Kabanata 3
Ella
"Pumupunta ka ba talaga sa Divisoria kapag gabi, Ma'am?" Inaalis ni Cairo sa stick ang barbecue na bagong luto at isinasalin don sa paperplate na nasa gitna. Nilagyan din nito ng kanin ang plato nito at humingi pa ng juice.
"Oo. Malapit lang ang bahay ko rito, ikaw?"
Pilyong ngumisi si Cairo, "Meron ka ng address ko 'di ba? Hindi mo ba tiningnan kung saan ako nakatira?"
Nag-init ang pisngi niya sa akusasyon. Napaka-feeling! Ang hilig magpa-cute ni Cairo, napakalandi pa. "Bakit ko naman titingnan? Stalker ba ako?" Sumubo siya ng mainit na kanin at barbecue. Muntik pa niyang makalimutan ang gutom niya dahil hindi na siya iniwanan ni Cairo sa buong Divisoria haul niya.
"Bakit ka galit?" Hindi mawala-wala ang nakakalokong ngisi ng binata.
"Hindi ako galit." Nakairap na sabi niya.
"The more you hate, the more you--"
Itinapat ni Ella ang stick ng barbecue kay Cairo at nagbantang tusukin ito. "Sige, ituloy mo. Tutusukin kita."
"Pikon ka talaga, Ma'am? O sa akin lang yang lambing na yan?"
She rolled her eyes at him, "Special yarn?" Uminom siya ng gulaman at itinuloy ang sasabihin, "Pinagbibintangan mo kasing may gusto ako sa iyo. Ano yun? Lahat ng babae magkakagusto dapat sa'yo? Gold ka?"
"Hindi naman 'dapat', nangyayari na lang na nagkakagusto sila sakin. Hindi nga ako maka-catch up sa dami nila."
"Wow. Kawawa ka naman." Umirap muli siya, natawa muli si Cairo. Ano yun? Aliw na aliw sa kanya? Gustong-gustong ginagalit siya. "Isa pa, may boyfriend ako. Huwag mo akong binibiro dahil hindi magandang biro yan, nakakasira ka ng relasyon."
May moment of silence dahil sa sinabi niya. Hindi agad kumibo si Cairo, kahit ang sumandok ng pagkain ay hindi nito ginawa.
"May boyfriend ka na?" Tanong nito sa mababang boses. Nag-angat siya ng tingin dito, pinaglalaruan nito ang stick ng barbecue sa kanang kamay.
"Oo" Mayabang niyang sabi, "Banker siya."
"Banker?" Mahinang natawa si Cairo, "DOM?"
"Anong DOM? Ni-literal?!" Itinulak niya ang buhok patungo sa likod at uminom ulit ng inumin. "Well, nagbibigay ng pera pero totoong banker siya. Ang point ko, may boyfriend ako!"
Nagkibit-balikat si Cairo at itinuloy na ang pagkain. Siya naman ay nagmamadali na. Bigla rin nanahimik si Cairo kaya parang ang awkward bigla. Magtatanong-tanong tapos biglang ganon ang reaksyon, parang ang boring pa ng kwento niya bigla. Nang matapos na siyang kumain ay tumayo na siya at lumapit kay Shiela.
"Salamat sa libreng hapunan, masarap." Sabi niya sa nagpapaypay ng ihawan na si Shiela. Lumawak ang ngiti nito.
"Naku, mabuti at nagustuhan mo. 'Pag nadaan ka ulit, punta ka rito at ililibre pa kita."
Nilingon niya si Cairo at tumayo na rin ito.
"Salamat, Shiela. Hintayin kong magsara ang tindahan mo at ako na ang magsasakay ng mga gamit mo sa tricycle kapalit ng hapunan. Para hindi ka na magbayad kay Itok." Napangiti si Shiela sa sinabi ni Cairo.
"Sabi mo yan, Cairo ha?"
Tipid na tumango si Cairo. Nakaramdam siya ng pangongonsensya sa panghuhusga rito kanina. He is not actually asking for free stuff, he serves the people of Divisoria in exchange of free stuffs. Kaya lang bakit kasi panay ang pangungulit?
"Salamat, Cairo. Magkita na lang tayo sa school." Hinarap niya ito pero napansin niyang salubong ang kilay nito at medyo seryoso. Ang bilis naman magbago ng mood.
