilang kapalit sa ginawa ko kagabi?

Bandang hapon na 'yun nang tawagin siya ni Saulo sa loob ng opisina nito. May inuutos ito sa kanya kaya ginawa din niya iyon agad.

"Now that I've think of it, you reminded me of Denise Richards."

Abala siyang nag-aayos ng mga document sa couch at napatigil siya. Nakasandal si Saulo sa swivel chair nito, nakalagay ang hintuturo sa ilalim ng labi at mataman siyang tinitingnan. Kaya naman pala pakiramdam niya ang init.

"Denise Richards?" ulit niya, baka nabibingi lang siya. "As in Denish Richards of Wild Things?"

Nagtaas baba ang kilay nito. "Without that old fashioned bangs and eye glass, yes, I would say you look like her."

She pursed her lips and tried not to laugh at him. Denish Richards talaga? Anong nakain nitong panis sa ref niya kagabi? Tagal kasi niyang nagbihis. Baka may nakain ito sa pamumungkal sa kanyang ref.

"Sir, funny ka."

"You should try to recreate her 90's hair style."

Umiling siya at umikling tumawa. "Thank you for the flattery, Sir but she's a recognized sex symbol."

"I know that and that's why I think reminded me of her. I can see the resemblance."

Naalala niya bigla ang Nanay niya sa pinagsasabi ni Saulo. Malabo na din ba ang mata nito?

"Ang layo? I don't even have blue eyes and blonde hair. Wala pa ako sa ganung level."

"That's not a problem. I can make a call and ask Gigi to assist you," sabi nito. Dinampot ng binata ang telepono nito at nagpipindot sa screen. Mabilis na lumapit siya sa mesa nito.

"That's not necessary, Sir!"

Hinawakan niya ang braso nito para pigilan.

"Hmm, what are doing?"

"Sino bang tatawagan mo?"

Pinaningkitan siya nito ng mata. "Pipigilan mo ba ako?"

"May kailangan ba kayong tawagan? Ako na bahala."

"I'm calling Gigi."

Gusto niyang tumili. Balak pa ba nitong tumawag ng glam team?

"I have her calling card. Gusto mo bang ako na mag-arrange ng gusto mong mangyari?" Matamis siyang ngumiti sa lalaki. Ibinaba nito ang cellphone. "Alright then. Call her. I want you to meet her."

Napangiwi si Eina. Hindi siya nito balak tigilan 'no?

"I'm serious. You should get rid of your bangs. I like it when I can see your forehead." Komento nito. "You're not wearing your eyeglasses last night. Kung tama lang ang hinala ko, malinaw naman ang mata mo. You don't need to wear that anymore."

"Nadagdagan na ba ang requirement sa job position ko? Bawal na ang pangit na bangs at salamin? Sexy-taryna yata ang kailangan mo."

"Thanks for that reminder. Hindi ko na din gustong makita 'yang mga oversized uniform mo."

"Ayaw nyo ba aesthetic?" hinaluan niya ng biro. Pero mukhang wala itong balak na makipagbiruan. Tinitingnan siya nito na parang may problema sa fashion style niya.

"Especially your skirts. Saan mo nadampot 'yan?"

"What's wrong with my skirts?"

"It's too long for me."

Doon nga siya mas komportable. Kapag hindi masyadong exposed ang hita niya kapag nasa work place.

"Dito ako mas okay. Four years ko na 'tong uniform. Ngayon mo lang pinansin?" pagtataas pa ni Eina ng kilay.

Wala siyang tugon na narinig dito.

Inignora na niya si Saulo. Kailangan niyang tapusin ang mga pinapagawa nito para hindi siya natatambakan. Mayamaya din ay mag-out na siya. Please lang, wala siyang balak mag-overtime o mag-uwi ng trabaho. Kota na siya sa puyat! Wala pa siyang halos tulog kanina.

Ilang sandali pa ay natapos na niya ang ginagawa. Itinuwid ni Eina ang likod sabay sulyap kay Saulo. Napaatras ang leeg niya at nasapo ang dibdib sa gulat.

