Chapter Thirty Seven

 HINDI nahirapan si Gel na makatulog kagabi. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kaya agad siyang nakatulog pagkahiga niya sa kama niya. Namiss niya ang kama niya. Ang matulog mag-isa at walang kahati.

 Ngunit ganoon pala ang pakiramdam kapag nakasanayan na may katabi sa pagtulog. Kayakap at nakadikit ang init ng katawan sa kanya. She felt like something is missing.

Akala niya ay nananaginip pa siya nang maramdaman niya ang maiinit na haplos sa hita niya. Hindi siya nagpalit kagabi ng suot. She still wearing her mini black dress. Nagpatuloy ang paghaplos, may kasamang pagpisil. Unang pumasok sa isip niya ay nalooban siya! Naalarmang napamulat siya at napabangon.

"A-Anong--"

Nanlaki ang mata niya nang makita si Kaleb. Anong ginagawa nito doon? Nanigas siya. Paano nito nalaman kung nasaan siya?

"Good morning, baby. How's your sleep?" kaswal na tanong nito. But the tension in his gaze is not lying.

"How did you get in here?"

Napaupo siya sa kama, bahagyang lumayo dito. Napansin niyang kumalat ang tensyon sa matipunong katawan nito.

"Why are you so surprised to see I'm here? We're living together now. Hindi ka umuwi kagabi.."

"I-I just need a space."

"Why? You didn't call to inform me. Naghintay ako."

Nakadama siya ng guilt. That's right. Pinagpatayan pa niya ito para hindi siya macontact.

"I'm sorry. Nawala na sa isip ko.. Pagod na ako, eh."

Pwinersa niyang ngumiti. Tinitigan siya nito, sinalubong ang mga mata niya at nakita ang kasinungalingan dito.

Gusto niyang sampalin ang sarili sa inis. Bakit hindi na lang niya ito tapatin ngayon din?

She should be really mad at him! Dapat ipinagtutulakan na niya ito. Hindi 'yon nakokonsensya siya sa hindi niya pagpapaalam dito kung saan siya at sa pagsisinungaling niya.

"You should have called me. Susunduin naman kita para hindi na kita napagod pa." Umakyat ito ng kama. Napalunok siya sa paglapit nito.

"H-Hindi mo naman kailangan gawin 'yun. Alam ko pagod ka rin sa trabaho mo."

"Makita lang kita, nawawala na naman ang pagod ko."

Nanginginig siyang humugot ng hangin. Kapag nagsasalita ito ng ganoon, parang bawat himaymay ng katawan ay tumutugon. Nakakapanghina ng mga buto.

"I really missed you, baby. My bed is empty without you."

Mataman itong nakatitig sa kanya, and she was afraid to look at him.

"Why do you need space anyway? May problema ba tayo?"

"Gusto mo bang pag-usapan na talaga natin 'yan?"

"Gusto mo ba?" malamig nitong balik sa kanya.

"Bakit hindi? Wala naman akong dapat ikatakot dahil wala akong kasalanan dito."

His gaze hardened. Para siyang masusunog sa mga titig nito. Sumisikip ang kwarto niya para sa kanilang dalawa. Sa laking lalaki nito, tila lumiit ang kama niya. Gumalaw siya para bumaba ng kama, ngunit maagap nitong napigilan siya.

"Bakit ka lumalayo? Tatakbo ka na naman ba palayo sa sa akin?"

"B-Bitawan mo ako, Kaleb."

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Pwede mo naman akong kausapin na hindi hinahawakan!" angil niya. Binitawan siya nito.

Tumatambol ang dibdib niya sa iba't ibang emosyon na lumulukob sa kanya. Nahihilo siya sa presensya nito. Pumaikot sa kanya ang nakakahalinang amoy nito, tila isang matamis na lason.

"Okay. Now you don't want me touching you."

Umigting ang panga nito. Bakit parang ito pa ang may karapatan magalit? Babaliktarin na ba nito ang sitwasyon?

Siya na ngayon ang tila nawawalan ng gana dito? Paiikutin ba nito ang sitwasyon nila para siya ang lumabas na may problema sa relasyon nila? So that he could easily throw her?

Uminit ang mata niya.

Itatapon na rin ba siya nito? Dahil nakuha na nito ang gusto sa kanya?

Dahil nagtagumpay na ito sa plano nitong paghihiganti, iiwanan na siya nito?

