Chapter Twenty Seven
"B-BITAWAN mo na ako."
"Hindi kita mapagkakatiwalaan na hindi tumakbo palayo sa akin."
Sinamaan niya ng tingin si Kaleb. "Sa tingin mo pagkatapos ng nangyari, makakatakbo ako?"
"That's not what I meant." Hinaplos nito ang buhok niya. Nakaunan siya sa matinong dibdib nito at nakadantay ang palad sa matigas na kalamnan nito.
Natatakpan lang ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nila.
Kanina pa siyang nakakulong sa matipunong bisig nito. Ipinaparamdam sa kanya ng binata na wala na itong balak na pakawalan siya. At nagiging komportable na siya sa pwesto nila. Parang ayaw na yata niya umalis.
Oh, that's not good. Malinaw na ulit ang pag-iisip niya. Bumalik na naman ang pag-aalinlangan niya at mga pagkabahala. Kung ipagpapatuloy niya ito, alam niya na may masasaktan siya.
Sandaling pumikit siya. Pinigil ang maging negatibo. The truth was she really want this to happen. Alam niyang kapag itinuloy niya iyon, kapag may nangyari ulit sa kanila ni Kaleb ay simula na ulit 'yon. It wasn't an accident. She wants him. So much she was willing to give him a try.
What about Gigi? sigaw ng isip niya. Malalim na bumuntong-hininga siya.
"What are you thinking this time?"
Umiling siya. Kapagkuwan ay bumangon na. "I should go now. Baka hinahanap na ako ni Gigi."
"Wait.. It's too early. Stay."
Hindi niya ito pinakinggan. Kinuha niya ang mga damit at nagmamadaling nagbihis. Narinig niya ang mga yabag ni Kaleb palapit. Mahigpit na niyakap siya nito mula sa likuran.
"Mamaya ka na umalis," paglalambing nito sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya, hinalik-halikan.
"Kal, stop.." Gusto niyang I-enjoy ang ginagawa nito. But something is stopping her. "Hahanapin ako ni Gigi. Sigurado ngayon nagtataka na 'yon kung nasaan na ako. Nag-aalala na 'yon."
"Ihatid na kita."
"No!" bumitiw siya sa yakap nito at humarap sa lalaki. "Ano na lang ang iisipin ni Gigi kapag nakita niya tayong magkasama?"
"Well. I don't see any problem with that."
"Seriously?" She can't believe him. Wala lang ba para dito ang mararamdaman ng iba? "Ikaw para sa 'yo walang problema iyon. But for me, I care for my cousin's feeling. I'm not that selfish para hindi ikonsidera kung anong maaaring maramdaman niya."
"Okay, fine. I get it."
"I don't know, Kal." Napailing siya, teary-eyed na nag-iwas ng mata. "I'm not supposed to feel this kind of guilt. I hate this feeling.."
Lumamlam ang mata nito at inabot siya. Humakbang siya paatras sa lalaki.
She shook her head. "No, Kaleb. Just give me more time to think all about this."
Napatiim-bagang ito. "Are you telling me you're going to avoid me again? I'm not going to let you do that this time."
Nahihirapang bumuga siya. Lumarawan ang determinasyon sa gwapong mukha nito. Alam niya hindi rin siya nito titigilan. Mahihirapan din siyang ignorahin ito.
"If it's about Gigi you're worrying, just tell her the truth. Hindi mo kontrol ang mararamdaman niya. Kahit ano pa ang gawin mo.. You can't control everything. Ang maisisigurado ko lang sa 'yo, matagal na kaming tapos ng pinsan mo. Ilang beses ko na sinabi sa 'yo. It's all in the past now."
"Pero para sa kanya, umaasa pa rin siya na magkakabalikan kayo. She still loves you."
"Why do you care so much about that? Siya ba ang magdidikta kung sino ang lalaking dapat mo papasukin sa buhay mo? O baka may iba pang dahilan."
"What do you mean? I care for her. Ayaw kong masaktan siya kapag nalaman niyang may namamagitan sa atin! I know how it feels to be betrayed by someone I cared about."
"We're not cheating. It's a different case."
"I know.. But-- But Kaleb, hindi mo alam kung ano 'yung mga pinagdaanan ko. Lalo na sa pamilya ko. Si Gigi ang pinakamalapit sa akin sa mga kadugo ko. And she trust me so much. I don't want to betray her by having a relationship with someone she still loves. So, please, please.. Understand me. This is not easy for me."
Matagal na tinitigan siya ni Kaleb. "Okay. I understand."
