Chapter 18
The war has just begun.
Hindi ba inaasahan ni Saulo na magkakaroon siya ng lakas ng loob? Gagamitan din naman siya nito ng koneksyon. Tutal sinisindak siya nito, magiging brutal na din siya!
"I can still work for you if that's what you really want. I'll be professional, tulad pa rin ng dati ang pagsisilbi ko sa 'yo. But to enjoy my service as the camgirl, that is not gonna happen. I won't let any man touch me or have a claim on me. Pang-virtual lang ang sex na kaya kong i-offer, pero di 'yon available sa 'yo."
Saulo's eyes were dark and murderous as he stared at her. Pulang-pula ang mukha niya sa galit. Halos naririnig niya ang marahas na tibok ng puso nito, at gayun din siya. Tumatambol ang kanyang puso sa nakakatakot na ritmo.
Nandoon na sila sa opisina nito kung saan pinagpatuloy nila ang pag-uusap. Tila ayaw rin nito na may makarinig sa pagpapalitan nila ng maaanghang na salita.
"I never knew you could be arrogant and mean, Eina. You think I want to touch you so bad?" Nanunuya ang tawa nito, pagkatapos ay marahas na hinagip ang braso niya.
"You're really confident that i wanted to fuck you. Lumaki ba ang ego mo pagkatapos mo malaman na pinagkakagastusan kita? Nagpapataas ka lang ba ng presyo?"
Napatiim bagang si Eina at matalim na sinalubong ang titig ni Saulo. Inilapit nito ang mukha sa kanya.
"Why don't you tell me your updated rates? I won't get mad. Sabihin mo lang." puno ng panunuya ang boses nito. Yumuko pa ito sa kanya, sa sobrang lapit ay naaamoy niya ang alak sa bibig nito. Iniiwas niya ang mukha. Konti na lang mahahalikan na siya nito.
"Hindi ako nababayaran." Itinago niya ang nerbiyos sa tinig.
Saan ba ito nanggaling? Napaka-aga pa para uminom ng alak!
"You're not sure about that. Magkano ba ang gusto mo? Is one million enough for you? Isang gabi lang 'yon, hindi ka maaabala."
Ramdam niya ang galit ni Saulo at hindi niya alam kung nainsulto ba niya ito sa sinabi niya. Bakit, siya lang ba ang unang babaeng tatanggi dito? O dahil kailangan pa nitong bayaran siya para madala nito sa kama samantalang 'yong iba ay willing na tumalon sa kama nito.
"Magkano ba? Sabihin mo na. Just don't say that you won't let me fuck you. I'm really offended. Hindi ba ako pasok sa standards mo?"
"Stop it now, Saulo."
"What? Akala ko ba matapang ka? Inamin mo na ngayon na ikaw nga 'yun. Hinihintay ko lang magsabi ka ng totoo, dinagdagan mo pa ng insulto. Ang lakas din ng loob mo."
Pumatak ang luha sa mata niya. Umahon ang galit sa dibdib niya at inilabas ang sama ng loob.
"Nainsulto ka ba doon? Right, ofcourse maiinsulto ka kasi napakataas mo! Paano ako na hindi nakatulog dahil alam mo na kung anong sikreto ko? No one's supposed to know that, Saulo. Pero ikaw nalaman mo. Tingin mo hindi mahirap na magsinungaling sa 'yo? Boss pa rin kita kaya kailangan kong itago 'yun. Kahihiyan ko 'yon kaya kailangan kong ingatan!"
Tinangka niyang alisin ang pagkakahawak nito sa braso niya. Masyado itong malakas. Mas lalo lang itong kumapit sa kanya.
"Bitawan mo ako!"
Dumaan ang pagkabahala sa mukha nito nang makitang umiiyak na siya. Hindi niya kayang kimkimin ang nararamdaman. Tila sasabog ang dibdib ng dalaga.
"Masama bang isipin ko 'yung kapakanan ko? Wala kang ideya kung anong nararamdaman ko. Maaaring nagtatrabaho ako para sa 'yo, pero hindi mo ako binili. Kahit anong gawin ko sa labas ng trabaho, bumukaka man ako d'yan sa labas, wala ka na dun!"
"Stop crying—"
"Patapusin mo muna ako. Alam kong hindi mo pa rin maiintindihan kung bakit ko 'yun ginawa. It was my choice to be a cam girl and to keep it as a secret. Wag kang mag-alala, hindi ako magiging kahihiyan sa 'yo. Pwede na akong mag-resign ngayon at umalis sa kompanya, pero pati iyon ayaw mong gawin ko. Anong gusto mong gawin ko, Saulo?"
