Chapter Sixteen
NAKAUPO si Gel sa sala. Nakabukas ang TV, pero mas nananaig para sa kanya ang boses ni Kaleb habang may kausap ito sa telepono. He was talking to his friend. May nababanggit itong party at isla. Iyon marahil 'yong tinutukoy nito noong nakaraan. He wanted to bring her to his friend's party.
Ano, magiging palamuti lang siya sa tabi nito?
May ngiti pa rin sa labi nang umupo ito sa tabi niya.
"Is that your friend?"
He nodded. "His name is Tariq. Pinaalalahanan niya ako na kailangan dumalo ako sa birthday party niya. And he wants me to bring you.."
Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Kasama ako? Sa kanya ba galing 'yon o sa 'yo?"
Tumawa ito. "It doesn't matter. You should come with me. No.. You're coming with me." Malambing na inakbayan siya nito.
Nakakapanghina ang pakiramdam na 'yon. Kanina pa siya kumukuha ng tiyempo para sabihin kay Kaleb ang pag-alis niya. Kung paano niya sasabihin dito, hindi niya alam kung paano. Nahihirapan siya. Hindi naman ganito kahirap noong iwan niya ang relasyon nila ni Lon at mag-walk out ng walang paalam. Pero bakit nahihirapan siya kay Kaleb? Kung tutuusin hindi naman mahirap 'yon. Wala pa silang isang buwan na magkakilala. But why it's so hard to say goodbye?
"Mas maganda kung hindi mo na ako isasama."
"Why not?"
"Because.." Natigilan siya, sandaling hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Gel."
"I believe that's not a good idea." She felt a lump in her throat. She swallowed hard.
"Not a good idea? Care to tell me why it's not a good idea to bring you in my friend's party?"
He's totally clueless. Habang tumatagal siya na katabi ito, mas lalo siyang nahihirapan na I-voice out ang nararamdaman niya, ang gusto niyang sabihin. Bumibigat ang tensyon sa mga ugat niya.
Tumingin siya kay Kaleb. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito. "You look so pale. What's the matter?"
"I can't do this anymore, Kal."
"W-What?"
Humugot siya ng hangin, at pilit na sinalubong ang mga mata ng lalaking sa loob lang ng ilang araw ay nagawa na agad niyang mahalin. Tangina. Ngayon inaamin niya sa sariling nahulog na nga talaga siya. Within days. Inlove na agad siya.
Wow, talent!
"Hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mo?"
"I'm saying... I can't stay here anymore, Kal. Hindi na ako makakatagal pa dito sa villa mo. Gusto ko na magpaalam sa 'yo. Aalis na ako."
Napakurap si Kaleb, bumakas ang pagkagulat sa mukha.
"Maybe later or tomorrow morning. Ayaw ko naman bigla bigla umalis na hindi nakakapagpaalam sa 'yo ng maayos. Kanina ko pa iniisip kung paano ako magsasabi sa 'yo ng--"
"Stop."
"--hindi ka mabibigla."
Napatiim-bagang si Kal. "Why are you leaving?"
"Anong tanong 'yan? H-Hindi naman habambuhay nakatira ako--"
"I'm asking you why."
"Baka nakakalimutan mong may buhay rin akong akin bago tayo nagkakilala. It's time to go back. I'm okay now. Thank---"
"Oh, that's it." malamig na putol nito sa akmang pagpapasalamat niya dito. "I get it. You're okay now kaya babalik ka na sa dating buhay mo." Malinaw ang lamig sa tono nito. Inignora niya iyon.
"I need to go back. I want to thank you for everything."
"Babalikan mo ba?"
Nagsalubong ang kilay niya.
"Yung ex mo, babalikan mo ba kaya aalis ka na?"
Napanganga siya. Iniisip ba nitong makikipagbalikan pa siya sa lalaking nanakit din sa kanya? Anong tingin nito sa kanya?
