Chapter 1


 Impit na umungol si Eina habang minamasahe ang hubad na dibdib habang ang kaliwa ay nasa ibabaw ng pagkababae niya. Nang muli niyang iminulat ang mata, ganun na lang ang ngiti niya sa dami ng tip na bumabagsak. Dollars!

Mapungay na nagnining ang mata niya. "Aw, thank you for the tip, boys."

Hindi pa niya tuluyang nahuhubad ang lahat ng saplot, nasasagad na niya ang kota sa gabing iyon. She teased them more. Hinawi lang niya nang konti ang lingerie niya, ipinasilip saglit para takamin ang mga matang nakaabang sa kanyang hubadin niya 'yon ng tuluyan.

Tila hindi na makapaghintay ang viewers niya.

"Let me see that pussy."

"You guys are dirty," she chuckled. Aliw na aliw siyang basahin ang comment section. "Give me more, and I'll take it off for you boys." Feeling niya maaabot na agad niya ang coins goal para tanggalin iyon, o mukhang malalagpasan pa nga.

HotHeadedBULL sent you 100,000 coins.

Oh, shit. He's here again.

Napakagat-labi si Eina. Ngayon lang pumasok si HotHeadedBULL sa stream niya. Ilang araw 'tong nawala and she missed him. Ah, syempre hindi ito mismo kundi ang mga tip nito. Sa lahat ng casual viewer niya doon, he was the most generous. Last week he just sent her 1,000,000 coins in just one stream. Grabe 'yung pagkabigla niya.

HotHeadedBULL: I missed that p*ssy, show it baby.

She imagined him whispering that to her. Tumayo ang balahibo sa batok niya, at tila may init na rumagasa sa mga ugat niya. Dahan-dahan niyang hinubad ang huling saplot.

HotHeadedBULL: Spread your legs.

Naging sunud-sunuran lang ang dalaga. Sa dami ng comments na dumadagsa, tanging ang comments lang ng viewer na 'to ang nakikita niya.

HotHeadedBULL: Show me the cl*t.

Gamit ang daliri, ibinuka niya iyon para ipakita dito. Then she use her thumb to tease it. Muling umulan ng tip.

HotHeadedBULL: Fucking hot. Want to fuck you so bad.

HotHeadedBULL: Want to fuck you and make you sore all week.

Isinilid niya ang daliri sa pagitan ng hita niya at marahang inilabas-masok. Sinundan agad niya iyon ng dalawa. Umungol siya, mahahaba at sensuwal. She made sure they would know that she's enjoying it.

Basang-basa na siya kaya swabeng naglalabas-masok ang daliri niya. Kagat-labing sumulyap siya sa comment section.

HotHeadedBULL: Damn. That's the most beautiful pussy I've ever seen.

He made her blushed again. Ilang beses na niyang nabasa iyon mula sa viewers niya, pero iba talaga kapag galing sa lalaking ito.

HotHeadedBULL: Make it three fingers, baby.

One more finger. It's not gonna hurt her. Napaawang ang labi ni Eina sa pagdagdag ng isa pa. Pakiramdam niya nababanat siya.

HotHeadedBULL: Fucking beautiful.

She moaned at the compliment. Pinagpatuloy niya ang pagpapaligaya sa sarili habang nanonood ang mga ito sa kanya.

After a few minutes..

HotHeadedBULL: Make it four now.

What—seryoso ba? Namilog ang mata niya ng kaunti ngunit hindi ipinahalata ang pagkagulat. Nakita niya ang pag-cheer ng mga manonood sa ibabang screen. Ugh, no. They want them to make it four? Nakaramdam siya ng pagkauhaw. That's really hard.

"I don't think four fingers would fit inside me.." she chuckled nervously. "That's hard."

HotHeadedBULL: Four fingers or my dick inside you. Choose.

H*rnydude: man you're delusional if you think she would choose your dick

HotHeadedBULL: you mean my third leg?

