Kabanata 11
Walang inaksayang panahon si Miru nang marating nila ang cabana. Ipinanalangin niyang wala pang gumamit noon o di kaya ay naglinis. Binuksan nila ang maliit na rechargable lampshade na nagbigay ng sapat na liwanag sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa sahig pa din ang bracelet.
Pinulot niya iyon at hinalikan.
Thank God, Salamat Mama. Kaya lang putol na..
Marupok na ang yarn dahil sa luma na. She's using the bracelet all her life. That's the only remembrance from her mother, the only remembrance of a family she once had.
"Is that it?" Kyuryosong tanong ni Wyatt sa kanya. Mukhang hindi pa nito napagtanto na ang manipis na tali ang 'bracelet' na kanyang hinahanap at iniyakan pa. Of course, the weight of things varies from person to person. Ang mahalaga sa isa ay not necessarily mahalaga din sa iba.
"Yes, this is it."
Mas lumapit pa sa kanya si Wyatt at hinawakan din ang bracelet, gusto niyang ilayo iyon pero huli na. "Sira na." Bulong nito na hinahaplos ang magkabilang dulo. "Do you want me to fix it?"
Hinablot ni Miru ang bracelet mula sa binata, "You cannot just fix it. Hindi mo na ito maibabalik sa dati." Defensive na sagot niya.
"I can't. But we can enhance it to make it tougher. Gagawin ko." Determinado ito. Unti unti niyang niluwagan ang kamay niya at iniabot iyon kay Wyatt. Maingat nitong inilagay ang bracelet sa bulsa ng suot nitong shorts. "Huwag ka bigla biglang umiiyak ng ganon." Ngumuso ang binata. His eyes suddenly turned confused from brooding and dark.
Tumayo siya sa harapan nito at kunot noong pinakatitigan si Wyatt pero muling iniiwas nito ang mukha.
"Bakit?"
Hindi ito umimik. Mahina niya itong itinulak sa dibdib. "Bakit?" Ulit niya ng tanong.
Wyatt has always been a puzzle. Push and pull ito. Sala sa init, sala sa lamig. Wait, hindi ba't ganoon din siya? She's even beginning to think that they mirror each other.
"Nag-aalala ako."
"Hala!" Di niya mapakawalan ang pagngisi, "May gusto ka sakin 'no? Crush mo ako?" Panunukso niya. Sa likod ng kanyang isip, mukhang kung parehas sila ng ugali ni Wyatt ay mag-aalala din siya dito kalaunan, at crush din niya ito?
Sinamaan siya ng tingin ni Wyatt. Mukhang sinasabing mali siya.
"I just don't want to see women crying. May naaalala ako."
Nawala ang ngiti niya sa labi. Maybe his ex? He still remember her? She's that important, huh? Nawalan siya bigla ng gana na magtagal pa sa cabana.
Oh my, Miru. Mukhang crush mo nga siya!
"Balik na tayo sa isla?" Anyaya niya pero hinuli ni Wyatt ang kamay niya. The feel of his rough and huge hand against her made her knees weaken. Pinipigilan niya ang pamumula ng pisngi. Hindi siya pupwedeng magkaroon ng crush! Priorities muna bago landi.
"I haven't had dinner yet. Cook for me."
Pinag-isipan niya pa kung pagbibigyan niya si Wyatt. Inuutusan siya nito, dapat ay hindi siya sumunod pero nang makita ang gwapo nitong mukha isabay pa ang malambot na ekspresyon ay hindi niya ito matanggihan.
Goodness, Miru. Mamili ka ng ibang crush, huwag si Wyatt!
This is just cooking, alright. Nag-tungo sila sa common area at dumiretso siya sa ref para maghanap ng mailuluto. She saw huge tiger prawns that was not there early this morning. It is probably fresh. Kinuha niya iyon at naghanap ng gulay para sa lulutuin niyang sinigang na sugpo. Natigilan siya nang magpapakulo na ng tubig sa kaldero nang may maalala bigla.