"Uuwi ka na, Ma'am?"
Tumango siya, "Oo. Gumagabi na rin. Ikaw? Hanggang anong oras ka rito?"
"Bukas na ako uuwi, alas-singko." Sagot nito habang iniipon ang kanilang pinagkainan para itapon sa basurahan.
"Ha? Alas-otso ang klase ah."
"Huwag kang mag-alala, hindi ako male-late, Ma'am." Inaayos na niya ang upuan. Lumapit siya rito.
"Oo, pero paano ka matutulog?"
"Sa klase." Hinuli muli nito ang kanyang mga titig.
Umirap muli siya rito. He laughed a bit. "Asan na ang boyfriend mo? Hindi ka ba ihahatid?"
"Malapit lang ang bahay ko rito. Isang jeep lang."
"Pero gabi na, Ma'am."
"Alam ko ang pasikot-sikot dito." Medyo nagmamalaki niyang sabi dahil totoo naman. Minsan nga, kapag hindi masyadong mainit, naglalakad pa siya papauwi. Wala namang mahoholdap sa kanya dahil madalas ay wala rin siyang cash na bitbit.
"Sandali, hintayin mo ako rito, Ma'am." Kahit hindi niya alam ang hihintayin, pinanood niya na lang ang pagjogging ni Cairo at humalo na sa mga tao.
"Teacher ka ba talaga ni Cairo, Ma'am?"
Napalingon siya kay Shiela. Wala na masyadong inaasikaso itong ihaw kaya siguro nakikipagkwentuhan na.
Ngumiti siya at tumango. Nahihiya itong ngumiti.
"Ah, akala ko girlfriend ka o nililigawan. Masyado ka pa kasing bata tingnan. Sabagay, si Cairo naman ay patigil-tigil din sa pag-aaral kasi sinusuportahan niya yung kapatid niya na mas matalino raw sa kanya."
"May kapatid siya?"
"Oo. Ilang taon ka na ba?" Tanong nito habang tinatanggap ang mga barbecue na ipinapaihaw ng bagong dating na customer.
"21."
"Oh, kasing-edad mo siguro ang kapatid niya. Nanibago lang ako na may isinabay siya sa pagkain. Hindi naman umuupo yan kapag nandito sa Divisoria. Lahat ng pwedeng tulungan, tinutulungan para kumita. Kaya nga kaming lahat dito, kahit walang kailangan, binibigyan namin siya ng gagawin para makatulong na rin sa pangangailangan niya."
Pakiramdam niya ay may kumurot sa kanyang puso. Breadwinner din pala si Cairo, at mukhang doble o triple pa ang kayod kumpara sa kanya.
"Kaya Ma'am.. Sana huwag mong ibagsak si Cairo para makatapos at makaalis na siya rito. Hindi siya bagay dito. Sabi nga namin, mag-artista na lang siya, ang sabi hindi daw pwede at baka makita siya ng Tatay nila."
Bago pa siya makapagtanong kay Shiela ay nakita na niya si Cairo na tumatakbo papalapit sa kanya. Nakasuot na ito ng puting v-neck shirt.
"Hatid na kita, Ma'am."
"H-ha? Huwag na. Kanina pa ako nakakaabala sa iyo." Matigas na tanggi niya.
"Malakas ka sakin, Ma'am. Saka baka hindi ako mapalagay kapag hindi ko malaman na nakauwi ka na."
"Itetext na lang kita."
Malisyosong ngumisi na naman ang loko.
"Naka-save na yung number ko sa phone mo? Ikaw talaga, Ma'am."
"Hindi pa! Iniwan ko rin sa faculty ang index cards kaya hihingin ko ang number mo." Nabitiwan na niya ang salita bago niya pa mapagtanto na may mali sa kanyang sinabi. Magfi-feeling na naman!
"Hinihingi mo ang number ko? Exchange tayo ng number, Ma'am?" Pagkukumpirma pa nito sa kanya.
Kanina lang ay naaawa siya rito, ngayon umiinit na naman ang kanyang ulo. Ang kulit talaga! Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Nakakahiya kasi kay Shiela na nakikinig din sa kanila.
"Akin na ang cellphone mo. Itatype ko ang number ko." Wala na siyang pakialam kahit tuksuhin pa siya ni Cairo. At least hindi niya na maabala.
