Chapter Thirty Six
SHE's a great liar. Gigi could won a best actress award for all that lies. Kapani-paniwala ito. Naipasok nito sa utak niya ang lahat ng gusto nitong ipapaniwala sa kanya.
Alam mong di niya magagawa 'yun. You know that.
Kinukumbinse niya ang sarili na mas kilala niya si Kaleb. Hindi nito gagawin ang bagay na ibinibintang ng pinsan. He wouldn't hurt her like that. Hindi siya nito gagamitin..
And in what way he would exactly use her against her family? Mag-isip nga ito. She's nothing to them! Kung ginagamit siya nito para gumanti sa pamilya niya, hindi iyon epektibo.
"He's taking over the company."
Paulit ulit na nag-play iyon sa isip ni Gel. Sumasakit na ang ulo niya. Kailangan niyang ihinto ang kotse para kalmahin ang sarili.
Goddamn it! Hindi niya namalayan tumutulo na ang mga luha niya. Mas gusto niyang maniwala na walang gagawin si Kaleb para saktan siya, ngunit hindi rin naman gagawa ng kwento ang pinsan niya para lang siraan ito.
She knew, deep inside her that she was telling the truth!
Ikinulong niya ang mukha sa palad at nanginginig na inilabas ang emosyon. Sumisikip ang dibdib niya sa isiping hindi totoo ang lahat ng ipinakita sa kanya ni Kaleb.
He was so good at it.
Paniwalang-paniwala siya na totoo ang nararamdaman nito sa kanya. She has no evidence that Gigi was telling the truth.
Sa nanlalabong mata, dinampot niya ang tumutunog na cellphone. His name is on the screen.
Sasagutin ba niya ito? Makakausap ba niya ito na hindi nangangatal ang boses niya? She shook her head.
Madali itong makakaramdam na may mali kapag hindi niya sinagot ito. "Hello, babe? W-What's up?"
"Nasaan ka na?"
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. "N-nandito pa. Kasama ko pa si Dany," pagsisinungaling niya.
"Okay, babe.. You want me to come? Pauwi na ako."
Nagpanic siya. "Wag na, wag na. Mamaya uuwi na rin ako. Hintayin mo na lang ako, okay?"
"I'll wait for you. I love you." Lies.
"Sige, bye."
Nauna niyang patayin ang tawag. How could he easily say those words with stummering? Para bang totoong totoo?
Napahilamos siya sa mukha. She lied to him. Wala siyang balak na umuwi. Pagkatapos ng mga sinabi ni Gigi, gulong-gulo na siya. Makakagulo pa kung haharapin niya si Kaleb. Sigurado siyang makakahalata ito agad sa kilos niya. She can't afford to see his face right now.
Muli niyang pinaandar ang kotse. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang totoo. Matagal na rin siyang hindi nakakatuntong sa mansyon ng kanyang ama.
Di rin talaga niya gusto na makisama pa sa mga ito. Mas lalo niyang nararamdaman na mag-isa lang siya kapag napapalibutan siya ng mga ito.
"Si Dad?" tanong niya sa kasambahay nang tumuntong na siya sa loob ng magarang mansyon.
Tila mas naging maganda pa iyon ngayon. Maya't maya na yata pinabago ni Tita Teresa ang interior design ng kabahayan.
"Nasa study room niya, Ma'am Gel."
"Sige, ako na lang pupunta sa kanya."
May pagtataka sa mukha ng kasambahay. Halata kasing galing siya sa pag-iyak. Inignora niya ito at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa study room ng ama. Nagtataka siya ng makitang bahagyang nakabukas iyon. He's not alone. May naririnig siyang nag-uusap sa loob. She stepped closer.
"That son of a bitch!" napapitlag siya sa murang umalpas sa bibig ng matandang lalaki. It was her Dad. Kausap nito ang Tita Teresa niya.
"Victor, kumalma ka."
"Paano ako kakalma, Teresa? Nasa kanya na ang mataas na percentage ng stock sa kompanya ko. Nasa kanya na rin ang ownership ng Victorius. He's taking the company away from me! Kompanyang pinaghirapan ko ng ilan taon! Goddamn it!"
"Maybe, there's still a way.. Makiusap ka.."
