Chapter Forty
HINDI alam ni Gel kung anong oras na 'yon. Ngunit nagising siya nang maramdaman niyang nag-iisa na lang siya sa kama. Nakaramdam siya ng panic.
Nasaan na si Kal?
Maingat na bumangon siya sa kama. Pagkatapos ay nagsuot siya ng roba. Malamang ay nasa labas lang ng cabin ang binata at nagpapahangin. Nang tumingin siya sa orasan, mag-aala una na.
Anong ginagawa sa labas ng binata sa ganoong oras?
Lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang binata na nakatayo sa terrace. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito. Ngunit kita niya ang tensyon sa likod nito. Tila may malalim itong iniisip. Nakatitig sa kawalan ang lalaki kaya hindi na nito namalayan ang paglapit niya.
Nagulat pa ito nang makita siya. "Babe, bakit gising ka pa?"
"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo." sabi niya, at agad dinugtungan. "Can't sleep?"
Tumango ito, seryoso ang anyo. Usually, hindi niya ito nakikitang ganoon na may malalim na iniisip. This time it was different. Alam niyang may mga bagay pa sa pagitan nila na kailangan nilang klaruhin. Alam niyang may kinalaman sa kanya ang ikinakaganoon ng binata.
"Is it about us?"
Lumingon sa kanya ang binata. "So there's still an us?" ngumiti ang mga mata nito sa tanong na 'yon.
"Bakit, tingin mo wala na? After what just happened?"
"Ikaw ang gustong humiwalay sa akin."
"Binabago mo ang usapan.."
"I'm not. Dahil tungkol naman talaga sa atin ang laman ng isip ko ngayon."
Lumamlam ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit tila may kumirot sa puso niya sa lungkot na nababanaag niya sa mukha nito. Sa likod ng mapanuksong mata nito at mapang-akit na ngiti, nasilip niya ang itinatagong dilim sa mga 'yon.
She felt the pain, loneliness and darkness.
"Akala ko gusto mo pa rin na humiwalay sa akin."
"Kung gusto ko na talagang umalis, bakit sa tingin mo nandito pa ako?"
"Dahil natatakot ka na baka totohanin ko 'yung sinabi ko-- Na tanggalin ko ang mga empleyado nyo."
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko inisip na baka totohanin mo 'yan. Ano bang alam ko sa itinatakbo ng isip mo?"
"You don't trust me, do you?"
"Pagkatapos ng mga nalaman ko.. I don't know if I could.. Can you blame me?"
Umiling ito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa malayo. "Hindi kita masisisi kung mawala bigla ang tiwala mo sa akin. Pamilya mo pa rin sila. Alam kong pinagdududahan mo ang intensyon ko ngayon."
"Gusto ko lang malaman kung anong dahilan, Kal.. Ganoon ba kalaki ang galit mo sa pamilya ko? Ganoon ba kalaki ang kasalanan nila sa 'yo?"
"Do you really want to know the truth?"
"Oo. Dahil gusto kong maintindihan kita."
"They killed my parents."
Napasinghap siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Ilang sandali siyang nawalan ng salita. Bumalik ang isip niya sa gabi na pumunta siya sa bahay ng ama at naririnig niya itong kausap ang step-mom niya.
".. matindi ang galit niya sa aming magkapatid dahil hanggang ngayon paniwala siya na kami ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang niya."
"T-Totoo ba?"
Nanginig ang mga tuhod niya. Itinaas niya ang mga mata sa kasama. At sa ilaw na nagmumula sa buwan, nakita niya ang muhi sa mukha nito.
Parang ayaw niyang paniwalaan ang katotohanang iyon. Ngunit hindi naman ito magkakaroon ng ganoong galit kung gumagawa lang ito ng kwento.
"Yes, they did it." may diin sa boses nito. "Their betrayal killed my parents, Gel."
"Matalik na kaibigan nina Papa ang dad mo-- si Victor at ang kapatid nito na si Vincent. My father was a scientist and he owns one of the biggest pharmaceutical company in Asia. Malaking investor sa kompanya ang magkapatid na Torres. Dahil matalik na kaibigan ni Papa ang dalawa, pinagkakatiwalaan niya ang mga ito hanggang sa naging malaking parte na sila ng kompanya."
