Kabanata 17

Maki Says: May pa-Mapa na ha! Vote and comment guys!

Thea

"Stop it, Ursula." Parang laban sa wrestling ang napapanood ni Thea nang ibagsak ni Cross sa buhangin ang babaeng sumabit sa leeg nito. The woman stood up like nothing happened and pushed Cross away. Inayos lang nito ang string ng neon green na bikini nito bago siya nilingon. She's tan probably because of the beach, flawless, has bangs but looks familiar.

Itinagilid niya ang kanyang ulo. The woman named Ursula copied her reaction. Napakapit siya sa dibdib nang mapansin ang malaki nilang pagkakahawig. 

"Who are you?" Takang-taka siya! May kasingganda siya? That's impossible, char.

Sino ba ang nagsusulat ng buhay niya bakit parang Mystery Suspense! She's looking at her exact copy. Bangs lang ang ipinagkaiba nila. 

"Wow, the resemblance is so uncanny." Ursula beamed a naughty smile. 

"Did I just die?!" Napatingin siya sa langit. Ang malakas na hampas ng alon ang naging background. Nasa paraiso na yata talaga siya at isa na siyang kaluluwa. "Hindi pa man din ako nasasarapan, patay agad!" Napahampas siya sa noo at nanghinayang sa sampung milyon! 

Nanlaki ang mata ng kanyang kaharap, "Oh, you love sex, too!" Ursula chided but Thea was so disoriented to pick up. 

"I can't be in heaven, though. Hayan nga at merong nagsesex." Kinausap niya ang sarili. 

"Ate.." 

Natigilan siya sa self-talk niya. "Ate? Kapal naman! Paano mo naman naisip na mas matanda ako sa iyo! Ang offensive mo riyan ha!"

Natawa lang sa kanya ang kausap. 

"Ursula Oaklene." Inilahad nito ang palad sa kanya. "Sloane for short. We're not twins. We're sisters."

Nanliit ang mga mata niya. Nagpalipat-lipat ang mata niya sa nagpakilalang si Ursula at kay Cross- wala lang, ang yummy nung Cross kaya deserve ng atensyon niya. 

Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. "Girl, for a second iisipin kong magkapatid tayo dahil ang baho rin ng first name mo but--"

"Saint Ursula. She's a Saint, too. Our mother named us after a Saint."

"I told you, I know your other secret, Doctor Bombshell." Tumayo si Cross sa tabi ni Ursula or Sloane pero nakatanggap ito ng malakas na paniniko sa abs mula sa babaeng nagpakilalang kapatid niya. Go girl! Hit 'em at the right places! 

Pinaypayan niya ang sarili. Kailangan niyang kumalma at hindi pairalin ang likot ng kanyang isip. This is a serious matter.

Huminga siya ng malalim. This can't be happening. Umalis ang Nanay niya pagkapanganak sa kanya. She was not even a year old. Then one day, the mother who left her decided to be a mother and gave birth to Sloane, forgetting that she ever existed?!

A certain part of her chest hurt. Parang gusto niya nang pumihit pabalik ng Maynila. Hindi siya ready! Ibang surprise ang inaasahan niya sa isla. Surprise sex sana! Hindi ganito. 

"You're not feeling it, right? Kaya nga tuma-timing pa ako. Eto naman kasing hinayupak na ito---" Hinablot na lang basta ni Sloane sa tenga si Cross na napangiwi agad sa sakit ng pingot. 

"Hey, ayaw mo kasing bumalik sa Pilipinas!" Reklamo ni Cross.

"Alam mo, manyakis ka talaga, Cross! Hindi ka ba makahanap ng pepe riyan!" 

"Sloane!" Suway ni Cross sa kanyang 'kapatid'.

"Or do you like your little stepsister better because you are not yet weaned on that lousy porn genre? Kakapanood mo iyan ng Family Stroke, 'e!"

"Ursula Oaklene ha! Marinig ka ng Ate mo!" Cross tried again.

"Yet you tease my Ate to beg you to fuck her? Bakit? Tuli ka na ba?" Hinablot na lang basta ni Sloane ang pototoy ni Cross. Mas lalo siyang nawindang sa nakikita. May copycat siya?!

"Teka!" Napatakip siya ng mukha. "Can I just have a moment? Hindi ko maabsorb."

Sloane sighed and get her hand but she pulled it away. "Humawak ka ng tite, Sloane. Don't get my hands dirty."

