Kabanata 21

Thea

'I am sorry, Baby. I really have to go, emergency. I'll see you back in Manila..' - SM

Taray, sinusulatan siya ng SM, char. Pinaglaruan niya ang papel sa kanyang kamay at mariing pumikit.

Akala niya aamuhin siya, iiwanan pala. Yung manliligaw ng kanyang Pempem, hindi pinanagutan ang kilig niya kahapon. Walang continuation ang loko.

Thea chugged a mouthful of frozen margarita while watching the strippers of Zephyros inside Pulse, a huge club at Temptation Island. 

Zephyros is a strip club in Metro Manila, ito rin ang pangalan ng grupo ng mga male strippers na nagpeperform dito. Sikat na sikat ito dahil pawang mga babae lang ang pupwedeng magmiyembro. The membership? One million pesos a year. 

Sulit ang membership she would say. The dancers are oozingly hot, mababango, malalaki ang katawan, hollywood actor ang datingan with their sexy deep voices, yes! They are fluent in different languages based on what she heard. Only that they are wearing a mask to hide their true identities, who knows if mukha pala silang mga paa sa likod ng maskara? 

Temptation Island invites them regularly to 'strip' since the island also has 'Inferno', a gentleman's club with sirens, and they are exclusively for male clients. 

Hindi rin basta-basta naite-table ang mga miyembro ng Zephyros. They will choose to join you if you get lucky. They will touch you, if you get lucky.

Malalim ang iniisip niya. Hindi siya mapakali sa naglalarong tanong sa isip.

'May bulsa rin ba ang brief ng male strippers sa loob? Para i-shoot ang  tite.'

Damn it. The things she thinks about kapag wala siyang cellphone para makapagbasa ng mga blogs! Hinilot niya ang sentido habang pinapanood ang mga nag-gagandahang katawan na sumasayaw sa stage. Pompous music, sweaty island guests, lewd dance steps, as most raise their glasses in the music called Pony

"Ares!" Someone in the crowd screamed, calling one of the strippers. These guys are famous huh. Siya ay walang kilala kahit isa. 

"Wooohhh!" Sumigaw si Sloane at gumiling-giling pa sa table nila, kung ang sigaw ng karamihan sa mga babae ay 'Take My Money!', ang sigaw ng walanghiya niyang kapatid ay... "Pengeng money!!!!" naman.

"Pa-havs naman kayo riyan! Milyon na yang nasa stage! Kailangan niyo ba ng taga-walis? Pambayad lang ng rent!" Humagikgik si Sloane. 

Lumagok muli siya ng mapait at matamis na alak. She wiped the corners of her mouth as she sighed. Tiningnan siya ni Sloane at tinaasan ng kilay.

"Isang araw palang namang wala si Saint, Ate, parang luging-lugi ka na riyan. May emergency daw, siyempre, busy ang tao."

That's not what she's thinking. He can be busy but what is actually it is na hindi man lang makapagpaalam sa kanya si Saint at idinaan lang sa note. Like he couldn't wait to leave. Ganoon na ba ang emergency ngayon? Lumagok muli siya ng margarita.

"Did you check the label? Ano ba ito, FuBu pa rin ba? O magjowa na? Kasi kapag mag-jowa, go, maghasik ng sama ng loob. Pagbantaan ang tite, tulungan pa kita 'e. Pero kapag FuBu, aba, lumugar ka, Ate!"

She sighed again. Nailing si Sloane.

"Ang lalim naman ng pinaghugutan ng hininga mo! Galing bang impyerno yarn?! Maaga pa, Ate,  huwag ka muna magparamdam don, nandito pa nga si Lucifer sa isla, huwag mong pangunahan ang leader natin."

Napangisi siya, "Papa-DNA talaga kita pag-uwi nating Manila. Baka mamaya peperahan mo lang akong gaga ka! Ipapa-Tulfo kita talaga."

"Hala, grabe ka naman! Bagsak ang negosyo ko ngayon bilang Sugar Baby pero hindi naman ako manloloko ng tao." Lumabi si Sloane. 

Umirap siya rito, dinadramahan na naman siya. "O siya, lumapit ka ron sa stage, mangupit ka para may pangshopping tayo ng pasalubong bukas bago umuwi." Susog niya kay Sloane. 

Dalawang gabi na lang kasi sila sa isla bago bumalik sa reyalidad. Sloane will sleep with her tonight kakatago kay Cross. Akalain mo ba namang isinabit sa motorboat ang distress necklace niya kaya biglang nawala rin si Cross sa isla. He probably was looking for Sloane, that a*hole. Ang mga Monasterio talaga ay pawang pulang watawat!

