Chapter 19


 Namayani ang katahimikan ng ilang sandali. Hindi nakaligtas sa kanya ang marahas na paghinga ni Saulo. Nanatiling kalmado ang expression ng mukha niya. She was nervous. May pangamba siya, may takot na hindi maipaliwanag. Maiintindihan ba siya ni Saulo? A man like him would definitely freak out. Kanina lang ay tinatanggihan niya ito but now she was offering him of a free live show.

He had every right to look at her with suspicion. Advanced itong mag-isip, malamang hinahanap na agad nito sa isip kung ano ang intensyon niya. Hawak pa nito ang ice cream, natigilan ito sa paglantak doon. Matutunaw lang iyon kung hindi magagalaw.

"Okay ka na dyan?" tanong niya saka muling kinuha dito ang cup at inubos iyon. Nakatikom ang labi ni Saulo habang pinag-aaralan siya. Try harder.

"The idea was crazy, right? Forget it. Wag mo nang isipin," sabay bawi niya. Alam niyang hindi nito maiintindihan kung bakit niya kailangan gawin 'yon.

"You wanted me to watch you touch yourself."

Her blood pumped at the raw lust in his voice. His features darkened as he stared at her mouth, then drifted to her throat down to her long legs. Napaayos siya ng upo at pinagdikit ang kanyang mga binti. Tila may silab ng apoy ang mga titig nito sa kanya, mapapaso siya kung hindi ito titigil.

"Pwede ka tumanggi. Hindi kita oobligahin na pumayag."

"You want to do it now? Fine."

"Not tonight."

"Bakit hindi ngayon?" tanong pa ni Saulo. Bahagya siyang napakunot-noo. Di siya sigurado, pero may naririnig ba siyang excitement dito?

"Kailangan ko pa mag-prepare bago gawin 'yon." Ipinatong niya sa mini table ang baso. "Anong oras na din naman ngayon. It can wait."

"How about tomorrow after work? We can book a hotel room."

"Hindi na kailangan. May set up naman ako sa kwarto."

At bakit may pa-hotel room pa? That's totally unnecessary.

"Naliliitan ako sa unit mo."

Napatingin din tuloy siya sa tinutuluyan niya. What's wrong with it? Sakto lang sa kanya ang lawak nun.

"Di ko kailangan ng malaking space. Okay na ako dito para hindi masyadong nasasaid ang sahod ko sa pagbabayad."

Salubong ang kilay ni Saulo sa sinabi niya. Agad niyang nagets kung bakit ganon ang reaksyon ng boss. "No, no, it's not because of my monthly income. Okay ako sa natatanggap ko mula sa kompanya. Hindi lang talaga ako high maintenance. Nagtitipid lang ako para kapag mag-resign na ako—"

"What?"

"Matagal pa naman 'yun." Pinaningkitan siya nito ng mata. "What's wrong? Eventually magreresign din ako. It's not like habambuhay mo akong magiging assistant. I need to explore other opportunities in the future. May tatlong taon pa nasa thirties na din ako. I have to prepare for my future. Di papayag ang Nanay ko na tumanda talaga akong dalaga," defensive na sabi niya.

Sensitibo dito ang usapin ng pagre-resign niya, pero dapat malaman din nito na hindi habambuhay siyang magiging tagasilbi nito.

"I don't like this place for you. I can get you a large condo unit."

"Excuse me?"

"Nangungupahan ka lang ngayon. Bibigyan kita ng mas malaking space at malapit sa opisina natin. You don't have to pay for it."

She frowned at him. "Hindi ka magdedesisyon sa titirahan ko. I like this place for me. Di ko kailangan lumapit. Malapit pa din ito sa opisina kaya walang problema."

Hindi ito nagsalita. Gusto niyang mainis. Anong tingin nito sa kanya? Kaya niyang lumipat sa mas marangyang unit gamit ang sariling pera na pinaghirapan niya.

"But thank you for the concern, Saulo. Di mo kailangan gawin para sa akin 'yon. Isa lang ang hinihingi kong pabor sa 'yo."