Nakangisi si Cairo na inabot ang cellphone nito. Simple lang itong modelo ng cellphone at medyo mabagal pero gumagana pa naman. She hurriedly typed her number and give it back. Tumunog ang cellphone niya pagkatapos dahil pinapa-ring pala ni Cairo. She sighed and saved Cairo's number.
"Magtetext na lang ako kapag nakauwi na. Salamat." Walang gana niyang sabi at saka naglakad papalayo. Mabuti at nakita niya agad ang jeep na sasakyan, wala na rin masyadong pasahero dahil mag-a-alas nuebe na, tapos na ang rush hour.
Nang makaupo siya sa loob ng jeep ay may agad na tumabi siya, "Bayad po, dalawa."
Gulat na gulat siya nang makita si Cairo sa kanyang tabi. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka sumakay? Hindi ba sinabi ko, magtetext na lang ako?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Madilim na, hindi dapat mag-isa ang mga kagaya mong maganda at maigsi ang shorts kapag ganito na."
Wala sa sariling hinila niya ang shorts niya as if hahaba naman iyon.
"Oo na, pero sana ay hindi ka na sumunod."
Wala pang 10 minutes, nakita na niya ang bababaan niyang kanto papasok sa kalsada nila. Pumara siya at sumunod pa rin si Cairo. Hindi na niya inawat kasi nandito na rin naman at nakasunod na. Ilang hakbang na rin lang naman ay apartment na niya.
Huminto sila nang makarating sa tirihan niya, "Pasensya ka na, nakaabala pa ako sa iyo."
Umiling si Cairo, "Sumisipsip ako, Ma'am."
"Alam ko. Umuwi ka ng maaga para makapagpahinga ka bago pumasok."
"Nag-aalala ka?"
"Feelingero mo talaga!"
Natawa si Cairo, "Pasok ka na. Aalis na ako."
Tumango siya at binuksan ang maliit niyang gate. Hindi kumilos si Cairo hanggang sa makapasok na siya sa loob ng bahay. Saka lang tumalikod ito at naglakad papalayo nang makitang nasa loob na siya ng pinto.
Iniangat niya ang hawak na plastik na merong kung ano-anong paninda mula sa mga taga-hanga ni Cairo. Hindi niya namalayan na napangiti siya.
"Hay naku, Ella, bakit ka ngumingiti?" Pagalit niya sa sarili habang sinasampal ang bibig. Tumikhim siya at dumiretso sa kusina, inayos ang mga bitbit niya bago naghanda sa pagtulog.
Habang nagpapatuyo ng buhok sa kama ay tumunog ang cellphone niya.
Cairo: Safe akong nakabalik sa Divisoria, Ma'am. Wag ka na mag-alala.
Ang kapal talaga ng mukha! Hindi naman siya nag-aalala talaga. Assumero. Itinabi niya ang cellphone at hindi na nag-reply. Humiga siya at pumikit. But then, images of Cairo crossed her mind. Naguluhan siya sa nararamdaman, magkahalong galit at awa sa makulit na binata. Pero in fairness, nakakaawa ha. Parang mas malupit pa rito ang tadhana.
"Mayaman yarn?" Pinuna niya ang sarili, "Girl, nakakaawa ka rin at naaawa ka pa kay Cairo? Mother Theresa ka?" Inis siyang napadilat sa naiisip.
Tumunog muli ang phone niya, isang mensahe naman mula sa Skype.
Jack Cole: Hi Baby! I hope you found the one...
The one? Pinag-isipan niya pang mabuti kung ano ang tinutukoy pero napagtanto niyang tungkol iyon sa taga-pop ng cherry niya. She rolled her eyes.
Isa ka pa! Kung makapressure ka parang tigang na tigang!
Walang gana siyang nagreply.
Kelly Vogue: I already found you, Honey my love so sweet.
Jack Cole: Not me, silly! I meant your practice guy! I am really looking forward to doing it with you my Baby... Hope it will be soon...
Nakakapressure talaga dahil nasa kanya na ang pambayad. Saan kaya siya maghahanap? Sa White Bird? Sa Adonis? Inisip niya ang mga pangalan ng gay bar na pupwedeng puntahan. Eh kung itakbo na lang niya ang budget na pang-pop sa cherry at move on na lang sa ibang Afam? Huwag na siyang maghangad ng mas malaki pa.
