Chapter Fourteen

 KALALABAS lang ni Gel sa banyo nang marinig niya ang mahinang tawa ni Kal. Nasa tapat ito ng bintana at may kausap sa cellphone nito.

"I don't know If i can commit, bro.. I know.. But i'll try.." Tila naramdaman nito ang presensya niya. Lumingon sa kanya ang binata. He smiled at her. Ngiti pa lang, parang gusto na ulit niyang tumihaya. Ugh. How could he be so hot? Illegal ang pagiging masyadong gwapo nito

Malande, bulong niya sa sarili.

"I'm with someone right now." Naging pilyo ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. Tumaas ang kilay niya dito. "Uhm, why not? But let's see if I could bring her there."

Tinalikuran na niya ito at tinungo ang closet. Hindi pa siya nakakapagbihis, naramdaman na niya ito sa likod niya. Malambing na niyakap siya nito, ang mukha ay nakabaon sa leeg niya. Nakikiliti siya kapag ginagawa nito iyon.

"Kal, ano ba, nagbibihis pa ako."

"A friend called me," bulong nito sa tenga niya.

"Uhm, who's friend?" tanong niya, "At anong kinalaman ko d'yan?"

"He's inviting me to come to his birthday party. Sinabi ko sa kanya na hindi ako makakapangako na makapunta."

Napakunot-noo siya. "Birthday pala ng kaibigan mo. Bakit hindi ka makakapunta?"

"Because I'm busy with you."

She frowned at him. "Seryoso ba 'yun?"

"Yep, and if I would come gusto ko kasama kita."

Muling napaangat ang kilay niya habang nakatingin dito. "Are you asking me to come with you?"

Tumango ito, at bigla hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Gusto siya nitong dalhin sa birthday party ng kaibigan nito. Hindi sa pagiging advanced, pero paano siya nito ipapakilala sa mga kaibigan nito? Bilang kaibigan? Iyon na nga ang pakilala nito kina Manang Celis at hindi siya komportable doon. May nangyayari sa kanila na higit sa pagiging magkaibigan.

"I don't know, Kal." may bigat sa boses niya. "Hindi ako sigurado."

"Why?"

"Hindi ako magiging komportable." Hindi rin siya sigurado kung tama ba ang set up nila. She's letting him affect him in a way that no man could ever do to her. Hinahayaan niya itong pumasok sa buhay niya, sa puso niya. At sigurado siyang hindi tama 'yon. Kailan lang sila nagkakilala. God! Ni hindi pa nga niya lubusang kilala si Kal.

Pinihit siya ng lalaki. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat para hulihin ang mga mata niya. "What's wrong?"

Umiling siya, at pwinersa ang sariling ngumiti. "Nothing. I'm fine."

Pinakatitigan siya ni Kal, pilit binabasa ang mukha niya. She managed to stay her fake smile. "Seryoso nga! Okay lang ako." pagsisigurado niya sa lalaki. "Bakit hindi ka muna lumabas para makapagbihis ako."

Lumabi ito. "No, i want to watch you get dress. C'mon. Give me a free show, baby."

"Creeper!" Natatawang itinulak niya ang lalaki palabas ng silid. Nang masolo na niya ang kwarto, muli siyang napabuntong-hininga.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Gel ang mga naganap sa kanila ni Kaleb. He's like a sex God. Daig pa ni Kal ang may lakas ng ilang lalaki. He's insatiable, and she like it in every way. Sa katunayan, ilang beses pang nasundan ang maiinit na pagtatalik nila. It was fun. It's the first time that she became this wild with a man. Parang nasa ilalim lagi siya ng hipnotismo ng binata. Kapag nararamdaman na niya ang init ng palad nito sa balat niya at ang init ng hininga nito sa batok niya. Nawawala na ang kontrol niya sa sarili.

Hindi niya alam kung tama pa ba itong ginagawa niya o mali na. Muli, naalala niya ang ginawa nila sa ibabaw ng alaga nitong kabayo. Oh my.. poor horsey.

Pero nagpapasalamat siya at hindi tumakbo ang kabayo sa kalagitnaan ng mainit na sandali nila ni Kaleb. Baka tumirik pa mata niya kung nagkataon.

"Oh," napahawak siya sa mukha habang nag-iinit ang mukha. "I'm such a bad girl."

WHERE is he? Kakagising lang niya ng hapon na 'yon. Di niya natantya ang tulog niya. Three hours din siyang nakatulog. Nakabawi na siguro siya sa ilang gabi na puyat siya. At kung anong rason ng puyat ni Gel, iyon din ang rason kung bakit masakit pa rin ang katawan niya. Well, di naman masyado na.

Paika-ika lang siya. At sinusubukan niyang wag iyon mahalata ni Manang Celis at ni Tammy, ang dalagang anak nito.

"Hi," nakangiting bumati siya nang maabutan si Tammy sa kusina. Agad naman itong ngumiti sa kanya.

"Ate Gel." Napansin niya ang mga nagkalat sa mesa na ingredients sa pagbe-bake. May binabasa din ito sa smartphone nito na sa hula niya ay instructions.

"Nakita mo ba si Kal ngayon?"

"Kakaalis lang ni Kuya Kal. Nakita ko siyang sakay sa pick-up."

"Nagsabi ba kung saan daw pupunta?"

Umiling ang dalaga. "Hindi rin, Ate. Nagmamadaling umalis. Baka mamaya nandyan din siya."

