Kabanata 18
The view was familiar. Lucian Monasterio invited prospect members on the island and organized an exclusive party for his birthday. The invitation was personal, and highly confidential. Kaya naman hindi na siya nagtaka na merong mga kilalang tao ang naroon. Some were closeted gays and youth leaders.
Kung hindi sana siya pinuwersa ni Lucian ay hindi na siya pupunta. Marami siyang problema sa pagbabalanse ng Herrera Petroleum at Tanjuatco Construction. However, the Monasterios were also an important part of their clients for both. He cannot afford to lose his friendship with them.
The ball was organized as an open beach party just outside the Monasterio Mansion. Kaya naman ang mga bisita ay naka beach outfit lang. May mga sulong pinaapoy sa kada limang yardang distansya sa tabing dagat. Cocktail tables surrounds the beach area. Endless servings of wines and cocktails were served. Nasa isang sulok lang si Wyatt. Kakatapos pa lang makipag-usap sa isa sa matagal nang kliyente ng Herrera Petrol.
Nanliit ang mata niya nang makakita ang isang babaeng papalapit sa direksyon niya. Wearing a bloody short dress was Rafaela Montengro. Mukhang kulang ang paalala niya sa babae na layuan siya nito kung makikita siya. She was smiling when she stopped in front of him. Problema. Yun ang tingin niya dito.
"Hi, Wyatt. You look great, as always." She showcased her perfect set of teeth. Rafaela's beauty didn't change much. She's still vibrant and always smiling. However, her taste, obviously became expensive. Nag-iba ang circle of friends nito mula nang makasal sa isang Montenegro. She became one of the most followed socialite because of her musings with expensive bags and shoes.
Kinuha ni Rafaela ang alak mula sa kanyang kamay at dinilaan ang labi ng baso nito. Tumalim ang tingin niya dito. "Rafaela, I am serious when I said I don't want to see you."
"Come on, Wyatt. Still mad?" Sumisim ito ng alak niya, "Don't you have a fetish to fck someone you are mad about? Hindi mo man lang ba ako gustong parusahan sa ginawa ko?"
Napapikit siya at napahilot ng puno ng kanyang ilong, sakit talaga sa ulo ang babae, "You don't want to see me mad."
Mahinang natawa si Rafaela, "Sabagay, you were never mad at me. Lagi mo akong pinagbibigyan. When I said I wanted to marry Ali, you let me." May pait na dumaan sa mga mata nito.
"It was your choice, Rafaela." Paalala niya. Naalala niya pa ang mga araw na umamin ito sa kanya na nakikipagdate kay Alejandro Montenegro, isang buwan din siyang nagduda at nagpakatanga bago kinompronta ang babae. She apologized that she cheated. She apologized that she was fcking Ali Montenegro behind his back. Sino ba ang makakapagpatawad ng ganon? Rafaela totally made him feel like a garbage.
Napayuko si Rafaela at sumimsim muli ng alak. Kumuha pa yon ng isa pang baso sa nagdaang waiter, hindi na nakapamili ng alak na iinumin. Nabawasan ang poise nito sa paraan ng pagtungga sa inumin. She almost finished it in one gulp.
"Ali was dating someone younger than me. I feel so worthless right now, that is why I am here. P*tangin*ng matanda, hindi na nga siya tinatayuan, ang l*bog niya pa!" Namasa ang magandang mata ng babae at inubos ang alak sa basong hawak. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ngayong makitang umiiyak ito. Ang tanging beses na nakita niya itong umiyak ay noong humihingi ng tawad sa kanya pero hindi niya pinakinggan.
Hindi niya binigyan ng rason para umiyak ito habang nasa piling niya pero ginago siya. Isa iyong suntok sa kanyang sikmura. "Again, it was your choice." Kalmado niyang sabi.
"Hindi mo man lang ako ipinaglaban, Wyatt. Sana ay nakiusap ka sa akin na huwag kang iwan. 'Di ba sabi mo mahal mo ako? Isinuko mo agad ako noong nagkamali ako?"
Tumiim bagang siya, napahampas sa cocktail table na nasa kanyang harapan.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Rafaela? Hindi pa kita napapatawad sa panloloko mo, ngayon ay sisisihin mo pa ako sa maling desisyon mo?"