Gusto na niyang matapos iyon. Naisip na niya ang mga pwede niyang gawin kapag nakaalis na siya sa kompanya. Gagamitin niya ang lahat ng naipon para makapagsimula ng panibago. Hindi na bilang sekretarya. Sana bilang may-ari ng sarili niyang negosyo. Pansamantala muna siyang makikitira sa Nanay niya habang binubuo ang mga plano.
"Calm down."
Namimilog ang mata niyang nakipagtitigan sa lalaki. Pagkatapos ng lahat ng binitawan nitong salita, siya pa ang pakakalmahin? Gusto niya tadyakan ang lalaki kung saan mamimilipit talaga ito!
Buong pwersa na hinila niya ang braso sa lalaki. Hinayaan na siya nito.
"Magre-resign na talaga ako. Di mo na ako mapipigilan," aniya habang pinunasan niya ang luhaang pisngi.
"Napag-usapan na natin 'yan. You will not resign from your position."
"Hindi kita iiwan sa taong magpapabaya sa trabaho niya. I'm willing to train your next secretary. Sisiguraduhin ko na alam niya kung ano ang posisyon na ookupahin niya. Maghahanap na ako ng kapalit ko sa sunod na linggo."
Tinalikuran na niya si Saulo. Maagap nitong iniharang ang katawan sa daan niya. "Hindi ka aalis sa poder ko."
Muling umahon ang gigil niya. "Hindi mo ako pag-aari, Saulo. Malaya akong umalis kung kelan ko gusto."
"You're not allowed to leave without my permission."
"Ano gagawin mo ngayon? Tatakutin mo ba ako gamit 'yung mga recorded clips ko na meron ka? Okay, gusto mo ng takutan? Ipa-billboard mo pa!"
Dapat ipakita niyang hindi siya natatakot sa kung ano man ang balak nito gawin para pigilan siya. Kapag ipinakita niyang natatakot siya, mas lalo lang nitong gagamitin iyon sa kanya.
"Akala mo ba hindi ko kayang gawin 'yan? I can do a lot of terrible things just to make you stay beside me."
God, he's crazy! Malakas siyang napasinghap nang hilahin siya nito. He caged her in his muscular body and she felt her body trembled even more.
Mapang-akit ang kabrutalan sa boses nito. "Hindi mo magugustuhan kapag napatid na ang pasensya ko, Eina."
Yumuko ito sa kanya at isiniksik ang bibig sa kanyang leeg. His rough stubbles rubbed against her face. Dumaloy ang kilabot sa balat niya at muling naghabulan ang tibok ng kanyang puso, kasabay ng pagkalat ng init sa sistema niya. Ang ideya na nakasiksik ang mukha nito sa pagitan ng hita ay nagdala ng ibayong pagnanasa at kahihiyan sa kanya.
"Saulo, what are you doing? I just told you I won't let you touch me."
Tumawa ito, mayabang ang ngisi. "Siguraduhin mong kaya mo panindigan 'yan. Baka ikaw ang mamilit sa akin mamaya kainin ka—"
"Stop being so vulgar!"
"Don't tell me what to do. Hahayaan lang kitang utusan ako kapag nasa kama na tayo."
Hindi lang mukha niya ang pulang-pula ngayon, sigurado siya pati 'yung nasa baba apektado. Kailangan na niyang tigilan ito. Kailangan niya ng distansya sa lalaki.
Wala silang relasyon para umaktong ganon. Hindi pwede na pagkatapos nila magtaasan ng boses ay babalik sila na parang wala lang nangyari!
Hinawakan nito ang leeg niya, ang hinlalaki ay nasa baba niya. Napakurap siya, hindi sa takot na baka sakalin siya nito, kundi sa nagbabagang pagnanasa na nagsisimulang tumupok sa kanya.
"You were right about me," mahinang anas nito habang pinagmamasdan ang labi niya. Tila nanunuyo iyon sa ilalim ng nagbabagang titig nito. She had to lick her lips slowly.
Umigting ang panga nito. Nakita niyang dumaan ang halo halong emosyon. Pagkabigo, galit, pagnanasa. For one moment she felt bad for him. Hindi dapat siya mag-alala para sa lalaking ito na may plano pa yata sirain ang buhay niya!
"I'm obsessed with you and I have no idea how to deal with this madness."
Nanghina ang tuhod ng dalaga.
"I know it's hard to believe but I have no intention of using your secret against you, Eina. You just kept on denying and it just made me desperate to chase you."
Her heart pounded, and his rough voice just made her bones weaker. Hindi si Eina makapagsalita. Mabubulol lang siya kung susubukan niya. "What I'm trying to say is that you can trust me."