Nang hindi agad siya sumagot, muli itong nagsalita. "You don't need to answer that." Kita niya ang pagguhit ng tensyon sa mga panga nito. His blue green eyes turned dark and murderous. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.
"Ngayong napagpasyahan mo nang bumalik, aalis ka na lang basta-basta. And you really think you can dumped me like that."
"Let me clear this to you. I'm not dumping you."
"Iyon na mismo ang ginagawa mo."
"Oh, really? First of all, there was never an us. Second, hindi ko babalikan ang ex ko. Hindi ako gaga para gawin 'yon."
"Then, why are you leaving?" puno ng pagtatanong ang mga mata nito. Hindi niya naiintindihan ang reaksyon nito. Tila naalala niya dito ang itsura ng taong inaabandona. Yung mga taong iniiwan sa ere.
"Bakit mo kinukwestyon ang pag-alis ko? Bawal na ako bumalik sa apartment ko? Sa trabaho ko? Ano 'to, once you enter, there's no going back? I'm leaving. Hindi ako aalis dahil may babalikan ako or what.. I just need to go."
Tumayo na siya. Nakahanda na siya para sa pag-alis. Wala naman siyang ibang dadalhin kundi ang bag niya. Maayos na ang kotse niya kaya walang problema sa pag-alis.. Si Kal na lang.
Naramdaman nya ang pagpigil sa braso niya. "Stay."
Mariin siyang napapikit. "There's no reason to stay, Kal."
"Meron. Alam mo kung anong meron tayo. Hindi ka manhid para hindi mo maramdaman na merong namamagitan sa atin."
"Yes, it's the sex. Hot, dirty, wild sex." binigyang diin niya bawat kataga.
"You know we're more than that."
Don't believe him.
"It's not just the sex. We like each other."
Stop listening to him. Don't you dare believe him.
"Siguro nga pareho nating gusto ang isa't isa. Our bodies can't deny that. But that's not enough Kal."
"Ano pa bang kulang?"
"Tiwala." May pait sa ngiti na lumingon siya dito. "How can I stay with someone na hindi kayang buksan ang sarili niya sa akin. Bukod sa mga nakalagay sa birth certificate mo, wala na akong alam tungkol sa 'yo. Okay lang kung hindi mo agad sabihin ang lahat ng bagay. Iniisip ko rin baka mahirap 'yun para sa 'yo. Kaya hindi ako matanong. But that's really unfair, Kal. Kahapon, inignora ko lang ang nangyari dahil baka may dahilan ka at ayaw kang maalala. But you just pretend like nothing happened."
Namumutlang tumingin ito sa kanya.
"Umalis ako sa past relationship ko dahil niloko ako. And now, ayoko muna sumugal sa isang taong hindi ko kilala.. Kung yung kilala ko nang ilang taon naloko ako. What are the chances na seseryosohin ako ng taong kailan ko lang nakilala?"
"Hindi ako siya."
"Yes, you're not him. At hindi kita ikukumpara sa kanya dahil iba ka."
"Handa akong seryosohin ka."
Nag-init ang mga mata niya. Please, ayaw niyang umiyak.
"You're just telling me that because you want me to stay."
"Hindi ba sapat na proof na 'yung gusto kitang magstay dahil gusto talaga kita? Alam kong may pangamba ka.. And maybe it's my fault. But I really want you. I like you, Gel. So bad." Hinaplos nito ang pisngi niya at hinuli ang tingin niya. Pinigil niya ang mapahikbi. Sa kakaunting panahon, naramdaman niya ang maging masaya sa piling nito. Ang makalimutan ang lahat ng pinagdaanan niya.
Nagkaroon siya ng isang taong mapaglalabasan ng problema, at isang taong papakinggan siya. Maikli man ang panahon na nakasama niya ito, alam niyang naging masaya siya.
"But I won't force you to stay with me kung ayaw mo. Hindi kita pipilitin." pilit na ngumiti ito, malungkot ang gwapong mukha.
