Chapter Thirty Five

HE was extra sweet to her. Nagising si Gel nang umagang iyon sa matatamis na halik ni Kaleb. Pagkatapos ay ipinagluto pa siya nito ng breakfast.

Nakaka-experience pa rin siya ng morning sickness. But it's not that bad. Nagduduwal lang siya pagkatapos ay magiging okay na. Hindi lang niya makaya ang amoy ng niluluto ni Kaleb. Nagiging maselan na siya sa amoy, patunay na nagdadalang-tao nga siya.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo, babae? Gusto mo ihatid kita mamaya sa doctor?"

"Ayos lang ako, babe."

"Ang tagal mo sa banyo. Nagsusuka ka ba?" patuloy na usisa pa nito.

Hindi niya masalubong ang nag-uusig na tingin nito.

 Umiling siya. "I'm just having a bad morning."

"Morning sickness?"

He grinned at her. Tinapunan lang niya ito ng matalim na tingin.

"Okay, okay.. Wala na akong sasabihin. But see a doctor if you need it. I don't want you to get sick, babe."

Kinilig ang dalaga sa sinabi nito.

"Aaah.. You're so sweet. Totoo ba 'yan, o gusto mo lang maka-score ngayong umaga?"

"Totoo ang ipinapakita ko sa 'yo. I really want to please you in all aspect. It's not all about sex to me. It's about loving you and being with you all the time."

She was touched. Hindi niya akalain na may ganitong lalaki na dadating pa sa buhay niya. Kung tinapos siguro niya ang buhay niya dahil lang sa isang walang kwentang lalaki tulad ni Lon noon, baka hindi niya ito nakilala. Pero dahil din naman sa heartbreak niya sa dating nobyo kaya nakilala niya.

Tadhana siguro ang nagdala sa kanya dito. Nagdala ng ngiti sa labi niya ang alaala ng unang beses na makita niya ito sakay ng kabayo nito.

"Anong ngini-ngiti mo?"

"I'm just happy that i got lucky in life and I met someone like you. Akala ko noon wala na talaga, eh. I was ready to end my life and say goodbye.. Then, I saw you and everything changed."

"Sinasabi mo ba nainlove ka kaagad sa akin noong unang kita mo pa lang? Because if yes, I couldn't blame you.. I'm such a hot piece of meat."

"Ano ba 'yan? Panira ng emote ang pagiging hambog mo. I'm trying to be a sweet and romantic girlfriend here. Tapos sisingitin mo ng.." itinirik niya ang mata. "Okay, just forget everything I said."

Ang lakas ng tawa nito. Hinigit siya at ikinulong sa yakap. "I love you, too. Hindi ka na mabiro."

"Kumain ka na nga d'yan. May trabaho ka sabi mo di ba?" Tinulungan niya itong maghain. Pagkatapos ay umupo na rin siya. Wala siyang gana kumain. But then she needs to eat. Ayaw niyang mangyari sa kanya ulit 'yong nangyari kahapon.

"Yup. May kailangan akong harapin na trabaho sa opisina. Ikaw, sigurado ka na bang pwede ka na pumasok ngayon? Idaan kita sa kakilala kong doctor."

"Kal, wag kang praning. I'm doing fine." pagbibigay niya ng assurance dito bago saluhan itong kumain.

Bago sila maghiwalay nang umagang 'yon ay nakahirit pa talaga ang binata sa kanya. They shared a very hot quickie at the kitchen. Nakadapa siya sa mesa habang bumabayo ito mula sa likuran niya. She found that position very comfortable for her. She felt so sexy and so aroused when he's fucking her from behind.

Nakataas lang ang palda niya at nakababa naman ang pants nito hanggang sa binti. They fucked like rabbits. Walang katapusan ang pagnanasa nila para sa isa't isa. Bago ito nagpaalam sa kanya ay talagang binaunan pa siya nito at pinunlaan.

Damn. Kung alam lang nito. She was already carrying his child. Suddenly she felt so conscious. Masyadong wild ang sex sa pagitan nila ni Kaleb. Gusto niyang makasigurado kung tama ba ang ginagawa nila.

Sa imbes na dumiretso sa opisina nila, pinuntahan niya ang kilala niyang doctor para magpa-check up. Wala siyang appointment kaya naghintay siya ng matagal.