He's that big? Mas lalo niyang hindi kakayanin yong ganon. Di nga niya alam kung makakaya niya ang dare nito. Four fingers inside her? Good luck to her. Humiga siya sa kama niya. Tapos ay ibinuka ang mga hita, nakaangat ang mga binti sa ere. Sa anggulong iyon kitang-kita ng mga ito ang magkabilang butas niya. Huminga siya ng malalim bago subukang ipasok ang daliri. Nanginig ang sikmura niya sa kaba habang paisa-isa niyang isinilid ang mga daliri. She took a deep breath.

"One more," she said and slid the fourth finger. "Uhm."

Eina felt so stretched and so full. Hindi pa niya nasubukang gawin ito sa mga nagdaang stream niya. Kung ano man ang pumasok sa isip niya para sundin ang estranghero ay hindi niya alam. She's crazy.

Shit. Dapat malaki ang i-tip nito sa kanya. She really did it for him. It was his request. She continue to touch herself, and after a few minutes she came hard.

Habol-habol niya ang hininga nang matapos siya. Pinagpawisan si Eina doon.

"Oh, God." Nakapikit pa siya. Nahihilo sa sensasyong naramdaman pagkatapos labasan. That's really bold of her.

Pero hindi ba iyon ang ginagawa niya? That's the point. To be bold and wild. Napailing siya at muling sumulyap sa comment section.

"OH, WOW."

HotHeadedBULL sent you 500,000 coins!

Nagulat siya sa laki ng tip nito. May iba pang nag-send ng tip and virtual gifts, pero walang mas lalaki sa ibinigay nito. Nag-convert agad siya ng dollar sa isip.

HotHeadedBULL: Good girl. Can't wait to see more next time.

Napangiti si Eina. She was happy to know that she satisfied him. She ended the stream after an hour.

Maagang pumasok si Eina kinabukasan sa opisina. Nakasabay pa niya si Kristine sa elevator.

"Uy, Eina! Good morning." bati nito sa kanya.

"Morning," tipid na ngumiti siya. May kausap pa ito sa telepono nito at mukhang may pinagtsi-tsismisan na naman. Walang bago dun. Isa ito sa mga kilala niyang talentadong marites, kaya ito ang pinaka-iiwasan niya sa opisina.

Friendly naman ito sa kanya pero kadikit na yata ng pagiging friendly nito ay saksakan naman ng pagka-malisyosa. May diploma na sa pagiging chismosa. Kapag nakakasalubong pa naman niya ito, ang lawak ng ngiti. Naguguni-gunihan nga niyang may antenna ito sa ulo. Laging updated sa mga balita.

Wala naman siyang problema kung chismoso. Hindi naman naaapektuhan ang trabaho niya. Nakadistansya lang rin siya. Madalang na paunlakan niya ang invites ng mga ito kapag lumalabas sa gabi. Umiiwas lang siya sa mga taong mahilig mangalkal ng buhay ng iba. At para sa tulad niyang may itinatago, kailangan niyang piliin ang pinapapasok sa buhay niya.

Walang nakakalaam sa ginagawa niya sa Playmate. She was hiding behind her mask just to make sure that no one will recognized her. Kailangan maitago niya ang pagkakakilanlan niya at masiguradong wala siyang maiiwang bakas ng pagkatao niya.

Kung sakaling makarating iyon kay Saulo o kahit sinong nagtatrabaho sa team nila, walang pagdadalawang isip na tatanggalin siya nito sa SVD holding at ang mas malalang scenario ay baka wala nang kompanyang gusto pang tumanggap sa kanya pagkatapos nun. Hindi man biro ang laki ng income na nakukuha niya sa Playmate, kailangan pa rin niya ng stable job. Nag-iipon siya para magamit niya iyon pag mag-desisyon na siyang umalis kay Saulo. Hindi naman siya nangangarap na maging empleyado lang habambuhay.

Binuksan niya ang opisina ni Saulo at pumasok sa loob. As expected, wala pa rin doon ang lalaki. Marahil nasa kama pa din ito kasama ang babaeng nakakapit sa braso nito kahapon nang umalis doon.