Yumakap sa kanya si Rafaela, he smelled her familiar perfume. It used to calm his senses. Used to. But now he felt nothing but rage.
"Wyatt, I am so sorry... Please, take me back. I am wrong I know. Tatanggapin ko ang lahat ng parusa mo. Ang lahat lahat. Verbally, emotionally and physically, hurt me, I allow you. Just give me a second chance. I want to get away. Gusto kong takasan si Ali at ito na ang pinakamalayong mararating ko. Dito, pupwede kitang makausap. Dito, pupwede akong bumawi sayo." Desperadang nakiusap sa kanya ang dating nobya.
"Hindi mo naiintindihan, Rafaela. I still hasn't forgiven you."
"It is a good sign, right? At least you still feel something for me.."
Mahigpit na humawak ito sa kanyang braso at humilig sa kanyang balikat. "I missed you.." She whispered.
---
'Cannot text but I hope you are now sleeping. Stop binging on cartoons and junk food. Wish you were here.'
Miru felt gooey inside. Alam niyang walang telepono sa Temptation Island at kailangan pang sadyain ang lobby para makitawag o maki-text. Gusto niyang liparin ang kanilang distansiya o di kaya ay sabihin niya dito ang kanyang pagkainip dahil wala ito sa kanyang tabi pero pinigilan niya.
Wyatt was the first person to make her feel something like that. She felt so much longing that she could just sleep for another two days to see him when she wakes up.
"Naku, naku, naku, naku.." Sunod sunod na panunudyo sa kanya ni Melody. Kanina pa kasi niya tinititigan ang kanyang cellphone. Umaga pa niya nabasa ang mensahe pero parang hindi siya nanawa sa mga letrang iyon. "Inlove agad agad? Mahirap yan. First time. Lahat ng first time, masakit.." Napangiwi ito.
Umiling siya at umismid.
Ngumuso si Melody at itinulak ang baso ng mojito papunta sa kanya. "Namiss kita kaya on the house."
"Salamat pero hindi din ako pupwedeng uminom masyado."
"Ayon." Napakamot ng ulo ang kanyang kaibigan, "Meron na kayong rules? Hindi ka nagpaalam kaya bawal? That is not so you, girl! At hindi ko pa din siya napapatawad sa bomb scare para hindi ka lumabas ng bahay! Nagpasugod pa ako ng mga taga-Camp Crame dito to make sure!"
Naiiling siyang natawa, "Sorry for that."
Sumeryoso si Melody, "Alam na ba niya kung sino ka?"
Para isang batong dumagan sa kanya nang maalala ang gusot na iyon. Nahihirapan siyang kumalma kapag iniisip niyang kailangan niyang ibulgar kay Wyatt ang kanyang pagkatao. Lalabas na meron siyang motibo kung bakit nagkatagpo ang landas nila.
Damn it, meron naman talaga. Naging kyuryoso siya kay Wyatt dahil ito ang stepson ng sarili niyang ama. She literally googled him, his affiliations and interest. Kaya nga siya napadpad sa paghahagilap sa Temptation Island dahil mula sa isang reliable source niya ay miyembro si Wyatt doon.
"Mahirap kung hindi. Mas madali sana kung hindi kayo umabot sa ganyan. Bakit ba kayo umabot sa ganyan?" Strawberry mojito naman ang sinerve ni Melody sa kanya, isang inom lang ay naubos niya iyon.
"Anong ganyan?"
"Closeness. Masyado na kayong pamilyar sa isa't isa. You miss him. You are smiling like a fool! I bet doon sa isla ay ganyan din ang lalaking yon. Iniisip ka. Kinikilig sa'yo."
Pinipigilan niya ang mapangiti nang maisip ang pagngiti ni Wyatt.
"Huwag ko na lang kayang sabihin kung sino ako?"
"Ay grabe-teh, laos na ang tanga, ngayon pa? Nagba-viral sa social media ang mga tanga. One way or the other, malalaman din ni Wyatt yan. It is just a matter of time for him to know the truth. Dapat ay sa'yo na manggaling bago ka pa niya mahusgahan at mawala lahat yang rumaragasang kilig ang pagiging blooming mo! Isa pa, this is your birth right we are talking about. Hindi ba gusto mo ng sarili mong museum at art studio?"