Baka nga may importanteng lakad ang binata at hindi na nakapagpaalam pa sa kanya. Isa pa, hindi naman siya nito gigisingin kahit umalis ito. At ayaw niyang ginigising pag nasa kasarapan siya ng tulog.

"Ano pala ang gagawin mo?"

"Dream cake, Ate Gel."

"Dream cake? Wow."

"Nakita ko kasi ate sa Facebook 'to. Tapos hinanap ko sa Internet kung paano gumawa. May mga videos na lumabas. So, pinanood ko lang."

"Oh, so you love baking? You know, I also love baking. Nakagawa na rin ako n'yan last time." Nakita niya ang pagkislap ng mata nito. "Gusto mo tulungan kita?"

"Sige, ate!" Tuwang tuwa naman si Tammy. Third year na pala ito as an HRM student. Habang ipinapakita niya dito ang steps at paglalahok ng ingredients, nagkukwentuhan sila nito. Nalaman niya na kakabreak lang nito sa boyfriend nito. Babaero daw ang nobyo nito, lalo na kapag kasama ang mga kabarkada. Kung sino sinong babae daw ang kasama at minsan may nangyayari pa.

"Sus, wag mo iniiyakan ang mga ganung lalaki." sabi niya dito nang mapansin niyang mamula mula na ang mata ng babae. "You're still young. Mabuti nga maaga ka naexpose sa pagiging unfaithful ng lalaki sa relasyon. Atleast, alam mo na sa sunod, di ba?"

"Sabi niya, sulsul lang daw ng barkada kaya niya nagawa 'yon."

"At papaniwalaan mo 'yun?"

"Hindi ko alam. Nililigawan niya ulit ako. Sabi niya ako pa rin ang mahal niya."

May pait sa mukha na napangiwi siya. "Alam mo, ganyan talaga ang mga lalaki.. Para lang pagtakpan 'yong kasalanan nila, sasabihin nilang mahal ka nila. But never believe that. Kapag ginawa niya ng isang beses, mauulit 'yan. Sabi mo nga hiniwalayan mo na ulit kasi nasaktan ka. Kapag binalikan mo 'yan, mas doble 'yong sakit na mararamdaman mo kapag ginawa niya ulit yung ginawa niya noong unang beses."

Natahimik ito. Nang sulyapan niya si Tammy, para itong nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Stop thinking about him. He's not worth it. And you're very pretty, so marami ka pang makikilala dyan. Someone you deserve."

Nasa third layer na sila ng ginagawang dream cake nang bigla itong magtanong tungkol sa kanila ni Kaleb.

"Ate Gel, wag mo sana masamain kung magtatanong ako.. Friend ka lang po ba ni Kuya Kal?"

"Ha?"

"Uy, kunyari hindi niya narinig."

Nag-init ang pisngi niya. "Ikaw na bata ka, malisyosa ka ha. Ano ba sa tingin mo ang relasyon namin?" sabi niya dito, pero agad niyang narealize ang sinabi. "Ofcourse, we're just friends."

"Friends lang talaga?"

Tumango siya. "Iyon ang sabi ni Kaleb di ba?"

Nanunuksong ngumiti ito. "Wala naman dito si Kuya Kal. Pati ikaw naman ang tinatanong ko, te. Atin atin lang."

Hinuhuli talaga siya ng bruha. Igagalang niya si Kal sa paraan kung paano nito siya ipinakilala. At saka, talaga naman na hanggang kaibigan lang sila.. Fuck buddies. Maybe, that's the correct term. They are just friends with benefits.

Hindi na lalagpas sa pisikal na relasyon ang namamagitan sa kanila.

"Seriously, magkaibigan lang kami ni Kaleb."

"Magkaibigaaaaaaan?"

Napabuga siya ng hangin. "Bahala ka kung ayaw mo maniwala. O isumbong na lang kita kay Kal? Sabihin ko rin kay Manang Celis, iniintriga mo kami."

Namutla ang mukha ng tsismosang Tammy. "Ikaw naman, ate Gel! Di ka na mabiro. Akala ko lang kasi.."

"Akala mo lang."

"Bagay kayo ni Kuya Kal eh. Matagal na rin na wala siyang dinala na ibang babae dito.."

"Talaga ba?" Fishing na kung fishing. Interesado rin siya na malaman ang mga bagay tungkol kay Kal.

"Oo, ikaw lang ulit ang babaeng nadala niya dito."

Ulit? "Wait. Sabi mo kanina, walang ibang babae na dinala si Kal dito.. Bakit sabi mo ngayon, ako lang ulit? Ulit?"

"Uhmm.. Oo. Ikaw lang ulit. Pero sabi mo nga friends lang kayo kaya nakakahiyang. Matagal din naging single si Kuya Kaleb, eh."

So, he's really single. Walang girlfriend huh. Pinigilan niya ang pagguhit ng ngiti sa labi.. Pero hindi rin niya napigilan. Maluwang siyang napangiti.

"Pero to be honest, Ate.. Noong nakita kitang bumaba sa hagdan, akala ko talaga bumalik si Ate Giselle."

Napawi ang ngiti niya.

"G-Giselle? Who's Giselle?"

Napakunot-noo si Tammy. "Friend ka kamo ni Kuya Kal.. Di mo kilala si Ate Giselle?"

"Tammy, sino si Giselle?" tanong niya. Naramdaman niya ang mabibigat na hakbang sa likuran niya. Nakita niya ang pamumutla ng mukha ni Tammy.

Hindi niya kailangan lumingon para alamin kung sino ang tao sa kusina bukod sa kanilang dalawa ni Tammy.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top