Naalala niya bigla ang sinabi ni Shiela.
"Kaya Ma'am.. Sana huwag mong ibagsak si Cairo para makatapos at makaalis na siya rito. Hindi siya bagay dito.."
Kinilabutan siya sa sumagit sa isip.
Damn it, do not cross there, Ella. Huwag kang mangarap na mag-ahon kay Cairo sa hirap.
"Student-teacher relationships are not allowed. So what kung substitute teacher lang ako? Teacher pa rin! And what? Si Cairo? Napakahangin 'non! Baka nga ipagkalat na sabay sila naghapunan bukas na bukas din!"
Ipinilig niya ang ulo at nagfocus kay Jack.
Kelly Vogue: Yes, I'll do it, Honey. Give me a week...
Dumaan muli sa kanyang isip ang mukha ni Cairo at ang imahe nitong walang pang-itaas. Kung ganoon lang sana si Jack, kahit walang praktis-praktis ay baka maging game siya.
Putspa! Kinilabutan muli siya sa naiisip. "Hindi siya, Ella. Hindi si Cairo. Dapat hindi mo kilala ang magpa-pop ng cherry mo. Paano ka pa magtuturo kung may makakakita na ng dede mo na nasa klase? Baka nakangising aso yon hanggang matapos ang semestre!"
Napuyat tuloy siya kinabukasan. Sana pala sumideline na rin lang siya sa Divisoria kung kukulangin din pala siya ng tulog. Bwisit na ideya ang dumaain sa kanyang isip.
"Good morning, Ma'am Ella." Papasok pa lang siya ng faculty room ay binati na siya ni Sir Ver.
"Good morning, Sir. Kukunin ko lang ang index cards ko at libro." She nodded politely.
"Baka pwede mo na akong pagbigyan ng lunch mamaya?" Sinundan siya ni Sir Ver. Yung mangilan-ngilang mga propesor na nakaupo sa kani-kanilang lamesa ay halatang nakikinig din. Tipid siyang ngumiti. Halatang may gusto sa kanya ang guro pero hindi niya ipinaparamdam dito na hindi niya ito gusto.
Pwede rin itong taga-pop si Sir Ver, taga-pop ng whiteheads at blackhead sa mukha.
"Salamat sa paanyaya, Sir Ver pero mas gusto kong maghanda sa susunod na klase. Nangangapa pa kasi ako."
Hindi napawi ang ngiti ni Sir Ver. "Ganoon ba? Sige, next time, Ma'am Ella."
Tumango siya at nagmamadaling kinuha ang mga kailangan. Dumiretso siya agad sa pagpunta sa unang klase niya, kung nasaan si Cairo. Agad na umayos ang mga estudyante nang makita siyang pumasok. Ang mga lalaki ay awtomatikong ngumisi at nagsikuhan.
Dumako ang mga mata niya sa upuan ni Cairo. Nakita niyang nilapitan ito ng isa sa estudyante niyang babae para kalabitin pero kinuha niya ang atensyon nito.
"Miss, excuse me.." Natigilan ang babae sa tawag niya, "huwag na. Hayaan niyo siya."
Napaawang ang labi ng mga estudyante niya. Ngumiti siya, "Come on, we all need a break." Tumalikod siya at isinulat sa blackboard ang topic nila para sa araw na iyon.
'Ang cool ni Ma'am. Parang tropa lang.'
'Oo nga, hindi nagalit kay Monasterio?'
Sunod-sunod ang bulungan dahil pinatawad niya si Cairo. Kahit siguro hindi niya ito nakita sa Divisoria kagabi ay hahayaan niya pa ring matulog. Alam niya ang pakiramdam ng working student na kulang sa tulog dahil galing siya roon.
"Class, at the end of the day, hindi ko kayo ire-require na makinig sa akin. Hindi na kayo mga bata para markahan sa pakikinig o hindi. May mga exam at projects tayo at kayo na ang bahala kung paano iyon gagawin. Either sa akin kayo matuto o matuto kayo sa inyong mga sarili, hindi ko na papakialaman. If you want to absent the whole sem and just attend the prelims, midterms, and finals, go ahead. Tanungin niyo na lang ang kaklase niyo kung anong projects ang irerequire ko para makapagpasa. And of course, don't miss the exams dahil yon ang basehan ng grades."
