Chapter 11
Makakatanggi ba siya sa boss niya? Ofcourse not. Kaya kahit hindi naman tonong namimilit si Saulo, pumayag na lang din siya. Baka may mga kailangan din itong i-discuss sa kanya habang nasa dinner.
Papalubog pa lang ang araw nang bumalik si Eina sa hotel. Pagkatapos niyang makapagpalit, bumaba ulit siya at nagpunta sa coffee shop sa baba. Nakita niya sa mini map na may isa pang coffee shop sa isla na Eroticafe ang pangalan, pero sobrang wala na siyang energy na mag-explore pa. May bukas pa naman.
Gusto sana niyang magpahinga na lang sa loob ng hotel room niya, pero ang pangamba niya ay baka makatulog siya at makalimutan pa niya ang dinner mamaya.
Nag-order siya ng iced caramel macchiato at cheese croissant. At tulad ng sabi ni Saulo, gamitin lang niya ang card nito kung may mga bibilhin siya sa isla. Nakakahiya naman tumanggi, di ba?
Nasa gitna siya ng pagmemeryenda nang may pamilyar na babaeng pumasok doon. Hindi siya sigurado noong una pero tinitigan niya ito para kumpirmahan.
The woman was Gigi Torres. She was accompanied by two men, parehong may itsura at matangkad. Mas napansin niya ang tattoos sa braso nung isang lalaki. Yeah, she likes guys with tattoos. Kahinaan na yata niya 'yon.
Iniiwas din niya agad ang tingin nang pakiramdam niya ay mahuhuli siya nitong nakatitig. Hindi lang naman ito ang kaisa-isang attractive guy na nakita niya sa isla. Nagulat lang siya na makita doon si Ms. Torres. Member ba ito sa isla tulad ni Saulo or guest lang din?
"Tama nga ang sabi ni Xerxes, dito ka lang namin makikita."
Naglakad ang grupo nito papunta sa table na halos katapat lang niya. Parang gusto niyang itago ang sarili. Kasama lang niya sa meeting ang babae at imposibleng hindi siya nito mamukhaan bilang sekretarya ng kaibigan nito. And not to mention that she even gave her a calling card!
Sa kanilang dalawa mas nakakagulat para dito na makita siya doon sa isla, at mas lalo na siguro kung malaman nito na si Saulo pa ang nagdala sa kanya doon.
"Sinabi niya 'yon? Siraulo talaga. Well, pwede naman mo akong sadyain sa office ko kung may kailangan ka. I'm always available for you, Hermes! Marami akong time!"
"Really? Akala ko binubuhos mo na 'yung oras mo kay Salvatore."
"Si Noah? Oh, please! Fake news! Saan mo nadampot 'yan?"
Tumawa ang babae. Naramdaman ni Eina ang pares ng matang tumutok sa kanya. Nagpatay-malisya siya habang umiinom.
"What, do you know her?" rinig niyang tanong ng lalaking kausap nito.
Sa gilid ng kanyang mata, tumayo si Gigi at lumapit sa kanya. "Eina?"
Well, maybe it's too late to hide herself.
"Miss Gigi?" kunyari nagulat pa ang dalaga nang makita ito. "Kayo po pala 'yan!" Bumati siya at yumuko.
Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat. Mabilis din napalitan ng pagtataka. "It's really you. Anong ginagawa mo dito?"
Kinapa niya ang sarili para sa sagot sa tanong nito. "I'm here for a short vacation."
"Really? That's wonderful. Pero sinong kasama mo? Buti pinayagan ka ni Saulo?"
Napangiwi si Eina. "Actually, I'm here with Sir Saulo. Nagpapahinga lang siya sa cabin."
"You're with Saulo?"
Gusto niyang magpagulong gulong pagkatapos niyang makita ang reaksyon ng babae. Naghalo-halo ang pagkamangha at pagkabigla sa magandang mukha nito. Hindi niya ito masisisi kung mag-isip ito ng iba. Pero bago pa mangyari 'yun, inunahan na niya.
"Nakabukod naman ako ng pinag-i-stay-an, Miss Gigi. Dito ako naka-check in sa Allure."
"Pero si Saulo ang nagdala sa 'yo dito? That's nice of him."
"Parang ganun nga. Pero work-related naman 'yong bakasyon namin."
"Work-related?"
Gigi stared at her with a knowing smile. Oh, please. Alam niyang iba na ang iniisip ng babae. Kahit siya naiisip kung anong iniisip nito.
Tumango na lang si Eina kesa kung ano pang masabi niya. Wala naman dahilan para maging defensive siya. Unang-una, si Saulo nagdala sa kanya doon at parang maamong tupa lang siyang sumunod.
"Mauna na ako, Miss Gigi." aniya.
