Kabanata 13

Thea

Baby Love: Nunigagawamue? Labyu... Mwahmwahtsuptsup.

She immediately hid her phone when she saw Saint walking towards her from the kitchen with a popcorn bowl in his hand. They are lazying on the couch and watching Damher on Netflix. Tiyak niyang mawawalan ng gana si Saint na landiin siya sa sobrang pandidiri sa napapanood!

"Sinong tinetext mo?" Kumunot ang noo ni Saint na parang may masamang bagay siyang nagawa.

"Sino pa, 'e di yung jowa ko! Responsible girlfriend here!" Pagmamalaki niya.

May nakakalokong ngisi si Saint sa labi nang umupo sa tabi niya. He immediately rested his arm on her shoulders, agad naman siyang sumiksik dito. He sniffed her hair as if planting two small kisses and she did not shy away to close her eyes to feel it even more.

Tngina yung pempem niya tumibok.

"Ang swerte naman ng boyfriend mo na 'yan."

"Tingin mo? 'E bakit hindi siya nagrereply?"

"Baka busy lang."

"Nako, baka may iba nang kinakalantari yun ng face to face! Bwisit siya ha! Siya lang ang pinaringgan ko ng mga ungol kong espesyal!"

"Gaano ka-special?" Tanong pa ni Saint na parang hindi alam!

"Nakalimutan mo na ba kung paano ha?"

"Paalala mo nga..." May panunuksong kalakip ang tinig nito.

"Bastos! May boyfriend na ako 'no!"

"Baka nga nambababae yun, dali, gantihan natin."

Nag-init ang pisngi niya. Bakit ang harot na nang isang ito?! Sampung taon lang naman siyang nawala! Dalawang presidente pa lang naman ang nakakalipas, may nagsimula at natapos na giyera sa Mindanao, 10 iphone models ang nairelease, nagkaroon ng pandemya at nakawala na rin dito, was it that long for Saint to change?

"H-hindi ako cheater. Loyal ako, Saint." Pagsasabi niya ng totoo.

"Tss, but you are considering dating my brothers."

"That's a date, Saint. Just a date. I date a lot."

"Mukha nga. It seems that you enjoy it a lot too."

"I do. I love hanging out..." But scared of real-deal commitments.

"We are back at it, Thea. Magha-hangout tayo araw-araw." Masungit na wika nito. Umingos siya at tumuwid ng upo para masilayan si Saint.

"Did you miss me, Saint?"

Marahang pinadausdos ni Saint ang kamay nito sa kanya.

"I did, Thea. Kung magkakaroon ka ng problema, hindi mo na kailangang lumayo. I'll help you with it. I'll be your hero this time."

She giggled and rested her back on the couch. "Huwag mo akong sapawan. Gusto ko yung ako yung pinakamabait na Santa, Saint."

"Sure, Saint Thekla."

"Copy, Saint Betlog."

They spent the night with wine and popcorn. Hindi na nga sila nakatulog sa kama. Nagising siya sa couch at naulinigan niyang may kausap si Saint sa telepono but she fished for her phone and received tons of messages from Big Bad Boy.

Bhie: I love you too.

Bhie: I hope you are having fun.

Bhie: I am having fun too...

Bhie: I am excited for later. Talk to you tonight...

Luh! May virtual sex mamaya! Parang gusto niya na tuloy umuwi kasi hindi naman niya titikman itong si Saint.

"Yes, Sam, remove it. New prints should have no MP across. Recall the old copies. Hindi naman na kailangan 'non. The website especially."

Nagkatinginan sila ni Saint nang naglalakad siya papalapit dito. Business talks, umagang umaga. Akala niya ay nagbabanyo si Saint pagkagising. Hihi

"And remove my name. That's it. Call me later."

"Good morning!" She smiled, "Pati Sunday may trabaho ka?"

"Uhm, yeah. But I will be available in the next few days. I will be free for you."

"For me? Anong gagawin natin?"

"Maghahang-out."

Tumango-tango siya, "Hang-out sa clinic? Sa condo? Dadala kang foods?"

"Well, you can stay here if you want. My door code is your birthday."

"Uy, ang creepy...." She kidded. Saint rolled his eyes at her. She couldn't believe he could look hot even when he was rolling his eyes! Nasaan ang hustisya!