May isang beses na niyang nadatnan si Saulo sa condo nito na nakahilata pa rin habang may nakayakap ditong babae. Parehas walang saplot. Mabuti na lang ganon lang ang nadatnan niya. Baka wala na siyang trabaho kung sakaling nadatnan niyang may ginagawa ang dalawa.

Iyon 'yong time na napilitan siyang puntahan ang lalaki for the board meeting. Male-late na kasi ito at baka maulit na naman na hindi ito makapunta. Bagay talaga sa boss niya ang pangalan nito. Literal na sakit sa ulo.

Nung umulan ng red flags, malamang ay naliligo si Saulo at nagtatampisaw pa. He was every good father's nightmare. Iyong lalaki na hindi gugustuhin ng magulang para sa anak nilang babae. And if there would be another name for him, that would be danger. Promise. Bilang sekretarya nito, ilang beses na niyang nasaksihan ang mga babaeng papasok doon na may matamis na ngiti sa labi, at lalabas na lang na nakangiwi. Hindi na tuwid ang lakad.

Ingat nga siya kapag umuupo sa couch ng boss niya. Baka may bakas na naman ng mga tumalsik matapos ang sakuna. Tama na ang isang beses na trauma. Hindi na niya hinayaang maulit. He is sometimes messy at siya lang naman ang sekretarya nitong tagalinis ng kalat nito. O di ba? Di na siya magtaka kung ang pangalan niya sa phone nito ay Miss Cleaner.

Kinuha niya sa bag ang card holder na naglalaman ng "VIP Card" nito. Pasimpleng inilagay niya iyon sa ibabaw ng table ni Saulo para makita agad nito kapag dumating na 'to mamaya. Hindi rin niya alam kung bakit naisipan niyang iuwi iyon.

Curiosity? Di siya magpapanggap na hindi siya aware kung saan ang islang 'yon. Actually, matagal na niyang hinala na may membership sa Temptation Island si Saulo. She's not surprised at all. Mas magugulat pa siguro siya kung walang interes ang lalaki sa nasabing sex island. Isa pang hinala nga niya ay may investment si Saulo sa Temptation Island. Madalas itong pumupunta sa mga pagtitipon na organized ng mga Monasterio's.

Knowing him, hindi nito palalagpasin ang mga ganoong pagkakataon. Matinik man sa babae si Saulo, she cannot deny that he is a business genius. Four years ago, he was hailed as one of the most successful young CEO in ASIA. Taon-taon itong nafe-featured sa mga sikat na magazines. Tanyag ang pangalan nito. Minsan ay nalulula siya sa dami ng achievements ng lalaking iyon. College pa lamang si Eina ay nakikita na niya ang boss sa covers ng mga magazine. Hindi naman nakakataka iyon. He is a Villeda and a Monasterio. Parehong galing sa kilalang business empire ang mga magulang nito.

Pagkalipas ng isang oras, dumating din si Saulo. Napa-angat pa siya ng tingin nang tumigil ito sa harapan niya. "Good morning, Sir."

Tumayo siya para batiin ito. Eh, kasi kung nanatili siyang nakaupo. Sasakit ang batok niya sa pagtingala kay Saulo.

Yup, he's a huge beast. Sa tangkad nitong 6'4, di niya minsan maiwasan matakot dito kasi napaka-intimidating ng awra nito and that he made her look like a bite-sized queen. 5'8 na nga si Eina pero nanliliit pa rin siya pag itinabi sa lalaki. Matangkad na siya para sa isang Pinay, thanks to her Spanish-Australian father.

"Good morning, Eina. I need you to do something for me again." Kaswal na sabi nito. Ngumiti lang siya. Well, obviously. That's why I'm here.

"Come to my office."

Tahimik na sumunod lang si Eina sa lalaki. Nakikinig lang siya habang binibigay sa kanya ni Saulo ang instructions sa sunod niyang gagawin. Binigyan lang siya nito ng two days para tapusin iyon.

"One more question."

"Ano 'yon, Sir?"

"Are you familiar with the site called Playmate?" he asked, pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa kanya. Nanlamig ang katawan ni Eina.

