Chapter 12


 The dinner was wonderful. Maraming kwento si Gigi and they really enjoyed her company. Hindi ito nauubusan ng kwento hanggang sa matapos silang kumain. Naka-ilang wine pa sila dahil parang ayaw silang bitawan nito.

 Hindi siya malakas sa alcohol. Mahina ang resistensya niya sa alak kaya pakonti-konti lang siya ng inom. Sinusulyapan niya nga si Saulo. Kanina pa itong nagsasalin ng alak. Mapapadasal talaga siya kapag malasing ito! Aba, hindi siya papayag na maging kargador nito, ha!

Iwanan na kaya niya ang dalawa?

She was already plotting something in her mind. Kung hindi lang itinaas ni Gigi ang kamay nito sa waiter at kunin ang bill nila, baka nakatakbo na siya palabas. Plano na niyang magpaalam papuntang rest room sabay takas.

Well, plano lang dahil wala siyang balak na makatikim ng award kay Saulo.

"Sir, mauuna na ako sa inyo." aniya habang naglalakad silang tatlo sa tabing-dagat. "Thank you for the dinner, Miss Gigi. I had a great time."

"Wait, babalik ka na sa room mo? Ang aga pa, Eina. Samahan mo muna kami ni Saulo."

"Magpapahinga na po ako, Miss Gigi—"

"Gigi na nga lang sabi. Sis, di naman tayo nagkakalayo ng edad!" saway nito sa kanya.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga. "Okay, I'll just call you Gigi from now on."

"Oh, see? Sounds better."

"Gigi's right. Maaga pa para bumalik sa hotel."

"Sir—"

"Know what? You should come with us! Minsan ka lang makakapunta dito sa isla at swerte mo kasi si Saulo pa ang nagdala sa 'yo dito! Many girls will kill for that opportunity!"

Kaya siguro T-rex mode lagi ang mga ex-flings ni Saulo kapag sumusugod sa opisina. Para sa mga babaeng 'yon sobrang big deal ang maimbita ng isang member para pumunta sa isla. After all Temptation Island is a perfect paradise. Pero iba ang sitwasyon nila ni Saulo. They're not a couple.

Nilapitan pa siya ni Gigi, tumabi ito sa kanya at bumulong.

"This is your first night at one of the most beautiful island in the country, aaksayahin mo pa ba 'yong chance para pumarty?"

"Ayaw ko sana malasing."

"Kailangan mo din magwalwal, girl! Minsan lang naman ito! Ika nga, work hard party harder!"

Mapapadasal siya ng wala sa oras. Hindi naman niya alam na munyo din 'tong si Gigi. Paano ba siya makakatanggi sa dalawang demonyo? Mag-isa lang siya. Hindi siya sasaklolohan ni Saulo kahit humingi siya ng tulong dito.

"Okay, you guys won. I'm joining."

Tumili si Gigi at yumakap sa kanya sa leeg. Lihim niyang naitirik ang mata. Goodness, ano na lang ang kapalarang naghihintay sa kanya? Hindi na siya sanay na makiparty. Nasa kolehiyo pa siya 'yung huling beses na nagwawalwal siya. Alam niya kung hanggang saan lang ang tolerance niya sa alak.

Didiskartehan na lang niya. Ang importante sa kanilang tatlo siya ang walang balak na magwalwal. Sisiguraduhin lang niyang hindi siya ang uuwing gumagapang sa kalasingan.

Oh, God. What is this place?

Naniningkit ang matang iginala ni Eina ang paningin sa loob ng Pulse. Maraming tao sa loob, halos hindi na mapaghiwalay sa pagkakadikit ang mga katawan. Malilikot ang ilaw at tila bumabayo sa kanyang pandinig ang tugtog na pumapailanlang sa ere. She could feel the sensual heat and desire in the air. Magaslaw at puno ng init ang bawat galaw ng nakikita niyang tao doon.