Nakahinga siya ng maluwag at bahagyang napangiti. "Thank you, Kal."
"Don't thank me. Hindi pa rin nagbabago ang pasya ko. I still want you, and it's totally fine with me if you want to keep our relationship secret."
Nanlaki ang mata niya. "I'm not having a secret affair with you!"
"Too bad. That's not a question so you can't say no."
HINDI pumayag si Kaleb na hindi siya ihatid sa cabin niya. Nagpumilit ito. Wala rin siyang nagawa para pigilan ang binata. Wala pa rin si Gigi sa cabin nila pagkadating niya.
"See. Wala pa ang pinsan mo. Maaga pa.."
"Maaga pa naman talaga. Tirik na tirik ang araw, hindi mo ba nakikita?" mataray na singhal niya.
"Hindi mo ba kayang hindi ako pagtarayan kahit ilang sandali lang?"
Inirapan niya ito. "Eh, panay ka sabi ng maaga pa, maaga pa.. Kita mo nang tirik na tirik pa ang araw."
"Tumigil ka na sa pagtataray mo. Hindi lang araw mamaya ang nakatirik, makita mo."
"Manyak mo. Umalis ka na nga." Itinulak niya ito palabas ng cabin. His grin was naughty. Hindi niya pinagkakatiwalaan ang ganoong ngisi nito. It always made her think of dirty sex.
"Paisa muna, mahal."
Pinag-initan siya ng mukha sa sinabi nito. "Are you objectifying me? Do you just see me as a sex object?"
"No. Ofcourse not. Chill. Sex object, ikaw? Halik lang naman ang tinutukoy ko."
"Naku, Kaleb. Style mo bulok. Alam ko ibig mo sabihin dun. Umalis ka na." Ipinagtulakan na niya ito palabas. Kasi alam niya pag nagtagal pa ito doon, hindi rin niya ito matitiis. Baka siya pa magsabi dito ng "paisa, kyah". Jusko, Gel!
"Wala talagang goodbye kiss?"
"Hindi mo bagay. Layas!"
Bago pa niya ito mapaalis, muli nitong hinarang ang sarili sa pinto. "Anyway, mag-ingat ka na sa paglabas mo. Alagaan mo ang sarili mo. Kumain ka ng maayos mamaya. Kung hindi, magpapadala ako ng pagkain mo." seryosong sabi nito.
Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit mo sinasabi sa kin 'yan?"
"Well, I just want you to take care of yourself," kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. "Hindi natin alam baka may isang buhay na ang nabuo sa ginawa natin kanina. So, yeah. Take care of our baby. Bye, baby."
Naiwan siyang nalaglag ang panga. Ang walanghiya!
Then, she remember that she is not taking any birth control!
EXCITED na excited si Gigi sa event na gaganapin mamayang gabi. Siya naman ay namomroblema. Not because that she's not in the mood to attend that party. But because she's not ready to be a mother.
Naiinis na bumuga siya ng hininga. How could she be so careless? Ngayon lang niya naalala na hindi sila gumamit ng condom. Sa sandamakmak na ipinamudmod na condom bakit hindi niya naisipan na gamitin 'yon?
It's a surprise sex! Anong inaasahan mo?
"Do you think Kaleb will love this?" Ipinakita sa kaniya ni Gigi ang isang black halter dress na balak nitong suutin sa party.
"I think that's a really sexy dress."
"So, you think magugustuhan ni Kal 'to?"
"Why are you asking that? Hindi naman si Kaleb ang magsusuot."
"Gel!" Humalakhak ito. "Syempre, hindi! Ang ibig ko lang naman sabihin kung magugustuhan niya kaya ito sa akin."
"O-Ofcourse.. Ikaw pa ba? Ang ganda ng katawan mo. Lahat naman ng suutin mo elegante pa rin."
"Oh, how I wish magustuhan nya."
"Dress to please for yourself, Gi. Not to please some guy."
"I know that. It's just that.. I really want him to notice me again. To look at me like how he looked at me before."
"Nakaraan na 'yun. Baka nagbago na talaga ang nararamdaman niya sa 'yo. Umaasa ka pa rin ba na.. na magkakabalikan kayong dalawa?"
Tumango ito, may lungkot sa mga mata. "Tinapat na niya ako. He's inlove with someone, but I just felt like I need to fight for this feeling. Kung noon hinayaan ko lang na maghiwalay kami at mauwi lang sa nakaraan. This time I want to fight for him."