"Do you have any allergies?" Tanong niya kay Wyatt na pinapanood siya mula sa bar stool sa harap ng bar counter. What now, is this getting to know each other stage? Susog ng kanyang isip.
Umiling ito at ngumiti. Her insides melted, ang sarap ngumiti ng binata. Parang hindi para sa kanya iyon pero gusto niyang angkinin. Kinailangan niyang kurutin ang palad para hindi mahipnotismo sa bago niyang nadiskubreng crush.
"Ikaw?" He asked.
Nag-isip siya. "Sa alikabok. Pollens. Animal furs."
"So you can't pet?"
"Pwede naman." Tiningnan niya ang bagay sa pagitan ng hita ni Wyatt. Mahina itong natawa at tumayo nang makuha ang kanyang ibig sabihin. Lumapit ang binata sa kanya at hinawakan ang parehas na beywang niya mula sa likod. Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay kahit na umiinit ang kanyang pakiramdam.
"Kinikilig ka." Akusa niya dito. "Kasi may gusto ka sa akin."
"I'll help you cook." Pag-iiba nito ng usapan. Nanatili si Wyatt sa kanyang likod habang nagluluto siya. Gumalaw sila sa maliit na kitchen. Tinuruan niya ito kung paano magluto sa rice cooker. Napabilis tuloy siya. Inihanda nila ang plato para sa dalawa. Kumuha din sila ng wine para pagsaluhan pagkatapos kumain. She's not really hungry but she wants to eat with him while chatting.
It was a rare occurrence she ate with someone. Noong naulila na siya sa ina, hindi niya minsan nakasabay ang mga kaanak niyang kumupkop sa kanya para kumain. Hindi naman siya inaalok ng mga ito kaya kumakain na lang siya tuwing gusto niya.
"Masarap."
Tumaas ang kilay niya kay Wyatt na may mapaglarong ngiti, "Ako?"
"Pwede." Kibit balikat nito.
They casually talked about their college days. Ikinuwento niya ang nakukuha niyang scholarship dahil sa pagsali sa dance troupe.
"I survived Fine Arts because of my boyfriends, mainly." Pagmamalaki niya. Tumaas ang kilay ni Wyatt at napawi ang ngiti sa labi. "They gave me art materials I can't afford." Aniya. Malungkot siyang ngumiti, "I was once a fast food crew, pangrenta ko lang ang sahod ko ng boarding house at pangkain."
Nagtiim bagang si Wyatt. Ngumisi muli siya, hindi alintana ang pagsimangot nito. "'Yang tingin mo, hinuhusgahan na ako agad. Kailangan kong kumapit sa patalim. And Adrian, iyon ang pinakamayaman sa lahat ng naging boyfriends ko noon. They own a famous fastfood chain and I was really spoiled. He gave me art materials good until I graduate. Kahit hiwalay na kami ay tinutulungan niya ako—"
"Can we not talk about him?" Mahinang hinampas ni Wyatt ang lamesa para patigilin siya.
"Uy, nagseselos." Pang-aasar niya. Hindi ito tumanggi. Pilya siyang tumayo at umupo sa kandungan ni Wyatt. Hindi siya hinawakan nito, para lang tuloy siyang nakaupo sa upuan. Malambing niyang inihilig ang ulo sa dibdib ng binata. Naririnig niya ang malakas na tibok ng puso nito.
"He's here at the island." Bulong niya.
"I said, stop talking about him. You wouldn't listen, would you?"
"Sinasabi ko lang naman. Ang sungit sungit mo. Kaya wala kang nagiging girlfriend."
"I don't want a girlfriend."
"Yeah right. Hindi ka pa din nakakamove on sa ex mo. Sino ba yun?"
"Rafaela Montenegro."