Swear, parang may na-spot-an pa yata siyang nagsesex na. Maaaring mali siya, pero wala namang problema. She's not required to watch people have sex, anyway. Maliban na lang kung utusan siya ni Saulo na gumawa ng reviews tulad ng ipinagawa nito sa kanya last time.

Nilingon niya ang lalaki. Nawala! Kasunod lang nilang pumasok 'yun sa club, pero hindi rin niya sigurado.

"Nasaan si Sir?" she asked Gigi.

She tossed her black hair and grinned at her. Mukhang mas una nitong napansin na humiwalay sa kanila ang lalaki. "Well, he's probably looking for some fun."

Iginala niya ang mata sa paligid.

"Hayaan mo na 'yun! Wag mo nang hanapin. Nasa kabilang club lang 'yon."

"Kabilang club?"

"Yes! Katabi lang nitong Pulse ang Inferno, halos connected lang sila. Mas malaki nga lang 'yon. Di na tayo kailangan doon. They already have the Sirens. Ang kadalasang pumupunta doon ay mga male members and guest, kaya siguro tinawag 'yong Inferno kasi para sa kanila 'yon."

"I see. Nakita ko na din 'yon kanina. Hindi ko akalain na maraming establishments dito sa isla. Iba 'yong impression ko dati. Sobrang impressive ng clubs nila dito sa isla."

"International level talaga, girl. 'Yong panganay dati ni Don Levi ang may ideya ng islang 'to. The Monasterio behind the success of Temptation Island."

"Dati? Patay na ba?"

"Buhay pa girl!"

"Oh, sorry. Sino ba tinutukoy mo? Si Lucian lang ang very familiar ako." Sa mga Monasterio, si Lucian ang nakasalamuha na niya at bumibisita pa minsan sa opisina. He was a very good friend of Saulo. Kaya nga ang hula pa niya noon may business ito together with Lucian. Kung meron din itong shares sa isla, hindi na rin nakakapagtaka because he's also a Monasterio.

"Oh, yes! Lucian, the Loki of the Monasterios," may kinang sa mga matang napabuntong-hininga ang babae. "Nakilala ko lang din siya because of Saulo. It's so hard not to fantasized about that man you know. He's hot and delicious. God, I need a drink."

Kumuha sila ng table ni Gigi at mukhang may plano nga itong gumapang sa kalasingan sa mga alak na inorder nito. Sasabay na lang siya sa trip nito.

"There are so many gorgeous men here in Temptation. But thing is hindi mo naman sila matitikman lahat. You can only choose one man and the funny part, hindi naman kayo pareho ng nararamdaman."

Tila mas lalong pumait ang alak sa panlasa niya. Ang tapang! Nacurious si Eina sa pinagsasabi ni Gigi. "Bakit kasi isa lang pipiliin? Pwede naman pumili ng marami."

Napasinghap si Gigi, nanlalaki ang matang naibaba nito ang baso sa mesa. "My God, Eina. I'm not expecting that from you! I didn't expect you to be liberated!"

"That's just a question. Sabi mo kasi you can only pick one man. Sa part na 'yon hindi na talaga kayo pareho kasi 'yong mga lalaki bago ka tuluyang piliin, marami muna silang pinagpilian. As a woman, dapat marami din tayong choices. Kung hindi ikaw ang gusto, swipe next agad."

Awang ang labi ni Gigi. Nabigla ba niya ito?

"Umamin ka nga, Eina. Gumagamit ka ng dating app, ano?" akusa ng babae.

"Hindi no!"

"Tayo-tayo lang makakaalam! Hindi ko sasabihin kay Saulo, swear!"

"Seryoso nga. Wala akong time para makipagkilala. Mahilig lang akong magbasa ng mga may problema sa love life. Nakaabang din ako sa mga advice na ibibigay sa kanila. Wala ka naman sigurong love problem no? Bibigyan kita."

"Bibigyan mo ako ng love problem?"

"Love advice!"