"Alam mo namang mas naaalala ko ang birthday mo kaysa sa birthday ko. You used to have grandiose parties at nagtatampo ka pa kapag wala ako. You made sure I remember."

"Grabe ka naman makapagsalita! Parang ako ang pinakamalaking trauma mo!"

"Ikaw naman talaga." Saint caught her by the waist and rested his chin on her shoulder. "Hindi kita makalimutan, Thea." He whispered to her ear. It was so soft, soothing, and made her insides melt. Parang iyong nasa pelikula na soundtrack na lang ang kulang.

Pasok, Moira.....

Kiki ko ay titibok tibok.... (A/N: Ay, napalitan na yung lyrics, Thea?)

"Make me an iced coffee, Saint." She requested.

"Sure, Madam." Saint pats a kiss on her forehead before letting her go.

Naligo na siya dahil kailangan niya ng pangmalakasang ritwal para sa mga Monasterio. She'll be meeting Saint's family dahil wala naman siyang laban sa kakulitan ni Tash, napa-oo siya. Grabe ang bibig ng isang iyon! Hindi mahiyain.

She opted for a yellow sundress at siya na rin ang nag-unbox ng bagong hairdryer na binili ni Saint. May kasama pang-heat curler. Kinulot niya ang dulo ng kanyang buhok at naglagay ng manipis na make-up. Her brows are naturally bushy, and her lips are pouty. Madalas siyang ikinukumpara kay Lily Collins, siya iyong bold star na version. Hindi siya ganoon ka-sweet, she's more on the spicy side.

She smiled at the mirror and then waited for Saint to get ready while having a cup of coffee on the couch.

Napakunot ang noo niya when she saw something under the center table in front of where she was sitting at.

Big Bad Boys Magazine

It was written in yellow bold letters. Hindi niya kilala ang nasa cover pero napansin niyang Volume 001 iyon. A first copy of the magazine.

The female model was spreading her legs with shiny blue organza covering her lady part. Her nub is still obvious despite the cover which made her exposed breast a basic tease.

May maliit na nakalimbag doon sa gilid at ibabang bahagi ng magazine.

Photographed by: Saint Monasterio

Nakarinig siya ng pagkilos sa loob ng silid ni Saint. She immediately put back the magazine without opening the contents. A part of her chest ached.

Ang dami na palang pempem ang nakita ni Saint. Kumapit nga ito sa patalim nang mawala siya.

--

Saint

"Do you like my daughter?" Napatuwid ng pagkakaupo si Saint nang tanungin siya ni Sandro Ysmael. They were having breakfast together while Thekla was at school.

Ipinatawag siya ni Sandro para magsideline sa landscaping ng garden nito dahil kulang sa tao ang nakuhang landscaper artist.

Bumaba ang mga kamay niya at itinago iyon. Like?

He likes Thea so much. He likes her face, he likes her body, he likes her heart.

But he doesn't deserve a princess like her.

He's dirt poor. Wala siyang maiooffer. Sa dinami-dami ng nagkakagusto rito, kahit isa ay wala siyang mapapantayan.

"I like you for Thea." Sandro faintly smiled. "May pangarap at pursigido ka sa buhay. You know, I don't look at a person's standing. Ang yaman mabilis mawala pero ang malinis na intensyon, panghabambuhay yan."

"Anong ibig mo pong sabihin, Tito?"

"Kapag nasa tamang edad na kayo ni Thea, I will appreciate if you will compete with her suitors." Napakamot ng ulo si Sandro, "Kaya lang hindi na naniniwala sa kasal ang batang iyan. I hope she can heal from her childhood trauma. Sabik na sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, Saint but she was deprived of it. I hope you can change her mind in marriage, mahirap tumandang mag-isa."

"Hindi tatandang mag-isa si Thea, Tito. I will be around as long as she wanted me to."

Natawa si Sandro. His wrinkles became more obvious but his kind eyes looked at him gently. "She pushes people away. When that time comes and I am not around, tell her that I want you to be beside her. Don't forget about this conversation, Saint. Take care of Thea."

Hindi siya sumagot. He promised himself as long as Thea will need him and allow him to be around, he will. Kaya lang ay umalis ito noon ng kusa.

Nakatitig lang si Saint sa nakalimbag na pangalan ni Sandro kung saan nakalagay ang urn nito. Panay ang daldal ni Thea sa kanyang tabi.