And when it was her turn, nakumpirma nga niya na buntis siya. It was her first pregnancy. Nakakapanibago ang pakiramdam habang chine-check up siya ng doktora. Nag-usap sila ng matagal tungkol sa sitwasyon niya. So, far wala naman problema. Magkakaroon lang siya ng regular check-up.

Nahihiya pa siyang itanong ang pinaka-concern talaga niya. Ngunit nilakasan na lang niya ang loob.

"Doctora, p-pwede pa ba kaming mag-sex ng partner ko?"

Pinamulahan siya ng mukha nang ngumiti ito sa kanya. "Alam kong itatanong mo 'yan, hija. Iyan din ang concern sa akin ng karamihan na pumupunta dito pag nalaman nila na buntis sila. To answer your question-- Yes. You and your partner can still enjoy each other. It's a normal part of pregnancy. Hindi naman 'to makakaapekto sa baby mo. Maliban na lang kung sobrang "adventurous" n'yo.."

"Wala naman kaming extreme sexual adventure, doc."

"I mean, meron din tayong limitasyon dyan. Lalo na kapag may mga nararamdaman kang kakaiba sa pagbubuntis mo such as having vaginal bleeding, etc.. I'll tell you when it's not good to have sex with your partner. Babalik ka naman for the next check up."

Niresetahan siya nito ng mga gamot na dapat niyang inumin habang nagbubuntis siya. Pagkaalis niya doon ay tinawagan niya si Gigi. She wanted to talk to her. Gusto niyang may mapagkwentuhan ng naging resulta ng pagpapa-check up niya. God, It was her first baby!

She should really celebrate it with someone. Naisip niya na sabihin na kay Kaleb. Pero alam niyang makakahintay naman iyon mamaya. Handa na rin siyang sabihin dito. Hindi pwedeng hindi niya ipaalam na dito. May karapatan ito para malaman ang totoo. Also she needs him to support her.

Napangiti siya nang maalala ang mga sinabi nito kaninang umaga sa kanya. Alam niya na hindi siya nito pababayaan.

Hindi sumasagot sa tawag niya si Gigi. Mukhang ayaw muna siya nitong kausapin. Maybe, it wasn't easy for her. She should give her some space. Di na muna niya ito pipilitin kausapin habang nag-iisip isip ito. Sa totoo lang, mahirap din sa kaniya ang naging sitwasyon nila. Nasaktan din ito.

Tulad rin ng sinabi ni Kaleb, hindi niya hawak ang mararamdaman nito. Nasa kamay ni Gigi kung paano nito ihahandle 'yon.

"BABY, where are you?"

"I'm driving. Magdi-dinner kami ng friend ko ngayon. You remember what I told you last night? About the possibility of investing my money for business?"

"Yeah?"

"Sabi mo sundin ko lang kung anong sinasabi ng puso ko. So, this is it. I think it's a good idea na magpasimula na ako."

"Okay, okay.. But baby, what did you just said? You're driving and you're calling me now?"

"Excuse me, handsome. Ikaw ang tumawag sa akin. Sinagot ko lang."

Natatawang pinatay na niya ang tawag. Hindi pa rin niya nasasabi kay Kaleb ang tungkol sa pregnancy niya. Late na ito dumating kagabi. Meeting daw. She believe he's a busy person. Hindi nila masyadong napag-uusapan ang mga trabaho nila. Kapag magkasama sila, para silang may sariling mundo na nabuo. Sila lang talaga. Lunod na lunod sa isa't isa.

Nagawa pa rin ni Kaleb na lambingin siya kagabi kahit halatang pagod ito. Naisip niya hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para sabihin dito. Hindi rin perfect timing kung sasabihin niya sa umagahan. She thought it would be special kung paghahandaan niya mismo ang araw. Yes! It should be a special surprise to him.

Nakaisip na siya ng ilang ideas para doon. Mamaya niya pag-isipan pa iyon ng todo. Niyaya kasi niya si Dany na magkita sila sa gabing 'yon sa isa sa bar and restaurant na pag-aari nito. Nakapag-isip isip na siya. Nakapagdesisyon na. It's time for her to make some changes in her life.

Tutal desidido na rin siya umalis sa kompanya. Hindi na talaga niya kayang matagalan na nakikita niya ang mukha ng kapatid niya na nang-iinsulto tuwing makikita siya. Naalala niya pa ang masasakit na sinabi ng kanyang ama.