"Wow, dirty." Natawa si Cross. "The mouth runs in the blood, huh?"

"Bumalik ka na lang sa sinapupunan ng nanay mo, Cross. Bye." Nilingon siya ni Sloane. "Let's go to Eroticafe, Ate. Mamaya na tayo kumuha ng security tracker mo."

Parang papel na sumunod siya kay Sloane. Natatabunan ng kaba niya ang ganda ng isla. Everything in the island smelled naturally salty and fresh. Hindi masyadong maingay at hindi rin ganoon kapuno. A lot of naked people are walking around pero saka na lang siya mag-iisip ng kaharutan. Gulong-gulo siya ha! May kapatid daw siya!

Umupo sila sa pandalawahang upuan at agad na inabutan ng waiter ng menu pero hindi iyon pinansin ni Sloane, instead, she looked at her with softness in her eyes. 

"Okay, Ate. I am Sloane. I am 27. Ursula Oaklene Ysmael is my real name. I am also a daughter of Mara and Sandro Ysmael. Before ka magalit kay Mommy, she's dead."

Napakunot ang noo niya kahit nabigla, "Kapag patay na ba, hindi na ako pwedeng magalit? She left me.."

"Not on a purpose, Ate." May kinuha itong papel mula sa bra ng bikini nito at iniabot sa kanya. Alanganin niya iyong kinuha, "Malinis yan."

She opened the yellowish paper. Sulat-kamay iyon. Hindi siya nakpaghanda sa mga sumunod na nabasa.

Dear Thekla Angeline,

It is Mom. I am not sure if this letter will reach you but I will whisper to God that at one point or another, you will have this in your hands.

I have a heart problem. I learned that when I gave birth to you. During my secret visits to a  cardiologist, he said that I cannot bear another child or it will be the death of me. Sandro didn't know that, and he never will. I don't want him to get worried and lose focus on being a good father when I die. As far as I know, I won't last long.

But then, two months before your first birthday, I learned that I was pregnant again. While I am writing this letter, she's 28 weeks in mommy's tummy, and I will name her Ursula Oaklene, I am praying every day that she can make it and grow up beautifully just like you.

I saw you yesterday playing with Yaya. I was crying, Baby, I miss you so much... I hope I can still go back. If Ursula and I will make it alive, Mommy will go home with a Baby sister.

I left Sandro because I don't want him to make a difficult choice between me and Ursula. I don't want him to see me dying because he may not be able to take care of you as he would if he's just angry and sad...

Tumigil siya sa pagbabasa. Sinarhan niya ang sulat dahil sa paninikip ng dibdib. She wiped her tears harshly. 

"How did you live?" She asked Sloane, looking into her eyes intently.

"Well, Mommy has a best friend. He's a guy. Straight guy, and adopted me. Ang instruction ni Mommy, when I am about 15, isasauli na ako sa inyo ni Papa but life happens. Hindi ako nakabalik because my second father was ambushed. Brutal, right?" Mapait na nakangiti si Sloane.

"He married Cross' mother when I was five. Tita Inah is into politics, nadamay ang Papa kaya naambush, pinadala ako ni Tita Inah sa UK dahil huling bilin iyon ni Papa sa kanya, pagbalik ko wala na kayo sa Pilipinas. Hindi ko na tuloy naabutan si Daddy Sandro na buhay. Nakakainggit, Ate, pero at least nagkita pa rin tayo."

Tinitigan niya ang sulat, hindi niya alam kung kailan niya kakayaning tapusin iyon, maybe never, she doesn't want the letter to end. That's the first and only memory of her mother. Sandro silently mourned Mara's absence, pero siguro tama ang kanyang ina. Hindi masyadong naging mahirap kay Sandro ang maging masaya kasama siya dahil galit ang umiral sa puso nito.

"Ate.. Pasensya ka na, nadamay ka sa gusot namin ni Cross. Manipulative kasi yun, lahat ng gusto, nakukuha." Sumandal si Sloane sa upuan at tumawag ng waiter para umorder.  "Two Booberini, Pepe Penisza, one sementea, one iced coffelatio..."

"Boyfriend mo si Cross?" Tanong niya ng umalis ang waiter.

"Ikaw, Ate, Boyfriend mo si Saint?"

"Hindi! We just fcked! Before." Sagot niya ng diretso.

"Magkapatid talaga tayo! Parehas tayong hindi makalimutan ng mga Monasterio."

