Chapter Thirty


 GEL never felt so uncomfortable. Kanina pa nararamdaman ng dalaga ang pares na mata na nakatitig sa kanya. Ngunit patuloy lang niyang inignora iyon.

Mula nang pumasok siya sa resto para katapuin ang isang colleague niya na malapit sa kanya ay naramdaman na niya ang maiinit na titig na 'yin. Tumatagos sa kaluluwa niya ang init. At sa sobrang pamilyar ng pakiramdam na iyon na natatakot siyang tumingin sa paligid para lang makumpirma ang hinala niya.

"You should start your own business na, friend. Pramis! Hindi ka naman malulugi kung alam mo lang paano i-handle."

"I know.. Pinag-iisipan ko rin ng maigi 'yan."

"And kung kailangan mo ng mga advice nandito lang ako para tulungan ka." sabi ng kausap at marahang sinipsip ang smoothie nito.

Tumatangong ngumiti si Gel. Almost an hour na rin silang nagdidiskusyon ni Dany. They're talking all about business. Inaalok na rin nga siya nito na mag-invest sa bagong business venture nito. Ang ganda ng mga ideas na pinepresent nito sa kanya. Natutukso na siya. And to be honest, baka bago magtapos ang lunch date nila ay may business deal na sila.

Matagal na rin niyang kilala si Dany. Since elementary days pa niya. Magkababata sila dahil naging business partners ang mga magulang nila. Also she's one of her close friend na alam niyang mapagkakatiwalaan. She trust her judgements. The woman is such a talented woman. Successful ang mga fanchise na kinukuha nito. Kung ano ano na nga ang pinapasok nitong negosyo in the past years, and so far Dany was doing very excellent.

Tuloy di niya maiwasan makaramdam ng inggit. Nagawa nitong makapagpundar para sa sarili at makalayo sa anino ng ama nito.

"Paano mo nagawa 'yon, Dany?"

"Alin? Ang tumayo sa sarili kong paa? Maging independent? Simple lang. Naging wise lang ako gamitin ang resources ko hanggang maaga pa. Alam ko naman na bastarda ako at siguradong hindi papayag ang pamilya ni Dad na magkaroon ako ng mataas na pwesto sa kompanya. So iyon lang. Inunahan ko na sila."

May pagkakatulad sila ni Dany. Pareho silang hindi inaasahan na mabuo ng mga magulang nila. Hindi siya bastarda pero pakiramdam niya ay ganoon na rin siya dahil lagi siyang naisasantabi. Hindi niya alam kung saan siya lulugar sa pamilya niya. Parehong magulang niya ang nagpaparamdam ng ganoon sa kanya.

"Wala ka pa bang balak umalis sa kompanya ng Dad mo, Gel? You know very well kung sino rin naman ang makikinabang dyan sa huli kahit maghirap ka dyan."

"I know. Sa kapatid kong si Terry din ipapamana iyon ni Dad. But I'm not really now." Maliit na tumawa siya.

"Bakit? Nagbago na ang ihip ng hangin?" curious nitong tanong.

"No. There's a problem inside. Someone is taking over Dad's company.."

Natutop nito ang bibig. "Oh my God. So the rumor is true? Akala ko ginagawan na nila ng paraan 'yan.."

"There will be a change of management, I'm sure." Ilang linggo na rin na stress sina Terry. Gumawa pa ito ng dahilan para mabunton sa kanya ang sisi at mapagalitan siya ni Dad. Wala raw siyang utang na loob. Sa imbes na tumulong siya ay nagpasarap pa daw siya sa buhay. And that's why she wants to resign. Pagod na rin siyang unawain ito. Pagod na siyang manatili sa nakakasakal na sitwasyon. Parang gusto na lang niyang maglaho.

"Kung ganoon ito na ang pagkakataon mo para magsimula ng panibago. Dahil hindi naman pwede na maging empleyado ka lang sa kompanyang 'yan." Bumuntong-hininga siya. Hinaplos nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "I know it's scary to try.. But I think you really should take a risk. Parang sa pag-ibig lang 'yan. Kahit wala kang kasiguraduhan, handa kang sumugal."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "No wonder bakit ang successful mong babae ka. Ang galing mo rin talaga mangumbinsi, eh. I'll think about it."

Umakyat ang tingin niya sa second floor ng resto sa hindi malamang dahilan. Nakikita niya ang mga nakaupo sa gilid. Pagtingin niya ay nahagip niya ang isang pamilyar na mukha. Kumabog ang dibdib niya. Nakumpirma ang kanina pang hinala niya.

She looked at his blue green eyes. Mataman siyang pinagmamasdan nito. May panghahamon na umangat ang kilay nito. Fuck, fuck, fuck.

Kalmado lang na inilipat niya ang titig sa katabi nitong pwesto hanggang sa ibalik niya ang atensyon kay Dany.

"Kumusta na nga pala ang love life mo?" tanong niya sa dalaga kahit parang hahapuin siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Kinalma niya ang sarili. Tinuloy ang pagpapanggap na hindi ito nakita. Damn, he didn't even try to hide himself.

"Natanong mo naman? I'm single right now. Wala akong planong mag-jowa. Ang sakit lang sa ulo ng mga lalaking 'yan."

"Tama ka dun." Masakit na nga sa ulo, masakit pa sa keps.

"Oh, narinig ko nga pala ang nangyari sa inyo ni Lon. I didn't expect that from him."