Isa pa, wala rin naman dito ang huling halakhak. Kahit siya hindi na niya sigurado kung ano pa ang magiging kinabukasan niya sa pagtatrabaho doon. The company will have it's new ownership. Wala siyang idea dahil hindi na nga siya umaattend sa mga pagme-meeting. It's not her concern anymore.

Kung piliin ng bagong may-ari ng magtanggal ng mga empleyado at palitan ang mga gusto nitong palitan, sigurado siyang maraming magsu-suffer doon.

Malaking dagok iyon. Wala siyang magagawa doon. Handa na ang resignation letter niya kung sakali. Malaki na rin ang ipon niya. Enough to start a business or invest. Kaya kikitain niya si Dany ngayon para tanggapin ang partnership nito.

Pagkarating niya sa bar ay agad niyang namataan ang kaibigan na naghihintay sa kanya. She was wearing a purple maxi dress. She looks like a barbie doll.

"Hello, barbie. Nice to see your doll face again.!"

"Oh, please. Don't call me that. Naaalala ko ex ko bigla."

She laughed at that. Pinuna rin nito ang suot niya. She was wearing something sexy. Malambot ang tela niyon at kada galaw niya ay lumilitaw ang makinis at naha-highlight ang mahahabang biyas niya.

"Oh, I like your outfit. Ang sexy. Tamang-tama. May ipapakilala ako sa 'yo mamaya!"

"Hindi na pwede no!"

"Ay, may magagalit na ba? Ang bilis naman, parang kailan lang single ka pa."

"Ganoon talaga. Maganda tayo, eh."

 Nagtawanan sila at naghanap ng mauupuan. Kumain muna silang dalawa bago mapunta sa diskusyon nila. Madali lang kausap ang babae. Naipaliwanag nito sa kanya ang mga bagay bagay na dapat niyang malaman. Hindi muna siya nito pinapirma ng kontrata. Binigyan siya nito ng panahon para ipakita sa lawyer niya ang nilalaman non, para maliwanag sa kanya ang nilalaman noon.

"So, tell me, are you dating someone now? Sabi mo may magagalit na kapag ipinakilala kita sa iba."

"It's true. May kinakasama na ako ngayon."

"Live-in?" bulalas nito. She nod at her. "Talaga? Oh, my God. Ikaw na!"

Kahapon ay maaga siyang umalis ng opisina para bumalik sa tinutuluyan niya. Nandoon pa ang ilan sa mga gamit niya. Naghanap siya ng katulong para 'yung ilan sa mga gamit na kailangan niya ay mailipat sa penthouse ni Kaleb. They already talked about it. Inaasahan na rin ng binata na tumira na siya kasama ito.

Hindi pa niya alam ang gagawin niya sa apartment niya. Marami pa siyang gamit na hindi pa nakukuha doon. Mabilis man ang development sa relasyon nila ni Kal, masaya siya doon. She found contentment in his place.

Natapos ang dinner nila ni Dany ng maayos. Papaalis na siya nang mahagip niya ang pamilyar na katawan ng isang babae sa may parking lot. Kinausap ito ng lalaki at tila ipinagpipilitan ang sarili sa babae. Instinct niya ang nagdikta para titigan ito.

"Gigi?"

And she was right. It was her cousin!

"Ano ba? Sabing ayaw ko sa 'yo! Leave me alone!" Pumiglas ito sa hawak ng lalaking kumukursunada dito.

Agad siyang tumakbo palapit sa dalaga. "Hey! Leave her alone!" Naglabas siya ng pepper spray incase na gumawa ng hindi maganda ang lalaki. Magaling naman at agad itong dumistansya sa pinsan niya nang sitahin na rin ito ng guard.

"Gi, bakit ka mag-isa?"

Malamig na sinulyapan lang siya ng pinsan at tumalikod sa kanya. Naamoy niya ang alak sa hininga nito. She was drunk. Anong ginagawa nito? Sinundan ni Gel ang pinsan. "Gi, talk to me please."

"Go away, couz. There's nothing to talk about. Umuwi ka na sa penthouse nyo ni Kal. At magsasaya pa ako ngayong gabi.."