"Good idea!" Bago pa niya mapigilan ay lumapit si Sloane sa stage at nagsimula na ngang makisayaw doon. Of course her sister is pretty, agad na may lumapit na stripper at nilagyan nga ng pera sa dibdib ang kanyang walanghiyang kapatid. 

Siya naman ay naiwan sa lamesa at nagmamasid lang. She kept on ordering for frozen drink because of the humid air. She feels the club is so stuffy, too noisy, too pumped. Hayup na mga kabataan ito, hindi ba nababasag ang eardrum nila?! Hindi na talaga nababagay sa kanya ang mga pang-GenZ na party. 

"On the house." Napalingon siya sa lumapit sa kanya na isang miyembro ng Zephyros at inabutan siya ng isang baso ng Daiquiri. 

"I am sorry, wrong table." She smiled. Wala siyang pambayad ng lalaki 'ano! Naitaya na niya ang lahat nang magtungo siya sa isla, te-table pa siya! Sapat na iyong mga pa-free taste niya noong nakaraang araw. 

"No, hindi ako nagkakamali." Wika ng lalaking nakamaskara sa baritonong boses. He smelled mint and rosewood. Totoo ngang mababango ang mga stripper ng Zephyros. The man is 6 foot tall, has brawny arms, muscular legs, wide shoulders, dewy skin, and seemingly a large package beneath his leather brief. 

Kyuryoso niyang tinusok ang leather brief nito. He did not move an inch but he smirked when the leather brief did not plunge, it means the steely muscle is all that the rough leather is hiding, with no space for air, not fake.  Unless nagsingit ito ng towel sa ilalim para magmukhang malaki ang tite. "Bawal yan pero sige, pagbibigyan kita. I'm Grande."

"Grande?" Napatawa siya, "I like my coffee Venti, Trenta pa nga noong nasa States ako. Maliit masyado ang Grande, bitin." Tukoy niya sa coffee sizes.

"Well, you just touched it. Mukha bang grande lang ang napindot mo? 

"Ayokong sumagot at baka mawalan ka ng confidence dahil nakahawak ako ng mas higante pa riyan."

Natawa ang stripper sa sinabi niya. Bakas ang lakas ng dating nito sa bawat pagkibot ng galaw. He seems familiar though. O nabubulagan na rin siya masyado sa dami ng hubad na katawan na nakita niya sa isla, naging mukhang pare-parehas na sila. 

"What is this beautiful girl doing here on this island?" Umupo si Grande sa kanyang tabi.

"Sex." Kaswal niyang sagot.

"Hmmm... I can give that."

"Ayoko ng may bayad! Saka nakuha ko na rin naman ang gusto ko. Diyan ka na lang sa harapan at sayawan mo ako." Utos niya kay Grande. 

"I can dance exclusively for you.. Not here.." Bulong nito sa kanya na parang inaakit pa siya! Hello, masakit pa ang pagitan ng kanyang mga hita kakalandi. Naka-sickleave si pempem nang umalis si Saint! Napakaarte at namimili pa yata.

"Grande!" May tumawag dito na isang stripper, sabay silang napalingon. Loads of cash were on his waist and belt. "Ikaw raw muna ang mag-solo act, nawala na naman si Ares." The stripper was speaking in Filipino but poorly, he's slang. His skin is pale, and has a soft dusting of brown hair across his iron-clad chest, maskulado at mukha ring masarap.

"Mawawala rin ako Hux." Natawa ito at nilingon siya, "May magte-take home na sa akin."

Pinanlakihan siya ng mata.

"Luh! Gago ka, wala akong pera! Pinambayad ko na rito sa membership. Nakita mo yung babaeng lumalandi sa kasama mong uto-uto? Kapatid ko 'yon na nagpapanggap na inosente! She's stealing your money!" Itinuro niya si Sloane at ang kasayaw nitong nabudol nito na panay ang ipit ng pera sa damit ni Sloane. 

"We don't mind. Kung kasing-hot niyong dalawa, you can have it all." Grande sexily chuckled. 

"Ano ba kayong mananayaw na nag-aalis ng saplot?! Bakit baliktad? Kayo pa ang namimigay ng pera! At saka bakit mo ako nilapitan?" She flickered her gaze at him. Iniangat niya ang palad niya at dinirekta yung kamay sa pisngi ng kaharap. Mabilis itong umiwas kaya hindi niya nahawakan. Nagduda siya agad.

"Do I know you?" She immediately asked. Lumikot ang mga mata nito sa ilalim ng maskara. Napangisi siya. "I know you, right?" Sumimsim siya ng inabot nitong daiquiri pero mabilis niyang iniluwa pabalik sa baso nang may maalala.