Her class went on and Cairo stayed asleep. Hindi siya nabother. Mas nakapagfocus pa nga siya sa pagtuturo dahil hindi siya napapatingin kay Cairo. Looking at him though, mukhang hindi kumportable ang pagkakayuko sa armchair dahil sa laki nito.
At bakit iniisip na naman niya 'yon? Hindi pupwedeng masyado siyang bumabait sa binata.
Her class is three hours, swerte na nga nito at nakapagpahinga ng ganoon kahaba.
"Goodbye, Ma'am!" Ngumiti siya sa huling estudyante na umalis. Tiningnan niya si Cairo at mahimbing pa rin doon sa upuan. She sighed and shook her head. Kawawa naman. Tumayo siya at sinikop na ang mga gamit. Daanan na lang niya si Cairo para gisingin bago ang susunod na magkaklase sa classroom na iyon.
Bumili lang siya sa canteen ng sandwich, chips at inumin nang makita niya si Sir Ver na naroon sa canteen imbes na doon na rin sana kakain. Bago pa siya ayain na magsabay silang kumain ay umiwas na siya. Kahit papaano ay marami namang areas sa school na pupwedeng tambayan kaya walang problema. Magbabasa na lang siya ng lessons niya para sa susunod na klase.
Nakakita siya ng malaking puno na malayo ng kaunti sa Computer Science building, dahil kailangang lakarin, walang mga estudyante roon. Her next and last class will be two hours from now. Nilakad niya ang distansya at agad na umupo sa damuhan nang makarating doon.
Inilabas niya ang lesson plan pati na rin ang sariling notebook at seryosong nagsulat ng mga talking points niya sa klase.
"Hindi ko alam na effective pala ang pagsipsip ko sa iyo, Ma'am?"
"Potacah!" Napakapit siya sa dibdib sa sobrang gulat sa nagsalita. "A-anong ginagawa mo rito?"
"Hindi mo raw ako ipinagising?" Imbes na sagutin siya ni Cairo ay nagtanong ito.
"Nakatulog ka ba kahit papaano?" Nagtanong din siya imbes na sumagot para quits.
Tumango si Cairo habang isa-isang inaalis ang butones ng kanyang polo. Napalunok siya. "A-anong ginagawa mo?"
Hindi sumagot si Cairo at ipinatong sa binti niya ang uniporme nito pagkatapos ay umupo sa tabi niya.
"Hindi ka nagreply kagabi, ah." Kaswal na sabi nito.
"Anong sasabihin ko?" Kinunutan niya ito ng noo.
"Suplada." Natawa si Cairo, "Sabagay, may boyfriend ka na nga pala. Baka magselos yon kasi gwapo ako."
"Hindi siya magseselos sa'yo kasi hindi naman ako ang tipo mo hindi ba?"
"Hindi nga. Ang gusto ko yung mayaman."
"Ako rin." Nagsulat siya sa hawak na notebook. "Mahirap ka na nga tapos sa mahirap ka rin babagsak."
Tumango si Cairo at hindi man lang kumontra sa kanyang pananaw. Sumandal ito sa puno kaya nakapagfocus siya sa isinusulat. Nang lingunin niya ito ay tulog na naman!
"Ang mahal ng tulugan mo 'ah? Nagbayad ka pa talaga ng tuition para matulog." Bulong niya pero hindi na siya nakakuha ng reaksyon mula rito. Inalis niya ang polo na ipinatong sa kanya at maayos niya iyong itinuklop saka inirolyo para maging unan ni Cairo. She looked at his sleeping face and her heart thumped a little bit out of beat. Sobrang guwapo talaga. Napakurap-kurap siya nang bahagyang kumilos si Cairo kaya bumalik siya sa kanyang puwesto.
She busied herself with the lesson plan. Kung hindi ay baka mawili siyang tumingin sa guwapong natutulog sa tabi niya. Mayroon pa siyang thirty minutes bago ang susunod na klase nang magising si Cairo at umayos ng upo sa tabi niya.
"Good morning!" She greeted sarcastically. "Gusto mo?" Ininguso niya yung sandwich na binili niya.
