Chapter Forty One
THAT night they made love again. Walang katapusan ang kasiyahan. Tulog pa si Kal nang magising siya kinabukasan. Late morning na 'yon. Mahimbing pang natutulog ang nobyo kaya hindi na siya nag-abala na gisingin ito. Kuntento niyang pinanood ang pagtulog nito. Maaliwalas ang mukha nito.
Bumalik sa isip niya ang nangyari kagabi. She couldn't believe what her Dad and Uncle did to his family. That was just so cruel. At hindi rin siya makapaniwala na ipinagkatiwala sa kanya ni Kaleb ang katotohanan. He was strong. Sa kabila ng mga nangyari dito nanatili itong matatag at lumalaban.
She felt so sad for what happened to his parents. Kagabi ay nalaman rin niya na ang kumupkop dito ay ang mga magulang ng kaibigan nitong si Noah. Mabuti pa rin dito ang kapalaran. Natagpuan pa rin nito ang tagumpay.
Ilang saglit pa ay lumabas siya sa silid. Maingat para hindi magising ang binata. Last night she made the decision to stay with him. Hindi dahil sa naaawa sya dito or what. Sa kabila ng mga sinabi nito, mas matimbang pa rin sa kanya ang pagmamahal dito. She was willing to stay with him no matter what.
Lumabas siya sa cabin para lang magulat sa naghihintay na bisita sa labas. Humarap sa kanya si Gigi. Mas nagulat pa siya nang makita ang itsura nito. She looked like hell.. "What are you doing here?"
"Ganyan na ba ang ibubungad mo sa pinsan mo, Gel?"
Nagsalubong ang kilay niya sa tono nito. Tinitigan niya ito sa mukha. Malamig ang mata nito, may panunumbat.. May talim. It doesn't take a genius to find out why.
"Gi, look.. Kung nandito ka para sumbatan ako--"
"Uh- no, no, no.. I'm not here for Kaleb. Wala akong planong manumbat."
"Bakit ka nandito kung ganoon?" Aware naman siguro ito na hindi siya nito maloloko? Nasa tapat lang sila ng cabin ng nobyo.
"I'm here to get you back." Nilapitan siya nito at hinila sa braso. Sa pagkagulat niya hindi agad siya nakagalaw at nagpadala lang dito.
"Wait--" Pumalag siya at huminto. "Why are you doing this?"
"You need to get out of here."
"Bakit nga? Hindi kita maintindihan."
Gigi took a long, deep breath. "Listen to me, cuz. Kal's not good for you. You're not aware of what he's capable of. He will just dismantle your life, break your heart.. He will leave you after getting what he wants from you. Maniwala ka, Gel. That's exactly what he did to me--"
Itinaas niya ang kamay para pahintuin ito. Mabigat na humigit siya ng hininga, iniipon ang pasensya niya. This time she will not let someone from her "family" manipulate her.
"He did not destroy you, Gi. You did that to yourself."
Napakurap ito, parang sinampal niya sa mukha.
"I won't allow myself to believe on lies anymore. I know the truth now, Giselle. The whole truth. Pati na ang sinasabi mong bata na nalaglag sa 'yo.. Alam kong kasinungalingan lang 'yon para manatili si Kal sa 'yo noon. I don't know why you lied to me about that."
Namutla ito at napaatras. Bumakas ang pagkapahiya sa magandang mukha nito. Nagbukas-sara ang bibig nito. Alam niya, nag-iisip pa ito ng maaaring idahilan ngunit trinaydor ito ng sariling reaksyon. She saw the guilt and the truth in her eyes. Hindi nagsisinungaling si Kaleb.
"It's over now. I'm not coming back with you."
"O-okay," sunod sunod na kumurap ito. "So, sinong mas papaniwalaan mo? Si Kaleb o ako? Kami na pamilya mo? The guy only wants you for revenge, Gel. Wag kang magpaloko. Ipagpapalit mo ba ang pamilya mo para sa kanya? If it's about the baby, alam mong kaya ka namin tulungan. You don't need his support."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Gi? You're asking me to leave him, at pati bata ipagkakait ko? For what? Sa pamilya na kulang na lang isuka ako? Sa pamilya na mismong sumira din sa pamilya ni Kaleb?"
Umiling siya, umaahon ang galit sa dibdib. "Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi na magbabago ang desisyon ko. I will stay with Kaleb no matter what. It's better if you just leave.. I'm not listening to lies anymore."
"Mas pinipili mo talaga ang lalaking 'yon kesa sa sarili mong dugo?"
"Yes," taas noo siyang sumagot. "Hindi rin madali sa akin. Pero kung papipiliin ako, pipiliin ko ang ama ng magiging anak ko. Handa akong sumugal. Handa akong ibigay ang tiwala ko sa kanya. Because I love him."
"You're a fool, Gel. Itatakwil ka na ni Tito kapag nalaman niya ito. Wala ka nang babalikan.."
Malungkot na ngumiti siya. Kailan ba niya naramdaman na parte siya ng pamilya ng mga ito? Na anak siya? Hindi niya iyon naramdaman kahit kailan.
"Tatanggapin ko 'yun."
"I can't believe you.. Parang pinatunayan mo na rin sa kanya na nakakahigit talaga si Terry sa 'yo, na mas maaasahan siyang anak."
"It's not a competition for me.. Kahit noong simula pa lang. I don't care what he thinks of me now. May buhay din akong akin, and now I want to live it the way I want. I'm done pleasing people who doesn't give a damn to what I really felt."
