Chapter Twenty Four


"I WANNA go there!"

"Seryoso ba, Gi?" Napabaling siya dito. Nagpaplano naman ito at sina Noah na magpunta sa zipline.

"Why not? We should try the zipline! Mag-jetski tayo!"

"Wait, wait--"

"Right." Sumang-ayon pa si Noah. "Madali lang naman ang pagpunta doon. And we still have more time. Two thirty pa lang."

Oh my God. Katatapos lang niya magbihis at galing sa buwis buhay na pagtalon mula sa cliff pababa sa tubig. Pinapangako niya hindi na niya uulitin 'yon. Akala niya katapusan na niya. She's not really an adventurous person. It's not just her thing. Iniimagine pa lang niya kung gaano kalalim ang tubig. Naku po. Kahit pa sabihin na naka-lifevest siya, it's a big no.

But Kaleb made her do it! Binulungan siya nito na hahalikan siya kapag naging killjoy siya. Iyon lang pala eh. Kaya syempre, nagpahalik na siya.

Syempre hindi! She jumped. Tuwang tuwa pa si Gigi. Ito ang may ideya noon eh.

"May takot ka ba sa matataas na lugar?" si Kal iyon. Nasa tabi na naman niya ito. Kahit na pilit niya itong iwasan, natatagpuan pa rin niya ito sa tabi niya. Hindi humiwalay sa kanya ang mga mata nito and that's making her uncomfortable. Nasa paligid lang si Gigi. Ayaw niyang makahalata ang pinsan niya sa kakaibang atensyon na ibinibigay sa kanya ng dati nitong nobyo.

"Gusto ko na lang magpahinga."

"Kung pagod ka na, pwede naman na ihatid na kita sa tinutuluyan nyo. Maiintindihan naman ng pinsan mo."

"Wait, wait!" Pinigilan niya ang akmang paglapit nito kina Gigi. "Anong sasabihin mo?"

"Sabihin ko na gusto mo na magpahinga at ihahatid na kita."

And then, what? Maiiwan siya kasama ito? Magkakasolo? No, thanks. She's still in her right mind as of the moment. Wala siya sa ilalim ng impluwensya para hayaan na naman ang sarili na matukso.

"Sasama na ako."

"What? Akala ko ba--"

"Hindi ako papayag na may mangyari ulit sa atin no," angil niya.

His lips parted. Kapagkuwan ay tiningnan siya ng may pagyayabang. "You know we both wanted it. I didn't force you. You want me as much as I want you. Don't act as if I'm the only who wanted it."

"Well, let me remind you that it's you who keeps on seducing me."

"Oh, then it's really working." Parang naka-jackpot ang naging ngisi ni Kaleb.

Pakiwari niya ay namula pati talampakan niya. Sabi nga nila, nahuhuli ang isda sa sariling bibig. Sa kaso niya, parang inamin na rin niya sa binata ang totoo.

"Ihahatid na kita kung pagod ka na."

Umiling siya. "Hindi na. Sasama na ako."

"Wag ka mag-alala. Hindi kita iuuwi sa cabin ko kung 'yon ang nasa isip mo."

"Hindi naman umaabot sa ganoon ang imahinasyon ko."

"Saan pala? Wag naman sana sa bitin na sandali ulit."

Ngali-ngali na niyang sungalngalin ito. "Nakakaasar ka rin talaga no?"

He chuckled. "I really like it when you're blushing."

"Dahil naaasar na ako sa 'yo."

"O baka dahil naaalala mo pa rin. Hindi naman ako maooffend kung sa isip mo nauubuso mo na ang katawan ko--- Fuck." Malakas na siniko niya ito. Pulang pula na ang mukha niya.

"Grabe ka naman manakit, mahal ko." Pilyo pa rin siya nitong nginisian. Ayaw man niyang I-entertain ang anumang damdamin sa lalaki. Pero ang hirap magpigil ng kilig. "Di naman porke alam mong patay na patay ako sa 'yo, magiging battered boyfriend ako."

"Magtigil ka nga d'yan.." Kinagat niya ang ibabang-labi para iwasang mapangiti.

"Wag ka na mag-galit galitan d'yan. Kinikilig ka na o." He licked the side of his lips. Tila dumaloy ang init sa hangin, at naramdaman niya ang pagtibok ng pagnanasa sa pagitan ng hita niya. Pinag-iinitan siya sa mga pasimpleng banat nito. Damn her. Anong nangyari sa hindi na magiging marupok?

"O, kayong dalawa d'yan.. Okay na ba kayo?" Nag-angat sila ng tingin sa biglang paglapit ni Gigi. Nagpalipat lipat ang tingin sa kanila ng babae.

"Yup, okay lang. Tuloy ba tayo?"