Trust him? Para sinabi nitong kumuha na lang siya ng pipino at isampal iyon sa kanyang mukha. Paano siya magtitiwala sa lalaking tinututukan na agad siya? Ramdam niya ang matigas na bumubunggo sa may tiyan niya!
"P-Pakawalan mo muna ako." Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag nang makadistansya na sa binata. "Paano ako magtitiwala na hindi mo ipagkakalat?"
"You're streaming online, hindi lang ako ang nakakanood sa 'yo."
"That's correct. Pero ikaw lang nakakaalam ng identity ko. Paano ako makakampante na wala kang gagawin para sirain ang buhay ko?"
Naningkit ang mata nito. "You can trust me, Eina."
"That's hard to believe now. Kanina lang ang tatalim ng babala mo," puno ng sarkasmo ang kanyang boses.
"You know me. Hindi ko babawiin ang ipapangako ko."
May punto rin ito. Kailangan niya itong pagkatiwalaan lalo na at ito lang ang nakakaalam.
"Kalilimutan ko ang nalaman ko. You can still work for me. And can start over again."
That's too good to be true. Para siyang makikipagsundo sa demonyo.
"You want something in return," aniya.
Ngumiti si Saulo. "I have to go. You can think about it."
Lahat ng bagay na hinihingi ay may kapalit. Alam na niya kung anong gusto ni Saulo kahit wala itong sinabi.
Ano pa nga ang kapalit? E di yung serbisyo mo!
Napailing si Eina at tinitigan na lang niya na maprito ang tocino hanggang sa matapos. Gabi na, hindi pa rin siya kumakain. Maaga siyang umuwi ng bahay. Natulog pa siya pagkarating at ayun late na nga siya nagising.
Iniisip niya pa rin si Saulo at ang gyera nila kanina. Nayamot na naman siya pagkaalala. Para silang mga bata na naglalaro ng apoy! Tuloy hindi niya maseryoso kung okay ba na magsama pa sila sa opisina o akma lang 'yun kasi parehas lang silang may topak.
Pagkatapos niyang mag-prito, nagpainit naman siya ng tubig. Nagtimpla na rin siya ng ice tea. Pagkainit sa tubig, inilagay na niya ang noodles at saglit na niluto. Wala siyang matinong kain buong araw kaya ngayong gabi siya babawi.
Naghahain na siya nang marinig niya ang door bell. Di siya basta-basta nagbubukas ng pinto. Sinilip muna niya kung sino iyon.
Muntikan na siyang matumba. Si Saulo! Napamura siya. Anong ginagawa nito sa harap ng unit niya?
Pagbubuksan ba niya ang lalaki o magpanggap siya na tulog? Malamang mabulabog pa nito ang mga kapitbahay niya pag hindi siya sumagot agad!
"Yes kuya? Sino ho sila?"
Parang ibang Saulo ang bumungad sa kanya. Bagong gupit ito at bagong ahit. Mukhang bagong paligo!
Nakapamulsa pa ang binata at aroganteng ngumiti sa kanya. "Hi, can I come in?"
Humarang si Eina sa pinto at nameywang. "Bawal."
Anong kailangan nito sa kanya ng disoras ng gabi? Naka-puting polo shirt pa ito at itim na slacks. "Bakit ka nandito, Sir? If it's about work, itinawag mo na lang sana—HOY!"
Walang pasintabi na hinawi siya nito sa pinto at pumasok. Malaking lalaki ito kaya parang wala lang 'yon dito. Isinara niya ang pintuan at hinabol ito.
"Saulo, private place ko 'to! Di ka pwede dito."
"What's your food here?"
"Hindi mo magugustuhan. Pang-dukha lang 'yan tulad ko—"
Napanganga si Eina na komportable itong pumwesto sa upuan niya. Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sabay ka na kumain."
"Wow. Salamat sa pang-aalok, kuya, ha. Ikaw nagluto?"
"Maghain ka na."
Tarantado talaga! Anong akala nito sa kanya? Ginawa pa siyang muchacha sa sarili niyang pamamahay! Gusto niyang magdabog.
"Ngayon lang ako nakapunta dito. Maliit lang pala ang unit mo."
"'Yan na din ang last," pabulong na asik niya habang naghahain. Ipinarinig niya iyon sa lalaki pero nakatingin lang ito sa paghahain niya.
"Maliit lang talaga 'yong kinuha ko. Aanhin ko naman 'yong malaking unit? Mag-isa lang akong titira."
Inukopa niya ang upuan sa harapan nito. "Saulo, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa bahay ko?"
Tumikhim ito. "May kailangan akong itanong sa 'yo ng personal."
Tumaas ang kilay ni Eina. Hindi siya naniniwala dito. "Pwede mo naman sana ipagpabukas. Nag-abala ka pa."