Pinanood niya ang siksikang dancefloor at mataman na nag-isip. Pinagsisihan kung bakit hindi pa niya sinabi noon kay Wyatt kung sino siya. Well, kung sakaling sinabi niya, aabot kaya sila sa ganito?
---
Maagang gumising si Miru. Minove niya ang lahat ng assistance niya sa art museum kinabukasan. Ngayong araw ang dating ni Wyatt at gusto niyang surpresahin ito. She will pick him up at Monasterio Building. She's prepared to give him a mind blowing performance kahit saan pa sila abutan. Nababaliw na nga ata siya.
Tinapik niya ang kanyang sasakyan bago pinaandar iyon. She mentally told her old Honda car to behave and not to ruin her day. Baka mamaya ay topakin muli ang sasakyan at bumigay.
She parked in front of the building when she arrived. Natanawan niya pa ang paglanding ng helicopter sa tuktok mismo ng gusali ng Monasterio kaya napangiti siya agad. Lulan nito si Wyatt. Tiyak niya.
Sasalubungin niya ito sa lobby. Paniguradong masusurpresa ito. Nilisan niya ang kanyang sasakyan sa parking space nang may ngiti sa labi at pumasok sa lobby area. As the guests started to flow from the arrival area inside the building, nakangiti siyang naghintay habang sinisilip ang kanyang phone kung may mensahe na si Wyatt na nakarating na ito.
Minutes passed, napakunot ang noo niya nang wala nang lumabas pa mula sa arrival area, wala din ang anino ng binata.
"Miss, wala na bang guests sa loob?" Tanong niya sa stewardess na lumabas mula sa pinanggalingan ng guests. Ngumiti ito sa kanya.
"Meron pa po, Ma'am. Si Mr. Herrera po saka yung.." Nag-alangan itong ituloy ang sasabihin. "Confidential, Madam. I am sorry. This is still part of Tempation Island." Tumikom ang bibig nito at magalang na yumuko. Napaawang ang labi niya at napakunot ang noo nang makita ang pares ng sapatos na lumabas mula doon sa arrival area.
Una niyang nakita si Wyatt, nakangiti ito at sa braso nito ay nakakapit ang isang pamilyar na babae.
Rafaela Montenegro.
Hindi siya napansin ng dalawa at nilagpasan pa.
'Thank you so much. I really had a great time. Let's see each other again.' Narinig niya pang sabi ni Rafaela. May matinding kurot sa kanyang puso. No. Hindi iyon kurot kundi suntok. Napako na siya sa kinatatayuan at pinanood na lang ang likod ng dalawa na naghiwalay ang mga katawan nang may humintong puting SUV sa kanilang harapan. Parang nag-uusap ang mga mata nito nang sumakay si Rafaela sa sasakyan nito at alalayan ng driver. Kinuha niya ang pagkakataon para umibis at pasimpleng bumalik sa parking lot at kunin ang kanyang sasakyan.
She wanted to turn her phone off. But she chose not to. Ano ba ang dapat niyang ikahiya? Kung meron man siyang dapat ikahiya, yon ay ang para sa kanyang sarili.
Without a warning, she chose to bend her morals, her belief for a man, for once, she became like her mother. Isinangla din niya ang kanyang sarili sa taong hindi naman siya kayang tumbasan. She saw her phone ringing as she exited Monasterio Building. It was a call from Wyatt. Hindi niya iyon sinagot. Dumiretso ang sasakyan niya patungong Tagaytay ang pinakamalapit na pupwede niyang puntahan.
She booked herself on a motel and locked herself in the room. Hindi niya binuksan ang aircon. Pagod at malungkot siyang humiga sa malapad na kama.
Tatlong araw. Kung nagbago si Wyatt sa loob ng tatlong araw nitong pagkawala, siguro ay kailangan din niyang mawala ng tatlong araw para magbago ang nararamdaman niya dito.
--
Miru spent the whole night contemplating on where she get everything wrong. Sinisi niya din ang sarili dahil hinayaan niyang lumagpas pa ito sa linya pagkatapos ng kaganapan sa isla. She welcomed him in her life outside Temptation Island. Yun ang malaking pagkakamali niya.
Pinunasan niya ang luha at nag-email kay Mr. Deviche tungkol sa kanyang emergency leave. Sa linggo siya babalik. Sarado naman ang Museum 'non. She received a reply of acknowledgement from her boss. Ang mga choreography stints niya ay ipinasa niya din sa iba at humingi din ng pasensya.