"No. Wala nang paraan. Naka-ilang palugit na tayo at hindi ko pa mabayaran lahat ng niloan natin para sa kompanya. Now, we're already bankrupt! Ano nang gagawin ko?"
Sa buong buhay niya, hindi pa niya ito nakikitaan ng ganoong emosyon. He sounded so helpless, so lost. May kumirot sa dibdib niya. Maaaring naging unfair ito sa kanya. Ngunit bilang anak, masakit para sa kanya na makita rin itong nahihirapan.
She's not vengeful. Hindi niya hihilingin na mawala dito ang kompanyang alam niyang buong buhay nitong iningatan, inalagaan at pinalaki. Hindi rin niya gugustuhin na bumagsak ang kabuhayan nito.
"Paano tayo magsisimula ulit pagkatapos nito? Pagtatawanan lang tayo, kukutyain ng mga kalaban natin sa negosyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Teresa." Nagmura ulit ang ama niya at pilit itong pinapakalma ng asawa nito. Sa ibang araw na lang siguro niya ito kausapin. Babalik na lang siya bukas. Napahinto siya sa tangkang pag-alis nang muling magsalita ito.
"Tanginang anak ni Donovan! Talagang hindi tumigil hangga't hindi tayo nakikitang nasa putikan!"
Donovan. May pumitik sa kanyang alaala.
Donovan.
Kaleb Donovan.
"Gusto niyang gumanti para sa mga magulang niya. Matindi ang galit niya sa aming magkapatid dahil hanggang ngayon paniwala siya na kami ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang niya. Una siyang gumanti kay Vincent. Ginamit pa nya si Giselle para magtaksil sa ama nito!"
Namilog ang mata nya. "Pinabagsak niya ang kompanya ni Vincent! Iyon din ang ginawa niya sa akin! Nilubog niya pa ako sa pagkakautang! Putangina, Teresa! Hindi ko kakayanin ang kahihiyan!"
It was true then..
It was all true.
Nanlalamig ang katawan niya sa pagdagsa ng katotohanan sa isipan niya. Totoo ang sinasabi ni Gigi. Ginamit lang ito ni Kaleb para sa paghihiganti nito. At maaaring tama nga ito, ginamit lang din siya ng binata.
Sa kung paraan, hindi niya alam.
Mabilis na lumabas siya ng mansyon. Ayaw niyang makita siya ng kanyang ama sa ganoong kalagayan niya. Nagmaneho siya papunta sa kanyang apartment. Binalewala niya ang mga tawag ni Kaleb.
She turned off her phone. She can't afford to talk to him. Mas lalo na ang makita ang mukha nito. Sa apartment niya muna siya ngayon. Doon siya mas safe. Hindi pa napupuntahan ni Kaleb ang apartment niya.
Ngunit naihatid na siya doon ng lalaki isang gabing may kailangan siyang daanan doon.
Pagkadating niya sa bahay ay uminom siya ng tubig at kinalma ang sarili. She have to calm down. Alam niyang nakakabigla ang lahat. Parang guguho ang mundo niya/
But it's not the end of everything.
She should not let it affect her so much. Should not be so damn emotional and negative. Hindi makakabuti iyon para sa anak niya. It's not just about her now. May buhay siyang dapat ingatan. Buhay na kailangan niyang protektahan.
Kahit niloko siya ng ama nito, hindi siya pwedeng maging negatibo agad.. Doon siya tila nabuhusan ng malamig na tubig.
She realized something important.
Hindi pa niya alam ang side ni Kaleb. Hindi niya dapat ito husgahan agad.
Dapat pa siyang maging rational kahit na pakiramdam niya ay niloko siya ni Kaleb sa pagtatago sa kanya ng katotohanan. Wala siyang idea kung paano siya nito ginamit tulad ng gustong iparating sa kanya ni Gigi.
Deep inside her, may natitirang pang-unawa sa kanya. She wanted to believe in him. To trust him.
Her father mentioned something about his parents. Ibig sabihin non ay matagal ng patay ang mga magulang ni Kaleb.
May pumitik na alaala sa isip niya. Natatandaan niyang tinanong niya si Noah tungkol sa mga magulang ng binata at naging seryoso ang mukha nito. Hindi nila kailanman napag-usapan ang family background nito.