She felt a lump in her throat, and she swallowed nervously. Kita niya ang determinasyon sa mukha ng babae. And also desperation.
Nakaramdam siya ng pagkabahala. "Hindi kaya sinasaktan mo lang ang sarili mo, Gi. Ang daming lalaki na gusto makuha ang atensyon mo. Just forget him. Move on and let him go."
Napatitig sa kanya si Gigi. Surprised by what she said. Pagkatapos ay maikling tumawa ito. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Hindi ba pwedeng support na lang, Gel?"
"But you will just hurt yourself in the process. I think it's better to let someone go.. Lalo na kung nakaraan na."
"That's why I have to take the risk. Lahat tayo sumusugal, Gel. Hindi lang sa negosyo, kundi pati na rin sa pagmamahal." Tumingin ito sa kanya na parang hinihingi ang pang-unawa niya. "I just have to do this."
"It's up to you, couz." Wala naman magagawa si Gel para pigilan ito. Ngayon napatunayan niya na napakalaki pa rin pala ng pagmamahal nito kay Kaleb. Para siyang nalagay sa isang komplikadong sitwasyon. Naipit sa gitna ng malalaking bato. Gusto pa rin ni Gigi ang lalaki. Unfortunately, gusto rin niya ang lalaking gusto nito.
Nagpaalam muna siya sa pinsan para lumabas. God, she needed a drink to calm her. Hindi niya alam kung papaano ang gagawin niya para makaalis sa ganoong sitwasyon. Alam niya hindi niya rin maitatago kay Gigi ang totoo. Malalaman nito ang ugnayan nila ni Kaleb. She couldn't afford to hurt her.
Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip nang may humigit sa braso niya. Unang pumasok kaagad sa isip niya ay panganib. Naalarma siya kaya mabilis niyang pinagana ang depensa at siniko ito sa sikmura. Narinig niya ang pag-ungol nito. She was ready to hit him below his belt when she heard his grunt. Napaharap siya dito nang maramdaman niya ang pamilyar na presensya nito.
His scent was familiar. Kabisado niya ang amoy nito. Why not? His scent always remind her of sexy time.
Hindi nga siya nagkamali. Si Kaleb iyon!
"Goddamn it, Gel. May plano ka bang durugin ang nagpapaligaya sa 'yo?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kung bakit ka naman kasi bigla ka na lang sumusulpot. Kabute ka ba?"
"Bakit?" Kumislap ang mata nito.
"Hindi pick-up line 'yun."
"Grabe ka naman. Umasa agad ako." Inirapan niya ito at binawi na ang braso niya. "Where are you going?"
"None of your business, Kal. Paano mo ako nakita?"
"Syempre, may mata."
Nilingon niya ito at handa na bugahan ng apoy.
"O, galit ka na naman. Balak ko sanang puntahan ka sa cabin. I would like to invite you to be my date tonight."
"So, ngayon nakita mo na ako. My answer is no."
"I'm not accepting a no for an answer." sabi naman nito at inakbayan siya. She glared at him. "Na-stress ka na no?"
"Kahapon pa, and now I need a drink."
"A tequila? No, you can't have that. Bawal na 'yon sa 'yo."
"I'm not pregnant!"
"Hindi ka pa sigurado."
"At papaano kung totoo na hindi nga?" Ngumisi si Gel. Tinapatan nito ang ngising iyon at mayabang na inilapit ang mukha sa kanya.
"Madali naman na gumawa ulit."
"Hindi na mauulit 'yun.."
"The sex? C'mon, Gel. Alam nating pareho na hindi tayo makakatiis sa isa't isa."
"I'm talking about having unprotected sex with you," sabi niya. Natigilan ito at napatitig sa mukha niya. Parang gusto niya tuloy bawiin ang sinabi. "Don't look at me like that!"
Sumilay ang tagumpay sa labi nito. "If that's what you want.. Okay. I understand if you're not ready for that. But in case you're pregnant--"
"Hindi nga sabi."
"Kung sakali lang. Di ako papayag na itago mo sa akin 'yan. I swear, Gel. I will find you and I will claim you."
"Are you threatening me?"
"Take it the way you want it. 'Yon lang naman ang sa akin. Where's Gigi?"
"Nasa cabin." bigla niyang naalala ulit ang pinsan. Pero di tulad nitong nakaraan, hindi siya gaano nangangamba. "She's really excited for tonight. Pupunta ka rin ba doon?"
Napakunot-noo ito. "Kung papayag kang maging date ko, then I'm going."
"I'm going with her. So, there's no way na papayag akong maging date mo."
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top