Tumango ang lalaki. "Please consider it."

Mabuti siguro kung hindi muna nila 'yon pag-usapan ngayon.

"Lumalalim na ang gabi. You have to go."

Parang mabigat ang loob na hinatid niya si Saulo sa pinto. "Mag-ingat ka sa pagda-drive."

Nilingon siya nito. "Seryoso ako sa inaalok ko, Eina."

"No thanks."

Hindi ito nagpumilit kaya nakahinga siya ng maluwag. Nakatayo pa rin si Saulo sa harap ng pinto. Parang ayaw naman nito umalis. "May nakalimutan ka pa ba?"

"Are you sure about that?"

"About my place? Hindi ko kailangan lumipat."

"I'm talking about the idea of letting me watch you play." pansin niya ang pagnanasa sa mata nito nang muling mabanggit iyon. "Is that what you really want? Kung magbabago pa ang isip mo, pwede mo nang bawiin ngayon. I will understand."

"Do you trust me, Saulo?" she asked.

"I trust you. Ikaw?"

Ngumuso siya, "As my boss, yes. But as a man who knows my secret, no. I don't trust you to keep it forever, pero kailangan pa rin kita."

"Then why would you still want me to watch you? That's like putting yourself in danger. Kung wala kang balak na pagkatiwalaan ako, huwag mo nang gawin 'yon."

"Ikaw lang ang lalaking tanging nakakaalam ng ginagawa ko sa Playmate. And because of that, I need to allow myself to trust you. Napanood mo na rin akong gawin 'yun dati. Ano pang ikakatakot ko? I need to make this right."

Nabasa niya ang tensyon sa mga balikat ni Saulo. Maski ito nag-aalangan. Hindi talaga nito mauunawaan.

"This might sound crazy to you. Ito lang ang paraan para malaman kong sincere ka at totoo sa pangako mo. You're just going to sit there and watch me while I'm performing on cam. Hindi mo nga lang ako pwedeng hawakan."

Umigting ang panga nito at namungay ang mata. "You want to torture me?"

"It's not torture when my pleasure becomes your pleasure."

Nakita niyang gumalaw ang adam's apple nito. Inabot niya ang braso ni Saulo at banayad na pinisil. Inilaput niya ang mukha sa leeg nito. "Do it for me and I'll trust you."

Napaurong ang lalaki.

"Balak mo lang akong takamin," akusa nito.

Her lips curled into a teasing smile. Hahakbang pa sana ito palapit pero iniharang na niya ang pinto. "Go home. Marami pa tayong gagawin bukas."

"Hindi ka sigurado kung papayag pa rin ako bukas."

"Then you will lose your chance to earn my trust." Mapang-akit na kinagat niya ang ibabang labi. Naisip niyang aliwin ito. "You should never miss to watch my show, Daddy."

The look on his shocked face was priceless.

"I'm kidding. Seryoso ako, umuwi ka na muna, Saulo." aniya at saka pinagsarhan na ito. Narinig pa niyang katukin ang pinto niya.

"Eina," tawag pa nito. Hindi na siya sumagot. Niligpit na niya ang kinainan nila. Nakahiga na siya sa kanyang kama nang mabasa ang text nito.

Bukas ka sa akin. Nabura ang ngiti sa labi niya. She would definitely make him pay.


"Pinahamak mo naman ako kay Sir!" Reklamo agad ang ibinungad ni Kristine sa kanya sumunod na umaga.

"I have no idea na nakikinig si Saulo." Hawak niya sa kanyang kamay ang kape na binili niya sa Café De Maita. Saulo was right about her reflection in the picture she sent before. Basta na lang siya kumuha ng picture sa gilid ng café kung saan may salamin. Hindi man malinaw ang mukha niya. Nahagip naman ang braso niya na may henna at uniform niya. She wasn't like that before.

Masyado siguro siyang na-attach kay HotHeadedBull na nakalimutan niya ang mga ipinagbawal gawin. That was her mistake.