Napaingos si Gigi. "Wala ka nga daw boyfriend since birth, sabi ni Saulo. Anong alam mo sa love? Paano maging loveless?"

Umasim ang pakiramdam niya. So, chinichismis talaga siya ni Saulo. Ano pa kaya sinabi nito behind her back?

"Mali siya doon. Nagkaboyfriend din ako dati. I had three! Isa noong high school. Dalawa noong college."

"Talaga?"

Tumango si Eina, may pait sa labi niya habang sinariwa ang konting alaala niya noong nasa kolehiyo siya.

"Yes, just like other teenagers. Dumaan din ako sa ganyan. Naranasan ko din naman ang magkaroon ng boyfriend. But after my last relationship, umayaw na rin ako and I promised na last na 'yon."

"But why?"

"Something happened before and I don't want to experience that again in my life. Narealize ko din na i'm happy being alone." Ngumiti siya kay Gigi at sinalinan ulit ng alak ang baso nito.

"There's a lot of reason why people chose to be alone. Toxic relationships in the past, traumatic experiences. Kung masyadong naging madilim 'yung napagdaanan ng isang tao, makokontento na lang talaga siya sa self-love."

"Self-love ko pa bang matatawag kung hindi talaga ako ang ginugusto?" sabi ni Gigi, nakatulala ito. Mukhang malaki din ang problema nito. May nanakit ba sa babae?

"Darating din 'yong nakalaan sa 'yo. Hintay lang."

"Sabi nila ang pag-ibig, hindi daw hinihintay. Ninanakaw 'yan."

Napaatras ang leeg ni Eina. Snatcher yan?

Sa imbes na salungatin ito, ginatungan na lang niya. "Pwedeng idinadaan din sa inom lang," aniya habang sinasalinan ng alak ang baso nito.

"Hoy!" tila napansin nito na kanina pa niya ito binibigyan ng inumin. "Bakit parang ako lang umiinom sa ating dalawa? Madaya ka, ikaw din!"

Napangisi siya. "Sinasabayan na nga kita ng tagay, and at the same time willing to listen din."

"Teka, sino bang nagsabi na may love problem ako?"

"Wala ba?"

Bumuntong-hininga ang kausap. Akala ba niya walwal ang gagawin nila? Bakit parang naging emotera bigla? Kung gusto nitong uminom, hindi niya 'to pipigilan. Sa kanya ang chika, dito ang tagay. Sana bumalik din mamaya si Saulo kung nasaan man ito. Wala siyang planong kargahin ang kaibigan nito pag malasing na mamaya!

"Alam mo kanina ko pa napapansin na hindi ka masyado umiinom! Drink more!"

"I'm drinking here, oh." napapa-english na din si Eina. Akala ba niya chika lang sa kanya? Hindi niya namamalayan na napapainom na din siya.

"Know what, Eina? Napansin ko na 'to dati pa, and please wag ka ma-offend ha. You're really a beautiful woman. Why are you trying to hide it?"

"Ha? Wala akong alam."

Hinampas siya nito sa balikat at tumawa. "Oh, please, I know you know it! Saulo can even see it!"

"W-What?"

"We can totally see it! Matalas na ang mata ng mga tao! Nakikita nila 'yong nakatagong ganda at kung anong pwede nilang i-fix sa 'yo. In your case, tinatago mo lang sa pagiging manang! It's not really working!"

Nahihilo siya sa mga sinasabi nito. Ano daw ang hindi gumagana?

"Or maybe I could be wrong! But know what? I can fix you, girl. Just tell me now and I could transform you into a Goddess! I have the skills, you know?"

Oh, please help this woman. Lasing na silang pareho. Pero sa kanilang dalawa, feeling niya mas malala ang tama nito.

"Wala bang mag-aalok dito ng sisig?"

"Believe me, gagawin kitang dyosa!" ayaw paawat na sabi ni Gigi.