Akala niya ay hindi sasagot ito. Pero mukhang 'getting to know stage' nga sila ngayong gabi. Hindi niya alam kung ipagpapatuloy pa niya ang pagtatanong. Hindi nito itinanggi na hindi pa nga ito nakakamove on. At gulat siya nang malaman kung sino ang dati nitong kasintahan.
She met Rafaela at Deviche Museum where she works. Mahilig ang asawa nitong si Mr. Alejandro Montenegro sa mga stained glass art at madalas itong bumili. However, Ali Montenegro is an old billionaire, figuratively and literally. Mahigit kalahati ata ang tanda nito kay Rafaela sa tantiya niya. Mas matanda pa nga si Mr. Montenegro sa kanyang ama na si Lemuel base sa dami ng kulubot nito at sa bagal sa paglalakad. He could pass as Lemuel's father even.
"She's.. She's beautiful." Gumuhit sa kanyang isip ang imahe ni Rafaela. Tall, modelesque and skin as white as snow. Perpekto ang bawat kurba sa katawan nito at ang pagkakalilok sa mukha. Rafaela has a long jett black hair that reaches her waist, that could bag her a role as a shampoo commercial model. Maamo ang mukha nito. No wonder the likes of Wyatt would fall for her.
"Yes, she was."
Imposible pala talagang maging crush siya ni Wyatt kung ganoon ang tipo nito. Naging asyumera lang siya kanina.
Pumait ang lasa ng pagkain sa kanyang dila. Unti-unti siyang nawalan ng gana. Mabuti na lang at nakatalikod siya kay Wyatt kaya hindi nito mapapansin ang reaksyon niya. Yun nga lang ay hindi na niya sinundan pa ang kanyang tanong. Naramdaman na lang niya ang paghalik ni Wyatt sa kanyang leeg pagkatapos ng kanyang pananahimik. Masuyo iyon at maingat.
"What do you want to do?"
Gusto niyang pag-usapan si Rafaela. Masokista din pala siya. Kahit mapait ang dating nito at isang suntok sa kanyang sikmura, gusto niyang marinig kung paano ito purihin si Wyatt. Girls, why do we have to be like this?
"Why did you break up?"
"She found a better man. Rafaela is matured in all terms, the reason why I liked her. We were young, I searched for adventure, she longed for stability. We just fell apart."
"Ah." Ang tanging naisagot niya.
"Hindi niya ako inintay."
Hindi siya umimik. Now, she understands. Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Their priorities were of wrong timing. Kagaya nila ngayon. Wyatt is now stable. While she's searching for adventure. Pinagalitan niya ang sarili sa pag-iisip ng ganon. It is like comparing apples to oranges. Wala siyang kinalaman sa buhay ni Wyatt bukod sa isang taong nagbubuklod sa kanila. Si Lemuel Tanjuatco iyon.
Hinawakan ni Wyatt ang kamay niya at muli siyang hinalikan sa pisngi. Pakiramdam niya ay namatayan siya. Sige, tanong pa. Masokista nga talaga siya. Bubukas pa sana ang bibig niya nang pisilin ni Wyatt ang kanyang kamay.
"Jealous?" Mababa ang boses nito at nadama niya ang mainit na hangin mula dito sa kanyang tainga.
Napaawang ang labi niya. Was he seriously asking her that? He shouldn't ask that!
Mahina itong natawa at malambing na kinagat ang kanyang balikat. "Wala na akong pakialam sa kanya."
"I am not asking."
"I am just saying."
Naiinis pa din siya. Hindi niya ginalaw ang baso ng wine sa kanya tabi, baka kapag malasing siya ay ilabas niya ang nilalaman ng puso niya ngayon. What? She couldn't just blurt out that she realized that she has a crush on him. That's plain stupid. Of course, he's a pretty face and hell, a nice body. But that's funny because she still hates his guts.
Napansin ni Wyatt ang pananahimik niya, tumayo ito at lumapit sa bar counter at may ginawa doon, hindi siya nagtanong kung ano. She could hear the sharp ice crushing inside the blender, maya maya pa ay lumapit sa kanya si Wyatt na may dalang baso.