"Pwede na ba akong magpalit ng pangalan, Daddy? Terrah Katee Angeline. Oh, pak! Mas bagay sa akin iyon! Bakit ba kasi Thekla? Bakit ka pumayag sa isinulat ni Mommy? Aalis din naman pala siya!" Tanong ni Thea habang yakap yakap si Tucker sa braso.

"Ano hindi ka sasagot?" Thea added. "But yes, huwag kang sumagot, Dad. Malayo pa ang halloween! Manahimik ka riyan! Rest in silence."

"Thea, can I have a minute with Tito Sandro?" Thea looked at him with questioning eyes then she smiled.

"Kaninong puntod ako lalapit? Bigyan mo ako ng year of death."

"Thea.."

"Sige doon na lang ako sa more than one year na para sure na nasa langit na yung kaluluwa." She stepped out of the columbarium and waved at him. Pinakawalan nito si Tucker at hinayaang tumakbo.

"Tito Sandro.." He heaved a sigh. "I know hindi ka pumapayag sa ginagawa ko. I cannot justify the lying part. I will tell her the truth about me soon. But this is too early, I just got her back." Pakiusap niya na para bang makakasagot pa ito sa kanya.

Ibinaling niya ang tingin kay Thea na naglalagay ng wildflower sa puntod na nilapitan. Kinakausap pa nito iyon at tumatawa pa.

"Guide me, Tito Sandro kung boto ka pa rin sa akin para kay Thea."

---

Thea

"Do you think they will like me?" Hawak ni Thea ang mga bulaklak para kay Miranda. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang papalapit sila sa ekslusibong village ng mga Monasterio.

"I don't think they'll be nitpicking on my friends, Thea."

"Siyempre! Mayaman ka na, Saint. They should be choosy with your friends. Paano kung gold digger ako?"

"Gold digger ka ba?" Saint asked without leaving his eyes on the road.

"Pempem ko ang dini-dig, Saint, and I am so proud of that."

"Thea!"

"I can't have this mouth later?" Tumaas ang kilay niya. "Kawawa naman pala si Tash, parehas lang kami ng tabas ng dila non e.."

"You may. Just be yourself. My Mommy M is easy to please, my Dad, well, probably will put you under a microscope. My brothers will try their luck for sure."

"Naku ha, may boyfriend na ako."

"Yes, Thea. You should remember that. You are in a relationship."

Hindi naman niya kinakalimutan si Big Bad Boy! She's thinking to ask Big Bad Boy if he had worked with Saint in the past but that will expose her identity easily. Mawawala ang excitement. Is Saint shooting for Big Bad Boys Magazine? She also wanted to ask Saint but he might interfere with her online relationship too.

She rather do an investigation on her own...

Dahil Sunday naman, hindi sila natagalan ni Saint sa byahe. The village guards salutes as soon as they saw Saint's Land Rover drove in the expensive village.

Ang sabihing 'mayaman' ang mga Monasterio ay isang understatement. Itim at ginto ang malaking gate sa mansyon nito. May limbag na malaking letter M that probably stands for Milyonaryo, char. Baka Malaking Betlog.

Maingay na kahit ipapark pa lang ni Saint ang sasakyan. She could her masculine laughter and kids' squeal somewhere. Kinuha nila ni Saint si Tucker sa likod.

"Daddy Saint!!!" A very cute young boy ran in their direction. Saint immediately carried the boy.

"Hey, young man! Where's Lean?"

"Dada Taynt!" Mas maliit na batang babae na maiigsi pa ang biyas at hindi pa mabilis maglakad ang nakasunod.

"Lean!" Sinalo rin ito ni Saint sa kamay.

Wow, father figure yarn!

"Dog!" Sabay na sumigaw ang dalawa at itinuro si Tucker.

"Teigan, Leandra, this is Auntie Thea, and that's her puppy, Tucker."

Tucker wagged his tail and excitedly jumped away from her. Kusa itong tumakbo sa loob ng mansyon at pinapasok ang sarili. Nakakahiya! Feel at home yarn!

Kumawala rin si Lean at Teigan para habulin si Tucker. Although updated naman ang vaccine shots ni Tucker ay nag-alala siya.

"Saint, baka manggigil si Tucker. Baka mana sa akin yon na nangangagat.."

"They have a yaya and Tucker is behaved. Let's go."