"Seryoso ka bang naghahanap ka ng kapalit? Kahapon parang seryoso kang magre-resign. Hindi ako makapaniwala!"

"That's right. Magre-resign na ako."

"Hindi nga? Bakit sabi ni Sir—"

"Ayaw ni Saulo na umalis ako, pinipigilan niya akong mag-resign. Pero kung kumalat sa department natin na binabalak kong umalis, ikaw ang magiging responsible doon."

Namutla ang mukha ni Kristine. "B-Bakit ako?"

"Ikaw lang ang pinagsabihan ko kaya ikaw lang ang nakaalam."

"Wala akong alam!"

"Tama ba?"

"Ano bang sinabi mo kahapon? Limot ko na, wala akong maalala. Leigh! Hintayin mo ako!" Iniwanan siya nito at kumaripas ng takbo palapit sa mga kaibigan nito.

Nauna pa sa kanya si Saulo. He was already in his desk. Lumapit siya dito para ibigay ang kailangan nitong report. Tahimik lang siya habang inilalagay iyon sa table nito.

"Did you get enough sleep last night?"

"Yes, Sir. I'm full of energy for today." Napakunot-noo siya nang mapansin ang mukha nito.

"That's good to hear. Kasi ako wala pang tulog."

Napaurong si Eina, saka nilunok ang laway. "Wala ka namang importanteng gagawin today, Sir. I've already checked your schedule. Pwede ka po bumawi ng tulog sa couch mo."

"I don't need that." He looked annoyed. Ano ba kasing oras ito natulog? Napaka-aga pa yata nitong pumasok.

"Kanina pa akong five am dito."

"Oh, do you want me to get you a coffee or tea? Pwede akong bumaba."

"Wala na bang ibang option?"

Umangat ang kilay ni Eina. "Hindi pa available 'yung "me" sa menu, Sir."

"Kailan pwedeng mag-avail?"

Okay, he was being flirty. Naitirik niya ang mata.

"I can only offer you a massage. Pwede ba 'yun, Sir?"

"Uhm, no. I won't let you touch me."

"I'm sorry?"

Did he just mock her? Parang narinig niya ang sariling linya na umalpas sa bibig nito.

"Okay lang ako, Eina. Bumalik ka na lang sa pwesto mo. I can handle this on my own."

Nag-alangan siyang tumalikod. Gumugulo ba sa isip nito ang mga pinag-usapan nila kagabi? Kung oo ang sagot, e di masaya siya. Nagtatagumpay siyang guluhin ang sistema nito. Nakakagaan sa loob niya ang kaalaman na hindi ito pinatulog ng mga isipin na may kinalaman sa kanya.

A part of her was still mad at him. Pwede ba 'yon, may pagbabanta pa ito kahapon sa kanya kapag mag-resign siya tapos aaminin nitong obsessed ito sa kanya? Dapat ba siyang matuwa? Karapatan niyang mabasa, makaramdam ng kilig sa pagitan ng hita, pero galit pa rin. She could imagine him licking and eating her pussy and be still mad at him.

'Yong mga komprontasyon na namagitan sa kanila, 'yong mga palitan nila ng mabibigat na salita. Hindi puwedeng makalimutan lang ni Eina basta-basta. Kailangang may panghawakan din siya laban kay Saulo.


 She can do this.

Ibinaba na ng dalaga ang brush. Tinapos na niyang ayusin ang kanyang make-up. She's ready for the show. Sumulyap siya sa orasan. Pasado alas nuebe. Dapat na siyang mag-umpisa pero wala pa rin si Saulo.

Sisiputin ba siya ng lalaki? She left a note in his desk. Sigurado siya na mababasa nito iyon. Mas nauna pa siyang umalis dito.

Tumunog ang door bell.

Hinagip niya ang roba at isinuot. Suot niya ang pinakamataas na heels niya.

She opened the door for him.

"Sorry, i'm late."

Eina greeted him with a sultry smile. "Sakto lang ang dating mo."