"S-Sir?" pag-ulit niya, baka nagkamali lang siya ng rinig. Hindi maaaring may alam ito sa ginagawa niya.

"Playmate. Alam mo ba 'yon? It's a live streaming site."

Parang bubuhusan siya ng isang bucket ng ice. Ang lahat ng takot niya ay parang nagsama-sama. Nanlamig ang palad niya at hindi niya alam kung anong isasagot. Paano nito nalaman 'yon? Oh, no. Sana hindi tulad ng iniisip niya.

"I-I 'm sorry but I don't have any idea—"

Tumawa ito. "Ofcourse.. I already expected that answer. Natanong ko lang naman. It's a live streaming site for cam girls."

"Ooh," arte niya lang kunyari wala siyang ideya. Mukhang mali siya. Hindi ito tungkol sa kanya. "Nanonood ka, Sir?"

Tumingin sa kanya si Saulo, at bahagyang umangat ang kilay. Ofcourse not. He's Saulo Villeda! Hindi nito kailangan mag-open ng Playmate site. Ang daming babaeng willing na sumama dito. He was every dirty girl's fantasy. Iyong lalaking papangarapin na makatabi sa kama at kumalabit sa pagitan ng hita nila gabi-gabi. She couldn't blame them. If she's going to be really honest, wala siyang nakitang lalaki na tatapat kay Saulo pagdating sa face value and built ng katawan nito.

Kahit sa pabangong gamit nito, parang pagmamay-ari nito iyon dahil tanging sa lalaki lang nababagay ang amoy na 'yun. God, hindi naman siya kasama sa liga ng mga babaeng nahuhumaling dito para bigyan niya ito ng sandamukal na papuri. She just want to say that he's not a typical eye-candy hunk.. He's better. Saksi si Eina sa mga co-workers niyang nagpapantasya dito kahit na alam ng mga iyon na malabo silang masulyapan ni Saulo. Iyon si Kristine, number one na may crush 'yon sa boss niya. Laging updated sa mga babaeng dine-date ni Saulo. Mapa-celebrity o non-celeb kilala nito. Naghihintay na nga lang siya masesante ito sa pagiging number one chismosa.

"Tingin mo?" sabi ni Saulo.

"I don't think you have time for cam girls, Sir."

He sighed, "I need you to look for this site. Then sendan mo ako sa email ng personal reviews mo. Want to know your opinion. I need it before 5pm."

Nanlaki ang mata niya. "Before 5 pm? Sir, irereview ko talaga 'yong site? " medyo tumaas ang boses ni Eina sa pagkabigla.

Ayos ka lang, Sir?

Liwanag na 'yan, papanoorin siya nito ng nagla-live stream na cam girls? Ano 'yun? Mag-rate siya ng mga pechay?

"You have a problem with that?"

"Sir, kasi—" napakamot siya sa leeg, "Seryoso? Manonood ako ng mga nagpapakita ng pechay, Sir?"

"Bakit, ano bang gusto mong makita? Sorry to disappoint you, Eina, there's no cam boys in the site if you want to see other things."

"Di naman 'yun ang ibig kong sabihin, Sir. Sanay naman akong makakita ng pechay, alam nyo na, pero kasi kung gagawin ko siya sa working area ko—"

"That's not a big problem. You can browse the site here in my office. Dyan ka sa couch kung nag-aalala kang may ibang makinood sa 'yo at akusahan kang may atraksyon sa kapwa babae?"

Natigilan si Eina. Bakit patanong? Namilog ang mata niya nang mapansin na parang may iba sa tingin nito sa kanya. May kasamang panghihinala?

Hindi naman siguro nito iniisip na shibuli siya? Maloloka yata siya.

"Really, it's not that hard. Maybe you need it. Check mo lang 'yong site. For now you can go back to your table."

Pagdating niya sa table, tumingin siya sa salamin niya. Mukha ba siyang shibuli sa mga mata nito?