"What?" Gulat na tanong ni Grande na nakita ang ginawa niya.

"Did you put anything in my drink? Tapos ano? You will bring me to the forest and eat my liver and heart?! Huwag kang ganon at may itinitibok na yan!"

"Grabe ka naman, Thea." 

Pinanlakihan siya ng mata, "Tengene, I know you, right? Who are you?!"

Imbes na sumagot ay tumayo ito at naglakad na papalayo pero kinapitan niya ito sa braso. "Bwiset ka! Hindi mo pa ako papatulugin! Pagkatapos mong pukawin ang curiosity ko, bigla kang magwawalkout?!" Kumapit talaga siya ng mahigpit! Hindi pwede ang ganito.

Grande's strides were faster. Sinabayan niya rin kahit na hirap siya. He walked outside Pulse. Naturalmente, chismosa siya kaya sumunod din!

"Thea, bumalik ka na roon sa loob." Naramdaman niya na ang buhangin sa kanyang mga paa at preskong hangin nang makalabas na sila ng Pulse. 

"Ang unfair mo, ako kilala mo tapos ikaw hindi? Spill!" Giit niya.

"Hindi pwede."

"Clue?"

"Hindi nga.."

"First letter.."

"Thea...."

Tinalon niya ang kanilang distansya at hinablot ang maskara ni Grande kaya naalis niya ito. He immediately covered his face with his hands. Mas lalo siyang walang nakita.

"Fck, Thea. I can't. Mawawalan ako ng trabaho kapag may nakaalam kung sino ako."

Agad siyang nakaramdam ng awa sa lalaking mababa ang lipad. She rolled her eyes like a brat and turned her back. 

"Oh ayan, get your mask. Hindi ako lilingon."

Naramdaman niyang kinuha ni Grande sa kanyang kamay ang mask pero bigla siyang tumalon saka humarap dito "Bulaga!" 

Sa gulat ni Grande ay nailaglag na naman nito ang mask sa buhangin na sinusubukan sanang isuot. Napasinghap siya sa nakita. Langyang, face reveal, muntik pa siyang mapa-tumbling.

"Rio..." She whispered.

--

"Mahina na ba ang kitaan sa pag-aartista?" They were facing the dark and endless view of the sea at Temptation Island. Hinahangin ang buhok niya. Rio removed his mask and leather brief, nakatrunks naman ito sa loob ng leather brief kanina. Parang normal na manyak na lang ito sa isla.

"I am dancing with my friends. We have other businesses aside from the club, ako ay show business... but Zephyros is our favorite. Party, sex."

"Manyakis mo talaga!" Umirap siya. 

"Ganyan pa rin ang tingin mo? Hindi na ako namimilit, nang-aakit na lang ako." Natawa ito.

"Character development yorn!" Hinampas niya ito, "So paano yan? Naface reveal kita. Hindi ka na magsasayaw sa Zephyros?"

"Magsasayaw, unless isusumbong mo ako."

"Gago, syempre hindi. Anong akala mo sa akin, Marites."

"Hindi ba?" Napangisi si Rio. "Ang kulit mo pa rin, Thea. I didn't know you have a sister."

"Hindi ko rin alam, Rio." She sighed, "Dito ko pa nalaman."

"I think I saw you with Monasterio yesterday."

"Sino sa mga iyon?"

"Lakas. Ganda yorn?" He drank his beer and chuckled. "So Saint finally made a move?"

"Yes, iginalaw na ang baso." Hinawi niya ang buhok niya at mayabang na ngumiti.

"Alam na ba niya ang mga sakripisyo mo para sa kanya?" Nakatingin si Rio sa kawalan.

"Gusto mo bang balikan ka 'non tarantado ka kapag nalaman niya ang pinagagagawa mo sakin?"

"Confident!" Natawa ito bago napalitan ng pagkaseryoso ang mukha, "Thea, I know you have a good heart and a bad mouth.."

"Aba! Hayup!" Reklamo niya. "Hindi ko birthday, huwag kang magbigay sa akin ng special message kung yan ang unang banat mo!"

"Alam ko namang hindi lang ako ang magsasabi sa iyo nito. He has a reputation."

"Ikaw rin naman." Umirap siya, "Alam na alam ko ang baho mo."

"After what you did for him, you don't deserve to be hurt, Thea."

"No one deserves to be hurt, Rio. May ginawa ka mang tama sa tao o wala. I want to believe that he's the same person that I once knew." She smiled, "He just had a phase. Ikaw naman kung makapanira ka ng tao akala mo may chance ka sakin." Humalakhak siya.