Hinila ni Saint ang kanyang kamay patungo sa likurang bahay kung nasaan ang malawak na garden at pool. A very long table was set-up at ang mga nagagandahang lalaki ang agad na kumuha ng kanyang atensyon. Yummerz!

"Thea! Mabuti at nakapunta ka! Nakilala mo na ba ang mga anak ko? Iyong isa, tulog pa sa nursery..." Agad na bumeso sa kanya si Tash na nakasuot ng floral dress. May narinig siyang pumito kung saan. Napalingon siya sa magkakapatid pero hindi niya alam kung sino iyon. Agad na hinawakan ni Saint ang kanyang kamay na parang itatakbo siya kapag may masamang nangyari.

"Behave kayo riyan! Akala mo naman ngayon lang nakakita ng chicks! Silas ha!" Tash warned.

The man called Silas groaned. He's buff and his hair was tied into a man bun. Nakasando ito ng kulay puti kaya bakas na bakas ang muscles sa braso. Katabi nito ang dalawa pang kamukha nito at nasa hilera ring iyon si Atticus Monasterio.

"Thea!" Mula sa pool ay may umahon. Nagliwanag ang mukha niya.

"Lucifer!" She excitedly smiled at him. He was half naked, his hair is totally wet, and droplets of water slowly traces his ab-dominated tummy. Anong klaseng genes ba naman itong sa Monasterio? Bakit ang perfect? Nakabukas ang mga braso ni Lucifer para yakapin siya pero agad iyong hinampas ni Tash.

"Magbihis ka, you are wet."

"I make panties wet, Tash, it is my job and I am so good at it."

"Marinig ka ni Mommy! Bastos! Walang filter. Yuck." Umirap pa si Tash kaya naghalakhakan ang mga kapatid nito.

"Look who's talking, Lucas napainom mo na ng gamot ang asawa mo?" The guy beside Silas asked.

"Tsss, she's fine, Hermes. Mahal na mahal ko yan."

"Ooops, Baby #4 incoming!" Humalakhak ang mula rin sa swimming pool na Monasterio pero nakaroba na ito. "Hi, Lucian Monasterio, MiLady." Nakipagkamay ito sa kanya. "Lucifer, let's change first. Nakakahiya sa magandang babae rito."

"Fine. I'll change lang, Thea. Howdy, favorite brother." Paalam ni Lucifer na tinapik sa balikat si Saint.

"Thea, hindi ka pa rin nagbabago. Or should I say, you just got prettier through all those years." Lumapit sa kanya si Cairo na nagmula sa loob ng bahay. Kinuha siya nito mula kay Saint para yakapin ng mahigpit. "How's Tito Sandro?" Bulong nito sa kanya.

"He's gone, Cai. Last year." Bulong niya rito pabalik. Bumitiw ng yakap sa kanya si Cairo at tinitigan siya sa mukha.

"I-I am very sorry to hear that."

Hinila muli siya ni Saint papalapit rito kaya naman nagngising aso si Tash.

"Pinaglihi talaga sa bakod itong kapatid ko na ito." Bumaling ito sa mga kapatid. "Boys, boys, to your seating arrangement, please. Nilagyan ko na ng pangalan ang mga upuan niyo."

"I know right. Bakit ba nagsisiksikan kami rito?" Reklamo ng isa sa mga Monasterio na maliit ang distansya sa katabing upuan kaya nagkakatamaan ang mga siko.

"Xerxes, Xerxes, Xerxes.... Malaki man ang inyong katawan, tiyak kong may maliit diyan."

"Huh?"

"This is team size 3." Anunsyo ni Tash at itinuro ang bahagi kung saan nagsisiksikan ang mga kapatid na lalaki pati si Lucifer, "And Saint, Babe, dito tayo sa kabila. Dito ang Size 10."

"Ha? Bakit parang bastos ng size na yan?"

"Stop, Hermes. Kailan ba ako naging bastos? Kasya naman kayo riyan pati si TanDad!"

"Ano na namang kalokohan iyan, Estancia?"

A man who's gorgeous for his age arrived with an equally gorgeous wife hooked to his arm. Nakaramdam siya ng pagka-ilang dahil nakatitig sa kanya ang ginang.

"Oh, we have a beautiful visitor." Ngumiti sa kanya si Miranda Monasterio. "I am Miranda, this is Levi, my unfaithful husband--"

"Miranda.."