Kahit asar na asar si Eina nang umagang 'yon, nakaraos naman ang maghapon niya na nakatapos siya sa "trabaho" niya. Arte arte lang talaga niya 'yong kanina na di niya kayang manood ng live stream. Hindi na niya kailangan manood.

She is very familiar with site. Matagal na siyang live streamer sa Playmate. Konti pa lang ang users nun, nandoon na siya. Mga foreign talaga ang market ng site. Wala pang masyadong pinoy doon noon. Ngayon medyo marami na kasi sumisikat na din 'yon sa bansa.

She started streaming two years ago. Nagkaroon ng mild stroke nun ang nanay niya at nagka-baon baon siya sa utang para sa gastusin nito sa ospital at therapy nito. Marami pa siyang personal na gastusin noon kasi kasisimula pa lang niyang magbayad sa condo unit niya at marami pa din siyang utang na ginamit pa nun sa pagtustos ng pag-aaral niya. Hindi naman sila mayaman. Hindi siya handa para sa ganoong gastusin. Para siyang mababaliw noon sa kung saan makakakuha ng pera.

 Masyado siyang mahiyain para humingi ng saklolo sa iba, kahit sa boss niya. And that time may nag-trend na cam girl na kumikita ng 100K a night. Hindi siya makapaniwala na may kayang kumite ng ganoon sa livestreaming. Pinag-aralan niya iyon and in just one night, doon siya nag-desisyon.

 Naisip niya mas kaya niyang gawin 'yon kesa humingi ng tulong. Atleast paghihirapan niya 'yon. Mabilis siyang nagdecide para sa kanya at sa nanay niya. Solong anak lang siya at solo din niya ang responsibilidad dito. Hindi niya kayang makita itong ganoon na wala siyang gagawin. She was already desperate. Sumugal na siya at tinanggal ang hiya, and that night she became the Midnight Mistress.

 Hindi madali para sa kanya 'yon sa umpisa. May oras na kinikilabutan at nahihiya siya para sa sarili. May mga gabing inaatake siya ng anxiety. She kept on asking herself, kung kailangan ba niya iyon gawin o kung wala na ba ibang way.

Lagi siyang bumabalik sa naging dahilan ng pagpasok niya doon: Her loans. Her mother. Her bills.

Wala siyang ibang makakapitan. Ni hindi niya maaasahan ang mga kamag-anak ng kanyang nanay. Tanging silang dalawa lang talaga. Wala din siyang tatay. Naanakan lang ang nanay niya kaya siya nabuo. Pero sa imbes na ipalaglag siya, pinanindigan naman siya ng nanay niya. Pinalaki kahit mag-isa lang ito. Dalawa ang trabaho nito para lang masiguradong makakapagtapos siya ng pag-aaral. Pwedeng pang-MMK episode ang buhay niya kung sakali lang sumikat siya.

 Naitawid niya ang mga pangangailangan ng nanay niya. Okay na ito ngayon pero hanggang ngayon ginagawa pa rin niya ang trabahong 'yun kahit matagal na niyang nabayaran ang loans niya. Simula nang pumatok siya sa Playmate gamit ang Midnight Mistress, mas napadali ang pagbabayad niya sa mga utang niya. Nakakapag-ipon pa siya. Kung tutuusin pwede na siyang huminto. Deactivate her Playmate account and forget that she was once a camgirl. Stable naman siya sa trabaho niya, eh. Hindi naman din biro ang income niya ngayon bilang sekretarya. Marami siyang benefits doon at hindi na siya matatakot pang bumalik ulit sa dating sitwasyon niya.

But for some reason, hindi niya magawang huminto...


"So, what can you say?" untag sa kanya ni Saulo nang tawagin ulit siya nito sa office nito. Nakatingin ito sa homepage ng Playmate.

"I like it, Sir."

Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "You like it?"

Nag-init yata pati bumbunan niya. "Not in a sexual way, Sir. I'm a straight woman."

"Okay?"

Wait, bakit parang di pa yata 'to convinced? "Curious lang ako, bakit naging interested yata kayo sa site na ito? Are you into camgirls now?" she joked.

"That's none of your business."