Pinapanood niya lang na tumunog ang cellphone niya at wala siyang balak na i-charge iyon hanggang sa maubos ang battery. This is the only good thing about not having a family. Walang maghahanap sayo kung gusto mong magtago at sarhan ang mundo sa likod mo. Wyatt's looking for her, indeed. Panay ang tunog ng cellphone niya mula sa mensahe dito. Kinailangan niyang i-silent ang cellphone niya dahil walang patlang iyon sa pagtunog.
Tumaas ang kilay niya nang makitang tumatawag naman sa kanya si Esmeralda Tanjuatco.
It is a trap, Miru. Sabi niya sa sarili.
Nang hindi niya iyon sagutin ay pumasok ang mensahe nito.
'Darling, where are you? I am so worried my dear. Wyatt's not home as well. He looks worried.'
She scoffed. Malamang ay nakipagkita lang ito kay Rafaela.
Or not..
Dahil nang tumunog ulit ang cellphone ay nakita niya ang pangalan ni Melody.
'Girl, where are you? Halos pigain ako ni Wyatt para sabihin ko kung nasaan ka. Eh hindi ko nga alam na nawawala ka. Nung sinabi kong nandito ka kagabi para mapakalma siya, ayun lalong nagalit, may kasama ka daw ba kagabi? Siyempre wala 'di ba? Umuwi ka nga agad!'
Inirapan niya ang kanyang cellphone. Wala siyang sinagot ni isa.
Humiga siya sa kama nang walang laman ang sikmura. Wala namang nagsabi sa kanyang mag-hunger strike siya pero wala talaga siyang gana. There are problems that she can just sleep through, and she hopes that this one is that. That she can clear her head after sleeping. Nag-vibrate muli ang cellphone niya. Sinilip ang mensahe.
'Baby, where are you? I am worried. If you don't want to see me, just let me know that you are okay. Please.' Parang naririnig niya sa utak niya ang desperadong boses ni Wyatt.
Paano naman kaya niya nalaman na ayaw ko siyang makita? Sumimangot siya at inilayo sa kanya ang cellphone niya. Pumikit siya at pinilit na matulog. Nagising siya kinabukasan dahil naramdaman niya ang pag-alog ng kanyang hinihigaan. Pakiramdam niya pa ay nananaginip siya nang magmulat dahil sa nakakahilong lugar siya nagising, kaya pumikit siya ulit.
Of course she knew where she was. Nasa loob siya ng inn. Napabalikwas siya ng bangon. Pero imbes na mapaupo siya sa 'kama' ay napigilan siya ng seatbelt. Seatbelt? Bakit may seatbelt?
"Good morning."
Napalingon siya sa kanyang tabi. Napaawang ang labi niya nang makitang si Wyatt iyon, nakatukod ang kaliwang siko sa bintana at ang isang kamay ay nasa manibela, tamad na nagmamaneho sa gitna ng naghahating dilim at papaliwanag. Where the hell are they, really?
"B-bakit, p-paano--, s-sino—"
"I traced all the possible places that you might be. I am so stupid not to think that you went at Monasterio Building this afternoon to pick me up."
"H-hindi ah! Bakit naman kita susunduin?"
"Then why did you arrive exactly on my arrival time? Lucian saw you waiting for me."
"T-that is so presumptuous! Advance ka na din mag-isip?"
"Then what are you doing there? May iba ka pang iniintay?"
Naiinis siyang humalukipkip nang maalala si Wyatt at si Rafaela na lumabas ng arrival area.
"Yes, I was submitting a new application."
"None was submitted. You were there for me." Giit nito.
"Bakit ba?! Kung iniintay kita, sana nagkita tayo! Saka bakit, bakit mo ako kinuha sa hotel room ko?"
"It was not even a hotel, it was just an inn and it was not safe. I just gave them one thousand pesos and they gave me the access to your room. Don't start asking how the hell I got here, Miru but I seriously been to hell to find you. Natagalan ng kaunti pero nakarating ako."
Natagalan? Hindi pa nga sumisilip ang araw, nakita siya agad nito. And he looks really pissed.
"Bakit ka ba tumatakas ng ganon? Kapag ba nagseselos ka, hindi ka talaga manghihingi ng paliwanag? Pano tayo magtatagal niyan?" Hinampas nito ang manibela. Sunod sunod ang tanong nito at napakurap kurap siya.