"Okay na ako. Naka-move on na ako." Sa bilis nga ng pagmomove on niya, ibang lalaki na ang pinagmo-move on-an niya ngayon. At ang lalaking iyon ay panay ang titig sa kanya ngayon. God, he's such a creep.

Kunyari ka pa, eh, basang-basa ka na nga agad!

That's not her fault. She couldn't help it. Tinititigan siya nito na parang gusto nitong itihaya siya doon sa mesa, pilasin ang mga saplot niya at angkinin ang katinuan niya. Lihim siyang napamura.

Tumunog ang phone ni Dany, parang senyales na sa pagtatapos ng lunch date na iyon. "Oh, I need to go now, Gel. Something came up."

"Sure, aalis na rin ako."

"Sa sunod na lang ulit. Tawagan mo na lang ako."

"I will. Mag-ingat ka ha." Tumango ito at nagbeso sila. Bago umalis ay pasimple siyang sumulyap sa kinauupuan ni Kal. Wala na ito doon. Hindi niya alam kung makakaramdam siya doon ng relief o panghihinayang.

It has been three weeks.. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang nakamove on siya dito. Ang katotohanan ay walang minuto na hindi ito sumasagi sa isip niya. She thought it would be best for her to leave him and just move-on.

Napansin rin niya ang pagiging cold ni Gigi sa kanya. May hinala na siyang aware ito. Lalo na at kapag binabanggit nito si Kaleb sa kanya ay tumititig ito ng matagal sa kanya, parang naghahanap ng katotohanan sa mukha niya.

Alam na nito. Gumagana din ang women instinct nito. Kailangan lang nito ng ebidensya para mapatunayan iyon. Pero hindi niya mahanap ang tapang para sabihin sa pinsan ang totoo. Natatakot siya harapin ang galit nito kapag nalaman na nito ang totoo. Oo, duwag siya. But she's just afraid of loosing the only person na tanging may paki sa kanya at kayang damayan siya.

Mahirap para sa kanya ang mga nakaraang linggo. Hindi ni Gel alam kung papaano ihahandle ang mga sunod sunod na nangyayari. Mula sa pamilya nya, sa trabaho niya sa kompanya nila, sa paglilihim niya kay Gigi, sa nararamdaman niya kay Kaleb, at sa pagbabago ng pakiramdam niya tuwing umaga.

It was really hard for her. Mag-isa niyang hinahandle ang lahat ng 'yun. Kung kaya niyang takasan ulit ang mga 'yon at magpakalayo-layo, gagawin niya. But right now, she needs to figure out all of these. Isa-isa lang.

Lumabas siya ng resto at pinuntahan ang kotse niyang naka-park. Malalim pa rin ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na may nakasandal sa pinto ng kotse niya. At nang makita nito ito, tila narinig niyang lumundag ang puso niya.

"K-Kal.. Anong ginagawa mo dito?"

Akala niya ay nakaalis na ito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito.

"Well, I'm surprise you still know how to pronounce my name."

"Kailan ba naging mahirap banggitin ang pangalan mo? Para tatlong letra lang. Lima pala."

Napalunok siya nang hindi man lang ito ngumiti. Hindi ba funny 'yung sinabi niya? Ang awkward ng pakiramdam niya habang nakatayo doon. Hindi niya masalubong ang mata nito. Nanunumbat ang tingin nito. At alam na niya kung para saan 'yun.

"Sooo, why are you here?" tanong niya na pinakaswal ang boses. "I'm glad to see you here."

"Are you?"

Nakagat niya ang ibabang-labi. "I'm sorry I left without saying a word to you. But we're both adults here, so inaasahan ko naman na naintindihan mo ako. With the situation with my cousin, I hope you understand that it's best for us to.. to.." Hindi niya maituloy ang gustong sabihin. Nag-iinit ang mata niya. Pinupuno ng samu't saring emosyon ang dibdib niya. Goddamn it! Hindi niya mapigilan ang sarili. Nahihirapan siyang tumingin kay Kaleb. She terribly missed him. Sa lahat ng nangyayari, isa lang ang sigurado siyang gusto niya.

Ito lang.

Pero ayaw niyang makasakit. Ayaw niyang maging komplikado pa ang lahat. Ang desisyon niyang lumayo ang tama. Ang tapusin nila iyon ang dapat.

"Okay." Tumango si Kaleb, hindi nagbabago ang tigas sa mukha. "You think it's best for us not to see each other anymore."

She nodded, tears pooled her eyes.

"Kung 'yon ang gusto mo, para saan ang mga luhang 'yan?"

Umiling siya at natatarantang pinahid ang pisngi niya. "W-Wala. I should go."

Nakaharang ito sa pinto ng kotse niya. "Not so fast."

"Kal!"

Umigting ang panga nito. Naalarma siya ng makita ang halo-halong emosyon sa mukha nito. Galit at pangungulila. Ngayon lang niya napansin ang bakas ng pagka-miserable sa ilalim ng mata nito.

Kapagkuwan ay sinunggaban siya nito. Napasinghap siya. Akala niya ay muli nitong aangkinin ang labi niya. Idadaan siya sa ganoong paraan.. Pero nanatiling nakayakap ito sa kanya. Mahigpit. Isinubsob ang mukha sa leeg niya at bumulong,

"It's been hell without you, baby. I missed you so much." Kasabay ng pag-agos ng luha niya ay siyang pagbagsak ng ulan.


Itutuloy..


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top