"So, who's son is he?"

"Governor Lysias Monasterio. Yes, medyo powerful so pasensya ka na if marami siyang alam sa iyo."

"Did you investigate me?" 

"Eversince, alam ko naman kung nasaan ka, but when you left for the States, hindi ko na alam. Cross was the one who knew about your internet persona, ang malibog na 'yon. Ginamit niya laban sa akin. Ang hayup, gusto yata ulit akong matikman." She sipped on her iced tea angrily. "Anyway, I hope we can see each other outside the island. I am here for you, Ate. I am your family."

Napanatag siya nang marinig iyon kay Sloane. It was the least that she expects to happen in her life right now. Sa Temptation Island niya pa talaga natagpuan!

"What do you do for a living?" Tanong niya habang ginugulo ang pasta sa kanyang harapan.

"I am a painter, a photographer, and pokpok, Ate."

"Gaga ka."

Humagikgik si Sloane. "I own an indie magazine in the UK. Mga sad art and shits, I went home to find a sugar daddy kasi maliit ang kita ko sa UK."

"Ako rin naghahanap ng sugar daddy, pagod na ang ferson magtrabaho!" She giggled. 

After their late lunch ay dinala siya ni Sloane sa security office para ma-brief sa mga protocol at issurender ang mga gadgets niya. She met Cristina, at napabilib siya ng seguridad ng isla. 

"Gusto pa sana kitang makachikahan, Ate. But this is not a place for catch up. Please enjoy your stay and stay wild, not pregnant." Tumakbo si Sloane papalayo. Tinawag niya ito nang makarating na ito sa gitna, malapit sa dagat.

"T-teka, Sloane! How will I see you again?"

"Ate, I am not saying goodbye. This is a see you around kind of thing. Ingat ka sa mga Monasterio, huwag magpapauto!" Huling habilin nito bago mawala sa kanyang paningin.

Hindi niya alam kung gaano niya katagal tiningnan ang pinuntahan ni Sloane nang hindi makapaniwala. She still has a family!

"Grabe, Baby Love... May kapatid ka pala.. Pero sa iyo ako, mas gusto ko yung may kaunting wrinkles, at kaunting asim na lang ang mayroon. Iyong mga cougar. Rawr." Muntik na niyang mabitiwan ang hawak niyang sulat sa kamay nang may magsalita sa tabi niya.

"K-karev! Anong ginagawa mo rito? At hayop ka, anong cougar!" Tinulak niya ito sa braso pero siya lang ang nasaktan! Ang tigas ng braso. He's wearing a white flannel shirt and a khaki shorts, nakabukas ang tatlong butones nito at naka-aviators pa ang loko!

"Temptation Island Hospital." Itinuro nito ang isang ospital sa kanyang likuran. "Nakaduty ako, breaktime. Nood-nood muna ng live porn 'pag may time!"

"Ang bastos mo!" Komento niya nang natatawa. "Grabe hindi pala ako pwedeng makipagsex diyan sa pampang at baka makita mo dede ko eh di magiging masaya ka na!" Humagikgik siya.

"Bakit naman kita papanoorin kung pwede naman tayo gumawa ng porn na tayo ang starring?"

"Tado ka, baka habambuhay mo akong asarin kapag nagkatikiman tayo, tapos isali mo pa sa eulogy ko na masarap ako kapag nauna akong mamatay sa iyo, mawiwindang ang mga apo ko."

"Ang tagal pa non baby, may lahi naman kaming Alzheimers, tiwala lang na makakalimutan ko rin yun."

"Ayun ang malala, baka kaisa-isang alaala mo 'e yung nafuck mo si Thea Ysmael, tapos yun na ang one liner mo pag gutom ka, busog, natatae, o naiihi ka. 'N-nasaan na ang pepe ni  Doc T-thea, Apo... Tigas na me...'" Umarte pa siyang parang matanda.

"Gago!" Sumabog ang malakas na tawa ni Karev.

"Pupunta na nga ako sa cabin ko!" Natatawang anunsyo niya nang may lumapit na golf cart sa kanya at kinuha ang kanyang mga gamit.

Natigilan siya nang papasakay na siya sa golf cart nang makitang may paparating na yate, malapit nang dumaong sa isla. It caught her attention right away, paano kasi ay ang kanyang taksil na kaibigan ay lulan 'non!