"Wala siyang idea na nagpasok siya ng dalawang malaking ahas sa kompanya. Why? Magkakaibigan na sila simula pa lang noong teenagers niya. My father was very trusting. Wala siyang masamang tinapay sa ibang tao. Madali siyang magbigay ng salita niya at marunong siya makisama. Pero nagawa pa rin siyang traydurin ng taong labis niyang pinagkakatiwalaan."
"Hindi alam ni Dad na ang mga kaibigan din niya ang magpapabagsak sa kanya. Wala siyang kamalay-malay na ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ay nakikipag-usap na sa mga kalaban niya sa industriya at ibinibigay sa mga iyon ang mga confidential, business information. Unti-unting nalugi ang kumpanya. Nag-alisan ang malalaking investors. He's still not aware of everything.. Na habang minamanipula siya ng mga kaibigan na magbenta ng stocks ay unti-unting kinukuha ng mga ito ang kompanyang dugo't pawis niya ang pinuhunan."
"My father only realize the truth when it was too late. Pinatalsik siya sa mismong kompanya at inangkin ng mga Torres ang DNVN Pharmaceutical. Si Vincent Torres na ang nagpatakbo don"
Natigagal ang dalaga. That was his uncle's pharmaceutical company. Ang kompanya nitong naibenta na sa iba dahil sa matinding pagkalugi? Ibig sabihin, pag-aari iyon noon ng ama ni Kal?
DNVN= Donovan.
Para siyang naestatwa na nakamaang sa binata. Lumingon ito sa kanya, nandoon ang pinagsama-samang lungkot at pagkamuhi nito.
"Hindi niya alam kung gaano kalaki ang naging epekto non sa mga magulang ko. Pagkatapos nilang patalsikin si Papa, inatake sa puso si Mama. Namatay siya ng araw din na 'yon. My father got very depressed. Gabi-gabi niyang sinisisi ang sarili niya. Nagpakalunod siya sa alak. Hindi na kumakain at hindi na natutulog.. And one day, he just.. he killed himself." doon nabasag ang boses ng lalaki, naramdaman niya ang panginginig ng balikat nito.
Parang may sumaksak sa puso niya sa nakitang sakit na bumalatay sa mukha nito. Inabot niya ito at mahigpit na niyakap.
"Drug overdosed. Iyon ang ikinamatay niya.. Pero alam ko kung anong totoo, kung ano ang nagtulak sa kanya. It's because of his friends, of their betrayal. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Mama. He said it was all his fault.. for trusting too much."
"I-I'm sorry.. I'm sorry, Kal. I don't know."
Masaganang pumatak ang luha niya. Nasasaktan siya na makita ang luha sa gwapong mukha nito.
"It's okay.. You have nothing to do with that. Matagal ko nang natanggap ang nangyari kina Mama at Papa. Masakit pa rin. Bata pa ako noon, but that doesn't mean hindi ko naintindihan ang nangyari. But I need to keep on moving forward no matter how painful it was."
Nanginginig ang katawan nitong nakayakap siya. Rinig niya ang mararahas na paghugot nito ng hangin at ang tambol ng puso nito. Nang sandaling iyon, parang naging isa ang katawan nila. Naramdaman niya ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa pagkawala ng mga magulang nito, ang galit at pagkamuhi na nabuo sa dibdib nito.. Hindi naging madali ang buhay nito.
"Hindi ko plinano na gumanti sa umpisa.. Gusto ko lang makuha at mabalik ang kompanya ni Dad. Iyon ang puso at buhay niya. Kahit iyon na lang ang magawa ko para sa kanya kahit wala na siya. Pero hindi nila ako hinayaang gawin 'yon. Nakita naman nila ako bilang isang kalaban. Doon ko nakilala si Giselle."
"Noong umpisa hindi ko pa alam kung bakit sya dumating sa buhay ko. Akala ko isa lang siya sa ibang babae dyan na gusto akong makuha. Ipina-imbestiga ko siya and I discovered the truth. She was sent by his own father to seduce me so she could steal some business information from me."
