Chapter Thirty Three


INAASAHAN na ni Gel ang presence ng magaling niyang kapatid sa opisina niya nang sumunod na araw. Hindi pa nag-iinit ang pwet niya sa upuan ay sumugod na agad ito.

"Can you explain why you're ignoring my calls yesterday?"

Nakapameywang itong tumigil sa harapan niya. Sobrang revealing ng suot nito. Halter ang top nito ngunit parang ang malalaking dibdib lang nito ang natatakpan. Sobrang ikli naman ng pangbaba. Wala siyang problema sa suot nito. But really, sa ganoon lang bang pananamit ni Terry nasilaw si Lon? Ngumiti lang siya. Walang makapang bitterness sa dibdib niya. Infact, grateful siya. She wanted to thank her sister right now.

Napaatras ang kapatid niya nang makita ang ngiti niya. Parang nakakita lang ng cobra sa kisame. "Why are you smiling like that? Ang creepy mong babae ka!"

"Bakit ka umaatras?"

"Because you looked like a snake ready to bite me!"

Ang lakas ng tawa ni Gel. "I'm not the snake in this story, dear sister. Nakalimutan mo yatang ikaw 'yong nanuklaw ng boyfriend ng may boyfriend."

Namutla ang mukha ni Terry.

"Hey, kalma ka lang dyan. Hindi ako manunumbat. I'm actually thankful, Terry. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat ako."

"You're creeping me out. Bakit ka magpapasalamat?"

"Dahil naging daan ka para mapapunta sa akin kung ano 'yung deserve ko, and I'm beyond grateful."

Matamis na nginitian niya ito at nilapitan para ibeso sana. Pero ang babaeng takot yata sa karma, nangamba na baka sabunutan niya ito bigla kaya dumistansya sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay, Gel, but I'm sure you're still mad at me for having Lon in my bed now. Nakuha ko lang naman ang pinakamamahal mong lalaki. Pati ang pwesto mo sa kompanyang 'to. So, stop acting like walang issue sa atin."

Parang proud na proud pa itong ipangkalandakan sa kanya ang bagay na 'yun.

"Okay. Bahala ka." Di nawawala ang ngiti sa labi, ,uli siyang umupo sa swivel chair niya. "So, what do need from me anyway?"

"Nakalimot ka na ba? May business meeting tayo kahapon!"

"Oh. I'm sorry, I forgot." Totoo 'yun. Buong araw na okupado ni Kaleb ang utak niya kahapon.

"How could you? Pinagpatayan mo pa talaga ako ng cellphone kahapon! Hindi ka ma-contact at wala ka sa place mo! Where are you?"

"May kinailangan lang akong puntahan at gawin. Nawala sa isip ko ang tungkol sa meeting. Sorry."

"Sorry? Tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Why not try to be in my position right now para maintindihan mo ang pinagdadaanan ko?"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Madali talagang makalimot ang kapatid niyang ito. Siguro nakakailang beses na naiiuntog nito ang ulo sa pader tuwing katalik si Lon.

"I don't have to be in that position again to know that. Wala pa 'yun sa mga pinagdaanan ko. At alam ko kung anong nararamdaman mo."

"Yeah. O siguro nga masaya ka pa ngayon dahil mawawala na kay Dad ang kompanyang alam mo naman talaga na hindi mapapunta sa 'yo." puno ng pang-iinsulto ang boses nito.

Nanlamig ang katawan niya sa paratang nito. Nawalan ng kulay ang mukha niya.

"Tama naman ako, di ba? Alam mo na kahit ikaw ang panganay ni Dad, hinding hindi niya sa 'yo ipagkakatiwala ang Victorius. You're not the priority. Hindi ka nga mahal bilang anak. The reason why you're still here, eh, dahil yon sa tingin niya responsibilidad ka pa rin niya. Bakit kasi mismong ina mo hindi ka mahal te?"

Naputol ang pasensya niya sa huling tirada nito. Walang pagdadalawang isip na sinunggaban niya ang babae at hinila sa buhok.

"How dare you! Wala kang karapatan na sabihin sa akin 'yan!"

Napatili ang babae sa lakas ng pwersa niya. Sinabunutan niya ito. Pinagsasampal. Hindi nito magawang makaganti dahil sa pagkabigla.

Tila lason sa kanyang isip at dibdib ang mga salitang binitawan nito. Mas masakit pa sa matatalim na labaha ang mga sinabi nito. At nabulag siya ng galit, at awa para sa sarili.

Sa ganoong eksena sila nadatnan ng kanilang ama. "Anong nangyayari dito?!"

Dumagundong ang boses nito. Natigilan siya at parang binuhusan ng tubig ang galit niya. Natagpuan niya ang mga galit nitong titig sa kanya.

"Dad! She's hurting me!"

Umiiyak na yumakap dito ang kapatid niya pagkatapos daluhan ng ama nila. Inalo ito ng kanilang ama. Pagkatapos ay tinawag ang isang empleyado nila na ihatid sa labas ang kapatid niya.

"What did you do to your sister? Nasisiraan ka na ba para saktan mo ang kapatid mo? Don't you have manners?"

"Pero Dad, siya naman itong nagsimula. Sinabihan niya---"

"Wala ka pa rin karapatan saktan ang kapatid mo!"

Nag-init ang mga mata niya. Pinigilan niyang mapasinghap. "P-pero siya, may karapatan ako saktan? Ganoon?"

"Gumaganti ka pa rin ba?"