Umirap siya sa hangin at padabog na sumakay sa golf cart. Pasimple siyang sumilip nang bumababa na ang ladder ng yate para makatawid sa pampang ang nakasakay. 

She did expect that Saint will be here. Mukhang gusto siya nitong mahulog sa patibong. Yes, patibong, Saint is just trying to play with her feelings.

Paano siya magkakamali? Beside Saint was the love of his life, Samantha, and they are holding hands as they got off the yacht. Iniwas niya ang paningin. After all, she's here to enjoy her vacation and ten million.

Hindi maubos ang pagkamangha ni Thea nang ibaba siya sa kanyang cabin. Nakaharap pa ito sa dagat, merong sariling hammock, at couch sa labas, sa loob naman ay eleganteng suite. Normal na kuwarto lang naman din ang choice niya noong nagbook, merong mga kwartong BSDM ready, iniwasan niya iyon dahil parang inasar niya lang ang sarili niya.

Natawa siya sa sarili nang buksan niya ang suitcase niya, ang unang bumungad sa kanya ay ang picture frame na binibit niya. Pang-alis ng maligno, pampawala ng gana! Ang 'couple photo' nila ni Adam.

Bago pa niya mailabas ang lahat ng gamit sa maleta, she heard three knocks on her cabin door. She excitedly walked there only to find Cross standing outside of her cabin, akala niya ay si Sloane!

"Yes, what can I do for you?" Tinaasan niya ito ng kilay. 

Now she noticed his resemblance among the Monasterios, he's really tall, buff, angelic ang mga mata pero demonyito ang buong pagmumukha! He was even topless and his board shorts is dripping wet. Mukhang kakaahon pa sa dagat!

"Basa ka!" Masungit na sabi niya.

"Ikaw ba, hindi pa?" Malandi at mapang-akit ang boses nito.

"Gago, hindi kita type! Isa pa, may boyfriend ako!" Itinapat niya rito ang picture nila ni Adam, medyo napaatras pa nga si Cross. Effective talagang pantaboy sa Monasterio! She should make a locket necklace out of this!

Napahawak ng batok si Cross na parang nahihiya pa, "About Sloane.. Can you talk her out into talking to me?"

Sumimangot siya. 

"No! Karapatan ng tao kung ayaw ka niyang kausapin. Do not start with me on basic human rights, lalo na sa Women's rights, Cross at baka ipako ko sa iyo ang pinsan mong Santo!"

"Oh... That's why he's here because of you." Napangisi si Cross.

"He's here because he wants to fck his girlfriend!"

"Oh, you mean, Samantha. Sila pala?" Tumaas ang kilay ni Cross, "We are not that close. Sabi nga ni Lucifer, umiwas daw ako sa iyo kapag nandito ka na lalo na kapag dumating si Saint but what can I do, ayaw akong kausapin ni Sloane.."

"Then court her."

Kumunot ang noo ni Cross na parang puzzle ang sinabi niya. He doesn't understand the word 'court'. Halata sa mukha 'e!

"Wow, hindi talaga kayo marunong manligaw?!" Natawa siya, "Patas talaga si Lord. Hindi ibinibigay ang lahat."

"Thea." May tumawag sa kanya mula sa likuran ni Cross.

She rolled her eyes as soon as she saw Saint, malalaki ang hakbang patungo sa kanya.

"Dapat talaga hindi isinunod ang pangalan ko sa Santa kasi ang mga alagad ng langit, naamoy ako agad." Reklamo niya.

"What the fck are you doing at her cabin, Cross?" Tumabi si Saint kay Cross at masama ang tingin nito sa pinsan.

"Umalis ka na, Cross. I'll teach you the moves one of these days." Taboy niya sa isang Monasterio.

"What moves?" Singit muli ni Saint.

"Fcking." Matigas na sabi niya. Malakas na natawa si Cross bago sila iniwanan. "Yes, Saint? I am relaxing."

"Bakit nandito ka, Thea? Magkausap lang tayo kanina."

"Oo nga! Magkausap tayo kanina at nandito ka na rin. Bakit nandito ka, Saint? Oh I know, because Sam is here."

"I told you, she's not my girlfriend!"

Ikwento mo sa Betlog mo, Saint!

"Why? Kailangan bang maging girlfriend bago maikama? Hindi ba't pwede na rin ang bestfriend?" She turned around and let Saint come inside her room. 

"I went here because you are here."

Ipinatong niya ang frame sa sidetable niya, kitang kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ni Saint.