The thought is like a poison to her. With all the revelations yesterday, hindi na siya nagtatakang iyon na ang gustong mangyari ng binata. Pwes uunahan na niya ang lalaki. Hindi niya hahayaan ang sariling magmukhang kaawa-awa.

"I want out."

Namutla ang binata. "What did you said?"

"I said I want out. Tapusin na natin ito. I thought this relationship is good for me but---"

"What the fuck are you saying?"

"But obviously, you and me, it's not going to work, Kal. Maghiwalay na tayo."

Marahas itong tumawa. Naging mabangis ang itsura nito. Puno ng lamig ang ekpresyon.

But fuck, he's still so achingly handsome. "At tingin mo ganoon na lang 'yun kadali? Dahil ayaw mo na, makakaalis ka basta?"

Bumaba ito ng kama at malalaking hakbang na lumapit sa kanya. Tinakbo niya ang pinto ngunit agad siya nitong nahawakan sa balikat.

"You're not leaving me. You're not getting out of this relationship. You will stay with me. Because technically, you're mine now."

"I'm not your goddamn property! Fuck you!"

"You're not, pero hindi ako papayag na itatapon mo na lang ako dahil iyon ang desisyon mo!"

"Masakit ba sa pride mo, ha? Masakit ba na inuunahan na kita? Iyon din naman ang balak mo sa akin di ba? Itatapon mo rin ako dahil natupad mo na ang mga plano mo! You had your revenge now!"

He didn't looked surprise. As if inaasahan na nitong aware na siya doon. Namilog ang mga mata niya at mapait na tumawa..

"You're already aware of it.. Alam mong alam ko na.."

Alam nitong malalaman din niya ang koneksyon nito sa pamilya niya, ang hidwaan na meron ito sa kanyang ama. Nalaman na niya at wala man lang itong sinasabi sa kanya. Not even sorry. Kung talagang mahalaga siya dito, uunahin nitong suyuin siya. Magpapaliwanag ito.

"God. I fucking hate you right now."

Pumatak ang luha sa mata niya. "At pumunta ka pa talaga dito kahit alam mong alam ko na.. Bakit, ha? Bakit ayaw mo pa akong pakawalan eh nangyari na din naman ang gusto mo? Di ba, ikaw 'yon? Ikaw 'yung bagong magma-may ari sa kompanya ni Dad?"

"Ako nga. Got a problem with that?"

Pinadapo niya ang palad sa mukha nito. Tumigas ang mukha nito. Kahit siya ay nagulat sa ginawa niya. She didn't mean it! Pero pinangibabaw niya ang muhi dito.

"And you did that for revenge, right? I know the truth now, Kal. You think I wouldn't know that? Tell me, kasama din ba ako sa mga plano mo ha? Aksidente lang ba ang pagkakakilala natin o sinadya mo 'yun? Ginamit mo ba ako para sa mga plano mo?"

Fuck. Ofcourse, yes! Bakit pa pala niya itinatanong? Hindi pa ba obvious na ginamit siya nito? At siya namang boba sa pag-ibig, hinayaan niya itong magpakasawa pa!

"No."

"Sinungaling. Siguro nga, enjoy na enjoy ka habang ginagamit mo ako. At the same time, nakakaganti ka. So, what's the plan now? Sa akin, anong plano mo?"

"Walang plano. Because you're not part of the plan. You have nothing to do with what I have to your father."

"Don't lie to me! Alam kong dahil anak ako ng lalaking kinamumuhian mo, may pinaplano ka sa akin! Do you really think I'm that stupid? Kung ginawa mo kay Giselle, malaman yun din ang gagawin mo sa akin!"

His cold stare made her want to shut up her mouth. "And you're being judgmental right now."

Marahas siyang tumawa pagkatapos ay humakbang palayo dito. Judgmental?

Hindi na niya alam kung anong sasabihin. Hindi na mahalaga sa kanya ang mga dahilan nito. Sinabi na mismo nito na hindi siya parte ng plano nito kaya hindi na rin niya dapat i-involve ang sarili. Ito pa ngayon ang parang nanghahamon. Well, fuck him.

"Get out." Itinuro niya ang pinto. "Get out of my life now. We're done. I don't want to see you again."

Naningkit ang mata nito. "Ganoon lang 'yon?"

"Oo, ganoon lang 'yun! Now, leave!" Pinipigilan niyang umiyak pero hindi umampat ang luha niya. Tumalikod siya dito para huwag ipakita ang kahinaan niya. Masakit para sa kanya iyon. Nakaka-ilang beses na niyang iniiyakan ang lalaking ito. Hindi pa ba siya namamanhid?