"This is the only thing I know how to make. My mom taught me this because she'll be gone the whole summer. Pineapple slush, pampalamig ng ulo." Makahulugan ang ngiti nito. Umirap siya. Makasalanan talaga ang lalaking ito. Nakakainis ang nakakaloko nitong ngiti na para bang may alam ito sa kanya.
She sipped on the glass and somehow, it made her feel better. Pinanood siya ni Wyatt habang umiinom sa baso.
"I never had anything like this when I was a kid." Panimula niya muli ng panibagong usapan. "I ended up not tasting one except for water and coffee." Mapait niyang naalala kung paano siya binago ng kabataan niya. She cannot afford things and she's used on not wanting to have it. Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya nagkaroon ng pangmatagalan na crush o nagkaroon man lang ng attachment sa tao. Things are seasonal, people come and go. And when it comes to people leaving, it is painful to see.
Mayroong kakaibang naglaro sa mata ni Wyatt. Pagtataka? Awa? She doesn't know.
"Inaantok na ako." Nag-inat siya pagkatapos maramdaman na hindi na siya kumportable sa mainit na tingin ni Wyatt. Tumango ito at nagtungo sila sa cabana. She wanted to concern that they'll be sleeping in one bed but she's too sleepy. Nang mahiga na sila sa kama ay agad na bumalot ang braso ni Wyatt sa kanyang tiyan. Ang mga labi nito ay lumapat sa kanyang batok. Cuddle. She never had anyone cuddled her. She never had anyone on her bed. It was the first time that she'll be with someone.
And it felt great.
"I can make you slushies anytime you want." Bulong ni Wyatt sa kanyang batok. "Different kinds. Whatever you want."
She smiled because of the warm gesture, "Thank you."
Nakatulog siya na parang inuugoy. Sa unang beses ay nakatulog siya nang hindi malungkot at may mahigpit na kamay na hindi siya pinapakawalan.
---
Miru's frowning but he will not let her. Ang tigas talaga ng ulo. She could be in a dictionary to replace the word stubborn, it is now Miru for you, people.
"Ayoko nito." Masama ang tingin ni Miru sa kanya nang papaalis na sana sila sa isla. She's wearing his shirt on top of her lingerie. Maluwag tuloy iyon at halos umabot sa tuhod.
"It is broad daylight, Miru!" Pagalit niya, "You really want to walk at the island almost naked?"
"Everyone's naked out there!" Hinubad ni Miru ang damit niya at napatiim bagang si siya. Hindi talaga siya susunod. Her lingerie is already teasing at night and it looks so wild in the morning with her messy hair and creamy skin. Naiiling siyang sumakay sa jetski, sumampa si Miru sa likuran niya at kumapit ng mahigpit. Wyatt started the engine and maneuvered the jetski back to the island. Isiniksik ni Miru ang katawan nito sa likod niya kaya mas binibilisan niya. Mabilis tuloy silang nakarating sa main island.
Akmang bababa sa jetski si Miru pero kinuha niya ito agad at binuhat na parang bata. Malalaki ang hakbang niya kalaban alon sa pampang. Naiinis pa din.
"What are you doing?" Tanong ni Miru sa kanyang leeg habang buhat niya.
"Ayaw mong sumunod." Naiwan niya ang tshirt niya sa kabilang dako ng isla kaya magkadikit ang init ng kanilang balat. Napamura siya sa kanyang isip sa nararamdaman na pag-init ng katawan. Miru's legs were wrapped on his waist and her arms were clinging on his neck. Damn.
"Oy, Wyatt.." Lucifer Monasterio was smirking when he saw them. "We have a breakfast meeting at the café. Pupwede mong isama si Miss---"
"She's not coming."
"What?" Inis na nag-angat ng ulo si Miru pero itinulak niya yon papabalik ng kanyang leeg gamit ang kanyang kamay.