"That's the truth, Levi." Umirap ang magandang babae sa asawa, "Have you met our sons? They are naughty but they have a good heart and are equally good-looking, sadly, they all look like their father.."

Humalakhak si Tash. "Except me, ha? Ako ang kamukha mo, Mommy."

"Anong sadly? Isa ka pa Estancia. You look exactly like me." Reklamo ni Levi na sinenyasan siya. "Please, have a seat."

"Doon ka, Dad sa Team Size 3. Dito si Mommy sa side namin. Alam mo na Thea ha.." Tash winked at her. Sumunod ang patriarch kay Tash kahit hindi alam ang nangyayari. Ang alam niya ay pahiwatig iyon ni Tash sa size ng tite kagaya ng napag-usapan nila ng nakaraan!

They were served sumptuous lunch and they talked about recent movies, football, and basketball. It is a 'No business talk day' for the Monasterio. A felt letter board was displayed at the table reminding them not to talk about business. Si Saint ay panay naman ang pagsisilbi sa kanya.

"So, you are a Doctor, Thea?" Tiningnan siya ni Levi Monasterio at sinuri.

She smiled. "I am not a Medical Doctor, Sir. I am a clinical psychologist, with Ph.D. Interested ako to further my studies in psychiatry but my Dad just died and I came back here so I am still adjusting, I am looking for the best schools that can help me."

"I heard from Karev that you are one of the best?" Lucas, Tash's husband asked.

"Thank you, I appreciate the compliment, Lucas. I am not used to flattery, though, so please don't mention it, it makes me blush.."

"You are not used to it? Saint is not spoiling the beautiful, gorgeous, intelligent, future Mrs. Lucifer Monasterio with flattery? That's odd." Humagalpak si Lucifer at ang mga kapatid. Nakita niyang kumuyom ang kamao ni Saint.

"We are just best friends, Lucifer." She replied.

"Oh, soon to be brother-in-law, then. Mapopromote ka na, Saint." Tudyo muli ni Lucifer.

"Stop it, Lucifer." Atticus warned, "Iiyak na si Santo."

"Oo nga, Lucifer. Tukso ka 'e." Silas agreed.

"I will not be anyone's sister-in-law, Lucifer. I will never get married. I only do boyfriends." Paliwanag niya. May ningning sa mga mata si Lucifer.

"So, pwedeng maging tayo?"

"I have a boyfriend, Lucifer." She politely said.

"What?!" Gulat na gulat si Tash sa kanyang sinabi. "Hala, Saint, are you okay, Baby ko?"

Ngumisi si Saint kay Lucifer na napangiwi sa kanyang sinabi, "Very..."

"Okay lang, magbe-break din kayo." Nagkibit-balikat si Lucifer, "I'll make sure nang dahil sa akin."

"You can only wish, Lucifer. Siguro ay naniniwala ka rin sa Tooth fairy, you better be.."

"Oh, tatanggalan ka raw ng ngipin ni Saint." Lucian chuckled. "Tawagin mo na ang Tooth fairy mo, Luci!"

Mas lalong umalpas ang baritonong tawa ng magkakapatid.

"Boys, tama na nga iyang asaran. Magkakapikunan na naman kayo." Miranda sweetly gazed at her sons then shifted her gaze at her.

"Sayang naman at hindi ka pala mapapakasalan ni Saint... Baka maging matandang binata ito, sayang naman at napakaguwapo.."

"Mommy.." Suway ni Saint kay Miranda.

Napangiti siya at pinagmasdan ang pamilya. It is hard not to think about Jane who still suffers from alcoholism. Although, ang sabi sa kanya ni Mang Teody at Aling Andeng ay madalas napapagod ito sa farm. Lately ay hindi na nito nauubos ang isang bote ng beer. Kapag bumalik siya ay bibigyan niya ito ng panibagong milestone to follow.

Miranda is really beautiful, halatang malambing at mabait din. No wonder Levi did not let her go despite his shortcomings, he still went to try and he was forgiven, it is an imperfect love that sailed and made it through the storm.

However, Jane loved Levi too, but her love was not rewarded, and in return, she was crushed and she's been suffering for years. And might die, still suffering, just like Sandro.

Kaunti lang talaga ang pinagpapalang pag-ibig. Hindi lahat susuklian ka kahit gaano pa katotoo ito. Just like her father and Jane. Paano kung maging siya si Jane o si Sandro?

Why would she think about it? She will not marry.