"What is that picture doing here?" Nang-aaway na naman! Hindi man lang siya pinag-relax man lang!

"Aba! One week ako rito, siyempre, mamimiss ko ang inspirasyon ko!" She giggled. "Hay, Saint, I think, mag-aasawa na talaga ak---"

Bago niya pa maituloy ang sasabihin ay naramdaman na lang niya ang pag-angkin ni Saint sa kanyang labi. Napigil niya ang hininga niya. Teka, bakit may paghalik?!

Hindi pa siya nakakabawi ay dumulas ang kamay ni Saint sa pagitan ng kanyang mga hita, attacking pempem. It is as if he still has the power to do so. 

Pinilit niyang hindi tumugon sa halik, pero iyon ata ang hinihintay na pagkakataon ni Saint, ang umangal siya para bumukas ang kanyang mga labi. He delve into the corners of her mouth and it came so intimate and hot because she was reminded that she has never been kissed that way in ten fcking years.

Pempem, kumalma ka, yung pangontra mo!

Umatras siya para kunin ang picture frame pero nagkamali muli dahil bumagsak lang siya sa kama at pumatong sa kanya si Saint. Hindi tinitigilang ligawan ang kanyang pempem! Ang walanghiyang parte sa pagitan ng kanyang mga hita ay tuluyang nagpaakit na parang may sariling buhay.

"M-may boyfriend na ang pempem ko, Saint." Mahinang ungol niya. Ungol? Bakit ungol?! Gusto niyang pagalitan ang sarili. 

"Kanino ka lang?"

"Kay Oliver..." 

"Sinong Oliver?!" Natigilan si Saint sa random name na ibinigay niya para maguluhan. Pagkakataon naman niya iyon para itulak si Saint at tumayo. Sinuklay niya ang buhok niya at inayos ang suot na dress.

"Saint ha! That's bad! Sinabi ko na, I have a boyfriend!"

"Come on, Thea, I don't believe you."

"I don't have my phone with me but once I do, ipapabasa ko ang dirty talk namin ng jowa ko!"

"You will still want me, Thekla Angeline. I'll make sure you will not leave this island without wanting me again."

"There was never an us, Saint."

"Alam ko, kaya nagkakasya ako sa kaya mong ibigay, Thea. I settled for a best friend because that's what you want! Bakit ba ang hirap hirap mong abutin?" Frustration dripped in Saint's voice before it turned and went out of her cabin.

Tulala niyang pinagmasdan ang paglisan ni Saint. Umirap siya sa hangin. 

"Uso ang umamin, Saint Betlog!" Inis niyang sinabi sa sarili.

---

Saint

"Saan ka nanggaling, Saint?" Samantha asked him. She's wearing a red skimpy swimsuit and aviators. Maputi si Samantha at maganda kahit noong mga bata pa sila. 

So when Thea asked him who was his crush when they were kids,  madaling sabihin na si Samantha dahil maraming nagkakagusto rito. If Thea only knew that time that many boys adored her too, hindi na siguro ito dense at unassuming, but she was too blind to see. Kahit siya na mismong nasa tabi na nito ay hindi pa makita na ito lang naman ang hinangaan niya dati pa.

"Lucifer was looking for you.."

"Dumating na ba si Anton at ang model, Samantha?" Kinuha niya sa mga nakahilerang gamit niya ang paboritong camera. Nasa loob sila ng isa sa mga villa ng Temptation Island pero sa Monasterio Palace siya matutulog, pinarennovate na iyon nang may kani-kaniya silang kuwarto na magkakapatid. 

"Oh, your old camera... No one ever held that.." Ngumiti si Samantha. "Sino ba ang unang nakuhanan ng camera na iyan at ingat na ingat ka?"

"My lucky charm, Sam."

"I am honored." 

Nag-angat siya ng tingin kay Samantha nang salubong ang kilay. She let out a nervous laugh because of his reaction. "What? You brought that to school when it was new, right? Ako ang una mong model dahil wala pa ngang memory card iyan di ba? Pati yung first gig mo sa magazine at doon na ang simula ng karera mo sa fashion industry."

Hindi siya kumibo at pinulot ang lente na gagamitin niya.

"So, hindi ako ang una?" Napawi ang ngiti ni Samantha at bakas ang disappointment sa mukha nito nang hindi siya sumagot.

"One of the first, let's say. Thanks, Sam. Let's get going. Ayokong buong linggong magtrabaho. I have someone important to take care of."