"You're free to go."
MALUNGKOT na tinanaw ni Kaleb ang papalayong kotse ng dalaga. Hindi niya inalis ang mata doon hanggang sa mawala na iyon sa paningin niya. He felt a pang of pain in his chest.
Kinalma niya ang sarili habang pinanlalabanan ang sariling huwag sumakay sa pick up niya at habulin ito. Kailangan rin niyang irespeto ang desisyon nitong umalis. Hindi niya ito pwedeng pilitin. Ayaw niyang matakot ito.
But he badly wants to keep her with him. Kung pwede lang na itali niya ito sa kama niya huwag lang itong umalis ginawa niya.
Napailing sya. Nababaliw na siya. That's a criminal offense. Hinding hindi niya tatawirin ang limitasyon niya.
Muli, bumuntong-hininga siya. Pinakawalan ang bigat ng tensyon sa katawan niya. Hindi nawala 'yon lalo na nang makapasok siya sa loob ng bahay niya. He could still smell her scent. Alam niya ang pabangong ginagamit nito. It's one of the island's perfume brand.
Nanunuot sa sistema niya ang amoy ng dalaga. Tila dumikit na 'yon sa bawat parte ng bahay niya.. Pati sa katawan niya.
Nararamdaman pa rin niya ngayon ang init ng balat nito sa kanya. Good lord. Wala pang isang oras na umalis si Gel. Pero heto siya at nangungulila agad dito. Ganun na ba siya ka-obsessed dito?
Napatiim-bagang siya.
He need to get a grip.
Nagtungo siya sa isang kwarto sa villa na nagsisilbing office niya. Umupo siya sa swivel chair at hinagilap ang telepono niya.
"Kal," pormal at seryoso ang boses na bumungad sa kanya.
"Meron na bang update tungkol sa project?"
"Nakausap ko na sila at nagawa na nila ang parte nila. We just need to wait for the outcome of this. Are you sure you still want to do this?"
Napatuwid siya ng likod. Then, he smirked. "Walang pumipigil sa akin para gawin ang dapat ginawa ko na noon pa."
"Well, iyon din ang iniisip kong gagawin mo kung hindi lang.." Ibinitin ng kausap ang sinasabi sa kabilang linya.
Naningkit ang mata niya sa pambibitin nito. Sinadya nito iyon.
"Ituloy mo 'yan," sabi niya na may halong pagbabanta. Tumawa ito sa kabilang linya.
"Forget that, Kal. I'm just teasing you." Ngumisi lang siya. Sanay na siya kay Noah. He is his bestfriend for so many years. Ito rin ang nagsisilbing abogado niya sa lahat ng transactions niya. Sa lahat ng taong malapit sa kanya, ito lang ang napagkakatiwalaan niya ng lahat. He knows he could trust him with his life. Hindi siya nito binigo kahit kailan.
"Change topic. Are you coming to Tariq's birthday party?" tanong nito kapagkuwan.
"I'm thinking about it." Dahil doon, muli na naman sumagi sa alaala niya si Gel. Balak niyang dalhin ang dalaga sa isla. Naiinip siya na nandoon lang sila sa villa niya. Gusto niyang dalhin ito sa pinapaboritong lugar niya.
"You should come. Nakapagdecide na rin akong pumunta. I need to take a break."
"You mean, you need to get laid."
"Wala akong sinasabing ganon."
"C'mon, Noah. Alam ko naman na halos ibinuburo mo na 'yang alaga mo sa kakatrabaho. So, it's okay to say you need a good fuck."
"Fuck you." malutong na mura nito.
He let out a chuckle.
"Oh, no, you don't fuck me. My sexual preferences aren't men."
"Funny. I'd better get going, Kal. And before I forgot, I will send you the reports now." Nagpaalam na si Noah sa kanya. Makaraan ang ilang sandali, dumating na sa email niya ang mga documents na hinihingi niya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top