"Malay mo naman."

"Anong malay ko?! Si Saint lang ang kayang sumakay sa trip ko! Ayoko sa iyo at nanlalaban ka!"

"Then where is he?" Aba, talagang tinutukso ang pasensya niya nitong si Rio.

"Busy yon!"

"He went back in the Metro with Sam." 

Nilingon niya si Rio at tinaasan ng kilay, "Oh, hindi ako nagsisinungaling ha. I saw them."

She rolled her eyes, of course they went back together because they work together. Ang dami na palang basher ni Saint. Ganon talaga kapag umaasenso ka na. Ipinahinga niya ang baba niya sa tuhod. 

"Ang hirap maging adult." She said softly, "Lahat ng tao may opinyon sa tao na parang totoong-totoo." 

"Natitibag na ba ang paniniwala mo kay Saint?" Rio chugged his beer again. "Ang tagal mo na ring adult, wala ka nang free pass sa pagiging tanga, Thea."

Umiling siya, "Not unless I see him lying in my own eyes, I don't want to give my unfair presumptions because of what I am hearing."

Nagkibit-balikat si Rio. Napakunot ang noo niya nang may maalala. 

"You said that your are friends with the dancers of Zephyros. Hindi ba kaibigan mo si Karev? Is he---" Nako ha! Baka gumigiling-giling pa ang Doktor na iyon sa gabi na parang naghihikahos, napakaraming trabaho!

Ngumiti si Rio sa kanya ng makahuluhan, "Curious, again? Why don't you ask him to dance for you once you see him." Matalinghagang sagot nito.

Wala ng ibang tumakbo sa isip niya kundi ang doble-kara ni Rio, at kung macho dancer ba ang kaibigang si Karev. 

Tulog na si Sloane na tuwang-tuwa sa nahakot na pera sa Pulse pero siya ay gising pa. Hayop na Betlog na iyon, pinag-overthink pa siya! Pakiramdam niya tuloy ay isang taon na siya sa isla at malayo sa outside world.She misses Fox and his opinion tuloy.

Tanghali na silang nagising ni Sloane kinabukasan. Imbes na mag-almusal, inuna nilang bilangin ang pera na nakuha nito kagabi. It is a whopping P356,000! All in one thousand peso bill.

"Hindi ko naman nakilala ang stripper na nagbigay sa akin ng pera, Ate. Hindi nagsasalita, lagay lang ng lagay ng pera sa damit ko..." Napakamot ng ulo si Sloane. "Tapos tinutulak yung mga babaeng lumalapit sa kanya."

"Maganda ka na niyan?" Tinaasan niya ng kilay si Sloane habang nagkakape sa loob ng cabin. There's a Nespresso machine in each of the cabins kaya nakakapagkape siya pagkagising.

"And the guy gave me this black card! It is a special card that I can use to purchase anything I want here."

"Shikip yern!?" Komento niya. "Baka ex mo 'yon!" 

"Wala akong ex! Duh! You went out with a stripper last night. Saan kayo nagsex? Sa kama bang ito?" Umasim ang mukha ni Sloane. "Pasalamat ka at antok na antok na ako kagabi kaya humiga na lang ako basta riyan, Ate."

"Gaga! Malinis naman ang sheets everyday! But no, hindi kami nagsex. And I won't tell you, secret naming dalawa kung sino siya."

"Okay lang. Ang mahalaga, may pera akong uuwi!" Humagikgik si Sloane, "And we can shop later sa boutique. Bili tayo ng mga souvenirs and maybe luxury bags?"

"Abusada ka!" Hirit niya kay Sloane na parang walang narinig. 

Inubos nila ng buong araw sa pagsashopping at sa pagkain sa mga restaurant na hindi pa nila nasusubukan. In fairness, in the past days, she really felt at home in the island. It would be nice kung mas wild pa sa wild ang naranasan niya pero hindi nangyari. 

Natuwa na rin siya kasi nakapagrelax siya, she met few people and socialized. Kapag bumalik siya sa isla ay ospital-condo na naman ang kanyang buhay. Although, gusto na rin niyang umuwi dahil kay Tucker at ang blog niya bilang si Doctor Bombshell.

The next morning, they were preparing their things for their flight back in Manila. Nadagdagan ang kanilang bitbit dahil sa mga shopping haul ni Sloane. Napapailing na lang siya sa abusadang kapatid!

Sumakay sila ng yate na silang dalawa lang ni Sloane, pagkatapos ay lumipat sila sa isang luxury chopper na pang VVIP. It was pre-arranged by Cross, huling patikim nito kay Sloane ng karangyaan. Hindi na kasi niya papayagan na kitain pa nito si Sloane kung ikakasal na pala.