Umiling si Cairo, "Sa'yo na."
She sighed. Kinuha niya ang sandwich at hinati iyon sa dalawa. "Hati na tayo."
Tinanggap iyon ni Cairo at kinagatan na parang natutulala pa kasi bagong gising.
"Lagi ka bang natutulog sa klase?"
"Ngayon lang, hinayaan mo 'e."
Napangiti siya, "Bakit kasi buong gabi kang nasa Divisoria?"
"Kailangan. Walang pera dito sa eskwelahan pero pumapasok dahil alam kong kailangan ko rin ng diploma. Para kapag nakapagtapos na yung kapatid ko, hindi na niya ako iisipin na pag-aralin kaya sinasabayan ko na."
"May kapatid ka?"
Tumango si Cairo, "Isa. Si Saint. Ako ang Kuya. Ayoko siyang mag-working student kaya ako ang sumusuporta."
"Nanay? Tatay?"
"Nanay, lasinggera, laging wala. Anak kami sa labas at hindi kinikilala ng Tatay."
"Matagal ka na bang nagtatrabaho sa Divisoria?"
Tumango si Cairo, "Oo, simula walong taon ako. Taga-benta ng basahan noong una. Nagbarker din sa jeep. Namalimos." Natawa si Cairo. "Promoted na nga ako sa lagay na yan."
Habang nagsasalita si Cairo, palalim ng palalim ang habag na nararamdaman niya. Nalulungkot siya para dito. Why did his parents made them when they will not take responsibility? Kung siya nga ay pinalaki pa rin ng kanyang Nanay Gemma kahit hindi niya kadugo, bakit si Cairo at ang kapatid niya ay hindi?
Kinagat niya ang dila niya nang may ideya na dumaan na naman sa kanyang isip.
The fck, Ella. Nag-usap na kayo ng sarili mo, never decide based on emotions! You have to think things through. But then... Kawawa..
Tumikhim siya at tiningnan ang paligid. Nang makitang walang tao ay alanganin niyang binitiwan ang mga salita na pinipigilan kagabi pa.
"K-kung mabibigyan ba kita ng pagkakataong kumita..." Tengene! Nilingon siya ni Cairo at kumunot ang noo. "P-papayag ka ba?"
"Oo naman, kung may mas maaayos na trabaho na magkakaroon ako ng sapat na tulog, pipiliin ko 'yon. Baka makahabol na rin ako sa lessons, Ma'am. Kaya lang bobo ako sa IT pero susubukan kong aralin."
Lumikot ang mga mata niya, "K-kung bobo ka sa IT, magaling ka ba sa ---"
"Sa?"
Ilang beses siyang lumunok. Bahala na! Kung isusumbong siya ni Cairo sa Dean, magdedeny na lang siya at hindi na lang papasok kinabukasan. Uuwi siya sa Bulacan at after five years na lang magpapakita...
"S-sex..."
Bumakas ang kaunting gulat sa guwapong mukha ni Cairo.
"Bugaw ka? Ihahanap mo ako ng customer?" Pabulong na tanong nito.
"Hindi ako bugaw. A-ako sana ang customer..."
Napakurap-kurap si Cairo. His defined jaw moved, and his thick brows furrowed.
"Sex addict ka ba, Ma'am? Pervert ka? Ang bata mo pa ah. Gusto mo yung student-teacher na plot? Anong tawag don? Fetish?"
"Hindi. Hindi sa ganon." Ikinumpas niya pa ang kamay para itanggi. Ang wild nga 'non pero parang ganon na nga. Damn, Ella. Maghunos-dili ka.
"Sabi na nga ba, type mo ako..." Napatingin si Cairo sa kanilang mga paa na nakaunat sa damuhan.
"Hindi nga! Kailangan ko ng magtuturo sa akin...Okay lang kung ayaw mo, sa iba na lang ako magtatanong." Nagkanda-buhol buhol ang mga salita. "Ano.. kasi..."
"Pumapayag ako. Magaling ako sa sex, Ma'am.. Sobra." Maagap na sagot ni Cairo.
"M-magaling ka?" Medyo nagulat pa siya. "Of course, magaling ka." Napatango-tango siya, disoriented. "Shuta... Ano bang pinagsasasabi ko?" Gusto niyang maiyak pero nasabi na niya at bawiin.