Dyosa? Tumatawa na si Eina sa sinasabi ng kausap. Girl, hindi na nito alam ang sinasabi.

"Tigil na 'yan! Walwal sabi mo, right? Tara sa dance floor, let's go party!"

Hinila niya si Gigi at kinaladkad sa dance floor. Kung saan siya kumuha ng lakas ng loob, hindi niya alam. She felt so daring and bold. Parang gusto niyang hubarin ang suot. Ibang klase ang init na nararamdaman niya. It made her feel fantastic.

Itinaas niya ang kamay sa ere at sinabayan ang bawat tambol ng tugtug. Ramdam niya ang pawis sa kanyang batok, wala siyang pakialam. Ang sarap ng epekto ng alak sa katawan niya. Iyon ang iniiwasan niya in the first place. Ibang klase siya talaban ng alcohol. Lumiliko 'yong klarong pag-iisip niya.

Senswal na iniindak niya ang balakang niya, sinapo ang kanyang katawan habang patuloy na nagpapatangay sa init ng paligid. Nakipagsiksikan siya sa mga katawan. Dinama ang init at pawis ng mga ito hanggang sa maramdaman niyang humila sa kanya.

Napaurong siya sa matipunong katawan. Muntikan pa siyang mawalan ng balanse ngunit agad nitong nasalo ang katawan niya. Then she was pressed against his muscular body, feeling the hard muscles on her back. Hindi na niya kailangan pang lumingon para makitang malaking tao ito.

 God, his body felt so good. For a moment nawili siyang sandalan ito habang umiindak pa rin. Bumunggo ang pang-upo niya dito.

He must be really tall.

A naughty smile crept on her lips. Naglakbay ang kanyang kamay sa sinasandalan, and then she finally found it. "If I were you, I won't do that."

"It's part of the dancing," aniya sa lalaki.

"Interesting. I would love to see you dance all day." His voice was low and dark. His tone is very familiar. Ipinikit niya ang mga mata at hinaplos ang matigas na kalamnan nito. Gusto niyang mapatili. Parang inukit sa bato ang katawan nito.

"Rock hard, hmm?"

Inilapit nito ang bibig sa tenga niya. Nakiliti siya sa buga ng mainit na hininga nito sa balat niya.

"I must say this is very interesting. I just hope you're aware of your actions."

Pinagagalitan ba siya nito? Gusto niyang humalakhak. "Easy, boy. I'm just playing."

Nilingon niya ito. Dahil matangkad nga ang lalaki, madilim ang mukha nito sa paningin niya. Damn, this stranger is not a boy. Sa lapad ng balikat nito, laki ng dibdib, and mga ugat nito sa leeg at braso. Kaya naman pala ang sarap nito sandalan!

She was in a mood to get naughty and flirting with a random stranger won't hurt. Hinayaan niyang sumabay ang kanyang katawan sa indak ng musika. She kept on rubbing herself against his hard muscles. Nakaalalay lang ang lalaki sa likod.

"Okay, finally she's here. It's time to go." Bumulong ulit ito sa kanyang tenga.

Napahagikhik si Eina, iniangat niya ang hapit nitong shirt at mapanuksong hinaplos ang balahibo nito mula sa puso hanggang sa bahaging natatakpan. Ooops, may pa-karug ang hombre! That's a turn on.

"Want to get out of here?" she asked him with a daring grin on her lips. Narinig niyang napaungol ito at may sinabi na hindi niya maintindihan. Tinatanggihan ba siya nito? No, she just wanted to have fun!

"Oh, daddy, c'mon, Let's have some fun! I want to take a ride on your disco stick!"

Kung nasa malinaw siyang pag-iisip hindi siya mang-aahas na maging mapanukso. Pero sabi nga ng dalawang munyo kanina, minsan lang daw ito!

Mukhang game na yata ang lalaki at kinaladkad na siya nito. Ay, teka, ang aggressive naman! But she liked it.

"Where are you taking me, daddy?"