Dumikit ang tingin nito kay Kaleb. Pagkatapos ay bumaling sa kanya at pilit na ngumiti. "Yes. Pero pwede bang kay Noah ka naman umangkas? Ako muna kay Kaleb. May pag-uusapan lang din kami."

"S-Sure."


 HINDI ganoon kadaling puntahan ang zipline. Hindi tulad ng sinabi ng mga kasama hindi iyon malapit. Wala rin masyadong tao doon. Nang dumating sila sa nasabing lugar ay sila lang ang mga guest.

"The guests only come here for sex, not for this kind of fun." sabi ni Noah nang mapansin yata nito ang pagtataka niya.

"Oh, i see." Ito ang kasama niya. Nauna na sila nakarating doon. Wala pa 'yung dalawa. Ang tagal naman yata ng mga ito. Marahas na humigit siya ng hangin. Pinigil niyang mag-isip ng iba.

"Pero pinupuntahan pa rin naman ito ng ibang guests kapag pagod na sila mag-sex. Kadalasan, walang kapaguran ang mga bumibisita dito." Nagtaas-baba ang kilay nito. Napansin niya ang lakas ng dating ng mga mata nito. Natawa siya.

"Yeah, right. Iba iba rin talaga ang trip ng tao. And we can't judge them."

"Sex is fun."

"Akala ko ba wala ka sa mood?" nanunuksong tanong nya.

"That's true. Sometimes I'm in a mood to get wild and dirty. Pero kadalasan, gusto ko lang magpahinga. Kapag nandito ako sa isla, itong zipline ang isa sa mga pinupuntahan ko agad. I just love the view. This is the best choice to see the entirety of the island. Promise, it's really worth it."

Tumango siya. Aaminin niya hindi pa niya nasusubukan ang mag-zipline sa buong buhay niya. At may takot siyang nararamdaman. Ngunit hindi rin naman masama ang sumubok.

"Matagal ka na rin bang member dito?"

Tumango ito. "Si Kaleb ang nag-introduce sa akin ng Temptation Island."

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Kal?"

"Yes. Bata pa lang, magkasama na kami. It's because of our parents. Matalik na magkaibigan din ang mga magulang naman bukod sa business partners sila."

"Wala ba siyang kapatid? Nasaan ang mga magulang niya?"

Lumingon sa kanya si Noah. Napakaseryoso ng mukha nito. "Don't get me wrong. I'm curious."

"Why don't you ask him? Mas maganda kung sa kanya ka magtatanong. I respect him as my bestfriend. I don't have rights to share his private life to anyone."

"Naiintindihan ko." napapahiyang nag-iwas siya ng tingin. May punto naman si Noah. Kung may mga tanong siya dapat kay Kaleb niya itanong iyon. Kung gugustuhin niya madali lang naman magtanong kay Gigi. Ngunit gusto rin niyang marinig mula mismo kay Kaleb. She has a lot of questions.

"I can see it. You want him."

Napatulala siya. At nabahala. Ganoon ba 'yon kahalata?

"And he wants you, too. But don't worry. Wala akong pakialam kung ano man ang namamagitan sa inyo ngayon."

"She's my cousin's ex-fiance. Hindi tama na may mamagitan sa amin."

"Really, why? Sabi mo nga, ex na."

"Ex nga. But what I mean is.. Nagkaroon pa rin sila ng relasyon noon. It's like the rules of feminism. Off-limits na sa friends or close cousin ang ex mo. Something like that."

Napailing ang kausap. "Well honestly, I find that really ridiculous. There is no such thing as rules of feminism when it comes to love and relationship. I don't believe in that. No offense meant."

"Kayo bang mga lalaki, papayag ka na maging girlfriend ng kapatid mo or ng bestfriend mo 'yong naging ex mo na?"

"Why not? Kung mahal nila ang isa't isa, wala akong magagawa doon. Ex na nga, di ba? As long as hindi nabuo 'yung relasyon nila noong kami pa. Ibang kaso na 'yun. That's betrayal."

"Ayun na nga. Parang ganon na 'yun kapag shinota mo pa ang ex ng kaibigan mo."

Muli, tinawanan lang siya ni Noah. "I don't know, Gel.. If you love someone, fight for it. Iyon lang 'yun. Just be true to yourself. In your case, if you love Kal--"

"I don't." tanggi niya.

"That's not what I see." tumagos sa kanya ang titig nito. Kapagkuwan ay banayad na ngumiti. "You can lie to others. But you can't lie to yourself."

Oo, maaaring nagsisinungaling siya sa sarili niya. Maaaring hindi siya nagpapakatotoo sa sarili. Sa nararamdaman niya kay Kaleb. Pero kung may bagay siyang labis na kinatatakutan. Iyon ay ang makasakit sa damdamin ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya.


Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top