Sumabog ang tawa mula kay Lucifer na napapailing. "Smitten as fck. Tngina ka. Noted, Pare. Noted."
Nagtiim bagang siya. Smitten? That cannot be true. Itinulak niya ang pinto ng cabin ni Miru at maingat na ibinaba ito sa kama. Nakasimangot ito sa kanya at humalukipkip. She's really bratty! How can she be raised in poverty? May mahirap bang ganito kung umasta? High and mighty. Bossy.
"I was invited at the breakfast meeting! I want to go! Baka pupwede ko na ipakiusap ang membership—"
"You are not going anywhere, Miru. Read books, play cards, whatever."
"But I am hungry!" Reklamo ng dalaga. "And you'll have sumptuous breakfast with your friends? How unfair is that! I am coming with you."
Mahinang napamura si Wyatt dahil sa katigasan ng ulo ng kaharap. Kinuha niya ang telepono at nagdial ng restaurant.
"Please send a breakfast for two at room seven."
"Hey." Inis na untag sa kanya ni Miru pero wala na itong magawa. Nagmartsa ito patungo sa closet at ibinato sa kanya ang isang puting robe. "You don't just walk around half naked. Hihigpitan mo ako? Hihigpitan din kita."
For what, right? He doesn't know. Naiiling niyang isinuot ang robe. Funny, sumunod nga siya sa utos nito. Pinanood niya din si Miru na isuot ang sariling robe.
Lumabas sila sa cabin para mag-intay ng breakfast. Sa lamesang pandalawahan ay parehas silang nagbabatuhan ng matatalim na tingin.
"You are so controlling." Sabay na sabi nila sa isa't isa.
"So you hate me now?" Sabay muli nilang sabi.
"Yes, I hate you."
Nagkatinginan sila sa sabay na sabay na pagkasabi nila non. Gusto niyang sumimangot pero hindi niya napigilan ang lumabas na ngiti saka kanyang labi. He suddenly felt being overly mushy. He doesn't remember smiling this much. Ilang araw na siyang napapangiti ng dalaga. Napangiti din si Miru at tumayo para tunguhin ang puwesto niya. Bumagsak ito sa kanyang kandungan. Tinanggap niya ito at ipinalupot ang braso nito sa dalaga. She's so soft, small and cuddly, plus she smelled like fresh strawberries. Ang sarap yakapin. Ah, the wonders of life!
"You don't really hate me." Akusa sa kanya ni Miru. "You like me."
Was he really that obvious that he's beginning to like her?
"You really are confident."
"I am. Who wouldn't like me?"
"I don't." Kitang kita niya ang pag-nguso ni Miru dahil sa kanyang sagot. Pinipigilan niyang matawa sa disappointment sa mukha nito.
"Okay." Inalis nito ang kanyang braso mula sa pagkakapalupot at tumayo na papasok muli ng cabin. Pabagsak nitong ibinagsak ang pinto. Napaawang ang labi niya. Mabilis siyang tumayo para subukin niyang pasukin iyon pero nakalock na.
"Fck! Miru! Open the damn door!"
Wala siyang sagot na natanggap. He started to frustratedly bang the door.
"Damn it. Fine! I like you! I like you so much!"
Hahampasin pa sana niya ang pinto nang bumukas iyon na maluwag ang ngisi ni Miru. "Talaga?"
He was taken aback. Binibiro lang siya ng dalaga. Hindi niya dapat sinabi iyon. Confusion started to creep to his system. He doesn't want her to see through him. Not Miru. There are things that is okay to feel but not okay to show or tell. People, its nature is to demand and to get more than what is due if you let them know that they have power. They can hurt or even kill you.
His heart started to beat so fast in a way that he hates it.
"I am just kidding. Wait for your breakfast. I will meet my friends." Stoic na sabi niya pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Ang pronunciation po ng Wyatt ay WA-YAT.
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top