"Shut up."

Nakapikit na napangisi na lang siya. Papaluin ba siya nito kapag hindi siya maging masunurin? Okay, bring it on! Mag-iingay siya mamaya! Nakaramdam si Eina na binubuhat na siya ng lalaki. Narinig niyang may kausap ito, may panic sa boses ng babae.

"Eina, are you okay?"

Ungol lang ang isinagot ng dalaga hanggang sa magdilim na ang lahat.

Nagising na lang siya sa hindi pamilyar na kama nang sumunod na araw. Napabalikwas si Eina. Nasa loob na siya ng isang kwarto. Chineck niya ang sarili. Iyon pa rin ang suot niya. Hindi naman weird ang pakiramdam niya. Walang nangyari.

Ilang sandali niyang prinoseso kung nasaan siya.

Oh my God, paano siya napapunta sa cabin ni Saulo?

"I see you're fully awake now." Lumipad ang mata ni Eina sa nagsalita. Nakaupo si Saulo malapit sa kama. May hawak na baso ng kape, may dilim sa mga mata nito habang nakamasid sa kanya.

Kanina pa ba itong nandoon? Pinanood ba siya nitong matulog? Ang awkward ng pakiramdam niya. "Good morning, Sir."

"Uh-huh." Napalunok siya, iniiwas niya ang tingin sa binata. Tahimik na inalis niya ang comforter sa katawan at bumaba ng kama. Nahilo siya pagkatayo, at kasabay niyon ay ang pagdagsa ng mga alaala ng nangyari kagabi bago siya mawalan ng malay. Iba-ibang eksena ang umarangkada sa kanyang alaala.

Siya habang nakikipagharutan sa isang lalaki.

Siya habang dinadama ang katawan nito sa kanyang likod. Hindi pa nakontento, itinaas pa niya ang suot nito para haplusin ang matigas na abs ng estrangero.

At siya habang karga-karga ni Saulo. Naririnig niya ang boses ni Gigi habang nakaalalay.

Tumikhim si Saulo. "May naalala ka ba?" may kalakip na galit ang tono nito, walang bakas ng concern sa kanya. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya, at hanggang talampakan ang pagkapahiyang naramdaman.

Que horror. Ginawa niya lahat ng iyon kagabi? Hindi siya makapaniwala. Parang gusto niyang bumalik sa kama at magkunwaring tulog hangga't di umaalis sa upuan ang lalaki.

Right, kailangan niyang magkunwari.

"W-Wala akong maalala, Sher." Madramang pumikit si Eina, umaktong naliliyo sa biglang pagkakagising. "Ang shaket ng ulo ko."

"Oh, lashing ka pa din?" panggagaya nito sa iritadong tono.

Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang pagtatagis ng bagang nito. Oh, he's not happy. Hindi rin siya masaya no! Bakit mukhang sa kanilang dalawa, siya ang gumapang sa kalasingan? What if umiyak na lang siya?

"Stop acting like a fool, Eina. I'm really not in a mood to play with you."

Mangiyak-ngiyak na humarap siya kay Saulo. "Sir, I'm sorry. Hindi talaga ako umiinom ng marami kasi wala akong control pagkatapos."

"Wala akong inaasahang explanation mula sa 'yo, Eina. Forgot about it."

"Hindi kayo galit?" tanong pa niya kahit kitang-kita naman niyang seryoso ang mukha nito. Parang gusto siya nitong disiplinahin, feeling lang naman niya.

Umiwas ito ng tingin, marahas na bumuntong-hininga. "Lumapit ka na dito. Samahan mo na akong mag-almusal para matanggal ang hang-over mo."

May pag-aalangan pa din siya na lumapit sa lalaki. Hindi kaya kagatin siya nito bigla?

"Eina, kumain ka na. Anong hinihintay mo dyan? Gusto mo bang kargahin pa ulit kita?"

"Ay hindi na ho!" Dali-dali na siyang lumapit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top