"Most of my boys are all set to marry. Wala naman akong standards sa mga mapapangasawa, as long as hindi kaugali ni Estancia." Levi started a topic with her.

"Of course, you don't deserve someone like me, Dad. Ako nga ay wala lang choice pero nang managinip ako minsan, muntik pa akong makipagbunutan sa Christmas Party na ang grand prize daw ay bagong tatay."

"Estancia!"

"Ikaw talaga, Levi. Dumadagdag ka pa sa asaran.. Pasensya ka na, Thea, ha? Napakagulo lang talaga nitong pamilya namin. I wish someday their Mothers could join, para may umawat naman sa mga yan."

"Okay lang po iyon sa inyo?" She asked, surprised.

"Why not? We're old. It will be hard to have grudges. Ibinigay nila sa akin sa Levi kaya I am reaping my karma already. They should be happy na ako ang nanalo kasi nasa akin ang obligasyon." Miranda gracefully said.

"Grabe ka naman, Miranda."

"Mas grabe ka sa akin.. Tingnan mo nga iyang mga barako mo, ang hirap i-handle. May scandal pa ang isa." Napailing si Miranda at masama ang tingin sa isa sa magkakapatid. Napayuko naman ang lahat.

Hindi kaya ang lahat ay may scandal an it is just a matter of time kung kailan ang premier?!

"Remember, Miranda. May nauna sa scandal." Ngumuso si Levi kay Tash. So she had a scandal already?

"Of course, Ladies first kasi. Hindi ba, Dad?" Ngumisi pabalik si Tash na inirapan naman ni Levi.

Muli na namang nagtawanan ang lahat. Mahilo-hilo siya sa bilis ng bibig ng mga Monasterio! She was never used of a huge family like this. Ang inaalala niya ay si Saint na laging inaasar. Nang matapos ang lunch ay naabutan niya itong nakikipaglaro kay Teigan, Leandra, at Tucker. Masaya niyang pinagmasdan ito mula sa malayo. He seems contented with just kids and a dog.

Nakarinig siya ng mahinang iyak ng baby. Napalingon siya kay Tash na may buhat na bata.

"Thea, can you carry Tayler? Nakalimutan ko sa itaas iyong wina-warm kong breastmilk."

"Sure, sure.." Agad niyang kinuha ang baby kahit hindi niya alam kung paano hahawakan si Tayler. Sandali lang naman ang kanyang hindi pagkilos dahil nang makita niyang humikab ang baby, her heart flutter.

"Super cute mo!" Kung hindi lang masamang halikan ang baby ay ginawa niya na. His hazel eyes looked at her then he smiled. Kahit alam niyang hindi naman siya ang ngingitian ay halos matunaw ang kanyang puso. First-time niya makahawak ng baby!

Naglakad siya papalapit kay Saint. Ipagmamalaki niyang nakabuhat siya ng baby. Narinig niyang kinakausap nito si Leandra at pinupunasan ang luha.

"Don't cry, Lean... I'll buy you that toy later. That's Kuya's car..."

"Bu-but... I wannnn-t--" Humikbi pa ito pagkatapos ay sinugod si Teigan at saka sinapak! Teigan cried too because of that. At dahil parang lukso ng dugo ay nasense na rin ni Tayler na umiiyak ang mga kapatid kaya umiyak na rin ito.

"Oh my gosh, Saint! Tayler is crying!" Natataranta siya. Parehas naman kinuha ni Saint ang dalawang pamangkin at inamo rin. Siya naman ay sinayaw sayaw si Tayler. "Ssshhh. It is alright... Auntie Thea is here.."

Ilang sandali lang ay tumahan ang tatlo. Nakahinga sila ni Saint ng maluwag.

"Goodness! You look like a real family!" Ngumiti si Tash at lumapit sa kanya para kunin si Tayler. "Are you sure, you don't want kids?"

Ngumiti siya at napatingin kay Saint na hinihintay ang sagot niya. She gently shook her head.

--

Tahimik si Saint sa buong byahe. Siguro ay napagod makipagbardagulan sa mga kapatid. Kahit nga siya na audience lang ay halos mabingi sa mga usapan at pangyayari. Inihatid siya ni Saint hanggang sa unit nila ni Fox. Pinakawalan nito si Tucker nang mabuksan niya ang pinto.

"Thanks, Saint ha. I had fun meeting your family."