"P-Pero akala ko.." napalunok siya at naguguluhang nag-angat ng mukha dito. "Akala ko ikaw ang lumapit kay Gigi para gamitin siya--"
"That was a lie, baby. Sila ang gumawa ng unang hakbang, thinking they could easily fool me. I'm not like my father. I don't trust easily. Pinaimbestigahan ko bawat galaw nila kaya bago pa nila ako maunahan, I already know what to do."
"Pero paano nangyari na kinalaban ni Gigi si Tito para sa 'yo?"
"Wala akong plano na gumanti, but they pushed me. Hindi sila matututo hangga't hindi nila natitikman kung paano rin ang pagtaksilan. Maybe, she's right.. Ginamit ko rin siya, I manipulated her to turn against her dad. I didn't stop using her hangga't hindi ko napabagsak si Vincent. Para maibalik sa akin ang kompanyang pag-aari naman talaga ng tatay ko. She was the key to her father's downfall. Siguro nga ay siya ang unang lumapit, but that doesn't change the fact that I still used her for my own gain."
Nanuyo ang lalamunan niya. Parang may bumara doon kaya kinailangan niyang lumunok.
"I know you're probably thinking I'm a monster for destroying them," mapait ang ngiting gumuhit sa labi nito. Tila nakalimutan niya kung paano bumuo ng pangungusap. All she could do was stared at him. Ano bang dapat niyang sabihin? Malaki ang kasalanan na ginawa dito ng kanyang ama at tiyuhin.
Dapat ba niyang husgahan si Kal sa mga ginawa nito? Ginawa nito ang mga nagawa para iganti ang magulang nito.. It was all for his parents.
"And now you won.. Masaya ka ba?"
"Oo."
"Pero bakit malungkot ka?"
"Dahil alam kong nasaktan kita."
Her lips trembled. "You're right."
"And I didn't mean to hurt you. Trust me, you're not part of my revenge. I don't want to hurt you."
"You still did.. You hurt me in the process. Pero bakit mo ngayon lang sa akin sinasabi ang mga ito? Why now?"
"Dahil ayaw kong malaman mo kung gaano ako kasamang tao. I'm ashamed of myself.. Of what I've become. At ayaw kong mawala ka sa akin."
"May karapatan akong magalit sa 'yo. Inilihim mo sa akin ang lahat. Sinaktan mo si Gigi. Alam kong may nakaraan kayo, pero wala kang sinabi na muntikan kayong nagkaroon ng anak. May anak na din sana kayo kung hindi siya nalaglagan."
"And you believed that lie?"
Natigilan si Gel nang makita ang pagdaan ng dilim sa mukha nito. Naguluhan siya. Hindi naman magsisinungaling si Gigi sa ganoong paraan..
Hindi nga ba?
"Kal.." nanghihingi ng kasagutan na tinawag niya ito.
"Akala mo ba ikaw lang ang nabiktima ng kasinungalingan na 'yan?" maikling tumawa ito.
"Why would she lie about that?"
"Dahil gusto niya akong hawakan sa leeg. Ayaw niya akong pakawalan. So she made me believe that she was pregnant.. At muntikan na ako maniwala dahil sa fake pregnancy test na pinakita niya. Kaya dinala ko siya sa kakilala kong doctor para sa sonogram appointment. That's when I found out that she's lying to me. There was no baby, Gel."
Mariin siyang napapikit. She didn't expect that from Gigi. Akala niya ay kilala niya na ito at mapagkakatiwalaan niya. Pero pati ito ay nagsinungaling sa kanya.
"Alam kong nasaktan ko siya, at hindi ko na mabilang ang beses na humingi ako sa kanya ng tawad. At some point, siguro totoo rin 'yong mga naramdaman at ipinakita ko sa kanya.. but that's not enough. She's not enough for me to forget everything. Inilihim ko sa 'yo ang mga bagay na 'yon para protektahan ka sa masakit na katotohanan.. Now is the time you should know the truth."
"I guess there's a difference between lying and not telling the truth."