Gumaganti si Kaleb dahil sa pagkamatay ng mga magulang nito? Napukaw ang kuryosidad niya..
Anong nangyari? Anong kinalaman ng Dad niya at Tito Vincent niya sa nangyari sa pamilya ni Kaleb? Kung ganon kalaki ang galit ni Kal para maghiganti, siguradong may rason ito. Kailangan niyang malaman 'yun.
Pero sa ngayon, kailangan rin niyang ipahinga ang utak niya.
NAGTAGIS ang bagang ni Kaleb. Naibato niya ang sa pader ang champagne glass. Gumawa ng ingay ang pagkakabasag niyon. Siguradong alam na ng dalaga ang totoo ngayon.
Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Pinatay pa nito ang cellphone nito para hindi niya ito matawagan.
Alam niyang nagsinungaling ito sa kanya nang sabihin nitong kasama pa nito si Dany. Rinig niya ang pagkabalisa sa tinig nito. May inilagay siyang tauhan para bantayan ang dalaga at masigurado na okay lang ito. Tumawag sa kanya si Ricky kanina para kumpirmahin na nagpunta ang nobyo sa bahay ng ama nito. Nakuha na marahil nito ang kasagutan. Alam na nito ang totoo.
Dapat matagal na niyang sinabi dito. Ngunit babago pa lang na nagsisimula ang relasyon nila. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para pagdudahan siya at mawalan ng tiwala sa kanya. He was looking for the perfect timing.
Tulad kung paano rin ng dalaga gusto humanap ng tiyempo para sabihin sa kanya ang pagbubuntis nito sa anak nila.
The thought made him sweat nervously. Nag-alala siya para sa nobya, para sa anak nila.. Ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling may nangyari dito.
Tinawagan ulit niya si Ricky para kumustahin ang kalagayan ni Gel. "Is she okay?"
"Mukhang galing sa pag-iyak at tensyonado si Ma'am, Sir."
And that's because of him. "Where is she now?"
"Sa tinutuluyan niyang apartment niya siya tumuloy, Sir."
"Okay, Ricky. Thank you."
Nagpaalam na siya sa lalaki at tumayo mula sa stool. Mag-isa siya ngayon sa kanyang penthouse. Ang katotohanan na nagsinungaling si Gel kung nasaan ito kanina, at hindi ito umuwi sa kanya ngayon ay nagpapahiwatig lang na hindi siya nito gustong makita. O baka nga galit na galit na ito sa kanya ngayon. Maaaring pinag-iisipan na nitong makipaghiwalay sa kanya.
O kaya naghahanap ng paraan para makatakas sa kanya.
Umigting ang panga ni Kaleb.
He won't let that happen. Maybe this was all his fault. Pero hindi niya intensyon na madamay ang dalaga doon. Labas ito sa lahat ng mga plano niya. Hindi sinasadya ang pagkakakilala nilang dalawa.
She was the beauty. And he was the beast. Wala itong alam sa pagkatao niya pero nakilala niya ito. She's the enemy's daughter. Una pa lang alam na niyang hindi siya dapat matukso dito.
Hindi siya mahulog sa anak nito dahil maaaring mabulyaso ang mga plano niya. But she's such a temptation, like a forbidden fruit.
Taglay nito ang ganda na mahirap tanggihan. Ang pang-akit na bumabaliw sa kanya. Alam na niyang panganib ito sa kanya. May kasalanan sa kanya ang ama nito na dapat nitong pagbayaran sa kanya. He thought she was sent by her father. Ngunit napatunayan niya na wala itong ideya kung sino siya.
Wala itong ideya sa nakaraan. Kahit ang relasyon niya noon sa pinsan nito na nabuo sa kasinungalingan.
Lies, lies.. The woman knows how to make a bad story of him. Hindi siya ang nanakit. Hindi siya ang nanggamit. It's the other way around. Malamang ay nalason na ng mga ito ang utak ng dalaga.
Inosente ito sa lahat ng pangyayaring iyon. And it's not right to see her suffer. Tulad ng sinabi niya, labas ito sa lahat ng 'yun. Kailangan siya nito ngayon.. Sa tabi nito.
Maaaring itaboy siya nito at maiintindihan niya ang muhi nito. Ngunit siya makakapayag na makipaghiwalay ito sa kanya.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top