"Normal lang na maging kyuryoso ka sa edad mo." Sambit pa ni Cairo na parang itinutulak siya lalo sa kasalanan. "Pero bakit hindi sa boyfriend mo?"
"Ginagawa ko ito para sa b-boyfriend ko. Afam siya. Ang sabi niya gusto niya akong maka-sex online."
"Delikado yan ah. Paano kapag kumalat ang pictures mo? Hindi mo alam kung sino ang kausap mo sa internet." May iritasyon sa pagbabato ng salita ni Cairo.
"Foreigner siya. Naka-chat ko na ng ilang buwan. Nakausap ko na sa video at sa telepono. Legit 'to. At kung gagawin ko na, iisip ako ng paraan para hindi ako madelikado." Mahabang paliwanag niya. "Look, ang kailangan ko lang ay taga-turo sa akin ng sex." Medyo nagiging kumportable na siya sa usapan.
"Akala ko ba ako ang estudyante mo?" Ngumisi si Cairo, "Sinasabi mo bang magiging teacher mo ako sa ibang bagay? Mahigpit ako."
"I want this to be professional and purely transactional. Babayaran kita. Palagay ko ay ako ang solusyon sa problema mo. Kung babayaran kita ng malaking halaga, pupwede kang magpahinga sa Divisoria, gamitin mong puhunan ang ibibigay kong pera."
"Marami kang pera?"
"Dumidelihensya pa." Tumingin siya sa malayo. "Gusto kong makapangasawa ng foreigner at makaalis sa Pilipinas. To do that, I have to be good in LDR relationships including sex."
"Sige. Maaasahan mo ako sa relasyon na yan, Ma'am." Cairo concluded.
---
It was as if their dirty little secret. She would not do it with Cairo if the circumstance changed. Kung hindi niya alam ang pinagdaraanan nito.
Tologo bohhh...
Damn it, bakit ba sagot ng sagot ang kanyang konsensya like she was part of a Safeguard soap commercial or something! (A/N: Hindi gets ng GenZ ang safeguard commercial na may konsensya hahaha. Char!)
Aaminin niya, guwapo, simpatiko, mabango. He also seems decent and professional. Marami na ring trabahong pinasok at saka magaling naman daw... Sa sex. He has all the qualifications.
"Hindi kita hahawakan?" Bitbit niya si Cairo sa apartment niya nang makauwi at nagtatanong na sa magiging set-up. Hindi pa sila parehas ng tricycle na sinakyan para walang makahalata.
"I-re-enact na lang natin ang video sex. Nakapatay ang ilaw ko at sasabihin mo sakin kung anong gagawin ko."
"Illustration lang? Mahirap naman yung ganon."
"Online naman! Yun lang ang kailangan kong matutunan. I need to know how to make love online."
"Ano yun? Online classes?" Reklamo ni Cairo. "Bibigyan lang kita ng module?"
"Second option na lang yung face to face classes. Online ang prefer ko." Giit niya.
"Hindi pwede."
"Anong hindi pwede? Bakit hindi?"
"Wala akong laptop, wala kaming wifi. Anong gusto mo, sa computer shop kita tuturuan? Maghuhubad ako don? Maririnig nila tayo? May nag-o-online sex ba sa PisoNet? Dagdag ako ng dagdag ng piso kada minuto habang nagtatrabaho?" Pataas ng pataas ang emosyon ni Cairo at siya naman ay nagbabago na ang isip. Napansin ni Cairo ang pag-aalinlangan niya. She heard him sigh.
"Sige, Ma'am. Okay lang. Hindi kita pipilitin. Sana kung itutuloy mo ang plano, huwag ka nang humanap ng iba at ako pa rin ang piliin mo. Mahirap na at baka mapahamak ka." Napakamot ng ulo si Cairo nang hindi siya makapagsalita.
"Sayo ba, hindi ako mapapahamak?" Mahinang bulong niya.
Umiling si Cairo, "Hindi kita sasaktan, Ma'am."
---
🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast
Maki Says: New Podcast is up! Manalo ng Gcash, Wattpad things kapag nakinig ka sa Episode 11 ng The Slow Fix Podcast. I talked about my mahiyain journey and how I overcome it =)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top