"Thanks for making time, Thea."

"Ang cute ng mga pamangkin mo. Nag-enjoy ako at si Tucker playing with them." Ang ending kasi ay nakipaglaro na lang sila ni Saint kay Teigan at Leandra dahil nag-airsoft ang ibang mga Monasterio.

"They love you. You'll make a good mother, Thea." It slipped on Saint's lips, "It sucks that nothing could change your mind."

Nagkibit-balikat siya, "Being a woman isn't just about being a mother. Kontra nga ako roon sa ang essence daw ng babae ay maging nanay. There are a lot of people who need to be loved and cared for, hindi lang ang sarili nating dugo at laman, Saint. Before I think about pro-creating, I would like to make the people around me loved and nurtured so I will not forget and neglect them. That's where I find my value."

Ngumiti si Saint at tumango, "That makes you unique, Thea. I'll see you tomorrow."

She watched Saint's retreating back. Bakit ang seryoso naman ng kanilang paghihiwalay?!

Wala na naman si Fox nang dumating siya sa condo! Such a flirt! Kung may matres ito ay malamang buntis na. She took out her phone because it is bebe time!

Baby Love: Hi Bhie! I am home... Game?

And she sent a photo of her lemons....




---

Maki Says: (Sorry mahaba, huwag niyo na basahin kung busy kayo, ilang araw ko sana kayong dededmahin at magiging cold author ferson 😆)

Huy may nagrereport ng mga pa-talong ko. Kayo ha. 😆 Baka pati lemon ayaw niyo rin.

Anyway! My Episode 3 on Spotify (The Slow Fix Podcast) is now out! I will appreciate your help in streaming and listening. Nariyan ang link sa ibaba, yung green wifi logo. Hihi

Kwentuhang Beauty Queen tayo. Next week na ang kwentuhang Macho Dancer. So make sure nakafollow kayo on The Slow Fix Podcast. 🙏🏻

Also, ang probinsya po ni Tori at ni Estancia sa Nueva Ecija ay nasalanta ni #KardingPH, we created a fund raising effort to help my kababayans at Jaen, Nueva Ecija. Salamat po sa nagpadala na. Nasa P12k na po ang ating ipon. 🙏🏻 Nasa last image ang detalye kung saan kayo makakapagpadala ng help.

We also reward best commenter at the end of every story! Comment away bawat chapter kahit shy type ka, hindi ka naman nila kilala. Again, good vibes lang. Mute naman ang para sa maldita.

Mga comment na namu-mute:

❌ Ang pangit ng story ni Author, paulit-ulit! -auto mute kasi panget pala so hindi para sa iyo ito. Huwag na tayo mag-utuan. I engage to my readers at mahirap makabasa ng mga ganito kasi nakakawalang gana kayo ng mga 10seconds. Mute lang ang pangrelease ko ng stress sa iyo, galit ka pa.

❌ Ang sama ng ugali ni Author- auto mute din kasi hindi ako magsusulat ng free para sa iyo, ito ang biggest love na ibinibigay ko sa mga taong hindi ko kilala. If you don't like my attitude, go away, we don't like you too.

❌ Nakakainis na ang mga characters (without context) - iba-iba ugali ng tao, hindi pwede lahat parehas mo mag-isip. Kahit nga ako, hindi ko sila kagaya mag-isip. Importante iyon for the plot build-up. Character flaws ang magdadala sa conflict. Gawin pa nating more technical, stories are either CHARACTER DRIVEN or PLOT DRIVEN- malapit na ako magtiktok content tungkol diyan.

❌ Ang rupok ng characters- Yes po, marupok po ang karamihan sa erotic romance. It is one of the formula, at baling-bali na nga ako sa formula dahil hindi ko naman na ito ipapasa sa publisher. I write as I please.

✅ If the story is not for you, please leave quietly. Stop ruining the writing and reading experiences of those who enjoys it, pinapainit niyo lang din ulo ng mga avid readers ko. Hindi naman po ako namemera kapalit ng oras ko. I don't get paid kahit nakapremium kayo or nanonood ng ads, paid stories lang ang chance namin to earn as of now and this is a free story. Klaro? Klaro!

At kung feeling niyo marami akong namute, sa true lang, angat na angat ang mga ito. Apat lang po kayo, mas marami pa ring lovable kaya hindi niyo ako maaawat. HAHAHAH


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top