"Tingin mo talaga magtatagal kayo ni Kal? He's not a good man, cousin. Sinasabi ko to sa 'yo hindi dahil bitter ako, but I'm saying this to warn you.. He's a monster. A villain whose heart is filled with anger and need for revenge. If you allow him to manipulate you, you're already giving him the power to destroy you. Hanggang maaga pa, isipin mo na lang ang magiging kinabukasan mo sa kanya. You and your baby will just suffer---"
"Enough, Gigi!"
Nanlaki ang mata nito sa biglang pagdagundong ng boses niya. Matalim na tinitigan niya ito dahilan para mapaatras ang pinsan.
"Stop making Kal the only villain here. Stop manipulating me into believing he is the only monster here. Alam mong ang dahilan ng galit niya sa mga tatay natin ay dahil rin sa ginawa nilang katrayduran sa mga Donovan."
"Alam mo kung anong totoo, so stop it right now. Irespeto mo na lang na mahal ko si Kaleb, na handa akong manatili sa tabi niya. Kahit pa maging martir ako, kahit pa masaktan ulit ako.. Siya pa rin pipiliin ko. And I will never regret that decision. I love him and he's my world now. I'm asking you to respect that."
Matagal na tinitigan siya nito bago nagbaba ng tingin. Tumango ito. "Sana nga wag mong pagsisihan 'yan."
Narinig niya ang yabag sa likod niya nang umalis na si Gigi. It would be a total lie kung sasabihin niyang walang epekto sa kanya ang sinabi ng pinsan. Naging malapit siya dito at masakit sa kanya na umaabot sila sa puntong pinapili siya nito.
"Did you really mean that?"
Humarap siya sa binata. Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang usapan nila ng pinsan.
She pursed her lips, forcing not to smile. "May nagsabi na ba sa 'yong hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng iba?"
"Answer the question."
"Narinig mo na rin naman 'yung mga sinabi ko--"
"Answer it."
She grinned. "Wala, di ko na uulitin."
Napatili siya nang bigla nitong hinapit at sinunggaban ng halik. Her response was automatic. Napakapit siya sa matipunong braso nito at tinugon sa mainit na paraan ang halik nito nito. Mapang-akin ang labi nito, mapaghanap.. Nangangako.
Sa loob ng ilang sandali, hinayaan niya ang sarili na malulong sa ipinapadama nito sa kanya. Habol-habol nila ang hininga nang maghiwalay ang mga labi nila.
"Hindi mo na pwedeng bawian 'yung mga sinabi mo. You're mine now."
Tuluyan na siyang napangiti. "Bakit? Iniisip mo pa ba na magbabago pa ang isip ko?"
"To be honest, yes. I thought you left me when I woke up without you in my side."
"Lumabas lang ako and then I saw her.. Pinipilit niya akong.." di niya tinapos ang sinabi at marahas na humigit ng hangin. "I don't want to leave you, Kal."
"And even if you want to leave me, I won't let you.." Sinapo nito ang mukha niya. "You're staying with me wether you like it or you like it.."
Napahagikgik siya at pinatakan niya ito ng halik sa ilong. "Wala akong option, ganoon?"
"Yeah, and don't ask why. Narinig ko na mismo sa bibig mo na ako na ang mundo mo ngayon."
"Ughh, that's really unfair. Parang patay na patay ako sa 'yo tuloy."
"That's okay. Patay na patay na patay naman ako sa 'yo. I'm willing to give you the worl now if you want it."
"World," pagtatama niya.
"No. That's worl for now."
Napakunot-noo siya.
Ngumisi ito. "Yung D, di ko muna ulit isusuko. Saka na kapag gusto mo na ako pakasalan. Lagay na 'to, pinapagod mo ako tapos hindi mo pananagutan?"
Napahalakhak siya sa banat nito. Maluha-luha siyang tumingin sa mukha ni Kaleb. He was staring at her like she was the only woman in his eyes. Like she was his whole universe. Hindi na siya makakakilala ng iba pang lalaki na titingin sa kanya ng ganoon at magbibigay ng samu't saring emosyon sa kanya.
"Oh, Kal.." natigilan siya nang makita na nakaangat ang kilay nito at parang may hinihintay siyang sabihin. "What?"
"Anong what? Iignorahin mo na lang ba 'yong marriage proposal ko?"
Napanganga si Gel. Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Pinuno ng galak ang puso niya.
Gusto siya nitong pakasalan. Hindi niya alam ang sasabihin. Napalunok siya. Kinakabahan namang naghihintay sa kanya si Kaleb. Akala yata nito eh balak pa niyang tumanggi kaya naglabas agad ng baraha.
"Anak ko 'yang dinadala mo, Gel. You have to marry me." madiing sabi nito. "You can't say no to me."
Natatawang pinalo niya ito sa braso. "Ofcourse, I'm going to marry you! Ano sa tingin mo? Tatanggi pa ako?"
"Sabi ko nga," ngisi nito.
Yumakap siya sa leeg nito. "I would love to be your wife, Kal. I would love to make you happy everyday. I would--"
"Just be my wife." pagputol nito sa sasabihin niya. "That's enough to make me the happiest man, baby."
Tumango siya, namumuo ang luha sa mata.
Muling nagsalo ang labi nila sa matamis na halik. Alam ni Gel hindi pa sa komprontasyon nila ni Gigi natatapos ang lahat. Kailangan pa niyang harapin ang ama at kapatid. Pero wala na siyang mga pangamba pa at takot. Nasa kanya na ang lahat ng kulang sa buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top