Napako ang mata ni Saulo sa kanyang mukha. Tila nanibago ito na makita siyang walang salamin, walang bangs at naka-full make up. Bahagya niyang itinakwas ang kilay. Kung tititigan lang siya ng lalaki, wala silang matatapos gawin. Naiinip na siya.

"Nag-assume na akong nag-dinner ka na bago pumunta dito."

Lumapit ito sa kanya, napakunot ang noo niya. Naamoy na naman niya ang alcohol sa bibig nito. Oh, God.

"Uminom ka ba?" kompronta agad niya.

"Wag ka mabahala. Konti lang 'yon."

Ngayon lang niya napansin na namumula ang pisngi nito. Mapapadasal yata siya. Alam niyang kaya nitong kontrolin ang sarili kapag lasing. Ang problema, aware niya na iba pa rin ang epekto ng alcohol sa katawan. Nakakapagpalakas iyon ng loob.

She shook her head. Hinubad na niya ang roba sa harap ni Saulo. Umangat ang maskuladong dibdib nito sa marahas na hingang pinawalan nito. His gaze was hot and burning. Dumaloy ang init sa balat niya at hinayaan lang niya ang pagnanasa na umagos sa kanyang mga ugat.

"You're such a goddess, Eina."

Her nipples hardened at the sound of his voice. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito. Gusto niyang murahin ang sarili. Sa imbes na mainis sa amoy alak na hininga nito, parang mas ikinasabik pa iyon ng laman niya.

"Seeing you in that sexy lingerie makes me want to touch every inch of you."

Iniangat niya ang noo at sinalubong ang nagbabagang titig ni Saulo. "You're not allowed to touch me, Saulo. Pwede ka lang tumingin. Bawal mo akong hawakan. Malinaw ba?"

"Everything is clear to me. Pwede na ba tayong mag-umpisa?"

Tinalikuran niya ito at pinasunod ito sa kanyang kwarto. Nakaayos na ang lahat. Mula sa lightings, sa set-up ng laptop niya at cam. Everything was prepared.

"Sit here," itinuro ni Eina ang silya sa sulok ng silid niya. Parang nahihipnotismong sumunod ito sa kanya. Pinigil niya ang ngiti at inabot ang lubid sa bandang likod nito. Hindi agad iyon napansin ni Saulo. His eyes widened when he saw the rope in her hand.

"Anong gagawin mo d'yan?"

"Itatali kita," kaswal na sagot ng dalaga.

"Fucking hell!"

Naalarmang napatayo ang binata.

"Bakit ka tumayo? Upo ka lang, itatali ko lang ang mga kamay mo sa likod."

"You don't need to tie me down. Hindi kita hahawakan kung inaalala mo 'yon."

"This is about trust, Saulo. Pwede mo akong hawakan kung may tiwala na ako sa 'yo. But how can I trust you when you're not willing to get tied down?"

Nasapo nito ang noo. "This is crazy, Eina."

"What's crazy about this? Magugustuhan mo din naman ang mapapanood mo." Pinadaan niya ang daliri sa panga nito. His jaw clenched and a flare of heat burned in his dark brown eyes.

Tila nakipagdebate pa si Saulo sa sarili bago muling bumalik sa upuan. "Isang beses ko lang 'tong gagawin, Eina. Isang beses lang."

Something wicked filled her mind.

Umupo siya sa kandungan nito. Bumakas ang gulat sa mukha ni Saulo. Awtomatiko itong napahawak sa beywang niya. "Take off your shirt."

Bumuka ang bibig ni Saulo para magsalita pero tumikom din para sundin siya. The sight of his chest hair and sexy brown nipples just made her cheeks flushed even more, her wet walls pulsing in heat.

Matalim ang titig nito sa kanya. "Wala sa usapan na uupuan mo ako."

"I know."

"Eina," may babala sa bruskong boses nito.

Umalis siya sa pagkakaupo dito. Itinali na niya ang mga kamay nito sa likod. Inilapat niya ang bibig sa batok nito at muling nagsalita.

"Please try not to come in your pants."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top