When they reached the Monasterio Towers, narinig niya agad ang maingay na busina sa labas ng gusali. Iba na rin ang simoy ng hangin, amoy usok na!

"Saan ka umuuwi? Ako ang maghahatid sa iyo." She told Sloane when they reached the parking lot.

"I am renting a house. Sa Paranaque, Ate."

"Renting?" Kumunot ang noo niya, "Hindi sa bahay nila Cross?"

"Hindi." Ibinagsak ni Sloane ang mga gamit nito sa likod ng sasakyan niya. "Matagal na akong hindi nagpapakita sa family niya. Wala naman saysay dahil matagal nang wala si Papa. Hindi naman nila ako kaano-ano."

"Ano ang trabaho mo?"

"Nanlalalaki, Ate." Sagot nito nang umupo sa shotgun seat.

"Gaga, yung totoo."

"Wala pa. When I shut down my magazine in the UK, I was hired as a collaborator of Vogue. I shoot here, and all around Asia. Minsan landscapes, madalas models."

Nilingon niya si Sloane ng paandarin ang sasakyan, "I am proud of you, Sis."

"Ditto." Sloane shrugged and started to give instructions about her address.

Isang ekslusibong townhouse ang nirerentahan ni Sloane, it has subdivision guards kaya hindi basta-basta makakapasok. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil hindi naman kahabag-habag ang kalagayan ng kapatid. She can offer her place in Rizal but she might not like it because of the distance. Isa pa, mga matatanda ang makakasama roon. 

"Bye, Ate! Call me once you're home!" Paalala ni Sloane at tinapik nito ang pinto ng sasakyan niya.

Hindi na siya nakababa sa bahay ni Sloane dahil panay ang tawag ni Fox sa kanya.

"Ano ba? Gusto mo ba akong mabangga?!" Singhal niya nang pinindot niya ang busina para magpaalam kay Sloane nang magsimula siyang magmaneho. "Hindi ikaw ang benefiaciary ng insurance ko, napalitan ko na!" Biro niya.

"Gaga, nagleave ako kasi magpapakwento ako."

"Marami ako niyan!" She giggled. 

"Nadiligan ka na after 10 years, Thekla?!"

"Siyempre..." She giggled! 

"Hindi na virtual sex?"

"Hindi na.." Malandi niyang sabi. She passed by Makati on her way to BGC, medyo traffic sa dinaraanan niya dahil nasabay pa sa uwian ng mga estudyante sa school na nakatayo sa may Pasong Tamo Extension. It was a stop and go driving, she feasted her eyes with the happy students excited to go home. Napakunot ang noo niya nang may mapansin siyang lumalabas ng bangko sa tabi ng kalsada kung saan nakahinto siya dahil sa traffic. Napalunok siya at natulala ng ilang segundo.

It was Saint, with Samantha, and a beautiful baby girl.

Nag-angat ng dalawang bisig ang bata at inaabot si Saint, ginulo ni Samantha ang buhok ng bata. Maarte nitong inayos ang bangs nito ng buhatin ni Saint na awtomatikong humalik sa pisngi ng bata. They looked like a family, a part of her chest ached.

One, on the sight of a complete family which she never had.

Second, it ached because she feels she discovered another lie...

She pressed her hazard signal, and reversed her car to two establishments back. May nakahinto rin namang school bus sa kanyang harapan na hindi umaandar kaya nanatili siya roon.

"Thekla Angeline! Sino naman ang binukahan mo ng mahiwagang kabibe?" Humalakhak pa si Fox sa kabilang linya. "Sino ang dumila ng perlas na antique?"

Nagsalubong ang kilay niya. She ended the call with Fox and dialed Saint's number- the one that she knew was Big Bad Boy's.

It rang a few times but Saint was busy fixing the baby girl at the back of his black rover. Ibinaba niya ang tawag at pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan niya.

Pasimple siyang naglakad at dumaan sa mga sasakyang nakapark sa harap ng mga gusali. Nakayuko pa siya at ingat na ingat.

Nang makalapit siya sa pinagpapark-an na sasakyan ni Saint ay yumuko siya ng kaunti para magtago pero sapat na para marinig niya ang boses ni Saint.

"Are you okay, Katie?" Saint gently asked the little girl.

"Yes, Papa." The little girl answered back sweetly. As she looked at her a little bit closer, she was spitting Saint's image to her surprise!

Thea froze, disoriented and flooded with many questions. Pinaypayan niya ang sarili at itinuwid ang tuhod para makatayo ng maayos, she waited a bit then gathered her strength to walk away.  

---

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top