Bat nakatitig pa rin ito sa kanya? Muntikan na tumalbog palabas ng kanyang dibdib ang puso niya!

"What's the matter?"

Hindi ito kumibo. Mas lalo pang namungay ang mata. What, may staring game ba sila na hindi niya alam?

"May tinatrabaho ako dito, Sir. P-Pwede ba kayang wag ka tumitig?" pakiusap niya.

"Ayaw."

"A-Ayaw?" So, ano ito? Tititigan mo lang ako hanggang matunaw? Di mo pa ako tinikman nyan?

"I just want to stare at you."

"Pero Sir, wala ka bang gustong umpisahan gawin? O gusto mo lumabas ako para makapag-focus ka sa kung anuman 'yang balak mo umpisahan?"

"Wala din naman ako sinabing manatili ka d'yan," pagsusuplado pa nito sa kanya.

Napanganga si Eina.

"Bumalik ka na sa table mo kung ayaw mo pala na nakikita ko."

Bat galit?

Bakit parang siya pa yata ang nakaabala?

"Sure, tapos na rin ako dito sa mga pinatitingin niya. Okay na lahat. Aalis na ako."

Tumaas baba lang ang kilay nito. Ano 'yun?

Wala siya sa mood alamin kung anong tumatakbo sa isip nito. Tingin nga niya kailangan pa niyang magpa-therapy sa sunod sunod na pagkawindang niya. Papatingin na rin siya sa mata kasi parang nakikita niyang nag-iinit ang mata nito sa kanya.

Ilusyunada ka na, vavae!

"Aalis ka na ba? Sumabay ka na sa akin."

Muntikan pa siyang madapa nang marinig si Saulo. Wala siyang kamalay-malay na kabuntot na pala niya ang lalaki.

"Hindi na, Sir. Di pa ako didiretso sa condo."

"Saan ka pa pupunta?"

Pake mo ba?

"May dadaanan pa ako sa department store. Nauubusan na kasi ako ng stock ng food." Sinadya niyang diinan ang huling pangungusap para dito.

"Okay, let me assist you."

"Huy wag na! Makakaabala pa ako sa 'yo. Mabagal ako kumilos."

"Not a problem to me. Let's go."

Her eyes widened as he grabbed her arm. Sunod na lang niyang namalayan ay nasa Aston Martin na siya ni Saulo. Nagtataka pa siya nang malaman na ito ang nasa driver's seat. "Nasaan si Tom?"

"Pinagpahinga ko muna ngayong araw."

Oww-kay.

Nakataas ang kilay na nilingon siya nito. "Anong ginagawa mo d'yan?"

"Sabi nyo sumakay ako—"

"Lipat ka dito sa tabi ko."

Pinigilan niyang mapangisi. "Sir, okay na ako dito sa backseat."

"Lilipat ka o hilahin pa kita para mapalipat sa tabi ko. Hindi mo ako driver."

"Gusto mo ako mag-drive?"

Itinikom nito ang labi at mataman siyang tinitigan. Okay, e di lumipat. Ngali-ngali niyang mairapan si Saulo nang mapatabi na siya sa kotse nito. Nagsimula na itong mag-drive. Dahil naka-polo shirt ito, kita niya sa gilid ng kanyang mata ang mga ugat sa matipunong braso nito.

Iyon talaga ang ebidensya na sagana ito sa work out. Iniiwas niya ang tingin doon nang may mapagtanto. Ano kayang work out ang ginagawa nito sa bahaging 'yon. She could still remember every vein on his large arousal.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Naglaro ang ilang malalaswang imahe sa isip niya.

Hindi siya makikipag-car fun!

"Stop the car!"

"What?" litong napasulyap sa kanya si Saulo. "Anong problema mo? May nakalimutan ka ba?"

Parang napahiya din siya sa nasabi niya. Bakit niya naisabibig ang nasa isip lang dapat niya?

"No, wala pala, Sir."

Naniningkit ang mata nito. "Are you sure? Balikan natin."

"No need. Diretso mo lang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top