"At kung ayaw kong umalis?"

"Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na niloko mo ako?"

"Kailan kita niloko?"

"You bastard!" Hinampas niya ito sa dibdib. Siya pa ang napaaray sa tigas niyon. Minura niya ito at sinamaan ng tingin.

"Look at you. Ikaw tong nananakit at bayolente sa akin. Ikaw pang galit."

"Bakit hindi mo na lang aminin na niloko mo ako?"

"Kailan nga kita niloko? Pakitaan mo ako ng ebidensya."

Gusto niyang sampalin ito sa muhi. "Seryoso ka ba talaga? Hindi ba inamin mo na rin na ikaw na ang nag-take over sa kompanya ni Dad. It was you!"

"And I betrayed you for that?"

"You didn't tell me about it, so yes! Sabihin na natin na iyon ang naramdaman ko. Hinayaan mo akong malaman pa sa iba ang totoo. Nagpapakagaga ako sa 'yo, tapos meron ka palang personal na galit sa pamilya ko. Wala kang ideya kung ano ang naramdaman ko sa nalaman ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan. Kung dapat ba ako maniwala kay Gigi at sa lahat ng mga nalaman ko. I just want out! Pagod na ako!"

"And that is why you're breaking up with me? Dahil sa isang panig ka lang makikinig? Dahil sa narinig mo, mawawala na agad 'yong pagtitiwala mo sa akin? Itatapon mo na ang relasyon natin?"

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Kinalma ang sarili at muling nagsalita.

"I'm trying to understand the situation.. I want to understand you. Believe me, Kal. Ayaw kong mawalan ng tiwala sa 'yo at isara ang relasyon natin basta basta. But I need time and space for myself. Gusto kong ipahinga 'yung sarili ko sa pag-iisip ng negatibo na maaaring makaapekto sa akin. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko ngayon."

"Then, don't think about it."

"No, I just want you to leave me.." mahinang sabi niya. Ayaw niyang makipagtalo sa binata. Kapag nakikita niya ito, naalala niya ang sinabi ni Gigi sa kanya. Naaalala niya ang mga narinig sa ama. At nangangamba siya sa maaaring gawin ni Kaleb. Akala niya kilala na niya ito. Pero wala pala siyang idea kung sino talaga ito.

"That's not happening, baby. You're coming with me." Hinawakan nito ang kamay niya.

"Hindi ako sasama sa 'yo. Dito lang ako." pagtanggi niya.

Umiling ito at pinahid ang pisngi niya. "Stop crying.. Walang magagawa ang pag-iyak mo. I'm not letting you go."

"I'm crying because of you. I'm hurting because of you. Bakit mo pa ako pinipilit sumama sa 'yo?"

Marahas na bumuga ito ng hangin. "Fine. Because i know that you're pregnant with my child."

Nalaglag ang panga niya. "A-Alam mo.."

Napakurap-kurap ang dalaga. Pati ang pagbubuntis niya ay alam ng binata. Papaano...? Tumingin siya dito. His jaw was tight, his eyes were cold. Dumagsa ang kilabot sa sistema niya. Pinapasundan siya nito. Ang bawat galaw niya, alam nito.

Napaatras siya. Hinapit siya nito at ikinulong sa matipunong braso nito. Walang ngiti sa labi nito. He looked so ruthless, so cruel. At nawalan siya ng kakayahang magsalita.

"Yes, I'm aware baby about your pregnancy. I'm aware of everything."

Tinakasan ng kulay ang mukha niya. Bumaba ang mukha nito sa kanya. His lips brushed hers.

"There is no escape from me, Gel. Hindi kita papakawalan ngayong alam kong dinadala mo ang anak ko. So you're coming with me wether you like it or not."

Inilayo niya ang mukha sa labi nito. "P-Paano kung ayaw ko? May karapatan ako magdesisyon para sa amin ng anak ko."

"Anak natin," pagdidiin nito. "At kung ayaw mo sumama sa akin, mapipilitan akong gumawa ng hindi mo magugustuhan. Gusto mo bang mawalan ng trabaho ang mga empleyado nyo? Pwede ko silang tanggalin lahat kung gugustuhin ko."

"Y-You're ruthless!"

His lips curled into a cruel smile. "Then, come with me baby. Ipapangako ko walang mawawalan ng trabaho."

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top