Hinagip niya ang braso nito para pigilan. "Ano ka ba? Lasing ka na. Baka mapaano ka pa---"

"Stop telling me what to do with my life! Dito ako masaya!"

"Mapapahamak ka kung mag-isa ka lang! Hindi mo ba nakita 'yong ginagawa ng lalaki kanina sa 'yo?"

"Bakit ka ba nangingialam, Gel? Hindi ka pa ba masaya na kayo na ni Kaleb? Sa 'yo na siya so let me do my own thing!"

Nanlamig siya sa sinabi nito. "Is this about me? About my relationship with Kal? Kaya ka ba umiiwas sa akin at kaya ka nagkakaganito?"

Napahinto ito. May tensyon sa mga balikat nito at rinig niya ang lalim ng paghinga nito.

"Gi, you don't have to do this.. Naiintindihan ko nasasaktan ka. Kailangan mo ng space--"

"Oo na!" bulyaw nito sa mukha niya. "Oo na, masakit na makita kayong magkasama! Masakit na malaman na ikaw na ang mahal niya! Pero ginagawa ko kung ano ang tama. And that's to distance myself from you!"

Bumuhos ang luha nito at galit na dinuro siya. "I'm trying to be rational. As much as I want to destroy your relationship with him. I don't want to be the evil, bitter ex! Kaya lumalayo ako, pinipilit mag-move on. Ayaw kong maging desperada, maging kaawa-awa.. Dahil sa totoo lang? Pagod na rin ako, Gel. Pagod na ako sa lahat-lahat. Pagod na akong magamit at maging instrumento lang para sa ibang tao. Sa pamilya pa lang natin, pagod na pagod na ako. Hindi lang ikaw ang family issue dito. Ako rin. I'm tired of how they treat me! I'm just the moneymaker na walang nagmamahal! Isang beses lang akong nagmahal at di ako makapaniwalang nauwi 'yon sa wala just because of his stupid revenge on our family!"

Revenge? What was she talking about? Inabot niya ang kamay ni Gigi. "Alam ko 'yung nararamdaman mo, but please, mapag-uusapan natin 'to. Not like this."

Marahas na iniiwas nito ang kamay. "No. No.."

"Nakainom ka, I get it. Pag nahimasmasan ka, marerealize mo--"

"Ayaw mo ba marinig ang totoo, Gel? Magbubulag-bulagan ka rin ba pag nalaman mo ang totoo?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Puno ng laman ang sinabi nito. Sinalubong niya ang mga mata nito. Ilang araw lang niya itong hindi nakita. Ngunit tila nalunod ito sa miserableng sitwasyon na hindi siya aware.

"You know I love you as my cousin. But I hate to break your heart again, dear cousin.. I hate to tell you it's not all real."

Nanginig ang buong katawan niya. Parang gusto niyang takpan ang tenga. Dahil pakiramdam niya ay may bomba itong papasabugin sa harap niya.

"Noon akala ko totoo 'yung mga ipinakita niya. Hanggang sa nalaman ko na puro panggagago lang ang lahat. Pinaibig lang niya ako para sa paghihiganti. Nasaktan ako ng sobra na nawala ang isang bagay na mahalaga sa akin. But I still love him after all of that. I still want him back."

Si Kaleb ba ang tinutukoy nito? Hindi.. Ayaw niyang paniwalaan iyon. Umiling siya, pagkatapos ay umatras.

"That's the truth."

"Y-You're lying.."

"I wish I am." mapait na ngumiti ito sa kanya. "And I really hate to inform you that he didn't changed.. Inakala kong tapos na siya. No. He's really up for revenge. Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang ginamit niya."

"Stop," awat niya. Hindi siya naniniwala na kayang gawin iyon ni Kaleb. "Lasing ka lang kaya mo nasasabi ang mga 'yan."

Her voice was weak. Nanginginig na rin ang mga tuhod niya. "Alam ko mahihirapan ka maniwala.. Una ko siyang nakilala kaya mas kilala ko si Kaleb. I know what he's capable of."

"You don't have proof!"

Malamig na ngumiti ang dalaga. "Hindi pa ba sapat na ebidensya na siya na ang nagtake over sa kompanya ng ama mo?"

Natutop niya ang bibig. And that's it. Tila bombang pinasabog nito sa harap niya ang katotohanan.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top