Napahiya siya. "Sorry, Sir. I didn't mean to—"

"It's okay. Ikaw ba, hindi nakuha ng mga babae dito ang interes mo?"

"S-Sir?"

Ngumisi ang lalaki. "Just kidding. You can go home now. Ayun lang naman."

Hindi naman siguro inassumed ni Saulo na into girls siya? Maloloka yata si Eina.

Humilata agad siya sa kama pagkauwi ng bahay. Parang pinasan niya ang daigdig sa pagod na naramdaman niya. Mga ilang taon pa kaya siya magtitiis sa pagiging empleyado? Bata pa siya kaya maaga pa para pag-isipan ang pagreresign. Kayang-kaya pa naman niya. Minsan lang kapag mag-isa na siya, saka lang niya nararamdaman ang pagka-drained ng energy niya. At sa mga ganong scenario lang siya napapaisip na bumalik na lang sa probinsya at magpagawa ng bahay sa lupang nabili niya dahil sa "extra income" niya.

Masarap at simple lang ang buhay sa probinsya. Isa pa, doon na din nakatira ang nanay niya ngayon. Kinakasama na nito ang lalaking nakilala nito noong mga panahon na nanatili ito sa ospital. Kinuha niya ang phone at naisipang tawagan ito. Mga two missed calls pa bago ito sumagot

"Ineng! Ngayon ka lang napatawag?"

"Ang tagal nyo naman sagutin 'Nay. Kararating ko lang sa trabaho."

"Ganoon ba. Galing din ako sa bayan. Namili lang kami ni Greg ng grocery at bukas maghahanda kami."

"Anong meron?" tanong niya.

"Monsary namin," kinikilig pang sagot nito.

Napaismid si Eina. "At maghahanda kayo dahil doon? Ang tatanda nyo na para mag-celebrate n'yan!"

"Bakit hindi? Walang pinipiling edad 'yan! Mag-asawa ka na nga para naman nakaka-relate ka."

"Pag-aasawahin nyo ako, eh wala nga akong jowa. Mag-anak na nga lang ako, Nay no? Pabuntis na lang ako. Kaya ko naman maging single mom."

"Susmaryosep ka! Kung bibigyan mo lang din ako ng apo, bakit hindi ka muna maghanap ng asawa? Mahirap magpalaki ng mag-isa lang, sinasabi ko sa 'yo. Wag na wag kang gagaya sa akin. Kung ayaw mong maranasan ng anak mo ang naranasan mo."

Mahirap nga 'yong buhay nila noon. Lalo na ang nanay niya na tumatanggap ng dalawang trabaho. Halos wala itong pahinga noon. At siya, kailangan niya noon dumiskarte din para habang nag-aaral siya ay nakakatulong siya dito. Kaliwa't kanan ang utang niya para sa mga gastusin sa paaralan.

Mahigit kahalating oras silang nag-usap ng ina bago ito magpaalam. Magluluto na daw ng hapunan. Kapag nakabakante talaga siya ng mga ilang araw bibisitahin niya ang mga ito. Sa Baguio ito ngayon nakatira. Kapag bumibisita siya, isang gabi lang siya doon tapos kinabukasan uuwi din. Bibihira siyang magtagal dahil sa trabaho. Ang gusto lang niya doon nakakapamili siya ng mga murang gulay. Marami din siyang naiiuuwing ube at strawberry jam.

Hindi namalayan ni Eina nakatulog na siya. Alas dies na ng gabi nang magising siya. Nakalimutan niyang hindi pa siya nakakapag-dinner. Nagpa-deliver na lang siya ng pagkain.

Naalala niya dapat may stream siya ngayong gabi. Wala siya sa mood ngayon. Pass muna. Pero habang kumakain, nagbukas siya ng email na ginagamit niya for Playmate. Sanay na siyang magbasa ng indecent proposal. Wala naman sa mga ito ang totoong nakakaalam kung sino siya.

Natigilan si Eina nang may pumasok na new email sa kanya.


Hi there, Mistress. Are you up for private session?

- HotHeadedBull

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top