"Gumaganti? Do you hear yourself, Dad? Kailan ako gumanti? Noong tanggalin nyo ako sa mataas na pwesto sa kompanya, kinontra ko ba 'yun? O noong nahuli ko sila ni Lon na nagtataksil? Sinaktan ko ba sila pabalik? Alam ko noong una pa lang na hindi nyo na gusto ni Mama ang existance ko. Kung hindi lang siguro kayo natatakot na impyerno ang bagsak nyo pag ipinalaglag nyo ako noon, baka iyon ang ginawa nyo."

"How could you say that? Pinalaki kita at sinuntentuhan! Hindi ka pa ba nagpapasalamat na binuhay ka?"

Kinagat niya ang ibabang-labi para pigilan ang sariling mapahagulhol. She was right. Terry was right when she said she's just a responsibility to his father. Hindi siya nakita nito bilang anak.

"Binigyan kita ng maayos na buhay, Merigiel. Kahit ayaw ka buhayin ng Mama mo, pinigilan ko siya. Dahil hindi kaya ng konsensya ko. Kapalit noon ay ako ang magiging responsable sa 'yo." matigas ang boses nito. "Kaya huwag mo akong sumbatan. Makuntento ka sa binigay sa 'yo."

Nanatili siyang tahimik at walang kibo. Bago ito umalis ay tinapunan siya nito ng malamig na sulyap. "Umayos ka. Sa sunod na mangyari ito, hinding hindi ka na makakatuntong pa sa bahay at makakalapit sa amin. Naiintindihan mo?"

Tanging maliit na tango lang ang nagawa niya bago ito mawala sa paningin niya. Nanghihinang napakapit siya sa mesa at ibinuhos ang sakit na nararamdaman.

Matagal na dapat niyang natanggap ang katotohanan. Matagal na dapat niyang inasahan iyon. Ngunit ang marinig mismo sa bibig nito ang mga salitang iyon. Tila may humiwa sa puso niya at pinagpira-piraso iyon. It broke her heart on a deeper level.

"Gel!" Bumukas ang pinto at narinig niya ang mga yabang palapit sa kanya. It was her cousin Gigi.

"Anong nangyari sa inyo? Narinig ko sa employee na nag-away kayo ni Terry. Nakasalubong ko si Tito na galing dito.."

Umiiyak na umiling siya. Wala pa ring pagtigil ang emosyon niya. "I'm done here. Ayaw ko na, Gi.. Ayaw ko na dito."

"Hey. Don't say that."

"Ang sakit ng mga sinabi niya.. Ang sakit sakit.."

Malungkot na suminghap ito at hinigit siya.

"Come here," ikinulong siya nito sa yakap at inalo siya. "Just stay calm down. Baka nasabi lang 'yun ni Tito sa galit. Maybe he didn't mean it. Everything will be okay."

TINULUNGAN siya ng kanyang pinsan na kumalma. Sinamahan siya ni Gigi sa labas at nagpunta sila sa coffee shop sa may baba para tuluyan siyang mapakalma.

Pinagtitinginan sila ng ibang empleyado. Masyadong obvious ang pamumugto ng mata niya. She need to wear her sunglasses para hindi nakakahiya sa makakakita sa kanya.

"I think I'm okay now." sabi niya kay Gigi pagkatapos ng halos isang oras na nakaupo sila doon. Pinapakinggan lang niya itong magsalita at magkwento tungkol sa experiences nito sa pagtatravel.

"Sure ka? Kaya mo na mag-isa?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi naman ako napilay. Nasaktan ang loob ko. But I can get over it. Kinaya ko nga 'yung ilang beses na naranasan ko sa kanila.. Ngayon pa?"

"Please, Gel. Huwag sasama ang loob mo masyado sa sinabi ng Dad mo. Magpahinga ka lang, and magreflect ka. He still wants the best for you. Di lang siguro niya nagustuhan na napagbuhatan mo ng kamay si Terry at nasaksihan niya 'yon."

Yes, because Terry is the favorite daughter. Magagalit talaga ito.

"Pag di ka pa okay, magbakasyon ka ulit. Kahit two days lang."

"Naka-ilang bakasyon na ako.. Saan naman ako pupunta?"

"Sa Temptation Island. You can use my membership card."

Napatitig siya sa pinsan dahil sa suggestion nito. Umiling siya at banayad itong nginitian.

Nagpapasalamat siya sa ginagawa nitong pagdamay sa kanya at pag-alo. But she felt like she didn't deserve her. Napakabait nito sa kanya. Totoo ang ipinapakita nitong kabutihan.

"I can handle this problem, Gi. Thank you for your time. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako sa concern mo sa akin. Even though sometimes I feel like it's too much and I don't deserve it.."

"Ano ka ba, bakit mo naman iisipin 'yon? We're cousins. You're my favorite cousin, Gel. Wag ka mag-overthink masyado. That's not good for your health."

Hindi rin talaga maganda ang pakiramdam niya ngayon. Nararamdaman pa rin niya na tila walang kulay ang mukha niya.

"Namumutla ka talaga, couz.. Are you sure you okay? Baka kailangan mo ng assistance?"

"W-Wala to. Nahihilo lang ako." Tumunog ang phone niya. Lumabas sa screen ang picture ni Kaleb. Napasulyap si Gigi doon. Mabilis niya iyong tinago. "I think I should go, Gi. See you around."

Nagmamadaling tumayo siya, ngunit sobrang iba talaga ang pakiwari niya ng oras na 'yon. Napahawak siya sa mesa nang magsimulang magdilim ang paningin niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Lumalabo ang paningin niya. Tumingin siya kay Gigi, naging malabo ang mukha nito sa paningin niya. At parang unti-unting gumuguho ang mundo niya.

Tanging ang nagpapanic na boses na lang nito ang narinig niya bago tuluyang magdilim ang lahat.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top