Alin ba ang dapat niyang sagutin doon?
"Relasyon? Wyatt, nagzipline ka ba sa isla at naalog yang utak mo?" Natatawa niyang balik-tanong. "Kailan ba tayo nagkaroon ng relasyon?"
Binasa niya ng dila ang pang-ibabang labi niya, "Di ba sabi ko, akin ka? Di ba sabi ko, papakasalan kita? Sinabi ko 'yon sa harap ng mga bata. Kailangan ko pa bang ulitin?"
Pinanlamigan siya ng sikmura, aba, teka lang. Masyado namang biglaan.
"I saw you with Rafaela."
"Nagkita lang kami doon."
"And you want me to believe you?"
"Because that's the truth!"
Nailing siya. Hindi pa din siya kumbinsido. "Her arms were wrapped around you."
"She injured her ankle."
"Masyado mo sigurong ginalingan kaya nasaktan."
"We did not fck. For fcksake, Miru. You are so frustrating!"
"You are so frustrating too and where are we going?"
Papanipis at papaakyat ang kalsada nilang dinaraanan, sa gilid ay matarik na bangin. Hindi kaya ihuhulog siya ni Wyatt pagkaakyat nila sa tuktok? Goodness, mukhang nabadtrip niya ng husto ito dahil sa pagiging missing in action niya.
Pumasok sila sa isang malawak na entrada ng isang establisyemento. Merong welcome headquarters na kulay puti ang pintura at glass wall naman ang nagsisilbing dingding. May tatlong receptionist ang naroon. Sila ang tanging sasakyan ang naka-park. Siguro dahil ay madaling araw pa kung tutuusin.
"Wala pa akong tulog. I cannot drive you like this. I need to rest." Pinagbuksan siya ni Wyatt ng pinto ng sasakyan at sumunod siya dito. Nagpareserve ito ng kuwarto sa resort doon sa tatlong receptionist na hindi na itinago ang kilig at dinaig pa ang nakalaklak ng kapeng barako dahil gising na gising, pero decaf ang nainom nilang kapeng barako kasi hindi man lang ito kinabahan na may kasama ang lalaking pinagnanasaan nila.
Sa pag-uusisa niya sa mga posters ay nalaman niyang nasa Nasugbu, Batangas sila. Bumalik sila sa sasakyan ni Wyatt matapos mag-book para magmaneho na ito patungo sa mga cabins. There were only six cabins that all looked alike. Sa di kalayuan na matatanaw pa din sa stretch ng beach ay mga nakaparadang bangka na kumikilos na para mangisda.
This is no Temptation Island but it almost breathe the same vibe. Hindi niya tiyak kung madaming tao dahil madilim pa naman talaga pero sa uri ng katahimikan dito, mukhang hindi nga ito dinadagsa ng bakasyunista kahit sobrang ganda. This seems like a hidden gem.
Wyatt crashed on the bed after he removed all his clothes except for his briefs. Antok na antok ang mga mata nito at nakakaawang tingnan. Iniunat nito ang isang kamay na parang inaabot siya. Lumapit siya at umupo sa kama sa tabi nito.
"Kapag selos, selos lang, walang taguan." Nakapikit na sabi nito.
"Hindi mo na sana ako hinanap kung mapapagod ka ng ganyan."
"I missed sleeping beside you. Come here. Let's sleep first and talk later."
Tututol sana siya pero mukhang pagod na pagod ang binata base sa namimigat na mata. Humiga siya sa tabi nito at agad na sumiksik sa kanya si Wyatt at saka siya ikinulong sa yakap.
"I forgive her."
"Hm?"
"I need to forgive Rafaela to show you that I no longer feel anything to anyone anymore. Sa'yo lang ako, Miru. Always remember that."
♁☆♁☆♁☆♁☆
Magthank you kayo kay @kittyveena kasi namflood para maka300 kayo! Hindi ako peymhor. hahaha Gusto ko lang maramdaman na may nagbabasa kahit papaano. Nagtatampo na sa inyo si RD kasi ang tamad niyo daw magcomment sa story ko! Hindi ata maganda! Char!
Last few chapters pero mahaba naman ang bawat update. Huwag na kayong malungkot.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top