"Oh! Okay.. Sure." Bumalik ang sigla sa mukha ni Samantha bago tinawag si Anton. 

Inisa-isa na niyang kuhaan ang villa. Si Anton ang humahawak ng reflector at ang nag-aayos ng ilaw sa mga interior shots. Katulad niya ay first time nito sa isla. Si Sam ay nagmiyembro rin sa Temptation Island five years ago pero hindi nagrenew ayon sa kwento nito.

Madilim na nang matapos niya ang anim na Villa. Palagay niya ay mas madali ang shots kinabukasan dahil sa palibot lang iyon ng isla. Bukas na rin niya isasabay ang pagkuha sa modelo na nakuha nila.

"Hindi nga pwede rito, Ma'am." 

Nakarinig sila ng nagsasalita sa labas, nagkatinginan sila ni Anton. Wala si Samantha dahil nag-aayos ng inorder nilang dinner.

"What? Hindi naman ako titira ha! Titingnan ko lang! Nagbayad ako ng sampung milyon tapos bawal tingnan lahat! Naku, 1-star rating ang ibibigay ko sa islang ito, makita niyo!"

Naglakad siya para sundan ang maliit na pagtatalo sa labas, isinukbit niya ang camera sa kanyang batok. They are at the Japanese-inspired villa kaya nakayapak lang sila sa wood-adjourned villa na iyon.

"Ma'am, meron pong shooting sa loob." Matiyagang paliwanag ng security.

"Shooting? 'E di ba bawal gadget dito? Bakit may nagsushoot?"

"It is okay, Chief." Kinausap niya ang guwardiya na humaharang kay Thea. 

"Do you want to see what's inside?" Nagulat pa ito nang makita siya, napatuwid pa ng tayo.

"B-bakit ka may camera?! Bawal yan!"

"Hindi pa tayo mag-asawa, inaalagaan mo na agad ang reputasyon ng mga negosyo namin, Thea." He smiled when Thea's face turned red. Kumuyom ang kamao nito at matalas na umirap. 

"Makaalis na nga!" Pumihit ito papatalikod pero hinila niya kaya bumagsak ang likod nito sa kanya. He snaked his arms to her small waist and kissed the top of her head. He missed her so much. He plans to win her heart so she could forgive him for lying. Kaunti na lang at magagawa na niya iyon.

"Come on, you are curious, right? Come see what's inside." Bulong niya sa tainga nito.

"Andyan ba si Samantha?" Mahinang tugon nito.

"Kung ayaw mo nang may tao, papaalisin ko silang lahat."

"No!" Lumingon ito sa kanya. "I just want to take a peek."

"Sa villa o sa akin?"

"Sa villa! Ano bang malay ko na nariyan ka?!" Mataray pa ring sabad nito.

Nanlaki ang mga mata ni Thea nang isa-isahing alisin ni Saint ang butones ng button-down shirt nito.

"Saint Betlog! Ang bastos mo! Hindi yan ang gusto kong silipin."

"It comes with the villa, Madam. This is Monasterio property for you."

"Ang landi mo! No!" Naiinis pa nitong sinarhan ang polo niya at binutones isa-isa. "Malibog kang hayop ka ha! Hindi mo ako maiisahan dito! May pangontra ako!"

Napangiti siyang naiiling. He pats small kisses on Thea's forehead and cheeks to distract her but she was so focused on fixing his clothes. 

"Ang landi! Nako, guguluhin ko yan! I am not Lucifer for nothing!" His brother from hell appeared out of nowhere. Umiinom pa ito ng fruitshake. 

Then Samantha went outside the villa too.

"Saint, food is ready-- Thea, nandito ka rin?"

Mabilis na inalis ni Thea ang kamay nito sa polo niya pero hinila niya ito at pinagdaop ang kanilang mga palad.

"S-samantha.. H-hi!" Kumakalas si Thea mula sa kanya pero hindi niya binitawan.

This time, he won't let go anymore. Thea is his.


---

Maki Says: 

Isang linggo si Thea at Saint sa isla mukhang may uuwing busog. Char.

Guys, please stream my podcast. Tinanong ko na sa inyo dati kung anong gusto niyong spotify podcast and na-note ko yung sagot. Naisip ko lang na magkaroon ng episode breaker na ako lang at walang guest.

Pero ano naman ang kukwento ko? Haha May tanong ba kayo?

Thank you!






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top