"Aalis ka na agad?" napatingin ito sa bread niya na hindi pa niya nakakalhati. "Mag-isa ka lang naman ngayon, sabi mo. Halika. May ipapakilala ako sa 'yo."
Hinawakan nito ang braso niya at iginiya siya sa mga kasama nito. Nahiya agad siya pagkalapit sa dalawang lalaki na kasama nito. Sobrang intimidating ng dating ng mga ito, lalo na 'yong may tats sa braso.
Please, she's weak for masculine guys with heavy tattoos! Namula agad ang pisngi niya sa titig na ibinigay nito. Ipinakilala nga siya ni Gigi sa dalawang lalaking kasama nito.
"Eina, meet my friends, this is Hermes and Atticus Monasterio."
Monasterio? Kaano-ano kaya ni Saulo ang dalawang lalaki?
Nakipagkamay sa kanya si Hermes. "Lovely to meet you, Eina. I'm Hermes."
"Nice to meet you," tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Samantalang tinitigan lang siya ng tinawag ni Gigi na Atticus. Hindi man lang nag-abalang tumayo.
"This is my older brother Atticus."
Tinanguan lang siya ng lalaki. Suplado!
"Wala ka namang pupuntahan, Eina right? Join us."
"Hindi na, Miss Gigi. I don't want to bother you. Kailangan ko rin mag-ayos kasi mag-me-meet pa kami mamaya ni Sir Saulo."
"Saulo?," interesadong tumingin sa kanya si Hermes.
"Ofcourse, you know him!" Si Gigi ang sumagot.
Napatitig naman sa kanya si Atticus, and dang, those dark brown eyes literally screamed dominance.
"You work for Saulo?" tanong nito sa malalim na boses. Hindi nito inalis ang titig sa kanya. Nakaramdam tuloy si Eina ng hindi maipaliwanag na pagka-asiwa. Why is he looking at her like that?
"Yes, I work for him as his secretary."
Hindi na ito umimik. So, wala na bang follow-up question? Hindi siya komportable sa lalaki.
Nagpaalam na ulit siya kay Gigi at lumabas na. "Eina, wait!"
Napalingon siya sa babae, hinabol siya nito.
"Miss Gigi."
"Ano ka ba, wag ka na masyadong formal. Wala naman tayo sa meeting. Just call me Gigi."
"Okay." She chuckled.
"Anyway, may lakad ba talaga kayo ni Saulo mamaya or dahilan mo lang 'yon? Medyo intimidating talaga si Atticus."
"Okay lang. Di rin talaga ako makakatagal kasi may dinner kami ni Sir mamaya. Kailangan ko pa rin ayusin mga kalat ko sa room."
"Oh, so mag-dinner kayo later?" napangiti si Gigi. "Tamang-tama, wala akong kasama mamayang mag-dinner. If it's okay with you, sabit ako sa inyo mamaya. Treat ko kayong dalawa."
Natuwa naman si Eina. Nakakahiya rin naman na tanggihan ang kaibigan ni Saulo. Pagpatak ng alas-sais, may kumakatok na agad sa room niya. Pagsilip niya naghihintay na agad sa labas si Saulo.
"Sir, hinintay mo na lang sana ako sa labas." Pinapasok niya ang lalaki sa loob ng room niya. Mabuti na lang nakapag-ayos na siya ng mga gamit niya. Baka wala siyang mukhang maiharap kung sakaling naabutan pa nito ang kwartong makalat.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito,
"Nagpapahinga pa. Ang sakit ng katawan ko. Buti na lang may dala akong salonpas. Gusto mo ba?"
"Nah, I'm too young for that."
So, anong gusto nitong patunayan? Matanda na siya, ganun?
"Mas matanda ka sa 'kin, Sir. Dapat ikaw suki ng mga ganito."
"I worked out a lot. Hindi madaling sumakit ang katawan ko sa mga maliliit na bagay."
Umismid si Eina, itinago ang natitirang salonpas sa pouch niya.
Pinagmasdan niya ang lalaki sa gilid ng mata niya. Hapit ang puting kamiseta na suot nito sa katawan, humahakab sa matigas at matipunong katawan nito. Naka-denim shorts ito pambaba at beach sandals. Naulit na ba niyang sobrang tangkad ni Saulo? Yup. He was six-four at kahit magsuot pa siya ng high-heels kailangan pa rin niya itong tingalain. And God, ang lapad ng mga balikat nito. Hindi niya masisisi ang mga babaeng baliw na baliw dito. Parang inukit sa bakal ang mga muscles sa katawan nito. Napaka-simple lang ni Saulo pumorma, pero iba ang sinasabi ng presensya nito. Ang gwapong mukha nito ang pinaka-sentro ng atensyon.