Hinaplos niya ang braso ni Kal.. "Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa 'yo na okay lang sa akin ang lahat, basta alam ko na ang totoo. Pero hindi.. May dahilan ka para magalit sa pamilya ko. Para maghiganti. At hindi kita huhusgahan dahil doon. But that doesn't mean, okay na tayo. I still need space, Kal. May karapatan din ako na pag-isipan ang lahat ng ito."
Malungkot na ngumiti ang binata. "Hindi rin ako umaasa na tatanggapin mo ako agad-agad. You see, I'm not a good person. I'm a monster. I did a lot of horrible things to avenge my parents. Winasak ko ang buhay ng mga taong responsable sa pagkawala ng mga taong mahalaga sa akin. At hindi ko pa rin sila mapapatawad."
His lips trembled, his eyes were wet. "I just want you to know that.. Para alam ko kung may pag-asa pa rin ako sa 'yo, kung papapasukin mo pa rin ako sa buhay mo kahit alam mong kaya kong gumawa ng mga ganoong bagay para sa mga taong mahalaga sa akin."
Parang kutsilyong tumatarak sa kanya ang bawat salita nito. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang naranasan nito. Natural lang na saktan nito ang mga taong responsable sa naranasan nitong sakit. They damaged him. Pamilya niya pa ang responsable sa nangyari nito.
All her life pilit niyang isinisiksik ang sarili sa mga taong hindi siya mahal. She always do her best to please them. Ngunit kahit kailan hindi ng mga iyon sinuklian ang pagmamahal niya. Lagi siyang naisasantabi. Para siyang aso na nakatanghod, naghihintay ng atensyon mula sa pamilya.
She's not going to reject him just because he was broken and damaged. Mahal niya kung sino at ano ito.
"You're not a monster, Kal. Nasaktan ka lang kaya natural lang na ibalik mo sa mga taong 'yun ang sakit na naramdaman mo. At hindi masisisi sa mga ginawa mo."
Sinapo niya ang pisngi nito. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan ni Kaleb sa tensyon. Inilapit niya ang mukha sa labi nito.
"At hindi rin kita tatalikuran dahil lang halimaw ang tingin mo sa sarili mo.. No one is perfect. That's why I still want to be with you. Wala na akong balak umalis sa tabi mo."
"Pero akala ko ba.." Umigting ang panga nito. "Pamilya mo pa rin sila."
"I changed my mind about asking for space. I don't need that anymore. And yes, pamilya ko pa rin sila. Pero hindi 'yon ang treatment na ibinibigay nila sa akin. I'm tired of pleasing my family. I'm just done with them.. Bakit ko pa ipagpipilitin 'yung sarili ko sa kanila? Kung pwede naman akong manatili na lang sa taong alam kong mahal ako?"
Umahon ang pag-asa sa mga mata nito.. "Did you really mean that?"
"I'm serious. I love you, Kal. And I'm staying with you. Kahit magsawa ka pa sa akin, I'm not leaving you."
Umalpas ang tawa sa labi nito at pinatakan ng halik ang labi niya. "What makes you think na pagsasawaan kita?"
"Mmm.. You tell me."
"I love you, babe. I love you so much it hurts sometimes. Mahal kita kahit minsan parang hindi ka totoo. Because you're so good, and beautiful and i thought you only exists in my dreams.. I'm never gonna let you go kahit sabihin mo pang ayaw mo na sa akin. At pinapangako ko, hindi ako titigil na anakan ka kahit katatapos mo lang magbuntis."
"Oh, sweet. But that's not gonna happen, Kal."
"Oh?" nanunuksong umangat ang labi nito. "Gusto mo bang subukan natin?"
Humalakhak siya. "Oh God, stop. Don't make me change my mind. Baka magbago pa ang isip ko, ikaw rin.."
Mahigpit na niyakap siya nito. "No, you cannot it back.. You're mine forever."
Napapikit siya sa sarap ng yakap nito. Tila nahawi na ang mabigat na tensyong nakapagitan sa kanilang dalawa. Gumaan ang dibdib niya, napuno ng panibagong pag-asa..
She smiled. "I'm yours."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top