"We can talk about that later. Hindi pa ako kumakain."
"Gusto mo bang magpa-deliver pa ako? Baka hindi okay 'to sa 'yo. Hindi ko alam na mambubulabog ka. Sana nagluto ako ng menudo."
"Don't bother. Pwede na sa akin 'to."
"Sabi mo eh. Mag-tocino at egg ka na lang. Basta wag mo kainin 'yang noodles. Sobrang maanghang 'yan. Baka hindi mo kayanin. Akin na 'yan."
Parang nainsulto ang lalaking sinulyapan siya. "Di ko kayanin? Sobrang anghang ba n'yan? Akin na para maubos."
Oh, God. Hindi na niya ito napigilan. Gusto niyang iiwas ang mata ng sunod sunod nitong sinubo ang noodles. X2 pa man din anghang n'yan.
"S-Sige, kain ka lang d'yan." Basta hindi siya magiging responsible dito!
Kesa mastress para sa binata, inabala niya ang sariling kumain na hindi sumusulyap sa binata.
"Tsk. Saan 'yong anghang dito?" sabi nito. Pagkabalik niya ng tingin sa lalaki, tagaktak na ang pawis sa gwapong mukha nito. Namumula din ito.
Di niya malaman kung tatawa muna siya o aabutin ito ng inumin.
"Saulo, okay lang?" pigil ang tawa na tanong niya. Ipinagsalin niya ito ng ice tea. Agad din nitong tinanggap.
"Akala ko ba maanghang? Hindi naman pala," yabang pa ng binata. Naubos agad nito ang isang baso.
"Hindi ba? Hindi pa naman kasi ubos."
"Kailangan ko bang ubusin?" namumula pati ang ilong nito. Pula pati bibig nito. Matinding pagpipigil ang kailangan niya para hindi mapahalakhak.
"Kumain ka ng rice."
"Isa pa nga"
Muli niya itong ipinagsalin ng ice tea. "Meron akong gatas sa ref—"
Mas nauna pa itong tumayo sa kanya. Napapailing si Eina. Pagbalik nito ay may dala itong tetra pack na iniinom.
"Maganda talaga sa katawan ang gatas," sabi niya. "May evaporada din d'yan. Baka makatulong."
"Nasaan?"
Hindi na talaga niya matiis ang tawa.
Masama ang titig sa kanya ni Saulo. "Are you making fun of me?"
"Bakit kasi ikaw!" Malawak ang ngisi na pinanood niya ang pagpapawis ng mukha nito. Mamula-mula pa ang pisngi. 'Yong tingin na pinukol nito sa kanya parang nahingi ng saklolo, how cute! Parang gusto niyang tumayo para alagaan ito at punasan ng pawis sa mukha.
Tanga ka ba?
Napatuwid ang likod niya at tumikhim. "Ikuha lang kita ng rice."
Natapos silang kumain ni Saulo. Nandoon na ito nakaupo sa sala niya. Inalok niya ito ng ice cream.
"Sabi mo may sasabihin ka. Ano 'yon?" nagsimula na siyang magtanong. Binuksan niya ang TV para may konting distraction.
"Nakapag-isip ka na ba?"
Napatigil siya, kapagkuwan ay umiling. "Nagmamadali ka ba?"
"Hindi. Gusto ko lang alamin kung may aasahan ba akong sagot."
"Pinag-iisipan ko pa rin kung dapat pa ba akong manatili sa kompanya mo."
Napakunot-noo ito. "You're still thinking about quitting? Akala ko ba—"
"Sandali lang. Hindi pa ako tapos."
"Talk." Kinuha nito sa kanya ang cup na may lamang ice cream at siyang isinundong kainin. Di na niya ito sinaway.
"Ikaw lang ang nakakaalam ng ginagawa ko online. I'm still not comfortable with the fact na napapanood mo ang mga streams ko. Ikaw din ang isa sa top viewer ko and it's true marami akong kinita sa 'yo. At di mo na mababawi 'yon."
"Forget about that."
"Madaling sabihin 'yan. You're still my employer at araw araw pa rin kitang makakasama. Alam ko rin na dapat kitang bigyan ng tsansa na pagkatiwalaan. I need you. Wala na rin akong magagawa tutal alam mo naman. Gusto ko lang maibalik 'yong confidence ko sa trabaho."
Hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya kasi sumisiksik sa utak niya 'yong mga negatibong isipin. Gusto niyang mabawi ang kumpyansa niya sa sarili.
"So, what are you suggesting now? I'm willing to help."
Pinag-isipan niya iyon mula kanina and it's not a bad idea. Tingin niya makakatulong si Saulo sa kanya.
"I want you to watch me play."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top