Napalunok si Eina at napakuyom-palad. Hindi naman siya attracted sa boss niya. Minsan deserving lang din ito sa mga magagandang puri.
"What?" Mabilis niyang iniiwas ang mata niya sa lalaki. Hindi niya alam kung nahuli ba siya nitong nakatingin dito.
"A-Anong sabi mo, Sir? Di ko narinig." Pagkukunwari niya.
"Hindi ka ba magmamadali?"
"Ah, ayun ba. Ready na ako, Sir."
"Are you sure? Akala ko mag-aayos ka pa.."
Napakunot-noo siya, pagkatapos ay napangiti. "Hindi na siguro. Kakain lang naman, Sir. Kailangan ko pa ba magpaganda?"
Umiling ito. Lumabas na sila ng silid at nagpunta sa elevator.
"Kasama natin si Gigi sa dinner. Are you okay with that?"
"Yes, and that's a good thing. Baka meron pa kayong nakalimutan pag-usapan last meeting. Pwede natin balikan. Nagdala na din ako ng notes just in case na may gusto kayong ipa-take note."
Dumako ang tingin nito sa dala niyang sling bag. "Impressive, but we're not going to talk about business here."
"Sir, makisama na lang kayo. Sinabi ko kasi kay Gigi na nandito din tayo for work."
"Why would you say that? Hindi maniniwala sa 'yo yun."
"Hindi? Sir naman kasi, ayaw ko lang naman mag-isip ng iba si Gigi. May dignidad din naman po ako."
"Ako ba wala?" parang nayamot na sabi nito kaya pinakalma din niya ito. Humakbang sila palabas ng elevator nung nasa lobby na sila.
"Hindi naman sa ganun. Pero ayaw ko mabahiran ng iba image mo, Sir. Paano pag ichismis tayo, sabihin na pumapatol ka sa secretary mo manang? Worst part dinala mo pa sa Temptation Island. Gusto mo ba 'yun?"
Ipinilig nito ang ulo, saka humalukipkip. "Hmm, wait. Tingin ko problema mo na 'yun."
"Paanong problema?"
"Kapag may kumalat na ganyan, ikaw ang magiging responsable, Eina."
"Ako? Aba, bakit po? That's really unfair on my part!"
"Kaya siguraduhin mo na hindi kakalat. Clear?"
"Sir, funny mo mag-joke. Bakit ako?" Dramatikong itininuro niya ang sarili at hinabol si Saulo. Naaninag niya ang kapilyuhan sa sulok ng labi nito.
Nagkita na din pala si Saulo at Gigi bago pa umakyat ang lalaki sa hotel niya kanina. Sa isang floating restaurant sila pumunta ni Saulo. Inukopa na nila ang table na ipinareserba habang hinihintay si Gigi.
Di niya mapigilang ma-amaze habang nakatingin sa paligid. Ang romantic ng ambiance, idagdag pa ang kulay ng tubig na nagliliwanag dahil sa mga sulo na nakapwesto sa bawat sulok ng resto. Nawili siyang pagmasdan ang kalmadong tubig habang ninanamnam ang bawat pagyakap ng hangin sa kanyang mukha. Napadilat siya ng may maalala. Napabaling siya kay Saulo na matamang nakatitig sa kanya.
"Sir, by any chance, kilala nyo ba si Atticus Monasterio?"
Nagsalubong ang kilay ni Saulo. "What about him?"
"Nakasabay ko sila kanina sa café. Dun ko kasi nakita si Gigi, at kasama niya si Hermes at Atticus." Hininaan pa niya ang boses. Para siyang marites na naghahatid ng chismis kay Saulo.
"Interesado ka ba kay Atticus?"
"Ha?"
"Parang iba 'yung pagbanggit mo sa pangalan niya."
Kumalat ang init sa pisngi ni Eina. "Malisyoso ka, Sir. Nagkukwento lang ako. Suplado 'yung Atticus."
"Interesado ka nga."
"Interesado lang ako malaman kung kilala nyo sila."
Tumikhim ito at walang emosyon na tinitigan siya. "Ofcourse, they are members of the Monasterio clan. Paanong hindi ko sila makikilala?"
Parang walang gana si Saulo sa paksang 'yun. Insensitive siguro kung bubuksan pa niya at babanggitin dito ang mga Monasterio. Matagal na niyang naririnig na hindi maganda ang relasyon ni Saulo sa biological mom nito. Nasa poder na ito ng mga Villeda simula pa lang noong bata ito.
Surpresa nga na malapit na kaibigan nito si Lucian. Ito din siguro ang dahilan kung bakit may membership si Saulo sa isla kahit pag-aari pa iyon ng mga Monasterio.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top